Monday, September 10, 2018

Just A Thought

Originally posted in my FB account:

Nakaka-miss din palang makipag-usap sa mga makukulit kong online friends dito sa FB. Ngayon ko lang na-realize. Hehe! Umabot talaga ako sa point na sinabi ko sa sarili kong puro ka-toxic-an na lang ang makikita ko sa FB kaya wala nang dahilan para bumisita pa ako rito. 'Tapos 'yong tungkol pa sa mga bagong patakaran sa publishing na hindi ko alam kung para saan. Siguro nga, wala akong kakayahan para makipagsabayan sa kanila, na sundin down to the letter ang mga requirements na alam kong mahihirapan akong kunin kahit sabihin pang para naman sa kagustuhan kong maging writer. But up to now, I'm truly writing on my own pace. Nakita ko na ng ilang beses ang resulta ng pagpipilit at pagmamadali kong may matapos na isulat. And trust me, mas naging mahirap sa akin na tanggapin ang resulta at ayoko na ng ganoon.

Ano'ng point ng post kong ito?

Hindi ko rin alam. 😂😂

Basta ang alam ko lang, na-miss kitang kadaldalan dito sa FB, Sharmaine Light. 'Tapos nakakausap ko na rin nang madalas si Joanna Cross at paminsan-minsan din si Geruzalyn Azel Langres kahit may palagay akong nangyayari lang iyon kasi ako ang nag-i-initiate ng conversation dahil itina-tag ko sila.

May mga dahilan pa para hindi ko talikuran ang FB at writing world. Ilan lang sila sa mga rason kong iyon.

P.S.: Hindi ako nagda-drama dito, ha? Feel ko lang mag-post ng mahabang FB status. 😂😂

= = = = = =

Teka. May nakalimutan pala akong idagdag dito. Kaya lang, nag-aalangan ako kasi kahit siya na 'yong nag-i-initiate ng conversation sa FB, minsan nagagawa ko talagang dedmahin. Sorry. Pero thank you pa rin Christian Celestial Presentacion kasi napagitiyagaan mo pa rin akong kausapin dito sa FB kahit madalas sa hindi, ganoon ang nangyayari. Thank you talaga.

So why am I posting this here, as well? Wala lang. Naisip ko lang kasi mahigit isang buwan ko na rin lang hindi nadadagdagan ng kahit anong post ang blog kong ito.

No comments:

Post a Comment