Wednesday, April 29, 2020

I'll Hold On To You 65 - As The Sun Sets

[Relaina]

Okay. Kahit sabihin pang naging maganda naman ang araw namin ni Brent, hindi ko maintindihan kung bakit walang salitang namamagitan sa aming dalawa ngayong naglalakad na kami pauwi sa amin. Nag-insist ang loko na ihatid ako pauwi dahil nga ipinagkatiwala ako ng mga magulang ko sa lalaking 'to.

Hindi naman na nito kailangang gawin iyon, eh. Pero mukhang kakabit na yata ng pangalan nito ang salitang "makulit", sa totoo lang. At matagal ko nang dapat na alam iyon.

Then again, I guess I didn't mind the silence between us at the moment. Gusto kong i-relish ito, for some reason. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Ang weird, 'di ba?

"Seryoso ka ba talaga sa desisyon mong ihatid pa ako pauwi sa amin?" tanong ko ulit kay Brent na tahimik lang na naglalakad sa tabi ko.

Kulang na lang ay mapabungisngis ako nang marinig ko itong bumuntong-hininga. Mukhang nakukulitan na yata ito sa akin. Pero sa totoo lang, kung hindi ko ito gagawin, lalo akong mababaliw sa awkwardness na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.

I knew I wasn't supposed to feel that way. But whenever Brent was involved, my heart was well aware that stopping myself from feeling any mixtures of emotions would be impossible.

"Hindi ka talaga magsasawa sa pagtatanong mo n'yan, 'no?"

"Masisisi mo ba ako? You've always been an unpredictable guy to me. Malay ko ba kung may naiisip ka na palang kalokohan na gusto mong gawin sa akin habang naglalakad tayo pauwi."

"Takot ko lang sa 'yo, 'no? Paniguradong ang guwapo kong mukha ang unang-una mong pupuntiryahin kapag naisipan ko nga talagang gawan ka ng kalokohan."

Diyos ko po! Umiral na naman ang kayabangan ng sira-ulong ito.

But you know what the funny thing was? Hindi inis o pagkairita ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon kapag naririnig ko na naman si Brent na ipinagmamalaki ang guwapo raw nitong pagmumukha. One weird thing that I felt at the moment.

Should I blame the sunset for me to feel that? Maybe.

Should I blame the promise I made that one rainy day to him dahil hindi na natitigil ang mga bagong pakiramdam na 'to sa pagsulpot sa kalooban ko? Hindi ko alam.

I wasn't sure who or what I should blame for all of this. I was aware of one thing, though. Mukhang kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na tanggapin ang mga pakiramdam na 'to, basta si Brent ang involved.

I looked up to the purplish sky. Mukhang ilang sandali na lang ay tuluyan nang lulubog ang araw. Pero hindi ko maintindihan kung bakit naroon ang pakiramdam na… ayokong malayo sa taong ito.

Na ayoko pang malayo rito.

Na ayoko pang matapos ang lahat sa pagitan namin ngayong araw na 'to.

But… wouldn't it be weird for me to feel that way? Why should I feel that, in the first place?

"Are you alright, Laine?"

Ang tanong na iyon ang nagpabalik sa takbo ng isip ko sa realidad. Nag-angat ako ng tingin at napatigil ako sa paglalakad nang mapansin ko ang matamang titig nito sa akin. As much as I wanted to ask him why he was looking at me like that, mukhang nawala na sa isip ko ang mga gusto kong sabihin dito. Iba kasi ang intensidad ng tingin ni Brent ngayon sa akin, eh.

"Kailan ba ako naging okay kapag ikaw ang kasama ko?" I ended up asking that to myself rather than do so out loud. Hindi pa ako nasisiraan ng bait na basta na lang isatinig iyon, 'no?

Binigyan ko lang ang sira-ulong 'to ng dagdag na ipang-aasar sa akin.

"Laine…"

I sighed inwardly and smiled at him. Hindi ko na alintana na ang intense pa rin ng tingin sa akin ni Brent. Then again, sinasabayan naman iyon ng malakas na pagtibok ng puso ko. For some reason, my loud heartbeat was enough to distract me from his intense stare. And to think they were now filled with worries.

"Wala kang dapat na ipag-alala tungkol sa akin. Okay lang ako," sagot ko rito makalipas ang ilang sandali.

"Bigla ka kasing natahimik. And the way you looked at the sky earlier…"

Bagaman hindi na nito itinuloy ang gusto nitong sabihin, hindi ko naman maiwasang mapakunot ng noo dahil sa isang bagay na narinig ko mula rito. Was he really observing me that much for him to even comment on my expression as I trailed off and looked away earlier? Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin tungkol doon.

"May… iniisip lang ako." In a way, that was the truth. But I'd rather leave it as vague as that.

Itinuloy ko na lang ang paglakad para makarating na ako sa bahay. Even though I wasn't worried that my parents would scold me for coming home late, ayoko pa ring pinag-aalala ang mga ito. Kahit sabihin pang alam ng mga ito na si Brent Allen Montreal ang kasama ko, hindi pa rin ako dapat maging kampante.

But before I could walk further away from there, I felt someone's hand on my shoulder and pulled me with a force enough to stop me from my tracks. Nang mapatingin ako sa pinagmulan niyon ay nakita ko ang kamay ni Brent na nakapatong sa balikat ko. 'Di nagtagal ay hinila ako nito palapit dito.

Siyempre pa, wagas kung dumagundong na naman ang buwisit kong puso. It didn't take long before I realized what he was about to do. Nakita kong ipinatong nito sa akin ang jacket nitong nakasabit sa balikat nito kanina lang.

"It's getting colder. Isuot mo muna iyan para hindi ka lamigin," sabi nito at inayos pa nito ang pagkakapatong ng jacket na iyon sa akin.

"Yeah, right. Says the guy who easily gets sick between us." Seryosong usapan, hindi na naman ako maka-keep up sa bilis ng mga pangyayari at maging sa naging biglaang kilos nito na iyon.

The handsome jerk, however, only smiled cheekily and started walking ahead of me. Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti nang sundan ko ito.

Yes, this day could get even weirder than it should have. But I guess I should expect more weirder days than this now that I decided to be by this guy's side.

Just like that, we walked side by side while the sun slowly set on the horizon. Hindi ko man makita ang unti-unting paglubog niyon, nalalaman ko naman iyon dahil sa unti-unting pagbabago ng kulay ng langit.

Pero naalis doon ang isip ko nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko ng mahigpit. Nang tumingin ako sa tabi ko, napansin kong diretso lang ang tingin ni Brent sa tinatahak naming daan. Sa kabila n'on, humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

I didn't pay attention to the way my heart was beating crazily fast again. The warmth from his hand made it happen. Hindi ko alam kung ano ang meron sa araw na 'to para makaramdam ako ng samu't-saring emosyon dahil sa lalaking ito.

Then again, I was sure of one thing. It wasn't bad to feel this once in a while.

Tiningnan ko lang ulit si Brent at lihim na napangiti. At sa isip ko, pinasalamatan ko ang kumag na ito dahil tinupad nito ang sinabi nito nang umpisahan namin ang araw na ito.

He really made this day a wonderful start to our summer together.

No comments:

Post a Comment