Wednesday, February 22, 2023

i'll hold on to you 85 - let me remind you

[Relaina]

I wasn’t supposed to feel nervous. Kaming dalawa lang naman ni Brent ng mga sandaling iyon sa garden ng bahay namin. Ilang beses na kaming magkasama na kaming dalawa lang. But could there be something about this upcoming conversation para maramdaman ko ito?

“Mukhang hindi na naman naaasikaso ang mga damo rito sa garden ninyo, ah,” umpisa ni Brent, dahilan upang mapatingin ako rito.

Yes, he was looking at the garden. Bagaman totoo ang sinabi nito tungkol sa garden, alam kong hindi iyon ang gusto nitong sabihin sa akin. As much as I wanted to say something, I couldn’t. Gusto kong ito ang unang nagsabi ng gusto nitong sabihin sa akin.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Brentmakalipas ang ilang sandali. Napatingin ako rito, pero sa kawalan ito nakatingin. Para bang pinag-iisipan pa nito kung ano ang sasabihin sa akin. Gaano ba talaga kaseryoso ang gusto nitong sabihin sa akin?

"Mukhang ang bigat naman ng dinadala mo ngayon kung ganyan ka makabuntong-hininga." Oh, crap! Bakit ganoon ang naging comment ko? And here I decided initially that I'd wait for him to start talking to me.

Tumawa naman si Brent. Pero halata kong medyo pilit iyon. "Sorry. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko uumpisahan ang gusto kong sabihin sa 'yo."

"Napansin ko nga. But this has never happened to you before. Tungkol ba ito sa nangyari sa akin?" Iyon lang naman ang naiisip kong puwedeng magpabigat ng nararamdaman nito.

Unless there was another event na hindi ko alam at ngayon ay umookupa nang husto sa dapat na utak ni Brent. Marami pa rin akong hindi nalalaman pagdating sa lalaking ito. Hindi ko naman alam kung gusto kong alamin talaga ang mga iyon. But I didn't want him to deal with it all by himself.

"Isa iyon. Lalo na nang sabihin sa akin ni Andz na sinagasaan ka pa rin kahit na nasa sidewalk ka na. It only meant na ikaw talaga ang target nila. Ayokong isipin na... ikaw ang ginagamit ng sinumang nakaaway ko para gumanti sa akin."

The pain in Brent's voice was evident. Nadurog ang puso ko sa narinig ko. So sinisisi nga talaga ng lalaking ito ang sarili nito sa nangyari sa akin. Pero kung ako ang tatanungin, posibleng may iba pang paliwanag ang insidenteng iyon at hindi lang talaga naka-focus kay Brent ang lahat.

It was then that I recalled Oliver's words about a certain woman na naging dahilan para makipaghiwalay ito sa akin noon.

What was her name again? May koneksyon ang babaeng iyon kay Kuya Evon, eh. Or at least, iyon ang natatandaan ko sa mga sinabi sa akin ni Oliver at the time.

"But you know that it's still my choice to stay with you. Iyon sana ang gusto kong tandaan mo," sabi ko makalipas ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan namin. "Kung totoo mang ganoon nga ang dahilan at ako ang naging target nila, hindi nangangahulugan iyon na lalayo ako sa 'yo."

"Pero, Laine —-"

"Wala nang pero-pero. Mananatili ako sa tabi mo. Ipinangako ko sa 'yo ang tungkol doon noon, 'di ba? This event isn't enough reason for me to break that promise."

I knew Brent would end up resuming his rage over the people that had hurt those that he cared about in the past once I leave him. Magkaaway man kaming naturingan sa karamihan ng mga sandali mula nang magkrus ang mga landas namin, naging sapat naman iyon para makilala ko nang husto ang lalaking ito. No people would ever get away from his rage.

Ayokong may saktan at sugatan na naman ang mga kamay nito. I wanted those hands to remain unstained with any more violence after that last stint he did in that abandoned building. Tama na ang karahasang nakita ko noong araw na iyon. Mas gusto kong manatili itong malayo sa anumang puwedeng maglabas ng galit nito sa mundo.

I heard Brent heaved a sigh not long after. Napatingin naman ako rito dahil doon. Nakayuko ito at nasa mukha nito ang mga palad. Wait... What was he doing at the moment?

"Brent?"

Then his shoulder shook and a sob followed after that. Nanlaki ang mga mata ko sa napansin ko. Was he crying?

"Hey —-"

"Damn it! Seriously... What did I do to deserve you?"

