Wednesday, December 25, 2019

the last sky of the earth 96 - confrontation

HINDI matigil si Kourin sa pagdarasal na sana ay maabutan pa nilang buhay si Mamoru. Bagaman iyon ang pilit na sinasabi sa kanya ni Tetsuya, bakas din sa mukha ng kaibigan ang pag-aalala nito para sa Yumemiya clan leader.

Kahit sabihin pang nasa isang liblib na lugar sa mga sandaling iyon si Mamoru, hindi pa rin garantiya iyon para masabing ligtas ito. Lalo na't nabanggit din sa kanya ni Tetsuya na may sumusunod dito noong nagtungo ito sa Lorlea Valley para mag-imbestiga ng anumang may kinalaman sa Ethereal Sky.

Kasama nina Kourin at Tetsuya sina Amiko, Ryuuji, ang kababalik lang na si Shuichi at pati na rin sina Daryll at Shingo. Sasama pa nga dapat sina Chrono, Miyako, Takeru, at Akemi subalit may iba pang kailangang asikasuhin ang mga ito, sa utos na rin ng 13th Knight at maging ng dalawa pang clan leaders sa Shrouded Flowers. Kaya naman ipinaubaya na lang ni Miyako at maging ni Chrono sa kanila ang pagtulong kay Mamoru.

Subalit kasabay ng pagdarasal na ginagawa ni Kourin para sa isa pang kapatid at guro, paulit-ulit ding umaalingawngaw sa kanyang isipan ang isa pang binanggit ni Tetsuya. Ang dahilan kung bakit inatake ni Cronus si Mamoru sa Kusanagi Shrine.

"You're thinking about the Rose Tablet, aren't you, my lady?" Shuichi inquired though done more as a statement than a question.

Napangiti na lang nang mapakla si Kourin. "Ganoon na ba ako ka-transparent?"

"Mas tamang sabihin na iisa lang tayo ng iniisip sa ngayon, Lady Kourin. Lalo na't ilang taon ding nawala sa radar ng Dark Rose ang tungkol sa tablet na 'yon hanggang sa may nakapagsabi sa kanila na nasa posesyon ni Lord Mamoru ang isang bahagi niyon."

"Pero hindi sa mga tauhan natin nanggaling ang intel na 'yon, tama?" 'di napigilang tanong ni Amiko na nakaupo sa kanan ni Kourin.

"Walang alam ang sinuman sa mga tauhan natin tungkol sa isang posibleng dahilan kung bakit nilusob ni Cronus ang research center na pinagtatrabahuhan ni Chie Nagahama noon," sagot ni Tetsuya na nakatingin lang sa labas ng bintana ng van. "Iyon ang isang rason kung bakit hindi nagsama ng kahit na sinong tauhan natin si Lord Mamoru."

"Pero kung isang bahagi lang ng Rose Tablet ang hawak ngayon ni Lord Mamoru, saan nakatago ang iba pa? Kasama bang nasunog iyon sa research center?" tanong naman ni Daryll na nakaupo sa likod ng van kasama ni Shingo.

Si Ryuuji na siyang nagmamaneho ang sumagot niyon. "Iyon ang una naming pinaniwalaan, lalo na't wala sa building kung saan nakita ang bangkay ni Chie ang iba pang bahagi ng tablet. Until Mamoru realized that Chie and her aide Kohaku Watamaki decided to outwit the Dark Rose by at least a few steps in keeping the rest of the tablet safe someplace else. Kung nasaan man iyon ngayon, tanging ang dalawang researcher na iyon at marahil ay pati na rin si Mamoru ang nakakaalam sa tunay na kinalalagyan niyon."

Hindi napigilang mapahanga ni Kourin sa dalawang babaeng researcher dahil sa ginawa ng mga ito. May palagay siyang alam ng mga ito ang kaakibat na pnganib ng piniling trabaho subalit ipinagpatuloy pa rin nila iyon. Pero may isang bagay siyang gustong malaman na ni minsan ay walang nagbanggit sa kanya ng buong detalye.

"What exactly happened back then, three years ago, at that research center that resulted in Ms. Chie's death and of the other researchers?" Kourin asked that soon created a tensed atmosphere inside the car. Well, she already expected it and had braced herself for it.

