Sunday, February 23, 2025

Hope From Love's Memories - Chapter 2

Wala ngang training ng araw na iyon si Ilsie, pero hindi pa rin siya pinatahimik ng mga 'di maipaliwanag na mga panaginip. Ang resulta, hindi na naman siya nakatulog ng maayos. Kaya hindi na nakapagtataka kung hindi na naman maganda ang mood niya dahil doon.

Then again, it wasn't like she could actually put a stop to it, considering that she'd been dealing with that for 15 years now. Ang tanging magagawa na lang niya para matakasan iyon ay ang hanapin ang sagot kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay patuloy pa rin siyang pinagpapakitaan ni Elysriel sa mga panaginip.

Nakikita niya ito roon, pati na rin ang Guardian na sa pagkakaalala niya ay Francis ang pangalan. Though she was aware na may Osmerth Guardian sa Human Realm na ganoon ang pangalan ayon kay Stephen, hindi siya sigurado kung ang Francis na nasa panaginip niya at ang kaibigan ni Stephen ay iisa.

At this point, she had no way of knowing.

"Wait a minute... How did I get here?" Iyon na lang ang naibulong ni Ilsie nang sa wakas ay napansin na niya kung nasaan siya ng mga sandaling iyon.

Why in the world did her feet lead her to the park's fountain area? Sa pagkakatanda niya, hindi iyon ang nais niyang puntahan nang magdesisyon siyang lumabas ng bahay para mag-isip. Pero mahalaga pa ba iyon? Kailangan niyang klaruhin ang takbo ng isipan niya ng mga sandaling iyon. Kaya hindi na siguro niya pagtuunan ng pansin kung hindi man ang fountain area ang unang nasa isip niya na puntahan.

"Ano ba 'tong ginagawa ko ngayon?" tanging naitanong ni Ilsie habang inililibot ang tingin sa paligid.

There wasn't anything strange around her, at least she could tell that much. Pero ilang sandali pa ang lumipas bago kumunot ang noo niya. Kung wala siyang makitang kakaiba sa paligid niya, ano itong nararamdaman niya? Her heart wouldn't stop beating so fast - both from sensing something strange and then there was a sense of danger.

Oo, dalawang bagay ang nararamdaman niya. At sa totoo lang, hindi niya alam kung para saan iyon.

Muli siyang napatingin sa paligid habang pilit na pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Pero sa ginawa niyang iyon, hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. And it also appeared that she wanted to throw up, as well.

"Damn it! Bakit naman ganito ang nararamdaman ko ngayon?" Sa totoo lang, hindi siya sakiting tao. So this was a rare case for her.

Kaya naman bago pa siya tuluyang mahilo, nagawa na niyang makaupo sa isa sa mga bakanteng benches na nakapaligid sa fountain.

'This is not good...' Tanging naisip na lang ni Ilsie habang patuloy pa ring pinakakalma ang sarili, lalo na ang mabilis pa ring pagtibok ng puso niya.

Ilang sandali rin siyang nakaupo lang doon at nakayuko ang ulo habang nakapikit. Bagaman unti-unti nang nawawala ang nararamdamang pagkahilo, hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya. And this time, she could determine the reason why.

There was something evil lurking around. Hindi man malapit sa kanya, pero alam niyang nasa paligid lang at may minamanmanan.

'Is it Agorion? Or Draohin? Then again, halos pareho lang naman ang dark energy na nagsisilbing power source ng dalawang lahing iyon.'

Hindi man siya madalas isinasalang sa mga active combat missions tulad ng Kuya Jethro niya, hindi naman nangangahulugan na hindi siya pamilyar sa mga kinakalaban nila. At maging sa mga nagtatangkang lumaban sa kanila.

Ang nakakapagtaka lang, bakit masyado naman yata siyang naaapektuhan ng dark energy na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon? Hindi naman niya masasabing dahil iyon sa hangin na tumutulong sa kanya para maramdaman ang nakaambang panganib na iyon.

