Pages

My Writer Life

Friday, January 22, 2016

I Won't Ever Leave You - Chapter 2

"A-ANGELA? Angela, ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit ka nagkaganyan? Sino'ng may gawa nito sa iyo?" sunud-sunod na tanong ni Alexis sa dalagang nasa wheelchair habang hawak na niya ang kamay nito.

Tiningnan niya si Elizza subalit umiling lang ito.

"Don't even try to talk to her, Kuya. It's useless."

"Gaano katagal na siyang ganito?"

"Eight months, to be exact."

"This can't be true!" hindi niya napigilang ibulalas habang hawak pa rin niya ang kamay ni Angela at nakatingin siya sa dalaga.

"Alam kong magagalit ka sa amin, Kuya. Kaya lang, we have to--"

"Nangako ako sa inyong lahat, hindi ba? Hindi ako galit sa inyo, okay? All I want is an explanation sa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya."

Namayani ang katahimikan sa paligid. 'Di nagtagal ay nagsalita si Joel.

"Ako na lang ang mag-e-explain ng lahat sa iyo, pare. Pero gusto ko talagang mag-sorry sa pagtatago nito sa iyo. Hindi lang ako kundi lahat kami, gustong mag-sorry sa iyo. Pati na rin si Papa at si Tito Javier."

Mayamaya ay napabuntong-hininga si Joel.

"Anyway, ganito ang nangyari. One more before you left, alam nating lahat na nagkaroon ng plane crash malapit sa islang binili ni Tita Isabella and none of the passengers and the crew survived. Or so we thought. Ang totoo ay may nakakita sa katawan ni Angela two days after that. Mga mangingisdang nagkataong nagawi roon at dinala nila si Angela sa isang pagamutan sa bayang iyon. At nang nagkamalay siya, wala na siyang matandaan. Alex, nagkaroon siya ng amnesia."

"Amnesia?"

"Oo, Alex. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nakauwi kaagad dito. Umabot ng tatlong taon ang amnesia niyang iyon. Bumalik lang ang alaala niya nang mabagok ang kanyang ulo dahil sa pagkakahulog niya sa isang mataas na puno."

Sinulyapan ni Alexis si Angela na nakatulala pa rin.

"Ano'ng nangyari matapos ang tatlong taong 'yon?"

"Nang makauwi si Angela rito, balak talaga naming sabihin sa 'yo na buhay siya. Kaya lang ay pinigilan niya kaming gawin iyon."

"Bakit naman?" takang tanong niya.

"Mas makakabuti raw iyon, sabi niya. Itinago niya sa iyo ang bagay na iyon upang mailayo ka sa panganib. Dahil oras na malaman nilang may koneksyon ka kay Angela ay malalagay ka sa alanganin. Matagal na nilang target si Angela dahil na rin da galing niya sa paglutas ng mga kaso at tayong lahat ay alam ang bagay na iyon."

Nangunot ang noo ni Alexis.

"Ang ibig mong sabihin, sinadya ang plane crash na 'yon para patayin si Angela?"

"Iyon ang hinala namin noon. At napatunayang totoo 'yon nang mahuli ang isa sa may kagagawan ng plane crash. Umamin ito na ang talagang target nila ay si Angela. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nahahanap ang utak nito."

"Pero bakit siya nagkaganito, Joel?"

Napabuntong-hininga ito.

"Dahil sa isang car accident. Base sa mga nakalap naming impormasyon, may balak na takasan si Angela noong gabing naaksidente siya."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"May mga nakakita noon sa mabilis na pagpapatakbo ni Angela ng kotse niya. Nakita rin nila na may tatlong klaseng humahabol dito at dahil sa sobrang bilis, hindi na niya namalayan na may nakasalubong siyang isang ten-wheeler truck. Umiwas siya sa truck pero dumiretso naman ang kanyang kotse sa isang may kalalimang bangin."

"Masyado bang malala ang mga sugat na tinamo niya sa aksidente?"

"Hindi naman. Pero naapektuhan ang spinal cord niya na naging dahilan ng pansamantala niyang pagkalumpo. Nagkaroon din siya ng head trauma kaya ganyan siya ngayon."

Hindi na malaman ni Alexis kung ano ang iisipin matapos marinig ang kuwento ni Joel sa kanya. Sa sobrang kalituhan ay nanghihina siyang napaupo sa silya na malapit sa kinatatayuan niya.

Nasapo niya ang kanyang noo dahil sa dami ng isipin. Habang sapo ang kanyang noo ay sinulyapan niya si Angela.

Bigla siyang nilapitan ni Don Javier.

"Anak, ang mabuti pa ay umakyat ka muna sa silid mo at doon magpahinga. Alam kong napagod ka sa biyahe."

Tumango na lamang siya.

Tumayo siya at akmang maglalakad na pataas nang may mapansin siyang kakaiba na agad namang napansin ni Cecille.

"Bakit, Kuya?"

