"NAKU! Nagsidatingan na pala ang dalawang favorite babies ko! Come here, you two and let me hug you both real tight!"
Tinugon naman nina Ayumi at Vince ang kagustuhang iyon ng dating guro na siyang dahilan kung bakit sila napapayag an magpunta sa reunion na iyon—si Ma'am Kristina Gonzaga-Martizano. Halata sa yakap ng ginang sa kanilang dalawa ng sobrang pagka-miss nito. Nakangiti lang sila ni Vince nang maluwang habang magkaharap na niyayakap ng ginang.
Si Ma'am Kristina Gonzaga-Martizano—o Ma'am Tina sa karamihan—ang nagbigay sa kanila ng nicknames na "Baby Boy" para kay Vince at "Baby Girl" naman sa kanya. Sabi nga ng guro sa kanila noon kung bakit ganoon ang nicknames nila, they looked liked tweens with features belonging to cute little babies. Isa pa, silang dalawa ni Vince ang ilan sa mga pinakabata sa batch nila. At silang dalawa lang ang tanging estudyanteng talaga namang naging malapit kay Ma'am Tina. Kumbaga, na-adapt na lang nilang dalawa ni Vince ang nicknames na iyon.
"Kumusta na kayong dalawa? Naku! Akalain mo nga namang ang dalawang baby-looking students ko dati ay hindi na mukhang mga baby ngayon." Hindi pa nakuntento si Ma'am Tina, pinagkukurot pa nito ang mga pisngi nila ni Vince.
Siyempre pa, ikinatawa na lang nila iyon ng binata. Kunsabagay, ganoon din kung panggigilan sila noon ni Ma'am Tina. Kaya naman masasabing sanay na rin sila.
Hindi maitatangging naging maganda ang takbo ng reunion para kay Ayumi, kahit sabihin pang ang talagang purpose niya sa pagpunta roon ay si Ma'am Tina. Walang katapusang kuwentuhan ang naganap. Para ngang silang tatlo lang ng guro at ni Vince ang naroon kung makapagkuwentuhan sila. Marami-rami rin siyang nalaman tungkol sa binata.
Talaga ngang tinupad nito ang pangarap na maging iskultor kahit noong una ay tutol rito ang ina nito. Nag-aral pa ito sa Paris para lang mai-pursue ang pangarap nitong iyon. Noong high school pa lang kasi sila, alam na niya ang talento nito sa sculpture. Sa wood carving ito nagsimula hanggang sa nag-evolve ang focus nito sa glass carving at marble carving. Sa katunayan, nagamit niya ang talento sa pagdo-drawing sa nauna nitong mga designs na nakalagak sa kabubukas lang na art exhibit nito sa Manila.
Pero kahit iskultura ang masasabing calling ng binata, hindi pa rin nito tinalikuran ang responsibilidad nito sa pamilya. Sa katunayan ay ito ang kasalukuyang namamahala sa manggahan ng mga ito sa kinalakihan nitong villa. Pinatunayan iyon ni Anton na paminsan-minsan ay sumisingit sa diskusyon nila.
Natapos ang buong event nang wala naman nang gulo. Masaya si Ayumi na hindi naging boring iyon para sa kanya. Kunsabagay, hindi naman iyon hinayaang mangyari ni Vince at ng mag-asawang Martizano. Dumalo rin kasi ang asawa ni Ma'am Tina. Hindi tuloy niya napigilang mailang at mapangiti nang malamang kilala na pala silang dalawa ng binata ni Albert Martizano—ang sundalong napangasawa ng paborito niyang guro. Mukhang maraming naikuwento ang ginang dito tungkol sa mga misadventures ng dalawang favorite babies nito.
Pero sa durasyon ng buong event, may isang bagay siyang napuna. Hindi siya tinantanan ng matamang tingin ni Vince.
At ang resulta? Walang katapusan at hindi mapigilang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
= = = = = = =
ANG hardin kung saan unang dinala ni Vince si Ayumi ang tinungo niya nang mag-umpisa nang magsiuwian ang mga dumalo sa reunion. Nauna na ring umuwi si Ma'am Tina kasama ang asawa nito dahil maaga pa raw itong aalis para sa isang teachers' seminar na gaganapin sa Cebu.
