KAHIT siguro ilang buntong-hininga pa ang pakawalan ni Takeru, wala nang magagawa iyon para tanggalin ang mga panggulong bagay sa isip niya. Aaminin niya, hindi pa siya gaanong nakakahuma sa mga natuklasan nila ni Kourin sa archives room noong isang araw.
'How in the world did Shingo's name end up in that book?' Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Takeru sa isip. Tama ba ang sinabi ng prinsesa? Na may mga bagay pa silang hindi nalalaman tungkol sa Shrouded Flowers? Alam ng halos lahat na kabilang sa mga Miyuzaki si Shingo at si Lady Shouda mismo ang nakapagpatunay niyon.
So how come Shingo's name was listed in the Shinomiya Clan's Genealogy Book?
Kahit gusto man ni Takeru na alamin ang totoo, nangako siya kay Kourin na wala munang ibang dapat makaalam ng tungkol sa mga natuklasan bukod sa kanilang dalawa. At this point, kailangan niyang panindigan ang pangakong iyon.
Palabas na sana si Takeru sa mansiyon nang marinig na may tumawag sa kanya. Sa paglingon ay nakita niyang papalapit sa kanya si Kourin.
"Princess, is there something wrong?" tanong ni Takeru.
Umiling si Kourin at napangiti. Seriously, does something really has to go wrong whenever she would just decide to inquire ― let alone approach someone? But she'd rather keep that thought to herself. Hindi pa niya planong masabihan ng pilosopo o anumang tulad niyon sa ngayon.
"May pupuntahan ka ba?" tanong na lang ni Kourin.
"I'll be heading out to the hospital and check out on Jun. I heard from Shiro that he's been making progress. But I just thought I'd go there and see it for myself."
Tumango-tango si Kourin. Kababakasan ng pag-aalinlangan ang mukha ng dalaga na agad napansin ni Takeru. Kumunot ang noo niya. "It seems you want to say something to me, Princess," he stated. It earned him a sigh from the girl before he saw her nod.
"Walang dapat makaalam ng mga nalaman natin sa archive room, Takeru. Pipilitin kong alamin ang totoong kuwento sa likod ng nakita natin." Kourin knew she had made the same request to him before they entered the archive room. But somehow, she couldn't help reminding him about it again.
"I know that, Princess. Don't worry. Maybe I'll do my own investigation with regards to that. So for now, just focus on what you have to do. Okay?"
Bumuntong-hininga si Kourin bago tumango. Sa nakikita niya, tutuparin naman ni Takeru ang mga sinabi nitong iyon.
xxxxxx
HINDI maintindihan ni Takeru kung bakit nakaramdam siya ng kaba nang makarating na sa ospital kung saan naka-confine ang taong kailangan niyang bisitahin. But he could possibly attribute it to the fact that he was worried about Jun and his condition. Malala nga siguro ang tinamong pinsala ni Jun para umabot ng dalawang taon na walang malay ang lalaki.
'He must have fought so hard to end up like that.' Iyon na lang ang nasa isip ni Takeru habang tinatahak ang daan patungo sa silid kung saan naroon ang pakay niya. Ilang sandali pa ay narating na niya ang lugar.
Takeru was about to open the door when his hand stopped mid-air. Kasabay niyon ay ang pagkunot ng noo niya dahil sa naulinigang tinig mula sa loob ng silid. It wasn't what he thought it was, right?
'What is she doing here?' Takeru listened once more, and carefully this time. Kailangan niyang masiguro na hindi nga siya pinaglalaruan lang ng kanyang pandinig. When he made sure that what he heard wasn't a product of his imagination because of what he and the princess discovered, he stealthily opened the door. He was making sure that the person inside won't know he was there.
Pero sa ginawang iyon ni Takeru, lalo lang kinumpirma niyon ang nauna na niyang hinala. Pilit niyang itinago ang pagkagulat sa pagkunot ng kanyang noo. Kasabay kasi ng sorpresang naramdaman niya ay ang pagtataka. Nakatalikod si Yasha sa pinto kaya tiyak niyang hindi pa ito aware sa paligid nito at hindi pa nito nararamdaman ang pagmamasid niya.
"Sorry, Jun, ha? Ang tagal na pala kitang hindi nabibisita rito. Ang dami na kasing nangyayari, eh. But don't worry. Ginagawa ko ang lahat para mag-ingat. Ayoko namang masayang ang sakripisyo mo. I should've been in your position right now if it wasn't for what you did that night. Kaya naman gagawin ko ang lahat para hindi tuluyang mapahamak at mapatay ng mga iyon."
