[Relaina]
Hindi ko alam kung dapat ko bang ikainis o ikatuwa ang inaakto ni Kamoteng Brent ngayong araw na ito. Then again, hindi ito ang unang beses na napansin kong may kakaiba sa ikinikilos ng lalaking ito. Mula nang gumaling ako may isang linggo na rin ang nakakaraan, wala na itong ginawa kundi ang araw-araw akong puntahan dito sa bahay namin.
And I have to say, it was a little inconvenient for him. Not to mention, way too distracting for me. Pakisabi nga sa akin. Kailan pa naging charming at appealing sa mga mata ko ang stressed, worried, at slightly overprotective na Brent Allen Montreal, ha?
Lumala na ba ang sitwasyon para sa akin, ha? Did I have the need to be so worried for my heart now? Umabot na ba ako sa puntong iniiwasan ko mula nang magpahayag ang lokong ito ng gusto nitong mangyari raw para sa aming dalawa?
"Laine!"
Kulang na lang ay mapatalon ako sa gulat dahil sa pasigaw na pagtawag na iyon sa palayaw na ibinigay a akin ni Brent. Nang lingunin ko ang pinagmulan n'on ay ganoon na lang ang pagtibok ng puso ko nang makita kong nakatingin si Brent sa akin. He was sitting opposite of me sa isang cottage restaurant na pinagdalhan nito sa akin ng araw na iyon.
"Kailangan mo talagang sumigaw, 'no?" sabi ko na lang para mapagtakpan ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa lalaking ito.
"Eh kanina pa kita tinatawag, hindi ka naman namamansin. Wala ka na naman sa sarili mo. Okay ka lang ba? Masama na naman ba ang pakiramdam mo?"
Hindi na ako nakaimik nang itanong nito iyon sa akin. At ako pa talaga ang wala sa sarili, 'no? Hanggang sa maisip ko na baka nga wala na naman ako sa sarili ko. Eh kung sabihin ko kaya rito na ito ang ang dahilan kung bakit nangyayari sa akin iyon? May reklamo pa kaya ito? Baka naman magtatatalon pa ito sa tuwa.
Oh, gosh! Mahabaging Panginoon, tulungan n'yo po ako sa sitwasyon ko ngayon. Ang tindi naman po kasi ng ibinigay N'yong pagsubok sa akin, eh. Bakit kasi ang guwapong sira-ulo pa na ito ang ibinigay N'yong pagsubok sa akin? Kaunti na lang talaga, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin. Lalo na sa puso ko.
I took a deep breath and faced Brent. Mas mabuti pa nga siguro na kumprontahin ko na lang ito kaysa naman ganitong ginugulo na naman ng mga ikinikilos nito ang isipan ko.
"Brent… may problema ka ba?"
Napatigil sa akmang pagsubo ng hiniwa nitong custard pie si Brent bago ako tiningnan. "Ano namang klaseng tanong iyan, ha? Bakit naman ako magkakaroon ng problema ngayong kasama kita?"
Hay… Heto na naman tayo sa mga banat nitong pick-up lines, eh. Pero mamaya ka na mag-react, my dear heart. Mas mahalaga ang gusto kong ipunto sa lalaking ito sa mga sandaling iyon.
"Kailangan mo ba talagang magsinungaling sa akin? Ako lang 'to, o. Balak mo pa bang maglihim sa akin?"
Tuluyan nang natigilan si Brent. Pero alam kong dahil iyon sa nasabi ko rito. Mukhang naintindihan na rin nito ang gusto kong ipunto. Hindi naman sa galit ako dahil ini-insist pa nito na walang problema. Pero siguro nga ay masyadong kong inoobserbahan si Brent para magawa ko na ring pag-aralan ang mga kilos at ugali nito kahit na wala itong tigil sa pang-iinis sa akin. Mas lumala pa yata ang pagiging observant ko sa ugali't kilos nito nang maging malapit na kami.
Not sure if it was a good thing or a bad thing. But I could surely use it to my advantage, though.
"Brent…" tawag ko rito nang mapansin kong tahimik lang ito at nakatingin sa kawalan. Mukhang pinag-iisipan pa yata nito kung sasabihin ba nito sa akin o hindi ang kung ano mang gumugulo sa utak nito.
As much as I didn't like to think that I might have stepped on a landmine on this one, tinatagan ko ang sarili ko. Kahit gaano kaseryoso ang isyung gumugulo rito, gusto ko sanang malaman nito na handa akong makinig dito. At kung kinakailangan ay tutulungan ko rin ito.
