Wednesday, February 8, 2023

i'll hold on to you 83 - waking up

[Relaina]

For a long time, all I could see around was darkness. Then again, mukhang may ideya na ako kung bakit ganoon lang ang nakikita ko. Wala akong malay sa kung ano ang nangyayari in the outside world. Kaya kahit patuloy akong maglakad sa kung saan man ako naroroon ng mga sandaling iyon, mananatili akong tulog hanggang wala akong ginagawang paraan para makaalis dito.

At some point, alam kong mahirap. Pero kailangan ko na talagang magising dahil alam kong nag-aalala na ang mga magulang ko. Pati si Mayu. Ang mga kaibigan ko rin. At lalong-lalo na si Brent.

That guy had dreamt of me being covered in blood for quite some time. At kahit ilang beses ko nang sinabi rito na wala itong dapat na ipag-alala, hindi pa rin sapat iyon para maalis ang pag-aalala nito sa akin. At ngayon nga ay nangyari ang kinatatakutan nito.

That was why I had to wake up. Kailangan kong pawiin ang takot nito, ng mga taong mahahalaga sa akin. Kailangan kong bumalik sa mga ito ngayon din. I couldn’t stay here any second longer, just wandering around. There was still something I had to do, whether they liked it or not. Kailangan ko lang talagang pilitin ang sarili ko.

xxxxxx

Liwanag ang unang sumalubong sa akin pagbukas ng mga mata ko. Pero hindi ang ilaw sa kisame ang dahilan. When I blinked, I soon realized that it was sunny. At kung pagbabasehan ko ang nakikita ko sa mga sandaling iyon, I thought it was early morning that I finally woke up. Possibly around 8 AM. Hindi pa kasi ganoon kasakit sa balat ang sikat ng araw at malapit sa binata ang kinahihigaan ko. Kaya ramdam ko kung masakit o hindi ang sikat ng araw.

Pero noon ko lang na-realized na wala ako sa kuwarto ko. First and foremost, I didn’t have a plain white ceiling in my own room. Ang boring kaya n’on. Second, I could smell medicine all around me. Hindi ganoon ang amoy ng kuwarto ko. Lagi kong naaamoy sa kuwarto ko ang lemon o ‘di kaya ay lavender. Siyempre, depende sa mood ko iyon. At ang pangatlo, masakit ang buong katawan ko. Pati ang simpleng pagkilos ng ulo ko ay masakit rin.

It was when I recalled what happened para maramdaman ko ang mga iyon. Pero bago ko pa tuluyang maisip iyon —-

“Aina, gising ka na ba, anak?”

Agad kong ikinilos ang ulo ko patungo sa pinagmulan ng tinig na iyon. Nakita ko ang Mama ko na maluha-luhang lumapit sa kinahihigaan ko.

“Mabuti naman at gising ka na, anak. Alalang-alala kami ng Papa mo sa ‘yo.” Pagkatapos n’on ay pinaghahalikan nito ang pisngi ko at pati na rin ang noo ko.

“Mama? Ang akala ko… nasa Cagayan kayo ni Papa,” nagawa kong sabihin kahit medyo paos pa ako.

“Agad na tinapos ng Papa mo ang trabaho niya nang marinig namin ang nangyari sa ‘yo. Nagmamadali kaming magpunta rito pero na-stranded naman kami ng isang araw sa may pier dahil sa bagyo. Mabuti na lang at hindi nagtagal ang bagyo kaya nagawa naming makauwi kaagad.”

Kumunot ang noo ko sa narinig ko. “Ma… ilang araw po akong walang malay?”

“Dalawang araw lang. Pero sina Brent at Mayu ang nagbantay sa ‘yo noong unang araw mo rito sa ospital.”

“Pati ho… si Brent? Nagbantay sa akin?” Hindi ko inaasahan iyon. Pero hindi na ako nagtaka kung si Mayu ang nagsabi rito tungkol sa nangyari sa akin.

Tumango si Mama at nginitian ako. “Ayaw ka nang bitawan ng batang iyon nang dumating kami rito ng Papa mo. Pero nagawa rin namin siyang kumbinsihing umuwi muna at magpahinga. That kid really cares for you, Aina.”

