Hindi na sigurado si Kourin kung ano ba talaga ang dapat niyang isipin sa lahat ng mga nalalaman niya ng mga sandaling iyon. She was already engaged to be married, long before the tragedy? Ano ba naman ang dapat na isipin niya ngayong nalalaman niya ang tungkol sa impormasyong iyon?
“We’re not going to force you to recall something that, perhaps, even Lord Hitoshi had not mentioned to you at all,” sabi ni Hayato bago ito nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob ng cabin at dumiretso hanggang sa marating nito ang glass cabinet.
Iyon ang glass cabinet kung saan naroon ang mga wooden sculptures na kumuha ng atensyon ni Kourin kanina.
“Maraming nabago sa mga nauna nang pinlano para sa ‘yo at sa future Yasunaga clan leader mula nang mamatay ang dating Yasunaga clan leader. His sudden death together with his wife threw all of us off guard.”