Showing posts with label transcendental sets of series. Show all posts
Showing posts with label transcendental sets of series. Show all posts

Tuesday, March 17, 2026

Hope From Love's Memories - Chapter 5

'Ano'ng ibig niyang sabihin doon? Just because he wanted to? Bakit naman?'

Hindi mawala-wala sa isipan ni Ilsie ang mga katagang binanggit ni Francis sa kanya mula nang huling beses siyang magtungo sa mansyon ng mga Guardians. May tatlong araw na rin ang nakalilipas mula nang mangyari iyon.

Pero siya lang yata ang nagbibigay ng pahiwatig sa mga sinabi nito dahil sigurado naman siya na walang ibang ibig sabihin iyon.

Tuesday, August 19, 2025

(one-shot) After All This Time


Wala nang maisip na dahilan si Stella para sundin ang gusto ng mga kaibigan niya na kalimutan ang taong iyon. Ah, wait! She should correct that. She failed to mention to these so-called friends — at least iyon na ang gusto niyang itawag sa mga ito — that the person she mentioned to them a while back was not an ordinary human.

Huminga na lang siya nang malalim at saka walang salitang kinuha ang shoulder bag na dala-dala at nag-iwan ng ilang libong piso sa ibabaw ng mesa.

Friday, March 7, 2025

Hope From Love's Memories - Chapter 4

Hanggang tingin lang ang kayang gawin ni Ilsie sa walang malay na si Stephen ng mga sandaling iyon. Naroon siya sa mansyon na kasalukuyang tinitirahan ng mga Guardians dahil doon na ito dinala ni Alexander gamit ang kakayahan nito --- teleportation.

Or at least, she knew that it was one of the two skills that he had. Alam niyang ang mga napipiling Guardians ay nagkakaroon ng dalawa hanggang tatlong kakayahan on the day of their induction as the selected Guardians. Minsan nang nabanggit iyon sa kanya ni Alexander nang magkasama sila sa isang laban sa Eight Portal.

Naroon sa kama si Stephen at kasalukuyang inaasikaso ni Francis nang makarating sila roon. Aalis na dapat siya pagkatapos nilang matalo ang grupo ng mga Draohin at Agorion. Wala naman na kasi siyang dahilan para manatili pa siya roon.

And yet, Francis took a hold of her hand and pulled her from there. Hindi siya pinakawalan nito hanggang sa makarating na sila sa mansyon. Hindi na siya nagtanong pa kung bakit dinala siya nito roon. Wala naman siguro itong masamang plano sa kanya.

Wednesday, March 5, 2025

Hope From Love's Memories - Chapter 3

There were two strong energies present in the area. Sa bagay na iyon ay sigurado si Ilsie. Kahit na nasa fountain area ng mall siya naroroon nang maramdaman niya ang dalawang magkaibang enerhiya na iyon, hindi maikakailang madali lang para sa kanya na maramdaman iyon.

She was a Wind Caster, after all. A White Wind Caster, to be exact.

And since the wind helped her sense it, naging madali na lang para kay Ilsie na malaman kung saan nagmula ang dalawang klase ng energy na naramdaman niya. Agad siyang nagmadaling umalis sa mall para marating ang pakay na lugar --- at isang park iyon.

Habang tumatakbo palapit sa park, hindi niya napigilang humingi ng paumanhin sa ginawang pag-iwan doon kay Francis na hindi man lang nagpapaalam dito. Sana lang ay magawa niyang ipaalam dito ang dahilan kung sakali mang magkita sila nitong muli.

Sunday, February 23, 2025

Hope From Love's Memories - Chapter 2

Wala ngang training ng araw na iyon si Ilsie, pero hindi pa rin siya pinatahimik ng mga 'di maipaliwanag na mga panaginip. Ang resulta, hindi na naman siya nakatulog ng maayos. Kaya hindi na nakapagtataka kung hindi na naman maganda ang mood niya dahil doon.

Then again, it wasn't like she could actually put a stop to it, considering that she'd been dealing with that for 15 years now. Ang tanging magagawa na lang niya para matakasan iyon ay ang hanapin ang sagot kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay patuloy pa rin siyang pinagpapakitaan ni Elysriel sa mga panaginip.

Nakikita niya ito roon, pati na rin ang Guardian na sa pagkakaalala niya ay Francis ang pangalan. Though she was aware na may Osmerth Guardian sa Human Realm na ganoon ang pangalan ayon kay Stephen, hindi siya sigurado kung ang Francis na nasa panaginip niya at ang kaibigan ni Stephen ay iisa.