"Are you okay, miss? Kailangan mo ba ng tulong?"

Bagaman hindi inaasahan ni Ilsie iyon, pinilit niyang umakto ng normal. Lalo na nang marinig ang tila pamilyar na pag-aalala sa tinig ng lalaking ng mga sandaling iyon ay ilang hakbang lang ang layo sa kanya.

"Uh... Yeah, I'm okay. Nakaramdam lang ako ng pagkahilo," aniya bilang tugon bago tuluyang nag-angat ng tingin para harapin ang lalaking iyon na lumapit sa kanya.

Pero ganoon na lang ang paglaki ng kanyang mga mata nang tuluyang tumambad sa kanya ang guwapong itsura ng lalaki. But it wasn't just because of his surreal features that shocked her at the moment.

Iyon ay dahil pamilyar sa kanya ang guwapong mukhang iyon.

'Wait... Could this be him? The Guardian Francis na laging ipinapakita sa akin ni Elysriel?'

Teka lang! Totoo ba ito? How did this happen?

"Are you sure you're okay?" muling tanong ng lalaki sa kanya.

Pero wala nang anumang sagot ang lumabas sa bibig niya. Madali lang naman kung tutuusin ang sagot sa tanong nitong iyon. Kaya lang, para siyang naengkanto dahil lang sa tumambad sa kanya ng mga sandaling iyon.

Sino ang mag-aakala na magtatagpo sila ng lalaking tanging pangalan at itsura lang ang alam niya pero tila kilala na ng kanyang isip at puso?

xxxxxx

Kahit na gustong matulala at manatiling hindi makapaniwala ni Francis, pinilit niya ang sarili na huwag patagalin iyon. Hindi niya gustong mapahiya sa babaeng nasa harap niya ng mga sandaling iyon. Lalo pa't alam niyang hindi maganda ang pakiramdam nito.

Pero sino ba naman ang mag-aakala na makikita niya sa totoong buhay ang babaeng nakita niyang namatay sa pangitain niya? And to think he would meet her at the time he decided to go out to clear his mind after a long while.

Siya kasi ang tipo ng nilalang na mas gustong manatili sa kuwarto kaysa ang magpunta sa kung saan. Maliban na lang kung talagang kinakailangan niyang lumabas, tulad na lang ng mga labang kailangan niyang harapin na may kinalaman ang mga Agorions. At mula nga ng magtungo sila sa Human Realm, idinagdag na rin nilang mga Osmerth Guardians ang pagtulong sa laban ng mga Power Casters sa mga Draohins.

"Are you sure you're okay?" tanong niya sa babaeng kaharap niya ng mga sandaling iyon.

Pero wala itong naging tugon. Patuloy lang itong nakatitig sa kanya na para bang hindi ito makapaniwala sa nakikita nito. Then again... this was the first time that they've actually crossed paths, right?

"Meron bang kung ano sa mukha ko at ganyan ka makatingin sa akin ngayon?"

Sa totoo lang, wala sa ugali ni Francis ang magbiro, lalo pa't ganitong magulo ang takbo ng kanyang isipan. Pero hindi niya napigilan sa dahilang hindi na rin niya maiwasang mailang sa matamang pagtitig ng babaeng ito sa kanya.

"S-sorry..." tanging nasabi nito at saka nagbaba ng tingin.

'Thank goodness she stopped looking at me. Parang hindi ako makahinga nang maayos sa titig niya, ah.' It was the truth.

May kung ano sa titig na iyon ng babaeng kaharap para makaramdam siya ng 'di maipaliwanag na pagbilis ng tibok ng kanyang puso. But for some reason, he couldn't help feeling that... this wasn't the first time he felt like this.

Would that be even possible?

"Hindi yata maganda ang pakiramdam mo, ah," pagsisimula na lang ni Francis para lang maialis ang isipan sa kakaibang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Huminga na lang siya ng malalim bago nilapitan ang babae.

