Tuesday, July 24, 2018

the last sky of the earth 54 - knight's scene: certain questions

BUNTONG-HININGA lang ang iginawad ni Takeru habang nag-aabang sa labas ng conference room at humihiling na sana ay matapos na ang meeting na iyon. Iyon ang isa sa nagpapa-frustrate sa kanya nang mga sandaling iyon. Wala siyang VIP access na makapasok sa silid na iyon at pakinggan ang mga detalye ng pag-uusap doon.

But Takeru knew where he lies. Kumpara kasi kina Daryll at Shingo, wala pa siya sa tamang posisyon para mapagbigyan ng ganoong klaseng access. He was actually two levels below Daryll and three levels below Shingo. Kaya naman hayun at magre-rely na naman siya sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng mentor niya, who happened to be Daryll.

Hindi na nga katulad ng dati ang lahat--iyon ang nasa isipan ni Takeru. Pero kailangan niyang tanggapin iyon kung gusto niyang magawa pa nang maayos ang trabaho niya. Iyon na lang ang magagawa niya kung gusto niyang maisagawa nang matino ang mga dapat niyang gawin para na rin sa prinsesa.

~"My sister isn't your only priority now, Takeru. My uncle and my best friend... protect them in my place..."~

Mariing napapikit si Takeru nang maalala ang mga salitang iyon. Those were Hitoshi Shinomiya's last words to him before the young clan prince headed out to fight and eliminate the enemies. But he couldn't fathom how Hitoshi ended up getting killed if his fighting skills could even surpass that of the 13th Knight and a sword skill that immensely surpassed that of the Nanami's. Pero iyon na ang nangyari. At wala na siyang magagawa pa. Masakit tanggapin ― at aaminin niya iyon. Pero pinilipit pa rin naman niya kahit papaano.

Kaya lang, hindi maikakaila ni Takeru na may hindi siya maintindihan sa huling sinabi ni Hitoshi sa kanya.

'Who was the 'uncle' he was talking about at the time?' Oo, alam ni Takeru kung sino ang 'best friend' na tinukoy din ni Hitoshi. But the 'uncle'... Iyon ang hindi niya maisip-isip kung sino. First and foremost, wala siyang alam na kapatid na lalaki ni Lord Ryuuki. Ang kapatid naman nitong babae na si Lady Akiko Shinomiya ay ang nanay ni Shiro Nishikawa na matagal nang namatay sa isang neurological disease na ginatungan pa ng leukemia. Kung sa side naman ng asawa ng previous Shinomiya clan lord na si Lady Rina Shinomiya, ang alam lang niya na kapatid nito ay ang tatay nina Ryuuji at Akemi Mikazuki na napangasawa ng isa ring Shinomiya galing sa isa sa branch families niyon. Pero napatay sa isa pang engkuwentro ang mag-asawang Mikazuki tatlong taon bago ang pag-atake.

So if that was the case, may iba pa bang 'uncle' na tinutukoy si Hitoshi kay Takeru nang mga panahong iyon? Posible rin kaya na naka-record sa geneology book ng mga Shinomiya ang pangalan ng taong iyon? Pero kung ganoon nga iyon, mukhang mahihirapan naman siya sa pagkuha ng record na iyon. Only a legitimate Shinomiya was given full access to read it, let alone hold it. Unless makaisip siya ng paraan kung paano kukumbinsihin ang sinuman sa mga natitirang Shinomiya.

But no one among the remaining members of the Shinomiya clan must know Hitoshi's last mission to Takeru. Kaya naman sa kabuwisitan niya ay marahas na napakamot tuloy siya ng ulo niya. Seriously, he had been doing a lot of that lately. Nag-umpisa iyon nang malaman niya ang pinagkakaabalahan ni Yasha matapos ang pag-atake sa Shinomiya mansion sa Kyoto. Kung bakit ba naman kasi naisama pa ang babaeng iyon sa gulong kinasasangkutan nila.

"Mukhang ang laki ng problema natin, ah."

Napaangat ng tingin si Takeru pagkarinig sa nagsalitang iyon. "Shiro... You came back fast."

"Ayokong magtagal doon. Lalo lang akong masisiraan ng bait kapag nakikita ko ang sitwasyon niya. Iyon ay kahit alam kong lumalaban pa rin siya sa kabila ng hirap na nararamdaman niya," ani Shiro at pumuwesto sa upuang katabi ni Takeru sa kaliwa. He was staring into space for a few minutes. "I guess that's my consolation for all this. He's still fighting hard."

"He's still the same?" tanong ni Takeru habang nakatingin sa anyo ni Shiro na tila pilit na nagpapakatatag sa kabila ng lahat.

"Unresponsive but he surely showed an immense progress these past weeks." Bahagyang napangiti si Shiro pagkatapos niyon. "Kapag nagtuloy-tuloy raw iyon, posible na siyang magising nang tuluyan."

Napangiti na rin si Takeru sa ibinalitang iyon ni Shiro. For a few moments, he was contemplating whether or not he would try to convince Shiro to help him in obtaining the records he needed. Pero bago pa siya makapagdesisyon, narinig niya ang pagbukas ng pinto ng conference room. Mula sa silid na iyon ay isa-isang nagsilabasan ang mga Knights at clan leaders na naroon.

The last to come out were Daryll and Shingo--both with grave looks on their faces. Mukhang napakaseryoso nga talaga ng naging pag-uusap na naganap sa silid na iyon.

Napansin ni Takeru na nagkanya-kanya nang diskusyon ang mga Knights. They were divided per clan. The five Miyuzaki siblings, Amiko and the Nanasaki siblings, and the Yumemiyas composing of Mamoru and Miyako together with their cousins Chrono and Julie. Siyempre pa, ipinagtaka niya iyon. Nakita naman niya sina Ryuuji at Akemi na seryosong nag-uusap sa isang sulok at tila wala ring planong ipaalam sa kahit kanino ang anuman tungkol doon. He saw Shiro approach his cousins and Ryuuji appeared to have willingly explain the details to the man.

Lalapitan na sana ni Takeru sina Daryll at Shingo nang makita niya ang natatarantang paglapit sa kanya ng isa sa mga tauhan nila.

"Doushita? (What's wrong?)" agad na tanong ni Takeru rito.

Marahas na napabuga ng hangin ang lalaking iyon bago ito nagsalita nang malakas na tila takot at nag-aalala. "Taihen desu! Hime-sama ga...! Hime-sama ga...! (There's trouble! The princess...! The princess...!)"

And then a foreboding feeling formed at the back of Takeru's mind. Mukhang sa ekspresyon na lang ng tauhan nilang ito, hindi lang ang prinsesa ang nasa panganib. He could tell that based from the look of horror on the man's face.

"Where are they?"

Now that has caught everyone's full attention.

No comments:

Post a Comment