From Yasha's words alone, madali nang nakita ni Takeru sa kanyang isipan ang totoong pangyayari kung bakit na-comatosed ngayon si Jun. At kahit gusto niyang komprontahin ang dalaga tungkol doon, alam niyang hindi pa iyon ang tamang panahon. At isa pa, kung gusto man niyang alamin ang totoo, isang tao lang sa ngayon ang posibleng makapagbigay sa kanya ng kasagutan.
'Question is, will Shiro give me the answer I need?'
xxxxxx
KUNG makapagpakawala lang si Tetsuya ng hininga nang mga sandaling iyon, para siyang hapung-hapo. Hindi niya maintindihan kung bakit. Samantalang kararating lang niya sa lugar na iyon at sa pagkakaalam niya ay hindi naman siya naglakad ng malayo para makaramdam ng ganoon.
But then again, the place seemed to give that kind of feeling to anyone who would decide to explore the place months after the devastating explosion took place. Tama, naroon si Tetsuya sa Casimera ― sa lugar kung saan pinasabog ang templong naroon anim na buwan na ang nakakaraan. And by those damned Dark Rose, at that. Iyon din ang lugar kung saan natagpuan ang Full Moon Sword na ginamit ni Seiichi para kalabanin si Oceanus.
Hanggang ngayon, hindi pa rin mapaniwalaan nang husto ni Tetsuya ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi kailanman lingid sa kanya ang totoong kakayahan ni Oceanus. After all, that man was formerly a Miyuzaki. But just like the others who had betrayed the Shrouded Flowers, Oceanus' obssession over his skills caused the man to go astray. But the one thing he was truly curious about was Seiichi. How in the world did that young man manage to hold off Oceanus?
Lalo tuloy umigting ang curiosity ni Tetsuya tungkol kay Seiichi at sa totoong kakayahan nito. Yes, he knew Seiichi was important to the dead Shinomiya clan prince, most especially to the clan princess. But he couldn't help thinking that there was more reason for those two to treat the said boy like that.
Perhaps the reason was even greater than any of them could fathom.
Pero sa ngayon, pipigilan na lang muna ni Tetsuya ang isipin iyon. Makakasagabal lang iyon sa misyon niya sa Casimera at hindi niya gustong mangyari iyon. Muli ay inilibot niya ang tingin sa paligid. The place where the temple once stood didn't remain barren and forgotten, though. Mukhang may mga tao pa ring pinapanatili ang kagandahan ng lugar na iyon sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga puno at bulaklak na naroon. Pero nagtataka siya kung bakit parang hinayaan lang yata na manatili roon ang mga kalat-kalat na bahagi ng pinasabog na templo.
The ruins of the temple was still there, charred and left untouched. Nang lapitan iyon ni Tetsuya, nakita niya na tanging ang first floor at podium lang ng istruktura ang nananatiling nakatayo. Napailing siya dahil nasasayangan siya. Mga baliw na nga lang talaga ang maglalakas-loob na sirain ang ganoong klaseng istruktura.
"Why did I even encounter such lunatics in my life?" bulong na lang ni Tetsuya at dahan-dahang pumaikot sa paligid ng nakatayong bahagi ng templo.
But as Tetsuya did so, unti-unting napapakunot-noo siya nang may mapansin sa dingding ng nakatayong bahagi ng first floor ng templo. All he could see were symbols. Familiar symbols etched on the wall, to be exact.
'Come on, not another puzzle to solve.' Seriously, Tetsuya could only complain like that in his mind as he saw charred words written in Kanji and even the emblems of various Japanese clans. But even if he would complain about it, wala na rin naman siyang magagawa. Nariyan na ang mga palaisipan na posibleng sagot sa mga tanong nilang lahat. Ang kailangan na lang nilang awin ay pakaisiping mabuti ang mga sagot na lalabas. He had to do his job in helping the princess at all cost. Masyado na itong maraming iniisip para dumagdag pa ang mga palaisipang ito.
"It seems to me you've found it, as well."
Marahas na napalingon si Tetsuya sa pinagmulan ng tinig. Nakita niyang papalapit si Akira na hawak ang isang may kalakihan at nakarolyong papel. It looked like an old paper.
"Mukhang inunahan mo na ako rito, ah," sabi ni Tetsuya at tiningnan ang hawak ni Akira. "What's that on your hand?"