Ilang sandaling walang nagsalita sa sinuman sa loob ng kotse pero matiyagang naghintay ng sagot si Kourin. At least, she knew one of them would soon answer her crucial question. She waited... and waited...

Untilー

Tumikhim si Tetsuya sa tabi ni Kourin, dahilan upang mapatingin siya sa binata. Kapagkuwan ay humarap ito sa kanya, seryoso ang ekspresyon na bagaman hindi niya laging nakikita sa mukha nito ay hindi naman na bago sa kanya.

"You are aware that it was Cronus who cruelly killed Ms. Chie, right?" Tumango si Kourin. "At mukhang hanggang doon lang ang sinabi sa 'yo noon. The truth is, hindi lang si Ms. Chie ang pinatay niya nang brutal nang mga panahong iyon. Lahat ng mga kasamahang researchers ni Ms. Chie sa research center na iyon, walang awang pinatay ni Cronus," umpisa ng pagsasalaysay ni Tetsuya.

"Sa paanong paraan?"

"Pinaulanan ni Cronus ng bala kasama ng ilan sa mga tapat niyang tauhan ang mga researchers na nasa Western Building dahil noong mga panahong iyon ay doon sila nagtipon-tipon para sa isang conference. Wala silang pinalampas kahit na isa, maging ang ilang nagtangkang tumakas. Siniguro nila na patay ang lahat ng naroon sa research center. While Cronus, after doing his first part of the job, headed straight to the room where Ms. Chie was at the time. Sa Eastern Building naman. Not only did he shoot her several times all over her body, but Cronus also slit her throat deeply, like trying to sever her head from her body and stabbed her several times. Almost all of them were fatal and were spread all over her body, as well."

Napasinghap at natutop na lang ni Kourin ang bibig dahil sa narinig. Maging si Amiko ay kababakasan ng hindi pagkapaniwala ang magandang mukha nito. Ngayon lang nila lubusang naintindihan ang matinding kagustuhan ni Mamoru na tapusin na ang kasamaan ng Dark Rose.

Muling nagpatuloy si Tetsuya sa pagkukuwento. "Nang masiguro niyang wala nang sinuman ang buhay sa research center ay pinasabugan nila ang Western Building. Well, as you know, explosions like that could create shockwaves strong enough to shake a building, depending on the building's structure itself. That shaking created explosive reactions from the chemicals that were scattered and spilled in the Western Building, further intensifying and spreading the fire that the grenade started. Nang maapula ng mga bumbero ang apoy, tuluyan nang natupok niyon ang lahat ng nasa Western Building. Lahat ng katawang nakita roon, nahirapan silang kilalanin dahil sunog na sunog ang mga iyon. Ang tanging nakilala lang kaagad ay ang katawan ni Ms. Chie na siyang nag-iisang bangkay sa Eastern Building na hindi sinunog o pinasabugan ni Cronus."

Though Kourin was aware of the ruthlessness and brutality of the Dark Rose, hearing this sort of detail from Tetsuya still made her blood boil. Talagang hindi niya magagawang patawarin ang mga demonyong iyon.

"We're here," anunsiyo ni Ryuuji na pumutol sa daloy ng isip ni Kourin.

Pagkasabi nito ay tumingin si Kourin sa labas ng bintana ng kotse at tumambad sa kanya ang isang lumang building na may tatlong palapag. Kahit sabihin pa na ito ang unang beses na nakarating siya sa Casimera, hindi niya maintindihan kung bakit may pakiramdam siya na minsan na siyang nakarating sa lugar na iyon. Pero imposible naman yata iyon.

"This building... Wasn't this the place where Lord Kenji first found and rescued Amiko? The place where she was almost killed before?" umpisa ni Shuichi at tiningnan ang nasabing dalaga. Walang kaabog-abog na tumango naman ito.

"Pero bakit dito? At bakit buo pa rin ito? I really thought that this place wad demolished soon after I was rescued here," may pagtatakang tanong ni Amiko na tiningnan na rin ang nasabing luma at abandonadong building.

"Whatever the reason, I think somebody took advantage of it and used this place as a hideout," ani Daryll.

