[Relaina]
“O, BA’T PARA kang wala sa sarili mo? Nandoon ka lang naman sa pahingahan mo, ‘di ba?”
Hindi ko na sinagot si Mayu – na himalang hindi pa umaalis samantalang kababanggit lang sa akin ni Neilson na may “date” ang mga ito – pagdating ko sa classroom. Naupo na lang ako sa assigned seat ko at inilapat ko ang noo ko sa table ng armchair na gamit ko. Mabuti nga’t hindi ko pa naisipang ibagsak ang ulo ko roon para lang magising ako.
Bangungot ba ‘to? Bakit ganito ang dating ng bulaklak na iyon sa akin? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?
Waah! Ano ba namang klaseng araw ‘to?
Tiningnan ko si Mayu na siyang yumugyog sa akin pero nakalapat pa rin ang ulo ko sa table. Ayoko munang iangat ang ulo ko mula roon dahil baka kung ano pa ang makita ko sa paligid ko. “Sabihin mo nga sa akin. Paano ako magiging okay kung walang araw na sinisira ng buwisit na mokong na kamoteng iyon ang utak ko, ha?”
“Ano na naman ba kasi ang ginawa niya sa iyo at ganyan tumatangingting ang pagtawag mo sa kanya ng kung anu-anong pangalan, ha? Hanep ka ring makapag-isip ng naming convention para kay Brent, ah. May buwisit na nga, may mokong pa, ‘tapos may dagdag pang kamote. Ano ‘yon, retarted lang?”
“Bakit, hindi ba? Takbo pa nga lang ng utak n’on na walang tigil sa pagsira ng araw ko, retarted na talagang maituturing.” Grr! Ano ba naman, o? “Nakakainis!”
At ang buwisit kong pinsan, tinawanan na lang ako ulit. Kung hindi ba naman ‘to isang sira ulo’t kalahati…
“O, siya. Sige na nga. Don’t mention anything about him na lang para lang walang gulo. Mabuti na lang at hindi natin kaklase ang panira ng araw mo sa next three subjects natin today.”
Noon lang ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. That jerk wasn’t even present but he still made my heart beat that fast. And it was all because of a flower.
Hindi ko alam kung naiintindihan ba ng lalaking iyon ang mga meaning ng mga bulaklak. Pero… kung iko-consider ko ang sinabi ni Neilson na message daw ni Kamoteng Brent sa akin ang pagbigay nito ng bulaklak na iyon sa akin, then it must mean…
Hindi nga kaya may alam ito tungkol sa language of flowers?
I could’ve laughed at the thought but I couldn’t. I groaned discreetly. Naman, eh! Bakit kailangan pa talagang magulo nang husto ang utak ko nang ganito dahil lang sa buwisit na 'yon?
Pinilit ko na lang dedmahin iyon habang patuloy ang pagdaan ng mga oras sa loob ng klase. Mabuti na lang talaga at nagawa ko pang makapag-concentrate sa lessons kahit undeniably ay kalat-kalat ang takbo ng utak ko. Kung may isang bagay man sa mundo na hindi ko hinahayaang mag-suffer dahil sa mga childish at nonsense thoughts ko, iyon ay ang pag-aaral ko.
This was one of the ways for me to repay my parents’ efforts who supported me all this time.
Pagkatapos ng klase, dumiretso na ako ng uwi. Hindi ko na nahintay si Mayu dahil may club activity pa raw ito. Isa pa, mukhang matutuloy na rin sa wakas ang date nito at ni Neilson. Halata naman kahit hindi nito sabihin sa akin iyon. Obvious na kasi ang patagong pagkakilig ng bruha kong pinsan nang makita namin si Neilson na nag-aabang sa labas ng classroom.
Ako naman, untied to any responsibilities of any of the clubs in the university. Ayoko pa kasing maburo sa mga club activities na ‘yan. Panira lang ang mga iyon sa freedom ko.
