[Brent]
SILENCE…
Nakakabinging silence – iyon lang ang naisip ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Naroon lang ako sa labas ng auditorium kung saan kami magpe-perform para sa dance practicum namin sa PE II. Halata naman na siguro kung sino ang inaabangan ko although I had to admit that, until that moment, I still couldn’t believe na doon na matatapos ang truce namin.
Hindi ko napigilang mamangiti nang mapakla. Ang weird sa pakiramdam, sa totoo lang. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako, o magtatampo, o masasaktan. Right after the dance practicum, everything would surely end.
“It was meant to end, anyway…”
That amazon girl was truly unbelievable, to the point that she was surely absurd. Kahit na alam kong totoo naman ang sinabi nito, bakit parang ang sakit pa rin sa pakiramdam ng mga salitang iyon? Iyon lang naman ang totoo.
Whether I liked it or not, the truce that Relaina and I had come up and agreed with would end even if I wished otherwise.
Napabuntong-hininga na naman ako. Seriously, this was already the seventh time I sighed like that. Kung sana ay kayang baguhin ng buntong-hininga kong iyon ang lahat.
“Dahan-dahan lang ng buntong-hininga, ‘tol. Kung makabuntong-hininga ka, parang hindi mo na magagawa iyan kinabukasan, ah.”
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko iyon. Hindi na ako nasorpresa nang makita kong papalapit sa puwesto ko si Neilson.
“Kung puwede nga lang ba, eh…” Grabe! Ano na ba ‘tong pinagsasasabi ko?
“Mukhang napag-isipan mo na nang husto ang mga sinabi ko sa iyo, ah,” sabi nito. Though in my perception, Neilson said those words in a form of statement.
Ibig sabihin, alam na nito kung ano’ng gumugulo sa isipan ko sa mga sandaling iyon.
“Hindi ko alam, bro. Hindi ko alam kung iyon na nga ba ang sagot na hinahanap ko,” nasabi ko na lang sabay hawak sa kung ano mang nakatago sa inner chest pocket ng suot kong amerikana.
Our dance practicum required the use of appropriate costume/attire. Kaya iyon ang suot ko. In any case, sanay na akong magsuot ng formal attire dahil na rin sa mga gathering events na dinadaluhan at inihahanda ng pamilya namin.
Talk about being born in such a rich family…
“Well, sa ngayon ang masasabi ko lang ay take your time. Sa mga nangyari sa inyong dalawa nitong mga nakaraang araw, kailangan mo nga talagang mag-isip nang husto. The answer will come out. Just don’t force yourself.”
Gusto ko sanang pasubalian ang mga pinagsasabi ng kakambal kong iyon. Pero ano naman ang sasabihin ko? Parang inamin ko na rin na gagawin ko iyon para sabihing tama ito. Isa pa, ano pa bang pag-iisip ang gagawin ko? Heto nga’t magulo pa rin ang isipan ko at hindi ko na alam kung paano aayusin ito.
Para naman kasing ganoon lang kadali iyon.
“Pumasok ka na muna sa loob. Kailangan nating bumunot ng queue number para sa sequence ng performance natin mamaya,” kapagkuwa’y sabi ni Neilson.
Isang tango lang ang naging tugon ko roon. Pero wala sa kakambal ko ang buong atensiyon ko. Naroon pa rin iyon sa direksiyon kung saan alam kong magpapakita si Relaina mula sa restroom.
“Darating din iyon. Ano ka ba naman? She wouldn’t miss this.”
Hay, naku! Napaghahalata talagang hindi mo alam ang dilemma na pinagdadaanan ko sa mga sandaling ito, Neilson. But then, it wouldn’t change anything even if I said that out loud.
I heaved another heavy sigh – seriously, I should stop doing that – before I entered the auditorium. Nakita kong may mga kaklase na akong pumipila na para kumuha ng queue number sa isang box na nasa harap lang ni Ma’am Castro. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na pinaghandaan yata talaga ni Ma’am ang dance practicum na ‘to – na nagkataon ding exam namin sa PE II.
Pero nakakuha na ako ng number at lahat, ang isip ko ay naroon pa rin sa araw kung kailan kinompronta ako ni Neilson. Hindi simpleng pagkausap lang ang ginawa ng buwisit kong kakambal sa akin.
Unfortunately, nakarating kasi rito ang ginawa kong pagdadala kay Relaina sa seaside cliff kung saan naroon ang Promise Tree. Before I knew it, hayun! Hindi ko na nagawang takasan ang bilis ng banat ng dila ng kakambal ko…
xxxxxx
MAGULO ang takbo ng utak ko. Hindi ako makapag-isip nang matino. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay na hindi naaaksidente sa daan pauwi. Ni hindi nga ako nagko-concentrate sa dinadaanan ko, eh.
Namalayan ko na lang ang sarili kong tinutungo ang veranda ng silid ko. Baka sakaling makatulong ang hangin para mapawi ang mga bagay-bagay na gumugulo sa isipan ko. But in the end, it was a futile effort.
Lagi naman, eh. Lalo na kung ang dahilan ng magulo kong isipan ay ang tanging babaeng dinala ko sa paborito kong lugar.
“Mukhang hindi na nakakatulong ang mga bulaklak sa iyo ngayon, ah.”