"Hindi ko nga maintindihan kung bakit, eh. This doesn't usually happen often."

"What do you mean?" hindi niya napigilang pangunutan ng noo sa narinig.

Pero isang malalim na buntong-hininga lang ang naging tugon nito. Gustuhin man niyang tanungin pa ito para klaruhin ang nais nitong sabihin, ang pag-ring ng cellphone niya ang pumigil sa kanya.

Lalong kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Alexander na nagpa-flash sa screen.

'Now that's rare. Ano'ng meron at naisipan akong tawagan nito ngayon?' Nagtataka man, pinili niyang sagutin ang tawag na iyon. "Hello?"

"Francis, alam mo ba kung saan nagpunta si Stephen?" bungad ng kaibigan sa kabilang linya.

"Hindi. Teka, bakit ganyan ang tono mo? May nangyari ba?" Hindi gusto ni Francis ang naramdamang kaba sa boses ni Alexander.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang malalim na buntong-hininga nito sa kabilang linya. "Mukhang may pinaplanong malaki ang lalaking iyon, eh. He only said that he had to do something important and then he left. Wala siyang sinabi kung saan siya pupunta."

Now that was strange. Hindi ganoong masikreto si Stephen, maliban na lang kung talagang mahalaga ang dapat nitong gawin o 'di kaya ay masyadong personal ang kailangan nitong asikasuhin.

Pero hindi alam ni Francis ang dahilan kung bakit ng mga sandaling iyon, ang paggamit sa ikalawang kakayahan ni Stephen ang naiisip niyang mahalagang bagay na kailangan nitong gawin.

'But that's crazy! He already used that skill twice this year!' At alam niyang hanggang doon lang ang limitasyon ng kakayahang iyon ni Stephen. Any more of that could potentially harm Stephen's body. Ano naman kaya ang pumasok sa utak ng lalaking iyon at naisipan nitong gawin ang delikadong bagay na iyon.

Si Francis naman ngayon ang huminga ng malalim para mapakalma ang sarili. Walang mangyayaring maganda kung magpa-panic siya.

"Alex, you stay there in the mansion. Ako na ang bahalang maghanap kay Stephen dito. Tutal, nandito na rin lang ako sa labas," aniya makalipas ang ilang sandaling pag-iisip ng gagawin.

"Sigurado ka?" Tila nag-aalangan pa si Alexander.

"Mabuti nang may magbantay riyan at mag-abang kung sakaling may mangyaring hindi maganda rito. Sasabihan na lang kita kung ano man ang mangyayari."

sapat na iyon para pumayag ang kaibigan. Matapos putulin ang tawag ay agad na napalingon si Francis sa bench kung saan iniwan niya ang babaeng kanina lang ay kausap niya.

Pero ganoon na lang ang pagkunot ng kanyang noo at ang paglukob ng matinding pag-aalala nang makitang wala na ito roon. Ilang sandali rin niyang inilibot ang tingin sa paligid pero wala siyang nakitang anumang senyales na naroon pa rin ang misteryosong babae.

"Where did she go?" For some reason, his heart felt heavy upon asking that question to himself. Gusto na lang niyang isipin na may dahilan ito kung bakit umalis ang dalaga na hindi man lang nagpapaalam sa kanya.

Maraming puwedeng dahilan at hanggang haka-haka na lang ang maiisip niya sa mga sandaling iyon. Pero may ibang bagay pa siyang dapat na pagtuunan ng pansin. Saka na niya bibigyang atensyon ang sariling problema kapag muli silang nagkita ng babae sa kanyang pangitain.

'Iyon ay kung magkikita pa nga ba kami...' Then again, he didn't like the thought of not seeing that woman again after this. Wala naman sigurong masama kung maging optimistic siya pagdating sa bagay na iyon, 'di ba?

Iyon ay kahit hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit ganoon na lang ang pag-aasam niyang makitang muli ang babae.

Next

No comments:

Post a Comment