Saturday, August 20, 2016

Saturday Night Thoughts # 12

This could be my last Saturday Night Thoughts entry as a 24-year-old. Yes, paniguradong tatamarin na naman akong magsulat ng ganito sa susunod na Sabado. Wala nang bago, `no? Anyway, since topakin ang internet at medyo apathetic pa ako sa mga kaganapan ngayong araw, sasamantalahin ko na.

As usual, monotonous pa rin ang takbo ng buhay ko. at least, it went like that almost everyday. Epekto ng hindi pa rin nagtatrabaho. And I mean work. But I’d rather not mention that. I don’t want to dwell on my miserable working life—if ever I had one, by the way.

So for this Saturday, may dalawang bagay na tumatak talaga sa akin. Una, `yong post ko sa FB about reminiscing the part of my high school life when I was bullied that one time. Aba, in fairness, magulat-gulat ako, nag-message sa akin `yong isa sa mga iyon. The bullies, I mean. Hindi ako nakapag-react kaagad. Iniisip ko pa nga kung tama ba ang pagkakabasa ko sa message niya sa akin o hilo lang ako. Pero hindi ganoon, eh. In-explain ko naman na wala akong masamang intensyon doon nang i-post ko iyon. Ewan ko lang kung naintindihan niya iyon. Anyway, the post has something to do with the hashtag I kept on seeing in FB lately--#BeCarefulWhoYouBully.

And for the second one, which I really feel so apathetic about—`yong pagkawala ng mga files ko sa flashdrive ko. I mean, lahat. Pati `yong ini-edit at nire-revise kong manuscripts. Ang dami n’on, kung alam n’yo lang. Halfway na nga ako sa pagre-revise ng story ni Guia, eh. Kamalas-malasan ko pa, wala akong back-up ng mga iyon. Hay… Gustung-gusto ko na talagang iuntog ang ulo ko sa sobrang katangahan ko. As in! Pero wala na, eh. Nangyari na.

Posible rin na apathetic ako sa bagay na `to dahil kahit papaano puwede pang magawan ng paraan `yong iba. At least, when it comes to editing part of my manuscripts. May copy pa ako ng mga MS ko na for revision ang result. But I have to rewrite the other scenes na idinagdag at ipinalit ko dapat doon sa naunang revision na pinagkakaabalahan ko. Ang masasabi ko lang talaga sa problema ko, `yong dapat na updates ko for TLSOTE. Parang kailan lang nang sabihin ko sa FB na nagawa ko nang i-revive ang old version ng TLSOTE. Ngayon, `yon nga, na-corrupt kasama ng iba pang mga pinagkakaabalahan ko. Grabe lang!

Seryosong usapan. May swerte pa bang darating sa mga susunod na August sa buhay ko? Lagi na lang nag-iiwan ng `di magandang memory ang buwan na `to sa tuwing darating ang month of August sa buhay ko. Kaya huwag magtaka kung bakit madalang akong mag-greet ng Happy Birthday sa mga may birthday. Bitter lang ang peg.

No comments:

Post a Comment