Urgh! Please, Ma. Huwag mo nang sabihin ang bagay na alam ko na. At dahil sa mga nalaman ko kay Mama, all the more reason why I wanted to see Brent at sabihin dito na okay lang ako. Na okay na ako. Na wala na itong dapat na ipag-alala. Of course, alam ko naman na hindi sapat iyon para mapawi ang pag-aalala nito para sa akin.

But perhaps seeing me alive and well would help. Iyon na lang ang magagawa ko para rito.

All throughout the day, si Mama ang nag-asikaso sa akin. Pinuntahan na rin ako ni Dra. Fate Montreal nang malaman nitong nagkamalay na ako. Kailangan ko pa raw dumaan sa ilang laboratory tests para masiguradong wala nang ibang komplikasyon na posible kong maramdaman as an after-effect ng insidente. Kaya posibleng manatili pa ako sa ospital ng ilang araw hanggang sa masiguro ng mga doktor na okay na ang lahat. Wala namang kaso iyon sa mga magulang ko. Ang importante sa mga ito ay maging okay na ako.

Ilang sandali pa ay mag-isa na lang ako sa hospital room na gamit ko dahil kailangang umuwi ni Mama sa bahay para kumuha ng dagdag na gamit ko at para makapagluto rin daw ito ng mas masarap na pagkain. But in my alone time, iba ang ginawa ko imbes na matulog at magpahinga.

And yes, I would be admitting it —- iniisip ko si Brent. Ano ba naman ‘yan? Palagi na lang ang lalaking iyon ang naiisip ko bago ang insidente, mula nang maaksidente ako at pati ngayong nakaligtas na ako sa pagbanggang iyon. Sa totoo lang, ginayuma ba ako ng sira-ulong iyon?

This was seriously driving me crazy. Pero kahit ganoon ang naiisip ko, hindi ko pa rin mapigilang mapangiti. That guy really stayed by my side. Pero ayoko nang isipin kung ano ang itsura nito habang nakabantay sa akin noong wala akong malay. I could only imagine that it would be painful to look at.

“Mabuti na rin siguro na hindi siya ang naabutan ko rito nang magising ako,” hindi ko napigilang sabihin sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nasa 3rd floor ang hospital room na gamit ko at malapit pa ako sa bintana. Kaya naman walang nakaharang sa paningin ko at kitang-kita ko ang paglubog ng araw. The sun hadn’t touched the horizon yet. Pero nakakatuwa pa ring pagmasdan iyon. At dahil dito, naisip ko na naman ang Kamoteng Brent na iyon.

What the heck? Lahat na lang ba, magpapaalala sa akin ng lalaking iyon?

“Laine?”

Agad akong napalingon sa direksyon kung saan ko narinig ang pamilyar na boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa may pinto at hinihingal pa yata si Brent. Wait… Huwag mong sabihing tumakbo pa ito papunta rito sa hospital room ko? Sa pagkakaalam ko, may elevator naman sa ospital na ito.

“Brent…” Iyon na lang ang nagawa kong sabihin.

But he was still there by the door, trying to catch his breath. Narinig ko rin ang malalim na pagbuntong-hininga nito pagkatapos.

“Hinahabol ka ba ng multo at grabe ka kung hingalin diyan?” Hindi ko napigilang magbiro habang hinihintay itong matapos maka-recover.

He took one more deep breath before approaching the bed where I was lying. Pero nanlaki ang mga mata ko sa sumunod nitong ginawa.

Walang pasubaling naupo ito sa gilid ng kama at dahan-dahan akong pinaupo para yakapin nang mahigpit. Hanggang tingin lang ang ginawa ko kay Brent habang pinipilit ko ang utak ko na iproseso ang lahat ng nagaganap ng mga sandaling iyon. Not to mention… nanginginig din ito.

And… was he crying? May naririnig akong mahinang hikbi galing dito habang mahigpit pa ring nakayakap sa akin.

“Brent… are you okay?” I asked.

Pero iba ang naging sagot nito sa akin. “Thank goodness you’re okay…” Iyon lang ang paulit-ulit nitong sinasabi na hindi nawawala ang panginginig ng katawan nito habang yakap ako.

Just how scared was this guy had become since the incident happened, anyway?

No comments:

Post a Comment