Monday, April 1, 2024

To Be With You


There were still a lot of things to do. Iyon ang nasa utak ni Lynne ng mga sandaling iyon habang nakatingin sa makulimlim na kalangitan. Pero sigurado siya sa isang bagay. Walang kinalaman sa mundong kinalalagyan niya ang kanyang isipan.

Then again, it wasn’t like she had anyone else to blame for that. It was her choice to think of that place. She made a choice to think of him, of all people. It was a crazy choice for others. Pero sa sarili niya, alam niyang tama lang ang ginawa niya.


Hindi niya gustong kalimutan ito. She wanted to remember him a lot. Miss him a lot. And perhaps… love him even more than she had ever loved anyone in her life. She made that choice, kahit na hindi siya sigurado sa totoong kahihinatnan n’on.


Maraming puwedeng mangyari sa loob ng mga panahong naghihintay siya sa pagbabalik ni Elian. Naroon din ang posibilidad na magbago ang nararamdaman niya para sa lalaking iyon. But all this time, she decided to remain steadfast about her feelings for that strange man.


“What’s with the sky para tingnan mo ‘yan palagi, ha?”


Lynne would only roll her eyes as she heard that annoying voice again. Ilang beses na niyang iniwasan ang lalaking ito. Pero mukhang hindi ito marunong makaintindi na ayaw niya rito. Ayaw rin niya ng atensyong ibinibigay nito sa kanya. Lalo lang siyang naiirita.


“Hindi mo ba talaga ako haharapin, Lynne?” muling tanong ng lalaki sa kanya.


This time, hindi na niya napigilan ang bumuntong-hininga. But she had done that out of irritation and also frustration. Hindi na ba talaga siya tatantanan ng lalaking ito?


“May dahilan ba ako para harapin ka, ha?” malamig na tanong na lang niya rito na hindi inaalis ang tingin sa makulimlim na langit. Mas mabuti pang iyon na lang ang tingnan niya kaysa lalong maiinis dahil sa presensya nito.


Pero ang nakakaloko lang, wala talaga yatang plano ang sira-ulong ito na tantanan siya. Hindi pa rin ito umaalis doon at lalo pa siyang nilapitan nito.


“Ano ba? Sobrang tanga mo na ba para hindi mo maintindihan ang kagustuhan kong tantanan mo na ako?” bulalas ni Lynne. Wala na siyang pagpipilian ng mga sandaling iyon kundi ang harapin ang lalaking ito.


“Bakit ba ayaw mo sa akin, ha? Nasa sa akin naman na ang lahat para magustuhan ng mga babae, ah. At gusto kita.”


“Pero hindi kita gusto. Ang hirap bang intindihin n’on, ha? Kahit ikaw pa ang lalaking pinagkakandarapaan ng mga babae riyan, huwag ka nang umasa pa sa tutugunan ko ang pagkagusto mo sa akin. Hindi mangyayari iyon, kahit na sa panaginip.”


Matapos sabihin iyon ni Lynne ay tiningnan niya nang masama ang lalaki. Ilang sandali pa ay humakbang na siya paalis doon at palayo sa lalaking sumusunod sa kanya.


Pero sa gulat niya ay may humablot sa kamay niya at saka siya hinila nito.


“Ano ba, Bryce? Bitawan mo nga ako!” Tinangka niyang magpumiglas pero hindi sapat ang lakas niya para magawa iyon.


Patuloy lang si Bryce sa paghila sa kanya. Ilang sandali pa ay hinarap siya nito at agad na itinutok ang kutsilyong mula sa Swiss army knife na dala nito.


Siyempre pa, napasinghap siya. Lalo na at itinutok nito ang kutsilyo sa leeg niya.


“Desperado ka na talaga, ‘no? Ganyan ba ang ginagawa mo sa babaeng hindi mo mapasunod sa gusto mo, ha?” Pinilit ni Lynne na hindi magpakita ng takot sa harap ng sira-ulong ito.


“Ang kulit mo kasi, eh. Pakipot ka pa. Alam ko namang hindi mo ako matatanggihan ngayong ipinapakita ko na sa ‘yo na gusto kita. At wala nang makakapagpabago n’on.”


She scoffed at his words. Unbelievable… Sa totoo lang, ano ba ang nakita niya noon sa lalaking ito para magka-crush siya rito? Pero naroon ang keyword.


Noon.


Hindi na ngayon.


Sa loob ng tatlong buwang pamamalagi niya sa Sagovarre, nagbago nang husto ang damdaming niya. And she knew that the feelings that Elian had invoked in her was far deeper and more real than a simple crush.


“Hindi ako nagpapakipot, Bryce. At wala akong dahilan para gawin iyon. Dahil kahit ilang beses mo pang sabihin sa akin ang pagkagusto mo sa akin, walang magbabago. Hinding-hindi pa rin kita tatanggapin sa buhay ko,” deklara ni Lynne sa lalaki.


