There were two strong energies present in the area. Sa bagay na iyon ay sigurado si Ilsie. Kahit na nasa fountain area ng mall siya naroroon nang maramdaman niya ang dalawang magkaibang enerhiya na iyon, hindi maikakailang madali lang para sa kanya na maramdaman iyon.
She was a Wind Caster, after all. A White Wind Caster, to be exact.
And since the wind helped her sense it, naging madali na lang para kay Ilsie na malaman kung saan nagmula ang dalawang klase ng energy na naramdaman niya. Agad siyang nagmadaling umalis sa mall para marating ang pakay na lugar --- at isang park iyon.
Habang tumatakbo palapit sa park, hindi niya napigilang humingi ng paumanhin sa ginawang pag-iwan doon kay Francis na hindi man lang nagpapaalam dito. Sana lang ay magawa niyang ipaalam dito ang dahilan kung sakali mang magkita sila nitong muli.
'Iyon ay kung bibigyan ako ng pagkakataong magkita kami ulit.' Then again, would that be a wishful thinking on her part? Oo nga't nalaman na rin niya sa wakas na nag-e-exist nga sa totoong buhay ang lalaking sa panaginip lang niya nakikita noon. Pero hindi naman nangangahulugan na ganoon lang kadali na makita ito ulit.
"Oh, well. I guess I'll just figure it out later." Agad nang nagmadali si Ilsie upang marating ang bahagi ng park na pakay niya ng mga sandaling iyon.
The energies were getting stronger. And if she was right, they appeared to be clashing.
An even more dangerous fact that she had to deal with sa sandaling marating na niya ang lugar na iyon. Kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili.
Ilsie's eyes widened at the sight that greeted her the moment she reached the area of the park that intended to go to.
"You've got to be kidding!"
Hindi normal ang lakas ng hangin sa lugar na iyon. Pero agad na niyang nakita ang dahilan kung bakit.
It was Stephen --- surrounded by several Agorions and Draohins. Pero ni isa sa mga iyon ay hindi makalapit dito dahil sa barrier na nakapalibot sa lalaki. And yet, why did it look like...
"Is he... doing a ritual while inside the barrier?" Hindi niya maiwasang itanong iyon sa sarili habang patuloy na pinapanood ang mga pangyayari mula sa kanyang posisyon. Himala na lang talaga na hindi pa siya napapansin ng dalawang grupo ng kalaban na patuloy na nagtatangkang atakihin si Stephen.
"He's really going to kill himself if he keeps up with this."
Agad na napalingon si Ilsie sa pinagmulan ng tinig na iyon. Para lang manlaki ang kanyang mga mata sa tumambad sa kanya.
"A-ano'ng... ginagawa mo rito?" Sa hindi maintindihang dahilan, iyon lang ang nagawa niyang itanong sa kadarating na lalaki.
Francis turned to her with a grave expression before sighing. "Stopping a friend from doing something suicidal."
"Suicidal?" Napatingin siya kay Stephen na wala pa ring pakialam sa paligid nito at patuloy lang sa ginagawa. "You mean, that ritual he was doing inside the barrier right now?"
Tumango si Francis. "A wide area search that he could only do twice a year. Or at least, iyon lang ang kaya ng katawan niya. Lalo na kung dito sa Human Realm niya gagamitin ang kakayahan nitong iyon."
"Pero... bakit?"
Mukhang hindi rin magawang sagutin iyon ni Francis kung ibabase niya sa ekspresyong nakikita niya sa mukha nito. Ilang sandali pa ay bumuntong-hininga ito.
"Honestly, I don't know what the hell he is thinking para gawin iyan ni Stephen. But it looked like he was already desperate. At mukhang hindi naman nito gagawin ang ritual na iyan kung wala siyang tulong mula sa iba," paliwanag ni Francis na hindi inaalis ang tingin sa kinatatayuan ni Stephen.
Wala nang nasabi pa si Ilsie pagkatapos niyon. But she could understand what he meant. Stephen was aware of the risk, and yet he still chose to do the ritual. Kung kadesperaduhan man o may iba pang dahilan para gawin iyon ni Stephen, ito lang ang makakasagot niyon.
Naputol ang pag-iisip niya nang may maramdamang mali sa paligid niya. In particular, she sensed something wrong with Stephen's wind barrier.
"It looks like his barrier isn't going to hold on much longer," she couldn't help commenting. Hindi na rin niya napigilang mag-alala para sa lalaki dahil ramdam niya ang panghihina ng energy na ginamit ni Stephen para mapanatili ang barrier na iyon.
At alam nilang dalawa ni Francis na hindi maganda ang kahahantungan niyon.
"Mukhang hindi lang si Stephen ang desperado ngayon, ah."
Napatingin si Ilsie kay Francis nang marinig iyon. Pero nanatiling nakatuon ang atensyon nito sa puwesto ng wind barrier kung saan nasa loob niyon si Stephen. At doon niya naintindihan ang gustong ipunto ng lalaki.