"Nasaan si Tita Criselda?" naitanong niya sa kapatid nang mapansing kulang ang mga taong sumalubong sa kanya.

"Wala na siya, Kuya," malungkot na sagot ni Elizza.

"What do you mean, wala na siya?"

"Napatay siya, Kuya. Mom was killed the night na naaksidente si Ate Angela. Sa pareho pang paraan ng pagpatay nila kay Tita Isabella," wika ni Kevin na malungkot ang mukha.

Hindi na umimik si Alexis. Dire-diretso siyang umakyat papunta sa kanyang kuwarto.

Pagpasok niya ay agad na humilata sa kama at pumikit. Inilagay niya ang kanyang braso sa mga mata.

At sa pagpikit ng kanyang mga mata, unti-unting bumalik sa kanyang alaala ang mga masasayang pangyayari kasama ang babaeng naging dahilan kung bakit hindi niya nagawang magmahal ng iba sa loob ng nakalipas na sampung taon...

xxxxxx

MATAGAL nang magkaibigan ang pamilya ng mga Cervantes at dela Vega kaya naman close sa isa't-isa ang lahat. Subalit mas malapit ang kalooban ni Alexis kay Angela, ang kakambal ni Aaron at ang pang-apat sa magkakapatid na dela Vega.

Lingid sa kaalaman ng dalaga ay ito ang babaeng matagal nang mahal ni Alexis. Ito ang dahilan kung bakit sa edad na beinte-dos ay hindi pa siya nagkakanobya.

Madalas silang mangabayo sa kanilang rancho at ang dalaga rin ang madalas niyang kasama sa pamamasyal dito.

Isang araw ay pareho silang nagtungo sa kagubatang pag-aari ng dalawang pamilya gamit ang kanilang mga kabayo kung saan madalas silang maglaro rito noon.

"Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta rito," nakangiting wika ni Angela habang pinagmamasdan ang malagong kagubatan.

"Hindi ka ba pumupunta rito kahit na mag-isa ka?"

"Hindi."

"Bakit?"

Tinitigan siya ni Angela na bahagya niyang ikinagulat. Pagkatapos ay nginitian siya nito ng ubod ng tamis.

"Dahil... hindi masayang pumunta rito 'pag hindi ka kasama." Pagkatapos niyon ay bumaba siya sa kanyang kabayo.

"H-ha? A-ano ba'ng pinagsasasabi mo, ha?" tanong niya habang bumababa rin sa kanyang kabayo.

Napabuntong-hininga ito.

"Lately ko lang kasi na-realize ang isang bagay, Alex. Isang bagay na alam kong babago sa buhay ko," seryosong wika ni Angela habang nakatalikod sa kanya.

Lihim niyang ikinagulat ang ginawang pagtawag sa kanya ng dalaga na "Alex" dahil "Kuya Alexis" ang madalas na tawag nito sa kanya.

"Hindi ko yata maintindihan, Angela."

Humarap sa kanya ang dalaga na nakangiti.

"Next time mo na lang malalaman 'yon. Kapag ready na ako, okay?" Akmang tatalikod na si Angela nang bigla niya itong hawakan sa braso na ikinagulat ng dalaga. Napatingin ito sa kanya.

"Dito ka muna... sa tabi ko... Angela."

"B-bakit?"

Nanlaki ang mga mata ni Angela nang biglang hapitin ni Alexis ang baywang ng dalaga at yakapin ito nang mahigpit. Hindi malaman ng dalaga ang gagawin lalo pa't biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso habang humihigpit ang yakap nito.

"Huwag ka munang aalis... sa tabi ko, Angela."

"A-Alex..."

Lalong humigpit ang yakap niya kay Angela na tila ba ayaw niyang pakawalan ito.

Na lalong ikinalito ng dalaga. Bakit bigla siyang niyakap ni Alexis?

Siya lang ang nakakaalam ng dahilan kung bakit niya niyakap si Angela. Gusto niyang iparamdam dito na mahal niya ito. Kahit alam niyang malabong tugunan iyon ng dalaga dahil pagtingin lamang ng isang kapatid ang ipinupukol nito sa kanya.

"Bakit... Alex?" untag ng dalaga sa kanya.

"Saka ko na lang sasabihin sa 'yo, Angela." Hinalikan niya ito sa buhok at dahan-dahang pinakawalan sa pagkakayakap.

Nanatiling nakatulala sa kanya si Angela na parang isang estatwa. Marahil ay sobrang nagulat sa ginawa niya.

Siya ang unang nag-iwas ng tingin at sinikap niyang pakaswalin ang kanyang kilos.

"Halika na. Umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Papa at ni Tito Carlos." Paakyat na sana siya sa kanyang kabayo nang bigla siyang matigilan nang makitang hindi pa kumikilos ang dalaga.

"Angela..." untag niya rito.

Napabuntong-hininga ito at saka siya hinarap.

