Tuesday, August 19, 2025

(one-shot) After All This Time


Wala nang maisip na dahilan si Stella para sundin ang gusto ng mga kaibigan niya na kalimutan ang taong iyon. Ah, wait! She should correct that. She failed to mention to these so-called friends — at least iyon na ang gusto niyang itawag sa mga ito — that the person she mentioned to them a while back was not an ordinary human.

Huminga na lang siya nang malalim at saka walang salitang kinuha ang shoulder bag na dala-dala at nag-iwan ng ilang libong piso sa ibabaw ng mesa.

"Thanks for accompanying me and listening to me. Pero mukhang pinatunayan n'yo lang lahat sa akin na wala talaga kayong kagustuhang tulungan ako para maging masaya. Then again, you've been doing that even when we were in college, right?"

Walang nakatugon man lang sa apat na babae at dalawang lalaking naroon sa table na iyon at gulat na napatingin sa kanya.

'I guess I owe you one thing out of all the things you told me, Helion.' Napangiti na lang siya nang mapakla at walang emosyong muling napatingin sa mga kasama niya sa table na iyon.

"Tuwang-tuwa siguro kayong nakikita akong nagiging tanga na paniwalaan pa ang mga advice n'yo sa akin, 'no? Gosh! That was really stupid of me. I can't believe I let all of you control my life to the point na gagawin n'yo ang lahat para wala akong maging dahilan para maging masaya."

"Hey, that's foul!"

"Is it? 'Di ba dapat ako ang nagrereklamo ng ganyan ngayon? Hindi lang ngayon. Iyan dapat ang reklamo ko sa mga kabulastugang ginawa n'yo sa buhay ko sa loob ng sampung taon!"

"Huwag kang magsalita na para bang ikaw ang malaking biktima rito."

"Ikaw na rin naman ang nagsabi, 'di ba? Naging tanga ka pagdating sa amin. Kaya kasalanan mo pa rin kung bakit walang nagtatagal sa 'yo."

Stella really ended up scoffing in a condescending way. "Hindi ako ang dahilan kung bakit hindi nila gustong makasama ako. Ngayon, alam ko nang binigyan n'yo ng pressure ang mga taong iyon para umalis sa buhay ko. You all wanted to be happy at my expense. Masaya kayo na nakikita akong malungkot at parang sinukuan na ng langit dahil sa mga kamalasang kayo ang nagpaumpisa."

"Oh, please. Stop acting all strong and tough on us right now. Base na rin sa mga sinabi mo, umalis ang lalaking minahal mo at mukhang kinalimutan ka na. So ano ang kasalanan namin doon?"

"Doesn't it only prove na ikaw talaga ang may problema rito?"

Ganoon nga ba talaga ang totoo? Yes, Helion did leave. But he knew he did it for a reason. A reason bigger than any of these fools could comprehend. At alam niyang hindi niya ito puwedeng itali sa mundo niya hanggang may responsibilidad pa itong kailangang gampanan.

At least, she knew that much. In fact, a lot more now than before she made the foolish decision to talk to her so-called friends.

"It seems to me that you can't stop running your mouth kapag alam mo nang natatalo ka."

Para bang itinulos si Stella sa kinatatayuan niya nang marinig ang pamilyar na baritonong tinig na iyon. Unti-unti rin siyang napakunot ng noo dahil sa hindi pagkapaniwala.

'Wait a minute... How is he here right now?' Dahan-dahan siyang lumingon sa pinagmulan ng tinig na iyon. Ginawa niya iyon para kumpirmahing hindi siya nananaginip o nag-iilusyon lang.

Magiging mas masakit para sa kanya kung ganoon nga ang mangyayari. But if she were to look at the jerks' reactions as soon as that man spoke, mukhang hindi lang siya ang hindi makapaniwala sa kinahinatnan ng mga pangyayari.

As soon as Stella's eyes met with that of the man whom she waited to return for more than 3 months now, standing just a few feet from where she was standing, she saw it once again. That smile at caught her attention noong unang beses silang nagkakilala ni Helion.

That smile that would still make her heart beat fast sa tuwing makikita niya iyon.

Sa kanya lang nakapako ang magandang ngiti na iyon ni Helion ng mga sandaling iyon.

"Sorry I'm late, Stel. Pero wala ka nang dapat alalahanin pa," sabi ni Helion na hindi inaalis ang tingin sa kanya habang papalapit ito sa kanya.

Matapos niyon ay walang sabi-sabing kinuha ang isang kamay niya at hinalikan ang likod niyon. Yes, just like the first time she finally allowed him to hold her hand.

"I thought you were lying and being delusional. Who would've thought na makukuha mo ang atensyon ng isang bilyonaryong katulad ni Mr. Nereves?"

She could've exhaled exasperatingly. Nawala sa utak niya na nasa paligid pa pala ang mga sira-ulong ito. But upon hearing Helion's chuckle — probably out of amusement, she frowned.

"Bakit? May masama ba kung nakita nga niya ang atensyon ko? Kagustuhan ko iyon. What she showed me all this time was her real self that chose to accept all of me, even my insecurities and flaws. Hindi katulad n'yo na gagamitin ang mga iyon para magamit n'yo si Stella sa mga kalokohan n'yo. Just so she would never have the happiness that she herself was able to obtain for still choosing me even if I have to leave her for a while."