At this point, she had no way of knowing.

Thursday, February 13, 2025

Hope From Love's Memories - Chapter 1

HINDI NAMAN sa gusto niyang magreklamo. Pero kung si Ilsie ang tatanungin, mas gugustuhin na niyang matulog na lang sa bahay kaysa ang mag-training nang araw na iyon. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon.

Sa pagkakaalala niya ay hindi naman siya napagod sa training na ginawa niya kahapon kasama ang iba pang mga Power Caster na kapareho lang ng ranggo niya at nagsasanay din kagaya niya. Pero bakit parang tamad na tamad siya na tila ayaw na niyang bumangon pa sa kama niya?

"Himala, 'insan! Ano'ng nakain mo at hindi ka sumama sa training ngayon? Meron ka?"

Bago pa man siya tuluyang makasagot ay agad na hinablot ng kamay niya ang unan na nasa tabi lang niya at inibato iyon sa kadarating na bisita. Ilsie smirked when it landed straight to the guy's face.

Friday, January 24, 2025

Hope From Love's Memories - Prologue

KATATAPOS lang ng kauna-unahang combat training ni Ilsie. Pero hindi pa rin siya makapaniwala na naroon na nga siya sa Shiasena Temple at nagsasanay kasama ng mga pinsan at iba pang kasamahang napili rin para magsimula sa opisyal na combat training ng mga nilalang na katulad niya.

Ang combat training nilang mga magiging active members ng Power Casters.

Bagaman kinakitaan na si Ilsie noon ng kakaibang kakayahan, hindi pa rin niya inakala na mapapabilang siya sa pagsasanay para maging isang active Power Caster. Kadalasan kasi ay iilan lang talaga ang nakakatagal sa training, lalo na kung combat training bilang paghahanda sa pakikipaglaban sa mga Draohin ang pag-uusapan. Pero hindi pinanghinaan ng loob ang kanyang mga magulang at ang kuya niya na mapapabilang rin siya.

At narito na nga siya.

Wednesday, January 15, 2025

Hope From Love's Memories - Story Description

Mula nang makakitaan si Ilsie ng kakaibang kakayahan noong bata pa siya, alam na niyang hindi na magiging normal ang takbo ng buhay na kanyang nakagisnan. Nasiguro niya iyon nang mag-umpisa ang pagsulpot ng kung iba't-ibang imahe sa kanyang isipan nang marating niya ang Shiasena Temple para sa unang combat training niya bilang isang Power Caster. Isang babae at isang lalaking parehong may kakaibang kakayahan ang lagi niyang nakikita sa kanyang isipan at maging sa mga panaginip. 'Di nagtagal ay nalaman din niya ang totoo tungkol sa kuwento ng dalawang iyon, maging ang dahilan kung bakit naputol ang kuwentong nagbibigay pa rin sa kanya ng 'di maipaliwanag na sakit ng kalooban para sa Guardian na si Francis.

Buong akala ni Francis Kieran Reyrieth ay nabuhay siya ng mahabang panahon na hindi itinutuon ang sarili sa ibang bagay maliban sa trabaho niya bilang isang Guardian mula sa Osmerth. Pero hindi iyon ang nararamdaman niya. For 400 years, his heart kept on finding the one reason why it felt so empty. Hanggang sa makilala niya sa isang 'di inaasahang laban ang Wind Power Caster na si Ilsie.

Kahit sabihin pang tadhana na ang naglapit sa kanilang dalawa, sigurado si Ilsie na wala na siyang dahilan para hilinging may patutunguhan pa ang kalauna'y pagtinging meron siya para kay Francis. Lalo pa't hawak niya ang dalawang sikretong nagsilbing dahilan kung bakit binura ni Elysriel noon ang alaala ng leader ng mga Guardians. Hinding-hindi siya mapapatawad ni Francis kapag nalaman nito ang totoo.

Next

Monday, April 1, 2024

(one-shot) To Be With You

 

There were still a lot of things to do. Iyon ang nasa utak ni Lynne ng mga sandaling iyon habang nakatingin sa makulimlim na kalangitan. Pero sigurado siya sa isang bagay. Walang kinalaman sa mundong kinalalagyan niya ang kanyang isipan.

