Pages
My Writer Life
Wednesday, March 29, 2023
i'll hold on to you 90 - both grateful
Thursday, March 23, 2023
Our Memory Of The Dawn 8 - Make It Work Out
It has been a while since the rest of the Narnians saw what Amy and Edmund had seen while they were at the top of the How. Edmund even had to go back inside to call on his brother and inform him of the Telmarines' arrival near the How. Numbers alone, they were clearly outnumbered. Not to mention, the weapons they brought to the site that would surely put the rest of them to a disadvantage.
But this was clearly not the time for them to falter. They've made it this far. This was a war that they clearly had to win to finally free the Narnians once and for all.
After watching that display of arrival, the Narnians — with Peter's permission — decided to send out an envoy to deliver a message to King Miraz with regards to a proposed duel with the High King Peter himself. The whole time, Amy had only listened to the discussion and didn't voice out any of her thoughts about the proposal. But she knew that this was the only way they could acquire what they wanted personally. If worse comes to worst, of course, they had to prepare themselves for an all-out war.
Wednesday, March 22, 2023
i'll hold on to you 89 - the little brother
[Relaina]
The day before the first day of school for that semester.
Huminga ako nang malalim nang makalabas na ako sa hospital building kung saan naroon ang opisina ni Dra. Fate. Nagpunta ako roon para magpa-check up dahil gusto kong siguraduhin na okay na ako kapag pumasok na ako sa university kinabukasan. Isa pa, isa iyon sa ibinilin sa akin ni Doktora bago ako na-discharged.
Mabuti na lang at wala na silang nakitang anumang problema sa akin. Laking-pasalamat ko talaga na wala na akong aalalahanin pa kapag pumasok na ako. Makakakilos na ako ulit nang maayos.
Pero kahit naman sabihin ko sa sarili ko na wala na akong aalalahanin, may isa pa ring sumisingit sa utak ko. Dapat ko pa bang sabihin kung sino?
Thursday, March 16, 2023
【open letter】Dear Future Me
I know I wrote something about this the last time. Not sure what year. Pero... sana kapag nabasa mo 'to, regardless of the amount of time that passed since I wrote this, marami ka nang na-achieve. May mga nakasama ka nang mga kaibigan na talaga namang tumulong at tumutulong sa 'yo na maayos ang buhay mo, gaya ng madalas mong sabihin sa sarili mo.
Grabe... May boyfriend ka na kaya kapag nabasa mo 'to? O 'di kaya maayos na trabaho? Iyong may steady income para magawa mong bilhin ang mga gusto mo. Iyon kasi ang isang dahilan kung bakit wala pa rin akong nagagawang matino para sa sarili ko. Sana kapag nabasa mo ito some time in the future, may nabago na kahit papaano sa buhay mo.
Sana... makilala mo na yung taong handa kang makasama at mahalin kahit na anong mangyari. Yung kaya kang suportahan sa mga pangarap mo. Sa kagustuhan mong maging writer at sikat na author. Oo, madalas kong sabihin noon sa sarili ko na sakit lang sa ulo ang pag-ibig at magkaka-boyfriend lang ako kapag nagawa ko nang ayusin ang buhay ko. Pero sana... mawala na yung mindset na iyon one day. Naniniwala pa rin naman ako sa right love na darating. I hope ganoon ka rin.
Wishing you a good life ahead,
31-year-old Florence Joyce