Thursday, February 13, 2025

Hope From Love's Memories - Chapter 1

HINDI NAMAN sa gusto niyang magreklamo. Pero kung si Ilsie ang tatanungin, mas gugustuhin na niyang matulog na lang sa bahay kaysa ang mag-training nang araw na iyon. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon.

Sa pagkakaalala niya ay hindi naman siya napagod sa training na ginawa niya kahapon kasama ang iba pang mga Power Caster na kapareho lang ng ranggo niya at nagsasanay din kagaya niya. Pero bakit parang tamad na tamad siya na tila ayaw na niyang bumangon pa sa kama niya?

"Himala, 'insan! Ano'ng nakain mo at hindi ka sumama sa training ngayon? Meron ka?"

Bago pa man siya tuluyang makasagot ay agad na hinablot ng kamay niya ang unan na nasa tabi lang niya at inibato iyon sa kadarating na bisita. Ilsie smirked when it landed straight to the guy's face.

"Minsan ka na nga lang bumisita rito, mang-aasar ka pa. Ano'ng topak na naman ang meron ka, ha?" salubong niya bago iniayos ang sarili para makaupo sa kama.

"At umiral na naman ang pagiging brutal mo. Parang nagtatanong lang ako, eh. Masama bang maging concern para sa 'yo?"

Hindi na napigilang bumuntong-hininga ni Ilsie bago hinarap ang pinsang nakasimangot na tumabi sa kanya sa kama. Wala namanh kaso sa kanya kung maging concern nga sa kanya si Eldrin. Hindi naman kasi siya madalas mawala sa training. At kapag hindi siya tumuloy, tiyak na may problema.

Sa kaso niya ng mga sandaling iyon, isa lang ang pinoproblema niya.

At iyon ay ang muling pagpapakita ng mga pangitaing minsan na niyang nakita 15 years ago. The visions from where she first saw Lady Heidi's painting of "Future's Devotion", as she'd like to call it.

"It's getting clearer and clearer each night mula nang makilala natin sina Stephen at Alexander," sabi niya. Ang tinutukoy niya ay ang dalawa sa tatlong Osmerth Guardians na naglalagi sa Human Realm pansamantala dahil sa isang importanteng trabaho.

Or at least, iyon ang sinabi sa kanila ni Stephen noong unang beses makasagupa ng mga Draohins ang dalawang Guardians. Doon nagsimula ang pagiging magkaibigan ng mga ito kina Eldrin at ng kuya niyang si Jethro.

Matagal nang kalaban ng mga Power Casters na kagaya nina Ilsie, Jethro, at Eldrin ang mga Draohins. Kabilang silang tatlo sa isa sa labing-anim na angkan ng mga Power Casters sa bansa. She and her older brother belonged to the Treharne clan, along with her cousin.

Ang totoo niyan ay may iba pang Power Casters sa ibang bansa. Pero ayon sa alamat, nag-originate ang mga Power Casters ng Human Realm sa dalawang bansa - sa Japan at sa Korea. May dahilan kung bakit dito nagmula ang mga Power Casters. Nasa pagitan kasi ng dalawang bansang ito ang isang misteryosong isla na kung tawagin ay Island of Memories. Ito ang masasabing Holy Land ng mga Power Casters.

But this island was never visible to the naked eye to begin with. Once every 80 full moons - o kada anim na taon at walong buwan - kung magpakita ito at mag-iwan ng mensahe sa mga piling Power Casters. Some of those messages were received through dreams.

At kung hindi nagkakamali si Ilsie, isa na siya sa mga nakatanggap ng mensaheng iyon. Hindi nga lang niya sinasabi sa kahit na sino hanggang sa mga sandaling iyon.

The proof was the dreams - similar dreams - that she kept on having for so long. She had to do something about them.

"Paniguradong wala ka pang ibang pinagsasabihan ng tungkol sa mga panaginip mong 'yan," sabi ni Eldrin bago ito tumingin nang seryoso sa kanya. "Sosolohin mo na lang ba 'yan, ha?"

"Iyon naman ang plano. Pero mukhang hindi na ganoon ang gustong mangyari ng mga panaginip ko mula nang mag-umpisa ang lahat. Each time I would have a dream about her, it would always direct me to that one place. Pero sa tuwing pumupunta naman ako roon, wala akong makuhang matinong sagot o dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin," paliwanag ni Elsie bago bumuntong-hininga.

"'Insan... Ang galing mo rin kasing magsolo ng tungkol sa problema mong 'yan, eh. Wala naman kaming planong pabayaan ka tungkol diyan."

Alam niya iyon. Right from the start, she knew that. Pero hindi pa rin niya magawang magsabi sa kahit na sino. Even with her ability as a Power Caster, mukhang hindi pa rin sapat iyon para tulungan siya sa problema niya.

With that, Ilsie stood up from her bed and went to her study table. Binuksan niya iyon at kinuha ang isang maliit na kahon na nakalagay roon.