Then again, it wasn’t like she had anyone else to blame for that. It was her choice to think of that place. She made a choice to think of him, of all people. It was a crazy choice for others. Pero sa sarili niya, alam niyang tama lang ang ginawa niya.


Hindi niya gustong kalimutan ito. She wanted to remember him a lot. Miss him a lot. And perhaps… love him even more than she had ever loved anyone in her life. She made that choice, kahit na hindi siya sigurado sa totoong kahihinatnan n’on.


Thursday, February 15, 2024

(one-shot) As Long As Faith Exists

 


This was a crazy decision for Kayla. But she could care less at this point. Wala na siyang gustong pakinggan. Wala na siyang papayagang pumigil pa sa kanya. Ang kailangan lang niyang gawin ay panindigan ang nagapdesisyunan na niya.

"Kayla, wait!"

Pero hindi niya pinakinggan iyon. Hindi siya nagpapigil at nagpatuloy lang sa pagtakbo patungo sa isang lugar na alam niyang magagamit niya para maisagawa ang ipinaplano niya. But it seemed that this person chasing after her wasn't really going to let her go just like that. Nararamdaman niya na patuloy itong nakasunod sa kanya.

Siyempre pa, ikinainis niya iyon. Pero nagpatuloy lang siya sa pagtakbo. Kaunting distansya na lang ang kailangan niyang takbuhin para makarating sa pakay niyang lugar.

Ang pinakamalaking magkambal na mga puno ng acacia sa bayan ng Sagovarre.

And now she knew — it was the portal that the Guardians like Ianro had used to get to her world.

Friday, September 29, 2023

(one-shot) These Memories To Keep

 


"What in the world are we doing out here again? Kinaladkad mo na naman ako rito para sa wala, Mei?"

Pero isang buntong-hininga ang naging tugon ng kaibigang si Mei sa litanya ng tanong na iyon ni Stacy. Siyempre pa, inasahan na niya iyon kung ikokonsidera niya ang ugali nito na laging gustong laging nasusunod ang mga trip nito sa buhay. Lalo na kapag may naisipan itong gawin.

"Stacy, ginagawa ko ito para sa iyo, okay? Aba, wala ka nang ibang ginawa sa apartment mo kundi magkulong, ah. Mula nang bumalik ka sa kabihasnan 3 months ago, nag-iba ka na."

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Magsaya na may isang nilalang somewhere out there na talagang nagpahalaga sa akin for once in my life na nag-aagaw-buhay ngayon dahil sa akin? Mei, hindi pa ako ganoon ka-heartless. Kung sa ex-boyfriend ko siguro nangyari iyon, baka nga talagang ikatutuwa ko pa, eh."

Saturday, May 28, 2022

(one-shot) To Remain By Your Side

 

"Shouldn't you be looking for your girlfriend right now?"

Magkaganoon man, hindi pa rin umaalis sa kinauupuan niya si Alexander. Nanatili lang siyang nag-iisip habang nakaupo sa mahabang sofa ng mansion na iyon. Sa totoo lang, ilang araw na siyang ganito. Hindi man siya mapalagay, mas pinipili pa rin niyang manatili roon.

And it wasn't just because he made a promise to her that he wouldn't try to follow her to wherever she was heading. There was one other reason.

Sunday, May 15, 2022

(one-shot) The One To Hold Your Heart

 

PINIPILIT na lang ni Joanna ang magpakatatag kahit na sa totoo lang, nahihirapan na siyang gawin iyon dahil sa sitwasyong nasa harap niya ng mga sandaling iyon. Walang malay si William matapos nitong gamitin ang anumang lakas na meron pa ito para lang tulungan siyang tapusin ang mga Darkans na gusto siyang patayin. Kumalat na sa Agorion ang tungkol sa kanya na isang half-Osmerthian at anak pa ng dating Osmerth Guardian.

Kaya ngayon ay gusto na siyang tapusin ng mga ito dahil aminin man ng lahat o hindi, isa ang kapangyarihan niya na may kinalaman sa tunog ang posibleng magamit ng mga kasamahan ni William para matapos na ang laban ng mga ito sa mga Darkans.

Bumuntong-hininga siya nang maisip ang posibleng katapusan niya sa kamay ng mga ito kung hindi lang dumating si William para tulungan siya. But he ended up doing it at the cost of his remaining strength that should've been used to heal his other Osmerth Guardian comrades. Hindi niya napigilang mapaluha dahil doon.

