[Relaina]
Sa huli, hindi ko rin nagawang kumbinsihin si Brent na sabihin sa akin ang gumugulo sa utak nito. Pero siguro, sapat na sa akin ang itinanong nito sa akin bilang sagot sa tanong ko. Ang consolation ko na lang siguro ay mukhang hindi na masyadong nag-aalala ang lalaking ito.
Wait… Was that supposed to be the term? Hindi lang pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata nito. Naroon rin ang takot. Possibly the rare times that I'd ever seen in Brent's eyes. At hindi na ako nagtaka nang maramdaman kong parang piniga ang puso ko nang makita ko ang takot na iyon.
"Ikaw naman ngayon ang hindi nagsasalita. Napapaisip ka na rin ba sa mga sinabi ko sa 'yo?"
Napatingin ako kay Brent nang sabihin nito iyon, dahilan upang bumalik sa realidad ang isip ko. Nginitian ko lang ito, pero alam kong hindi umabot sa mga mata ko ang ngiti kong iyon.
"Nag-iisip lang ako… ng magagawa ko para hindi ka na mag-aalala sa akin. It's going to be tough. Pero — "
"Laine," putol nito sa mga sinabi ko.
Bago pa ako makahuma ay bigla nitong hinawakan ang dalawang kamay ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa guwapong mukha nito kahit na matindi na naman kung tumibok ang puso ko sa ginawa nitong iyon. But I guessed my words prompted him to do this.
"'Di ba sinabi ko na sa 'yo na wala kang dapat na ipag-alala? Alam mo, ito ang isang rason kung bakit ayokong sabihin sa 'yo ang tungkol dito, eh. Lalong nababawasan ang ganda mo kapag nag-aalala ka, eh."
"Hindi ako nag-aalala para sa sarili ko. Mas nag-aalala ako para sa 'yo," sabi ko. Huli na nang ma-realize ko ang implikasyon ng sinabi ko rito.
Then again, mukhang hindi ko na naisip iyon dahil nakuha pa ring magbiro ng sira-ulong lalaking ito. Malapit ko na talagang masapak ito, sa totoo lang. Pero huminga na lang ako ng malalim at tiningnan si Brent.
"Brent, please naman. Huwag mong idaan sa biro ang pag-aalalang nararamdaman ko para sa 'yo. Okay?"
"Hindi ko idinadaan sa biro ang nararamdaman mo. Your feelings are very important to me. Pero ayokong nai-stress ka para sa akin dahil sa isang panaginip na… na talagang nagbigay ng matinding takot sa akin. I'm not going to let that happen to you in real life. Ipinapangako ko 'yan. Okay?" sabi ni Brent na hindi nawawala ang kaseryosohan sa mukha nito the whole time. Lalo ring humigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay ko.
I ended up responding to that tight hold in kind. It was as if giving him an assurance that I was here. That I won't go anywhere.
Alam kong sinasamantala lang ng lalaking ito ang pagkakataon na makalapit sa akin o hawakan ang kamay ko. I would only pass this off as a joke — usually. Pero hindi ko magawang ituring na biro ang mga ito ng mga sandaling iyon.
Wala naman akong dahilan para magbiro, eh. Dahil alam kong hindi biro ang takot na nararamdaman nito nang napanaginipan nito iyon.
"Basta ipangako mo sa akin na hindi ka mapapahamak, okay? Lalo na kung ako ang magiging dahilan n'on," sabi ko na lang dito makalipas ang ilang sandaling pananahimik.
A reassuring smile and a determined nod… Iyon ang ipinakita sa akin ni Brent bilang tugon sa mga sinabi ko. At bago ko pa maihanda ang sarili ko, bigla na lang nitong hinila ang mga kamay ko at saka ako niyakap nang mahigpit.
On a normal day, I would've pushed him away and joked about him taking advantage of me. But I knew that learning what he feared at the moment didn't make this day anything normal for me. Kaya kahit walang tigil sa pagtibok nang mabilis ang puso ko dahil sa ginawa nitong iyon, hinayaan ko na lang ito.
