Tuesday, June 19, 2018

the last sky of the earth 50 - in danger

NOONG ISANG gabi pa hindi mapakali si Kourin. Paano ba naman kasi? Hindi mawala-wala sa isipan niya ang nakitang simbolo na nakaukit sa isa sa mga temple doors sa hidden Shinto shrine. Come to think of it, hindi pa niya alam kung ano ang pangalan ng shrine na iyon. But maybe she could ask that to one of the shrine maidens there.

Sa ngayon ay kailangan munang makumpirma ni Kourin ang nakita niya. She had to confirm na tama nga ang hinala niya sa simbolong ilang taon nang misteryo para sa kanya.

A few minutes more, narating na ng prinsesa ang lugar. Ang totoo niyan, tinakbo lang niya ang pagpunta roon galing sa mansion. She had to hurry leaving the mansion without informing the others except Amiko. But the young Knight didn't allow her to leave unless Tetsuya would guard Kourin even just from a distance. Pumayag na lang siya para walang away. Isa pa, naniniguro lang si Amiko.

Kunsabagay, ilang beses na bang muntikan nang mapahamak si Kourin sa lugar na iyon? Weird mang isipin pero parang may kung ano sa paligid ng Shinto shrine na iyon at nilalapitan siya ng kapahamakan. Hindi kaya minumulto na siya?

"Hay, naku, Kourin! Kung anu-ano na naman ang ka-weird-uhan ang tumatakbo sa utak mo. Huwag mo na ngang dagdagan," pangaral niya sa kanyang sarili. Napakunot si Kourin ng noo at kalaunan ay marahas na napakamot ng ulo. Ano ba 'tong nangyayari sa kanya? Kulang na lang talaga ay mapagkamalan siyang baliw sa ginagawa niya.

Ilang sandali ring pinakiramdaman ni Kourin ang paligid para siguruhing walang ibang nakasunod maliban kay Tetsuya at ilan pang tauhan nila. Nang wala naman siyang maramdamang kakaiba ay nagpatuloy na siya sa pagpasok sa shrine. Hinanap niya ang pakay na templo sa loob ng shrine grounds.

Seriously, hindi maintindihan ni Kourin kung bakit tila kinakabahan pa yata siya sa gagawin niya. mag-iimbestiga lang naman siya, ah. Or perhaps...

'Perhaps this place... could somehow provide me an answer.' Posible nga iyon. Pero ano naman kaya ang malalaman ni Kourin sa lugar na iyon? Mahabang sandali ang lumipas ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa nakaukit na rose symbol sa temple door. At gaya nga ng nauna na niyang nakita, asul ang kulay ng tatlong rosas na iyon.

Bumuntong-hininga muna si Kourin bago sinubukang buksan ang pintong iyon. Much to her surprise, though, hindi naka-locked iyon. Napahigpit ang hawak niya sa gilid ng pinto. Ang buong akala pa man din niya ay nakakandado iyon kung hindi man sa labas ay sa loob ng templo. Did someone actually forget to close it?

Son after, Kourin noticed something from the lock. It had scratches on the keyhole's surroundings.

'Teka... Meron ba 'to noong huling beses kong makita ang symbol sa temple door?' But heck! Could Kourin even remember that small detail? Kailangang pilitin niya.

As the young clan princess did so, subconsciously ay naitulak niya nang sagad ang pinto ng templo. Kagyat na natigil siya sa pilit na pag-alala nang tumambad sa kanya ang tila walang kalaman-lamang loob ng lugar na iyon. Well, of course, she found it weird. The inside of the place was filled with nothing but tapestries. Walang altar o estatwa o insenso sa lugar na iyon na talagang kabaliktaran ng inaasahan niya.

But the tapestries alone--there were nine elegantly made tapestries displayed--told Kourin that the place held more secrets than what a mysteriously carved rose symbol on the temple door actually tells. At least sa bagay na iyon ay nakatitiyak siya. Makita ba naman kasi niya sa mga tapestries na iyon ang flower emblems na nagsisilbing crest ng bawat angkan sa Shrouded Flowers.

The Purple Tulip Crest of the Shinomiya clan...

The Crest of the Orange Lily from the Azuraya clan...

The Crest of the Yellow Jasmine that belonged to the Yumemiya clan...

And the Peruvian Heliotrope Crest that the Miyuzaki clan used till this day...

Pero hindi lang iyon ang nakita ni Kourin sa mga tapestries na iyon. She also marveled at the sight of four more tapestries revealing more rose symbols just like the one she saw at the temple door and at the marble crest from Aya Yukimura. Four-colored roses naman iyon ― blue, red, white, and peach. Somehow, she had the strongest feeling that she had seen those rose symbols a long time ago. Pero bakit hindi niya maalala iyon? Kung kailan naman kailangang-kailangan niya iyon...

Kourin's frown deepened at the sight of the largest tapestry hanging by the wall at the end of the empty hall. This time, two flowers were entwined on a Japanese sword. The purple tulip on the left and the blue rose on the right. While the orange lily, the yellow jasmine and the Peruvian heliotrope were placed on the left side as the purple tulip as if they were guarding the said flower entwined to the sword. Same goes to the right side where the red, white and peach roses were placed.

Sa totoo lang, bakit parang pulos flower symbolisms pa yata ang magpapasakit sa ulo ni Kourin sa mga sandaling iyon?

"Purple tulip... and blue rose..." bulong ni Kourin habang patuloy na nakatingin sa tapestry kung saan magkasama ang dalawang bulaklak na iyon. Sinikap niyang isipin ang isang tagong kuwento sa likod ng mga iyon.