"Wow! Talagang itinago mo 'yan, ah," komento ni Aldrin makalipas ang ilang sandali. "Kahit na wala na talagang silbi 'yan."

"It's still special to me dahil si Lola Danica ang nagbigay sa akin nito noong araw na iyon. At saka si Lolo Hillson ang kumuha nito para sa akin, 'no? Alam mo naman kung gaano kahirap hanapin at i-harvest ang Power Caster Ore. Especially those with sealed powers related to the wind."

Ang Power Caster Ore na ibinigay sa kanya nang opisyal na siyang tanggapin para magsanay upang maging isang ganap na active Power Caster ang nasa maliit na kahon na iyon. Hindi nagsisinungaling ang pinsan niya na wala nang silbi ang ore na iyon. Iyon ay dahil naisalin na niya ang kapangyarihan niyon sa sandatang napili niya noong ikalawang taon niya sa training.

Pero kahit ganoon ang nangyari, naisipan ni Ilsie na itago ang ore na iyon imbes na itapon kahit na nawala na ang kapangyarihang itinatago niyon. Then again, she actually had a reason to do that. It was about the sentimental value and also the associated event to it that made her decide to keep it.

"Do you still think that the ore would act as a trigger or something? Lalo na kung tungkol sa painting na naging dahilan ng mga panaginip mo ngayon."

Walang maisip isagot doon si Ilsie. Sa totoo lang, wala siyang solidong dahilan kung bakit itinago niya ang ore na iyon. But... could it be that she already knew and that she wasn't just acknowledging it at all?

Napailing na lang siya makalipas ang ilang sandali. Kasabay niyon ay napangiti na lang siya nang malungkot.

"I really hope I have a proper answer to that question. Pero sorry na lang. Kahit ako, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hawak ko pa rin ito hanggang ngayon," tanging sagot niya at saka tiningnan ang pinsan na kasalukuyang nag-aalalang nakatingin lang sa kanya. "Sa ngayon, ang pagtingin dito ang isa sa mga nagpapakalma sa akin kapag talagang magulo ang utak ko."

"Iyon ba ang dahilan kung bakit wala ka sa training kanina?"

Umiling siya. "Masama lang talaga ang pakiramdam ko. Ilang araw na rin akong hindi nakakatulog nang maayos, eh." And yes, she would definitely have to blame her dreams as the major reason for that to happen. Pero siguro naman ay agad nang mahahalata iyon ni Eldrin.

"Maybe you should try going out a little bit. Baka kailangan mo lang sigurong sumagap ng sariwang hangin para mapahinga ka. Malay mo, baka sakaling gumaling ka kaagad."

Napatingin lang si Ilsie sa pinsan kasabay ng pagkunot ng noo niya. Then again, wala namang masama kung susundin niya ang suhestiyon nito. Ilang araw na rin naman siyang hindi napapasyal sa kung saan kahit sabihin pang lumalabas siya ng bahay para magtungo sa Shiasena Temple dahil sa combat training.

Makalipas ang ilang sandali, tumango na lang siya. "I guess I'll do that."

xxxxxx

IT WASN'T everyday that Francis would stare intently at the fountain outside the mansion where he and two other Guardians like him lived. Isang abandonadong property iyon noong unang beses nilang makita iyon 20 years ago. But for him, Stephen, and Alexander, it was a perfect place for them to be left alone to do their own business.

A place where no one would ever dare to approach and also a place where they could freely cast their powers if the need arose.

At hindi nga sila nagkamali. Sa tagal na nilang naninirahan doon ay iilan lang ang nangahas na magpunta roon at gambalain sila. Maliban sa ilang piling tao na pinapayagan nilang pumasok sa mansyon na iyon, wala nang iba pang nagpupunta sa lugar na iyon.

And at the moment, Francis had truly appreciated that peace as he continued staring at the water from the fountain. Pero sa likod ng seryosong titig na iyon na iginagawad niya sa tubig na naroon, kung saan-saan naman lumilipad ang utak niya dahil sa mga imaheng rumaragasa sa kanyang isipan.

He had that urge to intently look at the water since he woke up. To be honest, it was a rare thing for him to feel. Pero hindi na lang niya kinuwestiyon iyon. He knew that there was something important that he had to see.

At iyon ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin.

"What in the world was that?" Iyon lang ang naiusal ni Francis nang matapos na ang pagragasa ng mga imahe sa kanyang isipan. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil doon.

Agad na bumukas ang pinto sa study room kung nasaan siya ng mga sandaling iyon. Iyon ang naabutang eksena ng dalawang lalaking pumasok doon.

"Okay ka lang, Francis?"

Nag-angat lang ng tingin si Francis nang marinig ang tanong na iyon ng kaibigang si Alexander. Habang si Stephen naman ay tinulungan lang siyang makaupo sa mahabang sofa na naroon sa silid na iyon.

"Ano na naman ba ang nakita mo, ha? Bihira lang namang sumakit nang ganyan ang ulo mo kapag may ipinapakita sa 'yo ang tubig, ah," sabi naman ni Stephen bago siya inabutan nito ng isang basong tubig.