Agad akong napalingon sa pinagmulan ng tinig na iyon. I just exhaled when I saw Neilson with that serious look on my brother’s face. With him sporting such expression, he meant business. Naku po! Hindi na naman ako tatantanan ng interrogation ng taong ‘to.
Kung puwede lang bang sabihin ko rito na “spare me for now” gaya ng ginagawa ni Relaina sa akin kapag wala talaga sa mood ang babaeng iyon na sabayan ang pang-aasar ko, ginawa ko na siguro. Pero bago ko pa masabi iyon, inunahan na ako nitong magsalita.
“Dinala mo raw si Relaina sa seaside cliff.”
What Neilson stated had caught me off-guard. Damn it! Paano nito nalaman iyon?
“So siya na ba talaga?” tanong ni Neilson.
Pero heto, wala pa rin kahit munting tinig na lumalabas sa bibig ko. Ano pa ba ang sasabihin ko? Eh buking na nga ako.
But then, not saying anything – not even a single reaction – only proved one thing to my twin brother. Parang sinagot ko na rin ng “Oo” ang tanong nito.
Tiningnan ko na lang ang hardin ng ancestral house na nagkataong tanaw na tanaw ko mula sa veranda ng silid ko. Iyon na lang ang gawaing alam kong posibleng malaki pa ang maitulong sa akin para makapag-isip ako nang matino.
“Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo ngayon, ‘tol? Bigla-bigla ka na lang gumagawa ng aksyon na hindi na namin nalalaman. Ang mga bulaklak, ang pag-comfort mo sa kanya dahil kay Oliver, at ngayon naman pati ang pagdadala mo sa kanya sa lokasyon ng Promise Tree. Ano ba talaga ang plano mo? Ano ba ang gusto mong mangyari?”
Napabuga ako ng hangin. Sa dinami-rami ng tanong ni Neilson sa akin, hindi ko alam kung bakit ni isa sa mga iyon, wala akong maisagot. Or maybe it wasn’t that I didn’t know the reason why.
Maybe I was afraid of learning the true intention behind those unspoken reasons.
“Hindi ko na talaga alam, Neilson. Sa totoo lang, ang gulo na ng takbo ng utak ko. I kept on doing things on impulse,” pag-amin ko rito na hindi ito tinitingnan.
“Could it be that… you already know the answer and you just don’t want to acknowledge it?”
Natigilan ako sa tanong na iyon ni Neilson bago ko ito hinarap. But the look on my twin brother’s face already told me that what he said was actually a statement rather than a question.
“A-ano ba’ng pinagsasasabi mo? Hindi ko naman sasabihing magulo ang takbo ng utak ko kung alam ko na nga ang sagot.”
Just great! What a futile attempt in denial. Kulang na lang ay iuntog ko ang ulo ko sa balustrade nang maisip iyon.
“'Tol, huwag na nga tayong maglokohan. Sa dinami-rami na ng mga nangyari sa inyong dalawa ni Relaina, hindi malabong mangyari ang bagay na iniiwasan mo. Kung ikaw, hindi mo nahahalata, puwes! Ako, kitang-kita ko. Your actions spoke volumes that even you couldn’t fathom as to how it actually happened whenever you do something for her.”
Wala na akong nasabi sa lintanya ni Neilson. Sa totoo lang, dinaig pa nito ang Mama namin sa tindi ng panenermon nito. But just like our Mom, Neilson could really read through me. Nakakabilib lang.
Pero pagkatapos n’on, hindi ko na hinarap si Neilson. I just faced the setting sun. I would’ve appreciated the great and breathtaking view. Pero as usual, wala na naman doon ang isip ko.
“I guess I’m in deep, huh?” matamlay kong sabi pero sa sarili ko. Parang tanga lang.
“Ngayon mo lang na-realize ‘yan?”
“Halata naman, ‘di ba?” sarkastikong tugon ko na hindi tinitingnan ang buwisit kong kakambal.
Pambihira! Imbes na tulungan ako sa problema ko, ginagatungan pa nito ang gulong kinasasangkutan ko.
Iyon ay kung gulo nga bang maituturing ang hinaharap ko sa mga sandaling iyon.
“Tsk, tsk, tsk! Alam mo, ‘tol, matatahimik ka lang siguro at pati na rin ang isip mo kapag nagawa mo nang aminin sa sarili mo ang totoong nilalaman ng puso mo.”
“Ano naman ang kinalaman ng puso ko rito, ha?” kunot-noong tanong ko kay Neilson at hinarap ko ulit ito.
Napakamot ng ulo si Neilson bago ito magbuga ng hangin. Naku po! Mukhang maha-high blood na naman ito sa akin.
Anyway, kailan ba hindi?
“Sa totoo lang, ha? Kaya walang napupuntahan ang pag-iisip mo ng kung anu-ano ay dahil nasa in-denial stage ka pa rin. For once kaya, gamitin mo ang puso mo para malaman ang totoong sagot sa mga tanong na gumugulo sa iyo hanggang ngayon?”
“Ano ba ang dapat kong i-deny para masabi mong nasa stage pa rin ako ng pagiging in-denial?”
“Na kaya mo ginagawa ang mga iyon para kay Relaina ay dahil mahal mo na siya…”
No comments:
Post a Comment