Saturday, April 16, 2022

(one-shot) This Love I Have

Whoever thought that finding some old item in a house that you lived in all your life would bring so much to someone? Well, at least that was what happened to Riz when she found something by the bedroom wall. Okay, it was actually behind the bedroom wall inside the master's bedroom.

Ang dating kuwarto ng mga magulang niya bago lumipat ang mga ito ng tirahan sa siyudad. Siya na lang ang natitira sa bahay na iyon na minana pa niya sa kanyang lola. Isang bagay na noong una ay hindi niya inasahan dahil nasa utak niya na ang kanyang ama ang magmamana niyon.

But then, Riz's dad chose to live away from that house. Not because of a bad memory or something like that. Alam lang nito na hindi ito makakatagal sa lugar na magpapaalala rito ng tungkol sa kapatid nitong babae -- ang tita niya -- na namatay sa cancer. Maraming magagandang alaala ang bahay na iyon tungkol sa magkapatid at hindi lang talaga nito matanggap na wala na ang tita niya.

Thursday, April 14, 2022

(one-shot) Find My Way

Staring at a blank page in front of her, Carrie had no idea what to write about. Then again, what was the purpose of her bringing out a piece of paper and a pen, anyway? She was supposed to write something.

Only... she couldn't recall what.

Ilang araw nang ganito ang nangyayari sa kanya. Ilang araw na hindi mapakali. Ilang araw na may hinahanap. Ilang araw na may gustong gawin pero hindi niya makita ang punto kung para saan.

Even with that, she knew it was all related to one word.

"Seohae."

Thursday, December 9, 2021

(one-shot) Deciding To Stay


A lot of them said that they were not meant to be together. He was handsome, he was amazing, he was skillful. As for her, a nobody. A wallflower. Just someone ordinary.

At least for them.

Pero hindi iyon ang pinaniniwalaan ni Lei sa simula't sapul mula nang makilala niya si Erven. Hindi siya sigurado kung bakit ganoon na lang kalaki ang tiwala niya sa lalaking ito kahit sabihin pa na hindi ito isang ordinaryong nilalang. He was amazing, he was extraordinary -- but for a reason.

And she knew how dangerous those reasons were. Dangerous to the point that Lei should be scared of Erven and his powers. But even with that knowledge, she couldn't bring herself to be scared of him. Funny, right?

Monday, October 19, 2020

(one-shot) Stay By My Side


The sky continued to give off that ominous vibe that he started feeling as soon as Stephen stepped out of the mansion. Pero kahit ganoon ang pakiramdam niya, iyon lang ang gabay niya sa mga sandaling iyon para malaman kung nasaan si Maxiel. Mukhang ang mga katulad lang niyang may taglay na kapangyarihan ang nakakakita ng nagaganap na kababalaghan sa kalangitan.

Tama nga si Neriah—ang babaeng Angel Knight na nagsabi sa kanya ng tungkol sa gustong gawin ni Maxiel—sa sinabi nito sa kanya. Pero sapat din na rason iyon para lumala ang kabang nararamdaman niya. He wasn't someone who would always feel nervous like this, even while he was dealing with his own set of battles.

Pero siguro nga, kapag ang taong mahal mo ang dahilan, kahit ang pinakakalmadong nilalang ay makakaramdam ng 'di maipaliwanag na takot at kaba. Iyon ang minsang sinabi ni Francis sa kanya nang minsang tanungin niya ito kung bakit handa itong gawin ang lahat para sa kapakanan ng nobya nitong si Ilsie, lalo na nang hindi iilang beses na nalagay ang dalaga sa kapahamakan.

Monday, January 27, 2020

(one-shot) It Will Always Hurt Me

"Things are getting weirder here by the second. You know that?"

Pero buntong-hininga lang ang naging tugon ni Ilsie sa sinabing iyon ng pinsan niyang si Eldrin. "Alam mo, kung makapagsalita ka, parang may bago pa sa bagay na 'yon, 'no?"

"O, ano'ng problema mo't high blood ka yata?"

"Hindi ako high blood. Buwisit lang." Kung may ikakasarkastiko pa siguro ang paraan ng pagsagot niya, baka nagawa na niya iyon.

Pero wala siya sa mood na tuluyang sirain ang araw niya. Lalo pa't mukhang lumalala na ang sitwasyong nakabalandra sa kanyang paningin ng mga sandaling iyon.