Ilang sandali muna ang pinalipas ni Francis para maihanda ang sarili bago huminga ng malalim at harapin ang mga kaibigan niya.

"The water made me see death," umpisa niya, hindi nawawala ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.

Siyempre pa, inasahan na niya ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha nina Alexander at Stephen sa sinabi niyang iyon. Then again, who wouldn't be? It was rare that he would see a death vision, anyway. At kapag nakakakita siya ng mga pangitaing may kinalaman sa kamatayan, alam niyang may mali na.

"Sino ba ang nakita mong namatay? Kilala mo ba?" This time, si Alexander na ang nagtanong niyon.

Hinarap niya ito, sigurado siya na bakas ang pagkalito sa mukha niya. "Hindi ko siya kilala. I don't think we've even crossed paths at all, now that I think about it. But I do know that she's a Power Caster, just like Jethro."

Ang tinutukoy niya ay ang Fire Power Caster mula sa Treharne clan na paminsan-minsan ay tinutulungan sila sa pakikipaglaban nila sa mga Agorion na nagtatangkang manghimasok at manggulo sa Human Realm. Ganoon din sa mga Draohins na kalaban naman ng mga Power Casters na paminsan-minsan ay nakikipagsanib-puwersa sa mga Agorion para gumawa ng gulo.

"Are there any specific details about that person?"

"And you said 'she'. Babae ang nakita mo?"

Tumango si Francis bago bumuntong-hininga. "Iyon nga ang ikinagulat ko, eh. This girl was bleeding too much on her stomach. She was holding a longbow and... her body was leaning against a large tree trunk. And there was even a sword stabbed on her left leg."

"Woah! Ang brutal naman n'on," hindi na napigilang komento ni Stephen. Si Alexander naman ay napangiwi na lang habang nakikinig sa ikinukuwento niya.

"What else did you see about this girl in your vision?"

Doon na siya napaisip pa nang husto. He needed to recall as many distinct details about the vision as he could. Ilang sandali rin ang lumipas bago niya nasagot ang tanong na iyon ng kanyang kaibigan.

"Wind... Something tells me that this girl is a wind arts practitioner. And if I were to base it on the longbow that she was gripping tight in that vision, I can only assume na isa rin siyang proficient archer."

"Ang dami namang ganoon kahit dito sa Human Realm. And it's not just the Power Casters. Pero nabanggit mo na kanina na isa siyang Power Caster, 'di ba?"

Once again, Francis nodded. "And I can at least discern that she's a skilled one, too."

"A skilled Wind Power Caster proficient in archery... at babae siya..." usal ni Stephen na para bang nag-iisip. Ilang sandali pa ay napatingin ito sa kanya. "Out of all the current generation of Wind Power Casters, iisa lang sa kanila ang aakma sa description na sinasabi mo."

"So that girl actually exists?" hindi makapaniwalang tanong niya. Sino ang mag-aakala na narito sa Human Realm ang nakita niya sa pangitaing iyon?

"Pero bakit siya? Parang ang labo naman yata na mangyari iyon sa kanya."

"Hindi iyon malabo kung ikokonsidera natin ang klase ng daang tinahak niya. Even her brother was aware of that kind of danger possibly happening not just to her, but to the rest of the active Power Casters, as well," tugon ni Stephen at saks ito huminga ng malalim. Bakas din sa mukha nito ang hindi pagkapaniwala.

Muling napakunot ng noo si Francis sa napansing pag-aalala sa tinig ni Alexander. "Ano'ng ibig n'yong sabihin?"

"Kilala namin ang sinasabi mo, Francis. Dahil sa limang magagaling na Wind Power Casters ng henerasyon na 'to, iisa lang sa kanila ang babae. And it also happens that she's a proficient archer, gaya ng sa pangitain mo," paliwanag ni Stephen.

"Sigurado ka, Stephen?"

"Hindi kami puwedeng magkamali. Siya lang ang umakma sa pangitain mo. And that girl... happens to be Jethro's younger sister."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Paano nangyari iyon? Pero... iyon nga ba ang gustong ipahiwatig ng pangitain niya? "Are you serious?"

"Hindi ko maigagarantiya na siya nga ang nasa pangitain mo dahil ikaw lang naman ang nakakita n'on, eh. Pero... kung ganoon nga ang gustong ipahiwatig ng tubig sa 'yo..." Napailing na lang si Alexander bago mapasuklay ng buhok nito. "No... there has to be something else there..."

"May puwede pang magbago. Iyon na lang ang isipin natin. Karamihan naman sa mga nakikita ni Francis sa mga pangitain niya, mga warning sa atin," ani Stephen at saka tinapik ang balikat ni Alexander.

May puwede pa nga bang mabago sa mga nakita ni Francis? Could he still do something to prevent that possible tragedy from happening to that young woman?

Next

No comments:

Post a Comment