Gabi na kung saan naroroon si Kourin. Pero gaya ng madalas na nangyayari, hindi na ganoon kadali para sa kanya ang dalawin ng antok. Sa dinami-rami na ng mga naganap, bilang na lang siguro sa mga daliri niya ang pagkakataong nakakatulog siya nang maayos.
As soon as she reached the room she was using in that estate, Kourin immediately went to the window and looked outside without opening it. Malungkot ang mga matang napatingala siya sa kalangitan at pinagmasdan ang buwan. It was almost a full moon that night --- or at least it looked that way to her.
Magkaganoon man, parang walang nakikitang anuman si Kourin maliban sa mga alaalang rumaragasa sa kanyang isipan. Para bang naglaho na ang anumang maganda sa kanyang paligid dahil sa dami ng mga nangyari. But she could tell that it wasn't just her who felt that way. She wasn't the only one who had lost a lot that night.
But the moon held more than just a trigger for more memories to rush in Kourin's mind. Kaakibat din ng buwan ang isang pangakong minsan na niyang sinabi sa isang importanteng tao sa buhay niya. Pero hindi iyon ang kapatid niya.
It was a different person --- someone unrelated to the Shrouded Flowers at all. The person she mentioned to Miyako earlier.
Sa muling pagkakaalala sa taong iyon ay kusang kumilos ang kanang kamay ni Kourin sa bulsa nv suot niyang jacket. Kinuha niya mula roon anng isang green ribbon na may dalawang pulgada rin ang kapal. But what made that cloth-like ribbon so unique to her was the embroidered purple tulips on the entire length of it. Naisip niya na ipinasadya iyon ni Seiichi para lang ibigay sa kanya.
"Seems like he wanted something that would symbolize me and would make me stand out..." she couldn't help uttering to herself as she ran her fingers on one of the embroidered tulips on that ribbon.
But those words had only brought out unshed tears to Kourin that she finally allowed to freely fall. Her decision days ago would make her unable to do such a thing. And yet her heart would not consent to let it go. Hindi niya kayang gawin iyon, lalo pa't iyon na lang sa ngayon ang mayroon siya na maaari niyang panghawakan tungkol kay Seiichi. Kahit mahirap, kahit masakit, kaya niyang gawin. Isa lang naman kasi ang binata sa mga taong nagsilbing daan para masabi niya noon sa sarili niya na isa siyang normal na tao. Na may normal na buhay katulad ng iba.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Kourin pagkatapos isipin ang mga iyon. As much as she wanted to tie it to her long hair (which was one of the Shinomiya traits, aside from the fact that it was jet black), she couldn't. The flower embroidery itself would give away the fact of who she was --- to strangers and to her enemies. And it was the last thing she wanted to happen. Patay na si Kourin Shinomiya. Iyon ang gusto niyang isipin ng laht, kahit gaano pa kasakit iyon sa kanya.
"But it doesn't mean I'm letting you go, right?" muli ay bulong ni Kourin sa sarili.
Hindi na sila puwedeng magkita pa. Iyon ang kailangan niyang tandaan. Pero sa huling pagkakataon, gusto niyang may panghawakan tungkol dito. Kahit sa alaala man lang, nais niyang manatili ang importanteng tao na ito sa kanya.
And then she recalled the wound she sustained during the attack while Tetsuya, her shadow guardian, was helping her escape Vulcan --- one of the surviving members of the Dark Rose. Wala sa sariling napahawak siya sa kaliwang braso kung saan naroon ang nasabing sugat. Masakit pa rin iyon hanggang sa mga sandaling iyon, pero hindi niya alintana.
Hinubad ni Kourin ang suot na jacket at ang tanging pang-itaas na naiwan sa kanya ay sando. May benda ang sugat niyang iyon. Bago pa niya mapigilan ang sarili ay ipinalibot niya sa sugat na iyon ang ribbon na hawak-hawak. Ilang sandali pa ay nagawa na niyang itali iyon doon.
Malungkot na napangiti na lang si Kourin matapos gawin iyon. Pero kahit papaano ay nagawang ibsan niyon ang ilang bahagi ng pangungulilang nararamdaman niya.
"There you are... At least this way, you're still close to me. You'll be close to my heart, even though I won't be able to see you anymore..."
Siguro nga, hanggang doon na lang sa ngayon ang magagawa ni Kourin para sa sarili. Magkaganoon man, handa siyang tanggapin iyon. Ibang buhay na ang kailangan niyang harapin sa mga susunod na araw. At ang ibang buhay na iyon ang mas dapat niyang pagtuunan ng pansin.
With or without her family, with or without Seiichi, the life that she had at the moment was something that she must preserve. She must do what she could to live up to the code of the Sky of the Earth. She had to live, even if she had to discard the old her that the world had formerly known.
No comments:
Post a Comment