Pero sa buong durasyon ng biyahe, kapuna-puna para kay Kourin ang pananahimik ni Shingo sa likod ng kotse. May problema ba ito? "Are you alright, Dr. Shingo?"

Bagaman tumango ito at ngumiti pa sa kanya, hindi pa rin sapat iyon para kay Kourin. Sigurado siya na may bumabagabag dito na kung ano tungkol sa lugar na iyon. Pero nais niyang respetuhin ang privacy nito. Natigil lang siya sa pag-iisip nang tuluyan nang maiparada ni Ryuuji ang van sa isang tabi ng building na iyon. Agad silang bumaba pagkatapos niyon at tumakbo patungo sa second floor kung saan alam nilang naroon si Mamoru nang mga sandaling iyon.

Pero napatigil silang lahat sa pagtakbo nang makita ang isang babaeng may hawak ng katana at agad na sinugod si Shuichi na mabilis naman nitong nailagan. Shuichi was about to do a counterattack when a voice distracted them all.

"They're not enemies, Kohaku," mahinang sabi ni Mamoru na noon lang nila napansing may benda ang katawan. "They're part of the Shrouded Flowers, as well. Mga kasamahan ko sila."

Lito at gulat na napatingin si Tetsuya sa babaeng tinawag ni Mamoru na Kohaku. "Ikaw... Ikaw 'yong aide ni Ms. Chie sa research center? Pero... ang akala namin..."

Aide ni Chie sa research center? "Ibig sabihin... may nakaligtas sa pag-atakeng iyon?"

"Lady Kourin? You're here, too?" Tila noon lang napansin ng sugatang Moon Knight ang presensiya ni Kourin. "You shouldn't have come here."

Bumuntong-hininga na lang si Kourin at lumapit kay Mamoru kasama sina Tetsuya, Amiko at Shingo. Noon lang ibinaba ni Kohaku ang nakatutok pa ring katana kay Shuichi. Umayos na rin ng pagkakatayo si Shuichi at tinitigan lang si Kohaku na sa mga sandaling iyon ay nag-aalalang nakatingin kay Mamoru.

"I was able to remove the bullet. Pero mas makakabuti pa rin kung dalhin n'yo na si Mamoru sa ospital. Hindi ko matukoy kung ano ang meron sa balang tinanggal ko sa kanyaー" Tumigil si Kohaku sa pagsasalita at may kinuha sa bulsa ng square pants na suot nito na iniabot kay Shuichi. "ーpara manghina siya nang ganyan. One thing I could tell, it's only in its small amount. Not enough to kill Mamoru just yet if that was your enemy's intention when he shot him."

Takang napatingin si Daryll sa babae na hindi kababakasan ng anumang emosyon ang mukha kahit nang maiabot na nito sa Red Dragon (Shuichi) ang balang tinanggal nito kay Mamoru. "You seem to know a lot about medicine for you to do something like removing a bullet from someone."

"Dating doktor ang mga magulang ko. In fact, sila mismo ang nagturo sa akin ng basic medicinal skills. Baka raw kailanganin ko kahit hindi pagdodoktor ang kinuha kong kurso at trabaho." Kababakasan ng malungkot na ngiti ang magandang mukha ni Kohaku. "Pero hindi naging sapat iyon para mailigtas ko ang stepsister ko."

"Stepsister?" kunot-noong tanong ni Ryuuji.

Tiningnan ni Kohaku si Ryuuji, puno ng lungkot at pagsisisi ang mga mata. "Chie Nagahama was my stepsister and I also became her aide in her research with every artifact related to the fallen Yasunaga clan 300 years ago."

Hindi naitago ng mga naroon ang gulat sa mga mukha nang marinig iyon, maliban kina Tetsuya at Mamoru. The two said Moon Knights sighed before Mamoru spoke in a slightly ragged voice. "Saka na ako magpapaliwanag sa inyo tungkol sa nakaraan. Pero Kohakuー" Tumigil ito at umayos ng tayo sa tulong nina Tetsuya at Shingo. "Bakit hindi ka man lang nagsabi na buhay ka pala? All this time... I really thought you also died along with the other researchers."