"Puwede bang... dito muna tayo? Kahit... sandali lang."

Napatitig siya sa mukha ng dalaga.

Napakaamo ng mukha nito na namana nito sa inang si Donya Criselda. Mistisahin ito dahil na rin sa pagkakaroon ng English blood ng mga dela Vega.

Kaya kung titingnan ay walang hindi makapagsasabing hindi maganda ang kababata.

"Sige. Sasamahan kita."

Napangiti si Angela.

Hinila siya nito sa kamay at masaya nilang nilibot ang kagubatan.

Nang makarating sila sa ilog ay sabay silang naglunoy sa katubigan na para bang mga bata. Muli silang nag-enjoy maligo sa ilog.

xxxxxx

NANG makauwi sila ay isang balita ang gumulantang sa pamilya Cervantes.

Sinalubong siya ng mga kapatid at naabutan niyang umiiyak si Fate sa sofa.

"Ano'ng nangyari? Bakit umiiyak si Fate?"

"Kuya, napatay si Mama," umiiyak na salubong ni Cheska.

"Ano? Paanongミ"

"Pinagsasaksak si Mama sa loob ng suite niya. Kani-kanina lang nakita ang bangkay niya."

"Imposible!" bulalas niya.

Sa sobrang gimbal ay napaupo siya sa armrest ng sofa at sinapo ang noo.

Marahil sa pag-aalala ay bigla siyang nilapitan ni Angela at hinawakan siya sa kamay.

"Nandito lang kami... Kuya. Don't worry."

At ikinagulat niya ang biglang pagyakap sa kanya ng dalaga. Sa ngayon ay sapat na ito upang kumalma siya kahit papaano.

Subalit iba ang kabang naramdaman ni Alexis nang mga sandaling iyon. Sa pakiramdam niya ay hindi lang ang kamatayan ng kanyang ina ang magpapahirap sa kanya.

xxxxxx

"ANO'NG sinabi mo? Ikaw ang maghahanap ng lead sa mga taong pumatay kay Mama?" gulat na tanong ni Alexis kay Angela.

Tumango ang dalaga.

"Angela, this is crazy. Mapapahamak ka lang."

"Alex, I have to do this. I know Kuya Joaquin and Kuya Joel are doing theur best para malutas ang kaso at malaman kung sino ang pumatay kay Tita Isabella. Pero ayokong maupo na lang dito at walang gawin."

"Pero Angela..."

"Please, Alex..." Bigla nitong hinawakan ang kamay niya. "Please let me do this. Alam kong delikado pero gusto kong gawin ito hindi lang dahil para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Mama mo. I want to do this for you."

"Ha?"

"Pagbigyan mo na ako."

Nagsusumamo ang mga mata ni Angela nang tingnan niya ito. Talagang kahit na ano ang gawin niya ay hindi na niya mababago ang isip nito.

Marahang tango ang naging tugon niya.

"Just be careful, Angela. It's enough na biglang nawala si Mama. I can't afford to lose anyone anymore. I can't afford to lose you, too. Baka lalo akong mawala sa sarili ko kapag nagkataon."

xxxxxx

PERO mukhang hindi matutupad ni Angela ang ipinangako nito kay Alexis. Iyon ay dahil isang pangyayari ang babago sa takbo ng buhay niya.

Pinili ni Alexis na mag-stay ng magdamag sa hotel na pag-aari ng kanilang pamilya matapos ang conference ng kanilang kompanya.

Alas-singko ng umaga nang bigla siyang magising sa tunog ng kanyang cellphone. Ang kapatid niyang si Cecille ang tumatawag.

"Hello?"

"Hello, Kuya? May T.V. ka ba riyan sa suite mo?"

"Oo. Bakit mo naitanong?"

"Buksan mo at panoorin mo ang balita."

"Para saan?" takang tanong niya.

"Basta gawin mo na lang."

Napilitan siyang sundin ang ipinapagawa ng kapatid.

Nang buksan niya ang telebisyon ay bumulaga sa kanyang paningin ang isang live news report tungkol sa isang plane crash malapit sa islang nabili ng kanyang ina tatlong buwan bago ito pinatay.

At sa ipinakitang listahan ng mga nasawi ay medyo nakahinga pa ng maluwag si Alexis. Subalit nang ipakita ang listahan ng mga nawawala, kasama rito ang pangalan ni Angela.

Na siyang isang bagay na hindi niya mapaniwalaan dahil sinabi sa report na imposibleng may makaligtas pa kung ibabase sa laki ng damage ng eroplano.

Gumawa ng paraan ang coast guard at awtoridad na makita ang mga nawawala subalit bigo ang mga ito. Hanggang sa makaalis na siya papuntang Canada ay hindi pa rin nakikita ng mga ito si Angela. At ito ang tuluyang nagpaalis sa pag-asang nasa puso ni Alexis na buhay pa ang dalagang minamahal...

No comments:

Post a Comment