Yes, Helion was saying those words in a calm way. Sa katunayan, mukha pa nga itong nakangiti, lalo na nang binanggit nito ang pangalan niya at nagsasabi ng mga bagay tungkol sa kanya. From the looks on the faces of her former friends, mukhang hindi makapaniwala ang mga ito sa mga naririnig mula kay Helion.

"Mukhang ginayuma ka pa yata ng babaeng iyan para sabihin sa amin ang mga iyan, Mr. Nereves. Wake up, will you?"

"You're the one who needs to wake up, self-centered jealous bitch! At para sabihin ko sa 'yo, hindi tumatalab ang kahit na anong gayuma sa akin. I've long built my resistance against them. Kung may dapat na gumising sa mga ilusyong magagawa n'yo pang gamitin at lokohin si Stella para lang hindi siya maging masaya, kayo 'yon."

'He's pissed — albeit a calm kind of pissed.' Hindi ito ang unang pagkakataong nakita niya ang binata na ganito. And anyone who had ever encountered him like this were never spared from his wrath. He chose to show one of his real sides in front of her.

At kahit ganoon, hindi pa rin siya lumayo rito. And that was why he stayed and chose her. Yes, he did leave — but it was to finish an old mission. At ngayon nga ay nagbabalik na ito.

Siya naman ngayon ang hindi mapigilang ngumiti. It has been a while since she'd seen this guy like this.

Hinarap ni Helion ang manager ng restaurant na iyon na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanila. Sa tingin niya kay mukhang magkakilala ang dalawang ito.

"I'm sorry for causing a scene here, Kurt. Pero alam mong hindi ko pinapalampas ang mga taong may atraso sa akin. Well, in this case, ang girlfriend ko ang ginawan nila ng masama. And I'm sure you're aware, I'm not the type of person who would let that go," sabi ni Helion bago kinuha ang inilapag niyang ₱15,000 sa mesa. "Let them pay for what they ordered here — without making Stella pay a single cent. Mukhang pinlano pa yata nila na si Stella ang magbayad ng mga kinuha nila."

Kitang-kita na ni Stella ang pamumutla ng mga kasamahan niya sa mga sinabi ni Helion. The manager named Kurt only laughed at that before nodding. Ilang sandali pa ay inilagay na ni Helion ang pera niya sa kanyang palad.

"Don't waste your hard-earned money to those who don't deserve it."

Muli siyang napangiti habang tinatanggap ang perang ibinalik nito sa kanya bago tumango. 'This guy is as brutal as ever, I see.' But it was a part of him that she had already accepted the moment she admitted that she was in love with him.

"Thank you for reminding me. Mukhang nawala na naman sa isip ko dahil lang sinayang ko ang oras ko sa pagkompronta sa kanila," aniya at tiningnan si Helion. "By the way, how come you're here? Natapos mo na ba ang dapat mong asikasuhin? Kayo ng mga kaibigan mo?"

Helion smiled before kissing her on the cheek — which made the people around them gasp and squeal — and took her hand before facing her again.

"I think we should leave her for now. Marami pa tayong dapat pag-usapan."

Iyon lang at saka nilingon si Kurt para tumango bago siya hinila paalis sa lugar na iyon. Helion looked satisfied with what he had done to help her get back at those people, though. Iyon ang konklusyon niya habang hinahayaan ito na ialis siya roon na hindi nililingon ang mga taong tuluyan na niyang tinalikuran at tinanggal sa buhay niya.

xxxxxx

"I think we're far enough," narinig ni Stella na bulong ni Helion nang makarating na sila sa malapit na park mula sa restaurant na pinanggalingan nilang dalawa.

'Di nagtagal ay hinarap siya nito. "How are you feeling? Are you okay?"

Tumango siya matapos niyang tingnan ang binata ng ilang sandali. "Thanks to you, I am now. Kahit na sa totoo lang, muntik na akong mawalan ng pag-asa sa paghihintay sa 'yo. That was the worst thing for me to feel at the time, to be honest."

"I'm sorry I made you feel that way." Hinigpitan ni Helion ang pagkakahawak sa kamay niya bago ito lumapit nang husto sa kanya para yakapin siya. "I miss you, Stel. So much."

Tuluyan na siyang napaluha pagkarinig niyon. Idagdag pa ang mahigpit na yakap nito sa kanya ng mga sandaling iyon, sapat na iyon para tuluyan na niyang ilabas ang bigat ng pakiramdam na ilang buwan na rin niyang nararamdaman mula nang bumalik ito sa mundong pinagmulan nito. It was only three months, sure. But feeling that void every day since that day was too much for her. Hindi nga niya alam kung paano pa niya nagawang ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng nararamdamang lungkot at kakulangan.

"It's okay. Cry all you want. Hindi kita pipigilan. Hindi rin ako mawawala sa tabi mo," masuyong anas ni Helion na humihigpit ang yakap sa kanya.

Sapat na ang mga salitang iyon. At alam niyang gagawin nito ang mga sinabi nitong iyon. Kaya naman hindi na niya pinigilan ang sarili.

She cried. Hard, but as silent as she could. But she never let go. He didn't, either.

Sa nakikita ni Stella, marami pa silang panahon para mag-usap ni Helion tungkol sa mga nangyari mula nang umalis ito three months ago. Pero sa mga sandaling iyon, ang mas mahalaga para sa kanya ay muling maramdaman ang seguridad at pagmamahal ng lalaking tanging umangkin ng puso niya. Saka na niya pag-iisipan ang ibang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang dalawa ni Helion.

No comments:

Post a Comment