Nakita ni Kourin ang paglunok na ginawa ni Kohaku, maging ang paghigpit ng hawak nito sa katana. Kaya naman inakala niya na magwawala ito at maglalabas ng galit sa kanila. But the sad and hesitant look in Kohaku's eyes proved something different that made the young clan princess frown.

"Someone saved you from that attack... Is that it?" Kourin voiced out before she could even stop herself.

Napatingin naman ang iba sa dalaga na para bang inihahanda nito ang sarili. 'Di nagtagal ay bumuntong-hininga ito at humarap sa kanila, partikular na kay Kourin. "Yes, someone did. That person also happened to be the one guarding everything related to the elusive Ethereal Sky."

"Ethereal Sky? Teka, paano mo alam ang tungkol dito? At sino ang nagligtas sa 'yo sa pag-atake ni Cronus sa research center?" sunud-sunod nang tanong ni Kourin sa babae.

Pero isang malakas na pagsabog ang pumutol sa diskusyon nilang iyon at nagpatigil sa dapat sana'y pagsasalita ni Kohaku. All of them crouched to the ground when the tremor became too much.

"Okay. Don't tell me na pinasabog na naman nila ang kotse na gamit natin?"

Agad na lumapit sa bintana sina Shuichi at Daryll para silipin kung tama ang sinabi ni Amiko.

"It's not the car. Ang ground floor ang pinuntirya nila at ngayon ay nasusunog na ito." Iniikot ni Daryll ang tingin sa paligid at nanlaki ang mga mata nang may mahagip ang paningin nito. "Everyone, run!"

Not long after, continuous gunshots resonated in the area and had forced the group to flee from that place, but in a different direction. Si Kohaku, sa sorpresa nilang lahat, ang naging guide nila para makaalis sila roon.

"Parang pamilyar ka na sa lugar na 'to, ah," hindi napigilang puna ni Amiko habang tumatakbo na hindi binibitawan ang kamay ni Kourin.

Sina Tetsuya at Shingo ang umalalay sa sugatang si Mamoru habang nasa likod ng anim sina Ryuuji, Daryll at Shuichi. But all of a sudden, the last three mentioned people halted to a stop. Natural lang na mapatigil din ang iba.

"Watamaki-san..." Shuichi called. "Lead the rest of them out of here." He brought out a cylindrical item that he soon twisted, extracting a meter-long blade from it.

Oo, katulad iyon ng sandatang gamit ni Nanami Miyuzaki sa pakikipaglaban dahil iisa lang naman ang may gawa niyonーwalang iba kundi si Tetsuya.

"Amiko and Tetsuya, make sure the princess doesn't get harmed in any way," Ryuuji ordered to the two shadow guardians as he brought out two guns from the holster placed on his back.

"Shingo, ikaw na ang bahala sa kanila," ani Daryll at naglabas ng isang baril at isang kodachi. "Hindi ko alam kung desperado lang si Cronus o sadyang tanga lang ang mga tauhan ng Dark Rose para magpadala ng ganito karaming tauhan para salubungin tayo."

By the time the goons appeared before the three, the others had already proceeded in leaving the area and the building was starting to heat upーliterallyーbecause of the resulting fire from the explosion.

Agad nang sumugod ang mga tauhan ng Dark Rose sa tatlong lalaking nag-aabang lang ng tiyempo para lumaban. That was when they dealt with one of their hurdles in escaping that place. But there was a catch.

"Do you think we can finish this before the building would cave in on us?" Daryll asked as he shot one assailant in between the eyes and stabbed another with his kodachi on the throat.

Patuloy lang si Ryuuji sa pagpapaputok, pagsuntok at pagsipa sa ibang kalabang sumusugod sa kanila nang mga sandaling iyon. "Wala tayong pagpipilian. Wala pa akong planong mailibing nang buhay sa building na 'to."

Bagaman walang sinasabing kahit na ano si Shuichi, mahahalata sa paraan ng pakikipaglaban nito ang kagustuhang matapos kaagad iyon. Before any of the approaching goons could shoot any of the three, Shuichi would dash towards the shooter and cut their arms holding a gun or stab them on the stomach or even slashing their throats. And he took down most of the assailants in, more or less, 30 seconds.

Well, speed was the Azuraya clan's specialty in combat. He had to live up to it.

"We better hurry."

No comments:

Post a Comment