Nakalabas na ako ng CEA building nang bigla akong may mapansin na nakakalat sa hagdan. Noong una, akala ko ay nananaginip na naman ako. But when I crouched down and picked one of them, noon ko lang nalamang totoo iyon.
Scattered on the stairs of the building’s entrance were petals (or should I say colored sepals) of love-in-a-mist.
Pero hindi ko pa nga nakaka-recover sa mga nakita ko, bigla ko namang napansin ang paghulog ng mga petals ng kaparehong bulaklak na iyon mula sa kung saan. Napatingin din ako sa paligid.
What the heck? Walang katao-tao. Ano ‘to, kuntsabahan lang? Seriously, wala talagang tao sa paligid ng building. Pagtingin naman ako sa taas kung saan posibleng nanggaling ang mga nagkalat na mga petals na iyon, I saw a silhouette.
Weird… Nakatalikod yata kasi at parang humakbang pa yata ng konti paatras sa balcony. Mukhang napansin yata nito – kung sino man iyon – na mapapatingin ako sa direksiyong iyon.
As far as I knew, hindi basta makukuha sa Altiera ang bulaklak na iyon. Though I knew that there was one clan in town who owned the largest flower farm, parang hindi ko pa rin mapaniwalaan na may ganoong bulaklak na mag-e-exist sa lugar.
“Pambihira… Naisipan pa talagang magkalat. Hindi na lang ilagay sa vase ang mga ito o ‘di kaya ay gawing bouquet at ibigay sa mga makaka-appreciate,” pagkausap ko sa sarili ko habang tinitingnan lang ang mga nakakalat pa ring love-in-a-mist doon.
Hindi ko talaga alam ang dapat kong maramdaman. Pero first and foremost, para kanino ba talaga ito? Nagkataon lang ba na ako ang nandito?
Paalis na sana ako sa lugar na iyon nang bigla na namang may nahulog na kung ano mula sa itaas. Hindi ko na tuloy napigilang mapabuga ng hangin dahil doon. And then I looked up again to the very same spot where I saw the silhouette.
“Hoy! Kung sino ka mang magaling magkalat dito, siguraduhin mo lang na lilinisin mo ang lahat ng kalat mo rito, ha? Huwag mo akong asahang maglinis ng kalat mo!”
Napabuga ako ulit ng hangin pagkatapos n’on. Hanggang sa kunin ulit ng kung anumang nahulog na iyon ang atensiyon ko. Noon ko lang napansin na mini-bouquet pala iyon ng katulad na bulaklak na ikinalat sa buong entrance ng building.
It was a bouquet of nigella damascena – which was the other term for love-in-a-mist.
Ano ba naman? Walang tigil lang talaga sa pagkalat ang buwisit na ‘to, kung sino ka man?
To be honest, ang sama na nga ng tingin ko sa lahat ng balcony ng building kung saan ako naroon. Kung sino man talaga ang walanghiyang malignong nagkakalat doon, malalagot talaga ito sa akin. Hindi na naawa sa mga bulaklak.
Kahit buwisit ako, pinuntahan ko pa rin ang spot kung saan naroon ang bouquet na iyon ang bouquet na iyon. Nang kunin ko iyon, saka ko lang napansin na may note palang nakakabit sa bouquet. Okay, it wasn’t really a note. More like a small card.
At since umiral na ulit ang curiosity ko, heto’t naisipan ko na tuloy basahin iyon. But my frown deepened as I read what was on the card.
'I guess that whatever you do, you’ll always be one puzzling person to me. Anyway, I hope you like this, Relaina.'
Okay…
Tell me, was this for real? Does that mean… the flowers scattering at the entrance of the building was something that whoever this person wanted to tell me? Pero bakit? At para saan? What was the purpose of all this?
Parang wala na ako sa sarili ko nang muli akong mapatingin sa mga nagkalat na petals/sepals sa stairs. Kasunod n’on ay napatingin ako sa itaas ng building. Lahat ng balcony n’on, tiningnan ko. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan at napatingin siya roon.
Was I hoping to find something there? Pero ano naman?