Siya naman ay wala pang planong umuwi dahil hinihintay niyang matapos si Beatrice sa pagtulong sa pag-aayos at paglilinis. Come to think of it, hindi pa pala niya nakita ang bruhilda niyang kaibigan sa buong durasyon ng kasiyahan. Mukhang nakakita na naman ng masusungkit na guwapo. Nasupalpal kasi ito kanina ni Anton at maging ni Vince nang tangkain nitong landiin ang magpinsan.
Hay... Kung kasing outgoing lang siguro siya ng kaibigan niyang iyon, baka hindi pa rin siya NBSB hanggang ngayon. Pero choice niya ang hindi magkaroon ng boyfriend kahit sabihin pang marami ang tahasang nagpapapansin sa kanya at nagbibigay ng motibo. In a way, nakatulong din siguro ang bagay na ikinatatakot na mangyari ng nanay niya, pati na rin ng lolo't lola niya.
"Gustung-gusto mo talagang napapag-isa, 'no?"
Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig na iyon. She smiled upon seeing Vince walking towards her.
"I like the moment of peace and quiet, that's all. At saka, ayokong tumambay sa lugar kung saan naroon pa rin ang mga lalaking iyon. Baka lalo akong bangungutin pag-uwi ko."
Natawa ito at tumigil ito sa tabi niya. "I have to agree with you on that." Tumingin ito sa kanya. "By the way, I forgot to tell you. You look stunning tonight. Muntik na kitang hindi nakilala."
Napipilan siya. He said what? Did Vince really complement her?
"T-thank you." Tumungo siya at pinagmasdan na lang ang paglagaslas ng tubig mula sa fountain na naroon. "You don't look so bad yourself. Hindi nga kita nakilala, 'di ba? Ang laki na kasi ng ipinagbago mo—at least physically speaking."
"Hindi na maganda sa puso ang masyadong mataba. Isa pa, takot akong mamatay nang maaga. Kaya heto, nag-effort na tanggalin ang mga extra layers sa katawan." Sinabayan nito iyon ng malutong na halakhak.
"Pero hindi nagbago ang ganda at epekto ng ngiti mo sa akin," wala sa sariling usal niya. Huli na nang ma-realize niyang nasabi niya iyon. She ended up clamping her mouth and wincing at how weird she could have sounded.
"May sinasabi ka?"
Umiling siya. "Don't mind me. Baka hangin lang ang narinig mo. Teka nga pala. Paano mo pala nalaman na sa Love Blossoms ako nagtatrabaho?"
"Para ano pa?"
"Hello? Para naman alam ko kung pinapaimbestigahan mo na pala ako nang wala man lang akong kaalam-alam, 'no? At saka curious lang ako."
Nagkibit-balikat si Vince. "Sa tabi-tabi lang."
"Eh kung ihagis ko rin kaya sa tabi-tabi 'yang mukha mo kapag binasag ko 'yan, ha? Sagutin mo na kasi nang matino ang tanong ko."
Tumawa ito bago siya tiningnan nito nang mataman na biglang nagpakaba sa kanya at hindi niya alam kung bakit. Soon after, he sighed. "Nakita ko sa records ni Anton ang pangalan mo one time habang kinukulili niya ang tainga ko na dumalo raw ako sa reunion. Isa rin kasi siya sa mga organizers ng reunion na 'to bukod kay Beatrice kaya may listahan rin siya ng mga pangalan ng mga iniimbitahan nila. Iyon lang iyon."
"At nagkainteres kang puntahan ako sa pinagtatrabahuhan ko dahil..." Sinadya niyang ibitin ang sinasabi niya.
"Dahil gusto lang kitang makita. I want to see how you've grown. And I really like the changes that the past years had done to you. Mas lalo kang gumanda." Nasa mga mata nito ang paghanga habang nakatingin sa kanya.