But perhaps the princess was thinking too deeply that it was too late for her to sense a foreboding presence behind her. The next thing she knew, her eyes widened at the sight of two .45 pistols aimed at her.

xxxxxx

NAPAHILAMOS na lang ng mukha si Seiichi matapos ilapag sa mesa ang ika-siyam na scroll na kanina pa niya binabasa at hinahanapan ng posibleng clue na kailangang-kailangan niya. But for the 9th time, he failed. Normally, sumuko na dapat siya dahil pakiramdam niya ay wala na talaga siyang mapapala.

But Seiichi knew full well that he mustn't do that. For one, he was doing it for his best friend kahit dalawang taon na itong patay. Another thing was... to figure out the meaning of the symbol at the temple door of the hidden Shinto shrine.

Oo, maging si Seiichi ay nahiwagaan din sa nakitang simbolo na nakaukit doon. Not only because it was the same symbol as the flag placed on his basement but also because it triggered something from his mind.

A memory of Hitoshi Shinomiya's ultimate favor to Seiichi before he left Japan.

Bumuntong-hininga si Seiichi at isinandal ang tila pagal na katawan sa sofa. Sumagi sa isipan niya ang mga imahe ng rosas na minsang ipinakita ni Hitoshi sa kanya.

Ang mga imaheng iyon daw ng nasabing bulaklak ang simbolo ng isang pamilyang tinatawag na 'Silhouette Roses'. Hindi alam ni Seiichi kung bakit ipinakita iyon sa kanya ni Hitoshi. Pero isang bagay ang siniguro nito sa kanya nang ipakita nito iyon. Masasagot daw niyon ang katanungan tungkol sa malalabong mga alaala sa kanyang isipan. And for some reason, he trusted his best friend fully the day the Shinomiya clan prince said that.

"Ano ba talaga ang daang gusto mong ipatahak sa akin sa ngayon, Hitoshi? Why is it that even after three years had passed since I left, I couldn't find anything related to it?" Seiichi muttered before turning his attention once more to the scrolls in front of him. When he couldn't rake his mind for an answer, he took the 10th scroll and unrolled it on the table.

Seiichi's eyes widened at the sight of the contents of the scrolls. Lalo na sa mga salitang unang-una niyang nabasa.

'The Darkest Nights Of The Four Roses.' The phrase was written in Japanese but Seiichi was able to read it really well. Agad niyang binasa ang nakasulat sa bookmark-sized tag na nakakabit sa scroll.

'Yasunaga no Tasuke.' Iyon ang isang nabasa ni Seiichi. Tiningnan naman niya kung may nakasulat sa kabilang bahagi ng tag na iyon. 'Aoibara' naman ang nabasa niya roon.

"Tasuke of the Yasunaga... Blue rose..." Inulit lang ni Seiichi ang nabasa niya sa tag in its English translation. Pero sa totoo lang, lalo siyang naguluhan sa nabasa. Ito kaya ang pangalan at taguri sa nagsulat sa scroll na iyon? At bakit noon lang niya nakita ang scroll na iyon?

Hanggang sa maalala ni Seiichi na nahirapan nga pala siyang hanapin ang mga scrolls na binabasa niya nang mga sandaling iyon mula nang bumalik siya galing New Zealand. Someone actually burned down their old house 4 weeks after he and his family migrated. Nalaman na lang niya iyon mula kay Reiko at sa isa pang kaibigan niya na isa ring Philippine-born Japanese. Kaya naman hindi siya magkandaugaga sa paghahanap ng mga gamit nilang nagawa pang isalba ng dalawang iyon. That was when he saw an intricately designed key. Nakaukit sa susing iyon ang kanji characters na ang ibig sabihin ay 'Castle of the Silhouette Roses'.

Ang mga salitang iyon ang ginamit na gabay ni Seiichi upang alamin ang lugar na tinutukoy niyon. Only to find out that the phrase on the key was actually meant to indicate the name of the wooden chest buried underneath the shortest rose bushes of their neighbor's garden. Minsan daw ipinakiusap ng lolo niya sa kapitbahay nila na ilibing iyon doon. Nang marinig niya ang kuwentong iyon sa unang pagkakataon ay agad niyang naisip na marahil ay alam ng may-ari ng katabing bahay kung ano ang nilalaman ng wooden chest dahil lumipas ang tatlumpung taon na walang nakikialam niyon doon.

The wooden chest had not only hid the golden statues of the Four Celestial Beasts but had also protected 10 scrolls which was now in Seiichi's possession. The other 10 scrolls were hidden inside their neighbor's safe kung saan naroon ang wooden chest. Tanging ang isang legitimate na Yasuhara lang daw ang may karapatang makialam sa mga iyon. Kaya naman ibinigay iyon ng caretaker sa kanya.

Ipagpapatuloy na sana ni Seiichi ang pagbabasa sa nakasulat sa scroll nang may narinig siyang kakaiba. Parang kaluskos. On instinct, agad niyang sinamsam ang mga scrolls na binabasa niya at inilagay iyon sa wooden chest bago kinandado. Bagaman nagmamadali, siniguro niya na maisisilid niya ang nasabing gamit sa isang hidden compartment sa ilalim ng carpet ng kanyang living room. After that, he pulled out something from underneath his lounge sofa.

Napatingin si Seiichi sa espadang kinuha niya roon. Hindi siya makapaniwalang makikita pa niyang muli iyon at may posibilidad na muling magamit sa ganoong sitwasyon--whatever was the situation that he had to deal with. He was about to stand up and check on the disturbances he heard when he heard a click from behind him.

Nagtayuan ang mga balahibo ni Seiichi sa batok kasabay ng panlalamig na naramdaman niya nang marinig iyon.

"Make a move or I'll blow your brains out before you could even do anything," said a deep voice that surely sent chills down the young man's spine.

Now what?

No comments:

Post a Comment