[Relaina]
I kept finding myself in the murky waters of my thoughts, for some reason. Pero ayokong makaapekto nang husto iyon sa akin, lalo na sa tuwing magkasama kami ni Brent. That guy already had enough of dealing with so many problems related to what happened to me before.
At sa tingin ko, mukhang hindi pa rin tapos iyon hanggang sa mga sandaling iyon. In my opinion, it was crazy. Pero hindi naman talaga laging madali ang paghahanap ng hustisya. Kahit siguro saan ka magpunta, may pagkakataon na pahirapan pang hanapin iyon.
It was a weekend that day. Another week had gone by focusing on school and doing my best to spend time with Brent in between. Before I knew it, dalawang buwan na pala kaming magkasintahan ng sira-ulong iyon.
Hindi ko na naiwasang matawa sa pagtawag kong iyon sa lalaking iyon. Bad habit ko na nga yata talaga iyon, 'no? Ang asarin kahit sa isipan ko ang lalaking mahal na mahal ko kahit na kami na. Would that be weird? O baka naman komportable lang talaga akong gawin iyon dahil... mahal ko ito.
He could tell if it was even a joke or just my way of teasing him. Mukhang sanay na talaga ito sa akin.
Ang pagtunog ng cellphone ko ang nagpatigil sa daloy ng isipan ko. Hindi ko mapigilang mapakunot ng noo dahil wala naman akong inaasahang tawag ng araw na iyon. Brent said that he might not be able to call me dahil magiging abala raw ito.
"Oliver?"
I couldn't help blurting that out when I saw that guy's name flashing on the screen and calling me. May nangyari na naman kaya na gusto nitong ipaalam sa akin? I was hoping there wasn't anything like that. But who knows.
Huminga na lang ako nang malalim bago ko tuluyang sinagot ang pagtawag na iyon.
"Hello? Napatawag ka yata," pagsisimula ko nang maitabi ko muna pansamantala ang mga gamit ko sa school. Mamaya ko na pagtutuunan iyon ng pansin.
"Sorry, I didn't mean to disturb you."
"Wala kang naistorbo, huwag kang mag-alala. Tinatapos ko lang ang assignment ko."
"Brent's not with you?"
Lalong kumunot ang noo ko sa tanong nitong iyon. "May mga kailangan daw siyang asikasuhin sa mansyon. At least, iyon ang ipinaalam niya sa akin kahapon kaya hindi kami makakalabas ngayon. What made you ask that?"
Until it came to me. Hindi lang pala si Brent ang abala ng araw na iyon. Pati rin pala si Neilson, kung ibabase ko sa sinabi sa akin ni Mayu kahapon habang naghahapunan kami.
"Wala. Pero mukhang kailangan ko na rin sigurong sabihin sa 'yo 'to para maging handa ka."
Mukhang hindi ko magugustuhan ang itinutungo ng usapan naming iyon ni Oliver. "Did something happen?"
"I think it's getting more dangerous for you and Brent, Relaina."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Narinig ko pa ang malalim na paghinga ni Oliver sa kabilang linya bago ko ito narinig na muling nagsalita. "Rachel Sandoval left Altiera, or at least... that's what we assumed. Pero base sa mga nakalap ko, it won't be for long. Iyong nahuli nilang sumagasa sa 'yo that day, may mga sinabi siya sa mga pulis. In turn, they told that to Brent. Naroon ako nang mangyari iyon, Relaina."
"What did that jerk say?"
"Na hindi raw titigil si Rachel hanggang hindi niya napapatumba ang lahat ng may kinalaman sa nangyari sa kapatid niyang si Carol. At patuloy raw niyang pasasakitan ang Kuya Evon mo through you."
Siyempre pa, lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko sa narinig kong iyon. Nakaramdam din ako ng panlalamig sa buong katawan ko. Lalong nadagdagan ang nararamdaman kong takot hindi lang para sa akin kundi pati na rin sa mga taong mahahalaga sa akin.
Pero bakit hindi sinasabi sa akin ni Brent ang mga ito kung may alam na pala ito sa mga nangyayari? Why did he still keep me in the dark about all this?
"Relaina?"