Bigla ay nakaramdam siya ng pagkailang na hindi naman niya dating nararamdaman kapag pinupuri siya. In fact, lagi nga niyang dinededma iyon. So how come Vince was giving her this kind of effect on her? Napahawak tuloy siya sa batok niya at napayuko. "T-thank you, kahit alam kong binobola mo lang ako. S-sige. Kailangan ko nang umuwi. Maaga pa kasi akong aalis bukas."
"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ni Vince nang harangin siya nito sa pagtatangka niyang makaalis na kaagad sa lugar na iyon.
"S-sa bayan ng grandparents ko. Magbabakasyon. Nagkataon din na darating ang parents ko galing Canada para bumisita pansamantala."
"Sayang. Akala ko pa naman, makakapamasyal tayong dalawa. For old times' sake, kumbaga," dismayadong sabi nito.
At ang bruho, kuntodo busangot pa. Weird nitong tingnan, sa totoo lang. Pero aaminin niya, cute pa rin ito kahit nakikita iya ito na ganoon. Just like before...
"Well, sorry ka. Nahuli ka na ng dating."
"Teka! Saan ba nakatira ang grandparents mo?"
"Sa Altiera pa rin. Why?"
Napansin niya na saglit itong natigilan. Kumunot naman ang noo niya nang tumango-tango ito kapagkuwan at makahulugang nginitian lang siya ng mokong.
Ano na naman kayang kalokohan ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito?
= = = = = =
"YOU'VE got to be kidding me..." tanging nasabi ni Ayumi nang makitang nakaparada sa harap ng apartment nila ni Beatrice ang isang pulang SUV kung saan nakadungaw mula sa passenger's seat ang isang pamilyar na mukha.
"Surprised? Sorry. Excited lang, eh," malawak ang ngiting saad ni Vince at tila cute na batang nakatukod ang ulo sa bintana ng sasakyan nito.
"Hindi halata. Ano'ng ginagawa mo rito?" hindi pa rin makapaniwalang usisa niya rito.
"Sinusundo ka," kaswal na tugon nito.
"Ha?"
"Uuwi ka ng Altiera, 'di ba? Sabay na tayo. Doon din ang punta ko, eh."
"Din?"
Tumango ito. "I forgot to tell you. Naroon sa Altiera ang workshop ko. Isa pa, kailangan kong bisitahin ang manggahan namin."
Siniko siya ni Beatrice nang hindi pa rin niya mahagilap ang sariling dila—pati ang utak—matapos marinig ang mga iyon.
"O, huwag ka nang magpakipot. Ang guwapo pa ng magiging driver mo papunta roon. Tiyak na kaiinggitan ka pa ng mga babae roon dahil si Vincent Castagnia ba naman ang kasama mo."
Kaiinggitan? Baka panggalaitihan, 'kamo. At ang bruha niyang kaibigan, tila gusto pang mamilipit sa kilig. Habang siya, napapailing na lang sa lahat ng nangyayari.
"Ako na lang ang magbabayad ng pang-gasolina mo," aniya nang kunin na nito ang mga bagahe niya at inilagay iyon sa likod ng kotse.
"Excuse me, Miss Mercado. Pero hindi ko po pinagbabayad ang babae ng pampagasolina ng kotse ko. It's the other way around. Huwag ka na lang umangal, okay? Kahit iyon na lang ang bayad mo sa akin."
"Pero—"
"No buts. Ako ang nag-offer. Kaya ako na ang bahala. Nagkakaintindihan tayo?"
No choice siya kundi ang mapatango na lang. Ang isipin na lang niya, makakalibre siya sa pamasahe. Additional compensation na lang ang pagkakaroon niya ng mamang driver na guwapo na sa kanya noon pa mang mataba ito at may ngiting tila taob ang ganda ng sikat ng araw at kinang ng mga bituin sa pagkumpleto sa araw niya.
Hay, naku po! Kung anu-ano na namang description ang pinag-iisip ko ngayon. Makikisabay na nga lang ako kay Vince, ang dami pang ka-weird-uhan na nagsusulputan sa isip ko.
No comments:
Post a Comment