Sinamantala niya ang pagkagulat na naramdaman ni Bryce para iuntog ang sariling ulo sa mukha nito. Humiyaw ito sa sakit at nabitiwan siya. Sinamantala niya iyon para lumayo roon at kung maaari ay tumawag ng pulis.


Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalayo roon ay nakarinig na naman siya ng panibagong paghiyaw mula rito. Naging dahilan iyon upang mapatigil siya sa pagtakbo palayo. Out of curiosity lang naman ay napalingon siya para sana tingnan ang sitwasyon kung bakit humiyaw sa sakit si Bryce.


Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata sa nakita.


“Elian?” tila naniniguro pang tanong niya sa lalaking hawak-hawak ang palapulsuhan ni Bryce.


It might have looked like a light hold. But Lynne knew better. Alam niya ang totoong katangian ng lalaking malamig lang ang tingin kay Bryce.


“Aray! Ano ba? Bitawan mo ako! Nakikilala mo ba kung sino ako, ha?” walang tigil na pagwawala ni Bryce at pilit na hinihila ang kamay nitong hindi pa rin mabitiw-bitiwan ni Elian.


All the while, she could only look at Elian and his cold expression.


“Hindi kita kilala at wala akong planong alamin kung sino ka,” malamig na tugon nito.


Nakita ni Lynne na unti-unting humihigpit ang hawak nito sa kamay ni Bryce. Lalong humiyaw ang lalaki, marahil ay sa matinding sakit.


“Pero bibitiwan ko lang ang kamay mo nang walang bali at walang sira pagkatapos kong ipaintindi sa ‘yo ang isang bagay,” pagpapatuloy ni Elian at saka siya tiningnan.


She didn’t know what to say, to be honest. But she smiled despite her initial fear because of her ordeal.


Sandali lang iyon. Muli ay binalingan ni Elian ang nasasaktang si Bryce.


“Dare approach my fiancee again with your filthy hand, and expect that I’ll destroy both of yours. No questions asked. Nagkakaintindihan ba tayo?”


Mahina lang ang pagkakasabi niyon ni Elian. Pero kahit sa posisyon niya ay ramdam niya ang intensidad niyon. Paano na kaya si Bryce na hawak-hawak ni Elian at tinitingnan nang masama?


Hindi tumugon ng kahit na anong salita si Bryce. Pero binitiwan na rin lang ito ni Elian matapos nitong tingnan nang masama si Bryce ng ilan pang sandali. Ang mali lang, sinamantala naman iyon ni Bryce. Agad itong tumayo at tinangkang undayan ng suntok si Elian. madali lang nailagan iyon ni Elian at walang alinlangang sinikmuraan ang sira-ulong lalaki.


Napaigik lang ito sa sakit bago lumuhod habang sapo ang tiyan nitong pinuntirya ni Elian.


“Ako na ang nagsasabi sa ‘yo ngayon pa lang. Hindi mo ako makakayang patumbahin kahit gaano ka pa katagal magsanay. At sa susunod na guluhin mo pa si Lynne, huwag ka nang umasang makakalakad ka pa nang matino pabalik sa inyo. Are we clear?”


Sapat na ang pagbabantang iyon para kumaripas ng takbo si Bryce palayo roon. Naging dahilan na rin iyon para kay Lynne para tuluyan nang matauhan at agad na tumakbo palapit kay Elian. Hindi na niya hinintay ang tugon ng lalaki bago ito yakapin nang mahigpit.


“Ang tagal mo namang bumalik dito,” agad na reklamo niya kay Elian na hindi ito pinapakawalan.


Narinig niya ang mahinang pagtawa nito bago nito ginantihan nang kasinghigpit ang yakap niya. Hindi na niya napigilan ang mapangiti nang husto. She did miss that, whether this guy would realize it or not. Pero siguro naman, mahahalata na rin iyon ni Elian.


“I’m sorry it took a while for me to return here. Medyo natagalan bago namin nasabing tapos na ang laban namin,” sabi ni Elian na hindi siya pinapakawalan.


“It doesn’t matter. Ang mahalaga ay nakarating ka na rito. You did say that you’d come back, right? Pinanghawakan ko iyon, kung alam mo lang.”


Hindi niya gustong isipin nito na napakalaki ng kasalanan nito sa kanya dahil sa mga nangyari. Alam niyang may obligasyon itong kailangang gampanan at ayaw niyang maging pabigat dito in any way. Kaya nga sinabi niya na maghihintay siya sa pagbabalik nito.


And now he did. Hindi man siya sigurado kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa ngayong muli silang nagkita, isa lang ang nakasisiguro siya.


There was still some happy future waiting for the two of them. At gagawin niya ang lahat para masiguro na mangyayari iyon sa pagitan nila ni Elian.


“I miss you, Lynne. And I’m back,” bulong ng lalaki sa kanya bago siya muling niyakap ng mas mahigpit.


Napangiti na lang nang maluwang si Lynne bago tumango. “Welcome back… my love.”

No comments:

Post a Comment