And from the looks of it, that hug was enough to calm him — and me, as well — down before I knew it. Sa totoo lang, kailan pa nag-umpisa ang ganitong set-up sa pagitan naming dalawa? Na parang sapat na ang yakap o hawak sa isa't-isa para kumalma?
xxxxxx
I just finished writing an entry in my journal that night. Normally, dapat ay natutulog na ako ng mga oras na ito pagkatapos nito. Pero dahil sa nangyari ng araw na iyon, kahit na kinakain talaga ako ng curiosity ko, gagawin ko na lang ang makakaya ko para maalis ko ito sa sistema ko.
Brent didn't want to tell me anything about that nightmare he had about me being covered in blood and dying in front of him. Iyon lang ang detalyeng sinabi nito sa akin tungkol sa bangungot nito. Did I really die in that dream? Ano kaya ang nangyari?
Isang malalim na buntong-hininga na lang ang naging tugon ko sa pagsarado ko ng journal ko at inilagay ko na iyon sa drawer na pinaglalagyan ko n'on. At this point, I knew I should be sleeping.
Pero iba ang naisipan kong gawin.
I just had to call Brent.
Okay, napaka-weird talaga ng mga pinaggagagawa ko nitong mga nakaraang araw. Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang gumagawa ng hakbang para makipag-usap kay Kamoteng Brent.
Unti-unti na nga yata akong nagbabago. Dahil kay Brent. Para kay Brent. Seriously, this was stranger than I could ever think of.
With a sigh, I pressed the Call icon on the screen as soon as I saw the contact number I needed. Ilang sandali lang ang hinintay ko bago ko narinig na sinagot na ang tawag ko rito.
"Hello?" umpisa ko. "Sorry, ha? Naistorbo pa yata kita."
"Ako pa talaga ang naistorbo mo? Kahit kailan yata, hindi ko naisip na istorbo ka sa akin."
Narinig ko pa itong tumawa nang mahina na nagpangiti na lang sa akin. At may nalalaman pa talaga itong ganoon, ha? "Nambola ka na naman. Palibhasa, ako ang unang gumawa ng paraan this time na tawagan ka."
"Hayan ka na naman. Hindi mo na naman ako pinaniniwalaan," sabi nito bago tumahimik at muling nagsalita. "Bakit ka nga pala napatawag? Hindi ka ba makatulog?"
"Hindi pa ako inaantok. Wala naman dito si Mayu ngayon, kaya wala akong makausap."
"Gusto mo bang puntahan kita riyan?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nitong iyon pero sandali lang. Natawa na lang ako at napailing. "Hoy! Magkasama na tayo kaninang umaga hanggang hapon. Wala ka pa rin bang kasawaan, ha?"
"Parang binibigyan mo naman ako ng dahilan na pagsawaan kang kasama ko, ah. Pero matagal ko nang sinasabi sa 'yo na hindi darating ang araw na iyon."
Hindi ko napigilang mapangiti nang malungkot pagkatapos kong marinig iyon. Bigla ko kasing naalala ang sinabi sa akin dati ni Oliver na halos katulad din ng mga salitang iyon. In the end, hindi natupad iyon dahil sa desisyon ng ibang tao na sirain ang relasyon namin ni Oliver noon bilang paraan ng paghihiganti.
I didn't have plans of letting that happen again kung sakali mang maisipan ko ngang buksan ang puso ko ulit. At ngayong kausap ko si Brent, lalong umigting ang kagustuhan kong gawin ang lahat para hindi na maulit iyon.
Noon ko lang naintindihan nang husto ang posibleng ibig sabihin ng panaginip ni Brent na iyon. Our painful pasts were linked to one culprit. Kailangan ko lang siguraduhin na walang mapapahamak sa aming dalawa ni Brent in the long run.
"Saka ka na mangako sa akin, okay? Kapag pareho nating maisip na kaya nating panindigan ang kung ano mang maaari nating ipangako sa isa't-isa," sabi ko matapos ang ilang sandaling pananahimik ko.
"Laine? Okay ka lang? May laman yata 'yang sinasabi mo sa akin ngayon, ah."
Napangiti na lang ako kahit alam kong hindi iyon nakikita ni Brent. I would let him understand everything soon.
No comments:
Post a Comment