Wednesday, December 6, 2023

i'll hold on to you 122 - being affectionate

[Brent]

Hanggang tingin lang ang ginagawa ko sa paghampas ng alon sa dalampasigan at pati na rin sa mga malalaking bato sa bahagi ng cove. Nang mga sandaling iyon ay naroon ako sa ilalim ng Promise Tree at nakasandal lang ang likod ko sa malaking katawan niyon habang nagpapahinga.

Well, hindi lang naman ako ang naroon at the moment. When I looked down, I could only smile at the sight of Relaina's peaceful sleeping face. Nakaunan ang ulo nito sa dibdib ko na para bang isa iyon sa pinakanatural na bagay na ginagawa nito. Siyempre naman, masaya ako na natural na nitong ginagawa iyon. There wasn't any awkwardness lingering anymore dahil hindi kami at wala akong karapatang magpakita ng kakaibang lambing sa babaeng ito noon.

Iba na sa mga sandaling iyon.

Just how many weeks has it been since she officially became my girlfriend? Mahigit isang buwan na pala. Five weeks? Six weeks already?

Damn it! Sa dinami-rami ng mga pinoproblema namin ni Relaina, at pati na rin ang takot na laging humahabol sa amin kahit na dapat ay nagsasaya kami sa itinungo ng relasyon namin...

How come I didn't fully realize that magdadalawang buwan na kaming magkasintahan ni Relaina?

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, ginawaran ko ng masuyong halik ang noo ng babaeng kasalukuyang natutulog nang mahimbing habang nakaunan sa dibdib ko. It looked like that kiss stirred her from her sleep, but she just went back to sleeping. Muli akong napangiti sa nakita ko.

"I love you so much, Laine..." Alam ko sa sarili ko na hindi ako magsasawang sabihin iyon sa babaeng talagang pumukaw nang husto sa puso ko.

I didn't think that there was ever a girl in my life who had caused such chaos in my heart this much other than Relaina. Alam kong hindi pa dapat ako nagsasalita nang tapos. Pero kilala ko rin ang sarili ko pagdating sa bagay na iyon.

Ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako nang ganito katindi para sa isang babae. At mukhang wala nang ibang makakagawa niyon sa akin maliban kay Relaina.

“You should have been resting, as well, you know.”

Napayuko ako sa nagsalitang iyon. Nakakagulat man ay nagawa ko pa ring ngumiti nang makita kong nakatingala pala sa akin si Relaina habang nakaunan pa rin sa dibdib ko.

“Did you get enough rest?” sa halip ay naitanong ko na lang.

She nodded and snuggled more to me. Lumuwang ang ngiti ko dahil sa ginawa nitong iyon. She was never the snuggler and also never the clingy type. And yet, she was doing this to me.

Sino ba naman ang hindi magiging masaya sa ginawang ito ni Relaina?

“Kung makayakap ka, parang na-miss mo pa yata ako nang husto, ah.” Grabe! Bakit ba hindi ko pa rin maiwasang asarin ito kahit na ganito na ang relasyon naming dalawa?

“Bakit, ayaw mo? Puwede ko namang itigil at hindi na ako magpapakita pang affection sa ‘yo. Madali naman akong kausap, eh.”

At ang babaeng ito, nakuha pa talaga akong takutin. Then again, alam ko namang gagawin nito iyon. Iyon ang ayokong mangyari. Who wouldn’t love this affectionate side of my girlfriend, lalo na kung ganito lang ito sa akin?

“Were you this affectionate towards Oliver before?” I asked before I could even stop myself.

Oh, shoot! Why did I bring that up?

Noon naman dumistansya sa akin si Relaina at tiningnan ako na nakakunot pa ang noo. “May iniisip ka na naman ba na hindi ko alam at ganyan ang tanong mo sa akin?”

Umiling ako at hinawakan ang kamay nitong nakapatong na sa hita nito. “Bigla ko lang naitanong dahil hindi ko naman alam kung paano ba maging affectionate si Relaina Elysse Avellana bago pa niya ako nakilala. Even though it ended between the two of you, hindi ko pa rin maisipang magtanong kung anong klaseng girlfriend ka sa kanya noon. So?”

Pero mukhang lalong natahimik si Relaina sa mga sinabi kong iyon. And yet I knew that I just had to wait for her to answer. Kailangan ko lang magtiyagang maghintay ng magiging sagot nito sa akin.

Moments later, she shook her head that made me frown this time.

“I don’t think I was this affectionate and —-- by my standards —-- clingy kay Oliver kahit noong kami pa. Hindi ako sanay na maging ganoon sa kanya, for some reason. So it’s still a mystery kung paano ko nga ba nagagawa ito pagdating sa ‘yo. Should I attribute it to my fear of losing someone I love? To my decision to let you know for always that I love you? Hindi ko na alam. Basta ang nasa utak ko kapag nagiging ganito ako kalambing sa ‘yo… ayokong mawala ka sa buhay ko. Ayokong magkatotoo ang bangungot kong iyon.”

Oo nga at minsan lang naging ganito kalambing at kadaldal si Relaina pagdating sa nararamdaman nito. Pero ang hirap pa rin palang maging handa sa mga sasabihin nito. Hindi kinaya ng puso ko, sa totoo lang.

Hinila ko na lang ito at pinaupo sa mga hita ko. Kahit gusto ko itong asarin dahil kitang-kita ko ang pamumula ng mukha nito sa posisyon namin, hindi ko na alintana iyon. I just hugged her tight as my way to convey my love towards her.

Mukhang hindi hihinto si Relaina sa pagpapakita sa akin ng mga rason para lalo ko pa itong mahalin. Iyon ay kahit sinasadya o hindi. This was really crazy!

I just love this woman more and more.

“Kapag niyayakap mo ako nang ganito, kahit papaano ay nawawala ang takot kong iyon. And I have something I can hold on to as my proof that this kind of love is real, even for me,” dagdag pa ni Relaina at saka nito hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. She even buried her face on the crook of my neck.

The gesture did give me chills, whether I admit it or not. At sa totoo lang, delikado ang ginawang iyon ni Relaina. But I could restrain myself. At least I knew I had to, for her sake.

“Kaya laking pasasalamat ko na lang at hindi ka naiilang na ganito ang ginagawa ko sa iyo kapag nakakaramdam ako ng hindi maganda o ‘di kaya ay binabangungot na naman ako.”

“As if I would feel something like that towards you. Kahit nga tsansingan mo pa ako, wala akong magiging reklamo, eh. Basta ikaw ang gagawa n’on sa akin.” Pambihira! Hindi na ba talaga mawawala ang trait kong ito, ha? Ang magbiro kahit napakaseryoso na ng pinag-uusapan naming dalawa.

Narinig ko na lang ang pagtawa ni Relaina. Hearing that near my ear felt so good.

“Sira-ulo! Tsansingan talaga? Nangangarap ka na naman, ‘no? Masyado pang maaga para sa ganoong stage ng relationship natin, uy!”

“Ang daya…” But of course, even I knew that.

Ah… I could only wish that days like this would never end.

No comments:

Post a Comment