Ginawa ko ang lahat para kumalma dahil ayokong lalo akong maapektuhan ng mga narinig ko nang araw na iyon. Maybe I should confront Brent about this. Hindi pupuwedeng lagi na lang akong inilalayo ng lalaking iyon sa totoong nangyayari.
I had the right to know the truth, lalo na at mukhang buhay pa naming lahat ang nakataya rito.
"I-I'm okay. Sorry, may iniisip lang ako. But thanks for telling me." Mukhang pinag-isipan din ni Oliver nang husto ang desisyon nitong sabihin sa akin ang tungkol doon.
"I don't think you're really okay, pero hindi ko na itatanong kung bakit. Kahit naman siguro sino, hindi magiging maganda ang pakiramdam kapag may ganitong klase ng baliw na nilalang na desididong pasakitan ka at ang mga taong mahahalaga sa 'yo."
Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Maging ang patuloy na mabilis na pagtibok ng puso ko. "Hindi lang ako makapaniwala na lahat ng taong gustong saktan at pasakitan ng Rachel Sandoval na iyon, konektado sa akin. Should I call it a coincidence? I don't know. Pero mukhang sinasamantala ng sira-ulong babaeng iyon na ako ang makatatanggap ng lahat ng sakit kahit wala naman talaga akong koneksyon sa kapatid nitong nagpakamatay at sa naging break-up nila ni Kuya Evon. Then again, I wasn't surprised kung nagdesisyon si Kuya nang ganoon. I don't think Tita Evelyn would even accept a crazy girl like her as a daughter-in-law kapag nagkataong nagtagal nga sila ni Kuya. Mas lalo naman si Papa. Mas mapili pa iyon kay Kuya at Tita pagdating sa magiging lifetime partner ng kahit na sino sa mga anak niya."
"Does that include you, by any chance?"
Napangiti ako sa tanong na iyon ni Oliver. "I don't know what really transpired that day, pero naging malaki ang tiwala nina Mama at Papa kay Brent kahit noong mga panahong hindi pa kami at kinakaladkad lang ako ng sira-ulong iyon sa kung saan para mag-date. Can you believe it?"
"Magaling namang kumilatis ng tao si Tito, ah. At may palagay naman akong sa umpisa pa lang ay wala nang planong sirain ni Brent ang tiwala ng mga magulang mo, lalo na dahil may kinalaman sa 'yo ang mga ginagawa ni Brent sa 'yo noon."
"You think so?"
"I know so. Sayang nga lang at sinira ko ang tiwalang ibinigay nila sa akin noon. Mabuti na lang at nagawa kong ipaliwanag sa kanila ang totoong dahilan ng pag-iwan ko noon sa 'yo."
Wait... Hindi ko yata alam iyon, ah. "Were you able to talk to my parents before?"
"Yeah, bago ako lumipat dito sa Altiera at nagkataong bumalik sila sa Aurora para sa ibang trabaho na kailangan nilang asikasuhin doon. They invited me over nang makita nila ako. Doon ko na sinabi ang totoong dahilan ko kung bakit kinailangan kong makipag-break sa 'yo noon."
"Does that mean... you also told them about Rachel?"
Sa pagtataka ko, ilang sandaling hindi umimik si Oliver sa kabilang linya. Pero alam kong naroon pa ito at nakikinig. Posibleng pinag-iisipan pa nito ang dapat nitong sabihin sa akin. But... why would he still need to think about that?
"Oliver?"
"Ah... right. Sorry. Iniisip ko lang kung dapat ko pa bang sabihin sa iyo ang tungkol sa sagot sa itinatanong mo sa akin."
"What do you mean?" May dapat ba akong malaman na itinatago lang ng mga ito sa akin?
"Relaina... Matagal na nilang alam ang tungkol kay Rachel Sandoval. At matagal na rin daw silang may suspetsa na may kinalaman nga ang babaeng iyon sa nangyari sa iyo para lang pasakitan ang kapatid mo. At kinumpirma ko lang daw iyon sa kanila. Sinabi rin nila na... if worse comes to worst, baka maisipan ka nilang ipadala sa Amerika kung nasaan ang Kuya mo para lang mailayo ka sa sira-ulong babaeng iyon."
No comments:
Post a Comment