Wednesday, February 22, 2023

i'll hold on to you 85 - let me remind you

[Relaina]

I wasn’t supposed to feel nervous. Kaming dalawa lang naman ni Brent ng mga sandaling iyon sa garden ng bahay namin. Ilang beses na kaming magkasama na kaming dalawa lang. But could there be something about this upcoming conversation para maramdaman ko ito?

“Mukhang hindi na naman naaasikaso ang mga damo rito sa garden ninyo, ah,” umpisa ni Brent, dahilan upang mapatingin ako rito.

Yes, he was looking at the garden. Bagaman totoo ang sinabi nito tungkol sa garden, alam kong hindi iyon ang gusto nitong sabihin sa akin. As much as I wanted to say something, I couldn’t. Gusto kong ito ang unang nagsabi ng gusto nitong sabihin sa akin.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Brentmakalipas ang ilang sandali. Napatingin ako rito, pero sa kawalan ito nakatingin. Para bang pinag-iisipan pa nito kung ano ang sasabihin sa akin. Gaano ba talaga kaseryoso ang gusto nitong sabihin sa akin?

Monday, February 20, 2023

Our Memory Of The Dawn 7 - You Opened My Eyes

Though she didn't create an argument over Peter's decision to proceed with the raid, Amy stood by her decision to remain in Aslan's How. Her reason? No one knew what the enemy was planning, so it was for the best that she stayed and protect the Narnians that would be left there.

Edmund was just looking at her, though. But she knew he could tell that she had already made her point across. And she was thankful that the Just King didn't force her to do anything at all. Then again, perhaps she knew he couldn't convince her to do otherwise. She didn't attend the meeting. Instead, she continued sorting out the medicinal herbs and helped the other Narnians prepare to head out.

As much as possible, Amy didn't want to cross paths with Peter while she was almost fuming in anger. And fate seemed to be in her favor. She was done setting up the saddles and armors on both the centaur and the griffin beside her when someone tapped her on the shoulder. She turned rashly, only to be surprised to see Edmund standing behind her.

Wednesday, February 15, 2023

i'll hold on to you 84 - discharged

[Relaina]

Inabot din ng isang linggo sa ospital bago ako idineklarang okay na at puwede nang i-discharge. Ilang tests din ang kinailangang gawin sa akin, lalo na sa ulo kung saan alam kong isa sa napuruhan at ang ilang broken bones sa katawan ko na sanhi ng malakas na pagkakabagsak ko sa kalsada. At those times, hindi nawala si Brent sa tabi ko kahit hindi naman na nito kailangang gawin iyon.

Ganoon din ang sinasabi ng mga magulang ko sa lalaking iyon pero insisting lang talaga ito. I didn’t know if he was feeling guilty or afraid or both about all of this. Sa totoo lang, wala namang dahilan para maramdaman nito ang mga iyon, eh. But I guess I just couldn’t fully understand him. At least, not yet.

Sina Mama at Papa ang tumutulong sa akin na mag-ayos ng mga gamit ko na dinala ng mga ito at ni Mayu sa ospital habang naka-confine ako roon. Naasikaso naman na ng mga ito ang mga dapat bayaran kaya puwede na akong umuwi anytime ng araw na iyon.

“Huwag ka nang magbuhat ng kahit ano ngayon, ha? Kailangan mo pa ng mahabang pahinga,” sabi ni Papa sa akin.

Wednesday, February 8, 2023

i'll hold on to you 83 - waking up

[Relaina]

For a long time, all I could see around was darkness. Then again, mukhang may ideya na ako kung bakit ganoon lang ang nakikita ko. Wala akong malay sa kung ano ang nangyayari in the outside world. Kaya kahit patuloy akong maglakad sa kung saan man ako naroroon ng mga sandaling iyon, mananatili akong tulog hanggang wala akong ginagawang paraan para makaalis dito.

At some point, alam kong mahirap. Pero kailangan ko na talagang magising dahil alam kong nag-aalala na ang mga magulang ko. Pati si Mayu. Ang mga kaibigan ko rin. At lalong-lalo na si Brent.

That guy had dreamt of me being covered in blood for quite some time. At kahit ilang beses ko nang sinabi rito na wala itong dapat na ipag-alala, hindi pa rin sapat iyon para maalis ang pag-aalala nito sa akin. At ngayon nga ay nangyari ang kinatatakutan nito.

That was why I had to wake up. Kailangan kong pawiin ang takot nito, ng mga taong mahahalaga sa akin. Kailangan kong bumalik sa mga ito ngayon din. I couldn’t stay here any second longer, just wandering around. There was still something I had to do, whether they liked it or not. Kailangan ko lang talagang pilitin ang sarili ko.

Wednesday, February 1, 2023

i'll hold on to you 82 - mother and son

[Brent]

Mahigit isang araw na ang nakalipas mula nang ideklara ni Mama na maayos na ang resulta ng operasyon ni Relaina at wala nang panganib sa buhay nito. Ganoon katagal na rin kaming naghihintay na magising si Relaina at makumusta ito.

Kami ni Mayu ang nagboluntaryong magbantay kay Relaina nang tumawag ang mga magulang nito at nalaman ang tungkol sa nangyaring insidente. Na-stranded kasi ang mga ito sa pier kaya hindi pa makauwi kaagad dahil na rin sa banta ng bagyo. Sinabi naman ni Mayu sa mga ito na wala silang dapat na ipag-alala dahil marami kaming nakabantay kay Relaina.

But all those times na hinihintay naming magising si Relaina, hindi mawala-wala ang kaba sa puso ko. Yes, I knew she was safe. She was out of danger. Pero mukhang hindi ko yata magagawang kumalma hanggang hindi nagigising si Relaina.

At ngayong ako ang nagboluntaryong magbantay kay Relaina at hinayaan ko munang umuwi si Mayu, hindi pa rin ako mapakali. Nakatingin lang ako sa walang malay na si Relaina at pinapanood ang paghinga nito. Ang pagtaas-baba ng dibdib nito habang natutulog ito. They were indications that Relaina was still alive, that she was still with us.