Originally posted in my FB account last October 22, 2014
Wala pong nag-tag sa akin pero feel ko lang po talagang makiuso dahil bigla akong nagkainteres maglagay ng ganito sa FB ko at pati na rin sa Tumblr account ko. Hehe! Although noon pa ito nauso. I think 2 months ago pa.
At dahil wala na akong mai-post na medyo matino, ito na lang muna.
1 – Certified Baguio girl ako. I was born and raised here at dito pa rin ako nakatira hanggang ngayon.
2 – Forever favorite ko na sina Edogawa Conan at Hattori Heiji. Hindi sila nawawala sa list ng favorite anime characters ko of all time. Silang dalawa ang number one doon, kumbaga.
3 – Mahilig akong mag-walkathon mula bahay papunta sa town proper ng Baguio na kadalasan ay inaabot ng 40-45 minutes. Iyon ay kahit na may available na jeep sa area namin, maliban na lang kapag umuulan. Kaya natatawag akong kabayo dahil doon, eh. Isa pa, masyado raw akong mabilis maglakad.
4 – NBSB? Certified iyan at the age of 23 (as of this post). Kaya nga siguro ibinubugaw na ako ng Mama ko’t mga kapatid ko na mag-boyfriend na raw ako. Wala nga lang yatang magkamaling ligawan ako o takot lang sila sa akin. Haha!
5 – Iyong kapeng tinitimpla ko ng umaga, umaabot pa hanggang hapunan bago ko tuluyang maubos.
6 – Hindi ako lumalabas ng bahay at aalis na hindi nakasuot ng anything na long-sleeved. Kahit summer, laging ganoon.
7 – Nagme-make up lang ako kapag may importanteng okasyon–meaning kapag graduation o ‘di kaya ay may acquaintance party at ball sa school.
8 – All-time crush ko sina Yuu Shirota at Yunho ng TVXQ. O, walang kokontra!
9 – Favorite pocketbook (unofficial) series ko ay ang Tennis Knights ni Marione Ashley. Wala pa rin ba si Enzo hanggang ngayon, Miss MA?
10 – I’m an anime fanfiction writer lalo na kapag tinotopak ang takbo ng utak ko. All time favorite anime na sinusulatan ko ng fanfic? P.O.T. Alam n’yo naman na siguro kung anong anime ‘yan, ‘di ba?
11 – Fan ako ng mga mahou shoujo-themed anime pero pili lang ang pinapanood ko sa mga iyon. Iilan lang kasi ang talagang nakakuha ng interes ko, eh.
12 – Nakalimang returned na ako ng MS from two different publishing houses. Pero hanggang ngayon, trying hard pa rin akong magsulat at magpasa n’on. Try and try until you succeed nga, ‘di ba?
(10/22/14 As of this date, may approved na rin akong MS, sa wakas!)
13 – Mas gusto kong nagpupunta ng simbahan kada Sabado. Mas tahimik ang pagdarasal ko kapag ganoon.
14 – Takot ako sa palaka. Hindi ko alam kung bakit pero hindi naman iyon maiko-consider na phobia, right? Basta takot lang ako.
15 – I’m more into listening ballads kahit na anong language pa iyan. Six languages lang naman ng mga ballad songs ang pinapakinggan ko so far (Japanese, Korean, English, Taiwanese/Chinese, Thai, and Tagalog). Mas nakokondisyon ko ang utak ko kapag nakakarinig ako ng ballads and classics.
16 – I like watching Super Sentai Series (which was the Japanese version of Power Rangers). Pero nag-umpisa lang naman iyon nang bigla kong maisipang mag-research tungkol kay Hiroki Aiba. Dalawa pa lang na series ang nakokompleto kong panoorin.
17 – I like chicken macaroni salad. Kaya nga madalas na iyon ang nire-request ko sa Mama ko kapag may okasyon, lalo na sa birthday ko.
18 – Hindi nawawala sa playlist ko ang kantang “A Perfect Christmas” by Jose Mari Chan at “Christmas Eve” by Celine Dion kahit wala pang Christmas season. ‘Kakaloka lang.
19 – Hindi pa ako nakakasakay sa tren at eroplano, at all. As in never pa in my entire life. Barko… nasakyan ko naman na iyon nang minsang magbakasyon ako sa Antique at Mindoro.
20 – Hindi ako marunong lumangoy, whatever they do. Hanggang lubog at babad lang ang kaya kong gawin kapag nasa swimming pool ako o ‘di kaya’y nasa beach.