"An old map that you asked from Amiko before. Shuichi gave it to me."
"Bakit sa 'yo ibinigay? Ako ang naghanap niyan, eh," kunot-noong usisa ni Tetsuya at napalabi pa.
Napailing naman si Akira sa tila batang akto ni Tetsuya. "May gusto lang siyang ipa-check sa akin. He wanted me to know if all the presumed locations of the Eight Celestial Points really match the location of the stars of Polaris and the Big Dipper."
"I guess our ancestors had truly loved stargazing, huh?"
Hindi nagsalita si Akira. Bagkus ay iniabot niya kay Tetsuya ang nakarolyong mapa. Nagtatanong ang mga matang nakatingin kay Tetsuya sa kanya. "You should be the one to hold this. Sa palagay ko, mas maiintindihan mo ang mga ito kumpara sa akin. Perhaps, Lord Theron even mentioned something to you about the contents of that map."
Napatigil sa akmang pagkuha ng mapa si Tetsuya. Hindi maitatanggi ang pagkagulat na naramdaman niya dahil sa sinabi ni Akira kahit pilit niyang itinatago iyon mula sa mukha. "What's that supposed to mean?"
"Hanggang kailan mo itatago sa amin na pinagsisilbihan mo rin ang leader ng Miyamoto clan bukod sa prinsesa? I know Amiko's already aware of that. Kaya ka niya pinagbibigyan sa mga hiling mo, lalo na 'yong may kinalaman sa pag-iimbestiga mo sa mga posibleng miyembro ng Yasunaga clan."
Nag-iwas ng tingin si Tetsuya matapos ibaba ang kamay na kukuha sana sa mapang hawak ni Akira. Bumuntong-hininga siya kapagkuwan. "Even though I'm serving another clan leader, please know that my loyalty still remains with the Shinomiya clan princess."
"Alam ko naman iyon, eh. I didn't say otherwise. You're not merely one of the warriors that protect that future leader of the Shrouded Flowers. Best friend ka rin niya dahil ikaw ang itinalaga ni Lord Ryuuki na maging tagapagbantay ng prinsesa. If Amiko hadn't arrived ― "
"Don't blame Amiko for anything," putol ni Tetsuya sa sinasabi ni Akira. Hinarap niya ang lalaki at matamang tiningnan ito. "You have no idea how glad I am that she came and took over the position from me. Dahil kapag nanatili akong shadow guardian ni Lady Kourin, hindi ko magagawang tapusin ang misyong itinalaga ni Lord Hitoshi sa akin noon na hindi nadadamay ang prinsesa. I can't risk that. Amiko agreed to take over when I promised that whatever information I have with regards to the Yasunaga clan, ipapaalam ko iyon sa pinsan niya bukod sa mga clan leaders. And that cousin of hers happened to be the future Miyamoto clan lord na si Lord Theron."
Bagaman hindi maitatangging ikinagulat ni Akira nang husto ang mga isiniwalat ni Tetsuya, agad din niyang naintindihan ang nais nitong ipunto. With a heavy sigh, he handed the map over to Tetsuya one more time. "Tama lang pala na iabot ko sa iyo 'to. But for this particular investigation, kailangan nating ipaalam kay Lord Mamoru ang mga malalaman natin. He, in turn, will relay the information to the other clan leaders and even to Shigeru."
Tumango lang si Tetsuya at kinuha na ang mapang iniaabot sa kanya ni Akira. But before he decided to open it, napatingin siya sa mga simbolong nakita niya sa nakatayong bahagi ng pinasabog na templo. "Do you have any idea what could those symbols mean, by the way? The words were charred so I can't read it very well."
Tiningnan ni Akira ang tinutukoy ni Tetsuya. Hindi siya sigurado noong una kung ano ang mga simbolong iyon na nakasulat in Kanji. But upon recalling the various passages discovered among Hitoshi's lost possession, he finally realized the answer.
"It was a warning... to those who would dare try to discover the secret of the Yasunaga clan without their consent," Akira stated gravely.
Kunot-noong napatingin naman si Tetsuya kay Akira. "Sino naman ang maglalagay ng ganyang klaseng warning diyan? Was it someone from the Yasunaga clan, as well?"
But to Tetsuya's confusion, Akira shook his head soberly. His confusion soon turned to utter shock when Akira spoke once more.
"It was someone from the Miyuzaki clan."
No comments:
Post a Comment