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon. Hindi ko naman alam kung ano ang mga pinaggagagawa nito kahit noong bago pa kami magkakilala. Siyempre, may mga bagay na binanggit sina Mayu, Neilson, at pati na rin si Vivian. But I knew it wouldn't sum up to all the things that Brent did in his life that perhaps I should try to know. Ito lang ang nakakaalam ng mga bagay na ginawa nito sa bahay para maikonsidera ako nito na isang blessing sa buhay nito.

At least, that was how I would interpret his words. Puwede namang iba ang ibig sabihin n'on, 'di ba? In any case, sa tingin ko naman ay natauhan na ang lokong ito kahit papaano.

Wala akong dahilan para layuan ito, kahit sabihin pang ito nga talaga ang rason kung bakit ako ang napahamak. Iyon lang ang dapat na lagi kong ipinapaalala rito.

"Okay ka na?" tanong ko rito nang makita kong kumalma na ito.

I was right; he did cry. Pero mukhang wala na itong pakialam kahit na nakita ko iyon. Maybe he wasn't that apprehensive to the fact na nakikita ko ang sinasabi nitong "weaker side" nito. Everyone had a weaker side, whether people would admit it or not. At walang kaso sa akin kahit na ilang beses kong makita ang side na iyon ni Brent.

Huminga muna ito nang malalim at pinunasan ang mga tumulong luha ng panyo nito bago humarap sa akin. I smiled at the sight of the calmer expression etched on his handsome face.

Sapat na iyon bilang sagot sa tanong ko rito.

"Sa totoo lang," umpisa ni Brent bago nito ipinaikot ang isang braso nito sa balikat ko at hinila ako palapit dito. "Kahit kailan yata, hindi na ako mananalo sa 'yo."

Hindi ko naman napigilang matawa sa sinabi nitong iyon. "Was there even a competition between us para sabihin mo iyan ngayon?"

"Wala. Pero gusto ko talagang maging cool sa paningin mo kahit na nag-aasaran tayo, eh. Kaya lang, iba rin ang atake mo, eh. Ang tindi ng mga banat mo. Hindi ko tuloy alam kung ano pa ang magagawa ko para naman hindi palaging ikaw ang nananalo."

"Then stop being hard-headed kung gusto mong manalo against me. Stop with this self-torture na ginagawa mo sa sarili mo. 'Di ba, sinabi ko na sa 'yo 'yan noong mangako ako sa 'yo? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na 'yon?"

Hindi ito nakasagot, kahit nang tingnan ko ito nang mag-angat ako ng tingin. Sinagot na n'on ang tanong ko. "Nakalimutan mo nga."

"Hindi ko nakalimutan. I just didn't realize that I was doing another self-torture for thinking all this. At mukhang hindi lang pala ako ang nahihirapan dahil sa mga pinag-iiisip ko. Ngayon ko lang na-realize na pati pala ikaw, pinapahirapan ko rin."

Bumuntong-hininga ako at saka ko isinandal ang ulo ko sa balikat nito. Noon naman hinigpitan ni Brent ang pagkakaikot ng braso nito sa akin.

"Dahil kitang-kita ko sa mga kilos mo ang hirap na nararamdaman mo mula nang magising ako. Kahit si Mayu, ganoon din ang sinasabi sa akin. Kaya lalo lang akong nag-alala na baka pinapahirapan mo na naman ang sarili mo. At tama nga ako."

Ito naman ngayon ang natawa. Huli na nang ma-realize ko ang sumunod nitong ginawa na ikinalaki ng mga mata ko.

Brent just kissed my forehead. At hindi lang sandali iyon. It was a long kiss. Hindi ko na tuloy napigilang mapapikit. I wasn't sure kung bakit ko ginawa iyon. But perhaps the lingering sensation of his soft lips on my forehead evoked a warm feeling in my chest at the moment.

At aaminin ko, na-miss kong maramdaman ang init na iyon sa dibdib ko.

It was the warmth that I knew I felt when he forcefully kissed me before. Ibig sabihin lang ba n'on na... nami-miss ko ang paghalik nitong iyon sa akin? Grabe naman kung ganoon nga.

Pero bakit? Ano'ng dahilan para maramdaman ko iyon?

Ayoko na munang mag-isip ng kung anu-ano sa mga sandaling iyon. I would just linger on this peaceful moment between me and Brent after that harrowing incident. Hindi ko alam kung magtatagal iyon. Pero wala na akong iisipin pang iba.

Sa mga sandaling iyon, masaya ako na kasama ko si Brent sa tabi ko.

No comments:

Post a Comment