Brent heaved a sigh this time. Hindi ako nagkomento. Pero mukhang mahirap nga yata para rito na sabihin sa akin ang kung ano mang gumugulo sa utak nito. This was one of the rare times that I saw him this quiet and thinking deeply about something. Then again, may palagay akong hindi nito intensyong ipakita sa akin ang bahagi nitong iyon.
"Brent?" muling tawag ko rito.
As if on cue, he sighed and faced me with that somber look on his face. "Why is it that I can't hide my worries from you?"
I chuckled. "Because you're allowing yourself to be so obvious in front of me, that's why. Pero may palagay akong hindi mo intensyong gawin iyon"
"Dahil gusto ko na mag-enjoy kang kasama ako at hindi nag-aalala. But it looks like I failed."
Hindi na lang ako umimik. Nagdesisyon na lang akong hintayin itong magsalita at sabihin sa akin ang kung ano mang dapat kong malaman.
"Laine…" pagsisimula nito bago huminga nang malalim. "Have you ever had a dream of seeing someone get killed right in front of you?"
Napamata ako sa tanong na iyon ni Brent. Hindi lang pagtataka ang naramdaman ko, kundi pati na rin ang pag-aalala. Ito ba ang dahilan kung bakit parang maligalig si Brent nitong mga nakaraang araw? Not to mention —
"Ako ba ang napanaginipan mong namatay sa harap mo?" diretsahang balik-tanong ko rito.
The way his eyes widened at my question gave me the answer I needed. Nag-iwas ito ng tingin makalipas ang ilang sandali at pinagsalikop ang mga kamay nito. Noon ko lang tuluyang naintindihan ang ikinikilos nito. Ang pagiging attentive at… slightly overprotective nito sa akin.
"Sorry…" mahinang sabi nito makalipas ang ilang sandali at saka tumingin sa akin. "Hindi ko naman intensyong takutin ka o pag-alalahanin ka."
It was my turn to take a deep breath. "Sa tingin mo ba, hindi mo ako pinag-aalala sa pananahimik na ginagawa mo? Kung hindi pa kita kinulit nang ganito, hindi ko pa malalaman na may ganyang klase ka ng bangungot na gumugulo sa 'yo."
"Dapat pala, lagi na lang akong tumatahimik pagdating sa mga problema ko. Ang cute mong tingnan kapag nag-aalala ka sa akin."
Ito talagang lalaking 'to, kahit na kailan… "Suntok sa mukha, gusto mo? Nang nalalaman mo 'yang cute na sinasabi mo sa akin ngayon."
"Hindi na talaga mawawala ang pagiging brutal mo, 'no? Pinapatawa lang kita, eh. Ayokong nakikita kitang ganyan kaseryoso habang nakatingin ka sa akin."
"Eh 'di huwag mo akong pag-alalahanin, okay?" Iyon lang naman ang gusto kong mangyari, eh. Kaya kong i-tolerate ang pang-aasar at pagbibiro nito sa akin. Pero hindi ang ganitong nasa malayo ang isipan nito o may ibang klase ng takot na pumapalibot sa puso nito.
Naputol lang ang pag-iisip ko nang naramdaman kong may humawak sa dalawang kamay ko. Napatingin ako roon at doon ko nakitang mga kamay ni Brent ang naroon. Hindi na lang ako umimik kahit dumadagundong na naman ang pasaway kong puso dahil sa init na nagmumula sa mga palad nito.
I looked up and looked at his serious expression.
"Huwag kang mag-alala. Hindi na ako maglilihim sa 'yo ulit nang ganito, lalo na kung ganitong maapektuhan ka rin. But please know that I didn't mean to make you worry like this. Okay?"
Hindi na ako nakaimik pa pagkatapos nitong sabihin iyon. Nakikita ko sa mga mata nito na hindi ito nagbibiro. And sometimes, whether I admit it or not, iyon ang nakakatakot.
I had a feeling that the truthfulness that I'd seen in Brent's eyes would be the catalyst for an emotion that I've been trying to avoid feeling all this time. Pero sa nakikita ko, mukhang malapit na ako sa hangganan ng pag-iwas ko.
Mukhang naroon na ako sa puntong hinihintay ko na lang na mag-burst out ako at hindi ko na magawang pigilan ang sarili ko.
No comments:
Post a Comment