Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa taong ito. Pero sana... maging maganda ang kahihinatnan ng taong ito hindi lang para sa akin kundi para na rin sa pamilya ko. I mean, ang gulo na kaya ng kinalabasan ng mga pangyayari these past days. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong isipin o maramdaman. Ako nga ang panganay pero hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
Aasa pa ba ako sa love life (sa wakas) sa taong ito? Haha! Mahirap nang umasa, sa totoo lang. Sa bahay lang ako, eh. May makikilala ba ako na posibleng maging katuparan sa love life ko? Okay, that was weird. Pero wala namang masamang umasa, 'di ba? Wala rin namang masamang humiling kahit papaano.
Ah, basta! Tingnan na lang talaga natin kung ano ang mangyayari sa taong ito para sa akin.
No comments:
Post a Comment