At ang card na kasama ng bulaklak… A puzzling person – gaya ng ibig sabihin ng love-in-a-mist sa language of flowers.
To be specific, love-in-a-mist means “you puzzle me”…
Ganoon ba talaga ako para ibigay sa akin ng kung sino man ang bulaklak na ito?
xxxxxx
Umuwi na lang ako sa bahay kaysa maglibot hindi gaya ng nauna ko nang plano. May plano pa sana akong bilhing libro. Kaya lang, dahil sa nangyari sa entrance ng CEA building kanina, hindi ko na nagawa. Nasira na ang focus ko dahil doon.
In one month since I transferred to Oceanside, tatlong bulaklak ang nagpabago sa takbo ng buhay ko.
Tatlong bulaklak na sa tingin ko ay sa iisang nilalang lang nagmula. Or maybe not.
I forgot. Mysterious pa rin pala ang pinagmulan ng dalawa sa mga iyon.
Hindi ko na tuloy alam ang iisipin. The last time na ginulo ng mga bulaklak ang takbo ng isipan ko was when during first semester ng taong iyon. Nasa Aurora pa ako noon. Hindi pa kami bumabalik dito sa Altiera nang mga panahong iyon. Pero naka-ready nang mag-transfer ng working place ang Papa ko.
Buntong-hininga na lang ang naging tugon ko sa alaalang iyon.
Heto na naman tayo, eh.
Dapat hindi na ko inaalala iyon. It was all in the past.
'All in the past pero bakit affected ka pa rin kahit naaalala mo lang ang tungkol doon?'
Hindi na ako nakatugon sa sinabing iyon ng isang bahagi ng isip ko. Makikipag-away pa sana ako para lang pasubalian iyon pero wala naman akong maisip sabihin para ipangganti.
Maybe in a way, parang sinabi ko na rin sa sarili ko na tama iyon.
But since I didn't want to dwell in those thoughts any longer, pinilit ko na lang tanggalin iyon sa isip ko. So far, napagtagumpayan naman akong gawin iyon.
[Now playing “What If” by Kate Winslet]
**Here I stand alone
With this weight upon my heart
And it will not go away
In my head, I keep on looking back
Right back to the start
Wondering what it was
That made you change**
That was my phone’s ringtone for my Incoming Call. Sabihin nang may significance ang kantang iyon sa mga naaalala ko sa mga sandaling iyon.
Nang kunin ko ang CP ko sa bag kung saan ko itinago iyon, nagtaka lang ako kasi number lang ang lumabas sa screen n’on.
Weird… Sino naman kaya ang tatawag sa akin ng ganitong oras? As far as I knew, wala naman akong pinagbigyan ng number ko recently.
**Well, I tried
But I had to draw the line
And still, this question
Keeps on spinning in my mind**
Now I couldn’t even decide. Sasagutin ba ko iyon?
Magwa-one minute nang nagri-ring ang CP ko. Ire-redirect na n’on ang tawag na iyon sa voice mail ng phone ko sa oras na hindi ko na talaga sinagot iyon.
Pero para ngang… mas okay na siguro iyon.
Sige na nga. Ganoon na lang. At least hindi na ako sasagot sa kung sino mang maligno ang naisipang tumawag sa akin nang mga sandaling iyon.
Ilang sandali pa ay na-redirect na sa voice mail ang misteryosong tawag na iyon. Pero ang isip ko, patuloy na pine-play ang katuloy ng kanta.
**What if I had never let you go?
Would you be the man I used to know?
If I stayed, if you tried
If we could only turn back time
But I guess we’ll never know…**
Inihanda ko na ang sarili ko na pakinggan ang kung ano mang mensaheng iiwanan ng tumawag na iyon sa voice mail. Pero tila nanigas naman ako sa puwesto ko nang marinig ko kung sino ang naisipang mag-iwan ng message doon.
“Relaina… it’s me. Can we please meet somewhere? We need to talk.”
No comments:
Post a Comment