The weakening barrier prompted the groups of Draohins and Agorions to attack more aggressive than they were a while back. At sa nakikita niya, hindi na kakayanin pa ni Stephen ang lumaban sa oras na tuluyang maglaho ang barrier.
"I'll drive them off."
Her declaration seemed to have been enough to shift Francis' attention from Stephen to her. At hindi niya alam kung para saan ang naramdaman niyang tuwa sa kabila ng sitwasyon nila ng mga sandaling iyon. Of course, she considered it a little absurd for her to think that way.
"Are you crazy? You don't have to do that. Mag-isa ka lang."
Okay. She never knew this guy could be a worrywart. At mukhang hindi lang dahil babae siya. "Mukhang matatapos na rin ang ritual na ginagawa ng kaibigan mo. Mas mabuting siya na muna ang pagbuntunan mo ng pag-aalala mo ngayon kaysa sa akin."
"Jethro is surely going to scold me when he finds out about this."
So ang kuya pala niya ang mas pinag-aalala nito. Why did that sound so disappointing to her, by the way?
'Mas gusto mo yatang mag-alala siya para sa kapakanan mo na hindi ang kuya mo ang dahilan.'
Okay, hold up! Where did that thought came from? Napailing na lang siya at saka huminga nang malalim. She was hoping that it could dissipate whatever disappointment she was feeling at the moment. This was really strange for her.
"Whether he finds out or not, he would know that I did this for a reason. I'm still a Power Caster. I was trained for this. Kaya huwag mo nang alalahanin kung ano ang sasabihin ni Kuya. Okay? Ako na ang bahala sa kanya," nasabi na lang niya at muling napatingin sa kinatatayuan ni Stephen.
Worry was still evident in Francis' expression, though. "Sigurado ka?"
"Don't worry. Isumbong mo sa akin kapag inaway ka niya." Ngingitian niya sana ito nang bigla siyang may maramdamang mali sa paligid. Unti-unti nang humihina ang barrier na nakapalibot kay Stephen. "You better assist your friend. I guess that's the limit of the ritual."
Napatingin si Francis sa direksyong tinitingnan niya. "Stephen!" Walang salitang nagmadali na si Francis sa papatumba nang kaibigan.
Iyon naman ang sinamantala ni Ilsie na pagkakataon para mailabas ang sandatang kailangan niyang gamitin para harapin ang mga kalaban.
"Hilnon."
That one word was enough. Her hand that she extended emitted a bright mint green glow before a figure materialized before it. Ilang sandali pa ay hinawakan na niya iyon bago nawala ang nakapalibot na liwanag doon.
It revealed its form as a long bow. Iyon ang sandatang napili niya at ang pinaglagyan niya ng kapangyarihang nasa Power Caster Orb na ibinigay sa kanya ng Lolo Hillson at Lola Danica niya 15 years ago.
"Alright. Let's do this."
xxxxxx
'That's the bow I saw in my vision of her!' Iyon ang agad na pumasok sa isipan ni Francis nang makita kung ano ang inilabas ng Prisma ni Ilsie bago nito sinugod ang mga kalabang nagtatangka nang saktan ang wala nang malay na si Stephen.
"Tama nga sina Stephen at Alexander. The girl in my vision was indeed her." Halos pabulong na lang niyang sinabi iyon at sa wakas ay nagawa na niyang lapitan ang kaibigan.
"Take him out of here now. Habang distracted pa sila."
With that, Ilsie took down enemies after enemies with her long bow he heard her call Hilnon. Alam niya na binibigyan ng mga Power Casters ng pangalan ang kanilang mga sandata na ibinibigay sa kanila o ng mga namimili sa kanila. It was a proof that those weapons were sentient in a way and also as a way to tell to the Power Casters that they would be with their chosen users until death.
Si Jethro ang minsang nagbanggit niyon sa kanya noong itinanong niya ang tungkol doon.
"Francis!"
Napalingon siya sa direksyong pinagmulan ng tawag na iyon. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang tumatakbo palapit sa kanya.
"Alex! Ano'ng ginagawa mo rito?"
"I sensed Stephen's energy draining. Does that mean...?"
Tumango siya at saka tiningnan ang wala nang malay na kaibigan. "Ginawa nga niya. Pero mukhang may dahilan naman siya. Kailangan lang natin siyang komprontahin tungkol doon. Right now, you have to get him out of here."
"Me? Paano ka?"
Ilang sandali rin siyang hindi umimik. Kapagkuwan ay huminga siya nang malalim. "I can't leave her here dealing with the enemies, Alexander."
"Her?"
He didn't have to say anything. Instead, he turned to the direction of the woman fending off the enemies with her bow.
"Wait! Is that... Ilsie?"
"Wala nang iba. At pinatunayan lang ng hawak niyang sandata ngayon ang isang katotohanan tungkol sa pangitain ko."
Walang salitang namagitan sa kanilang dalawa ng ilang sandali. Not long after, Alexander was the one who heaved a sigh this time. "Alright. Just be careful. Bumalik ka kaagad dahil alam kong kailangan mo pang sermunan 'tong bunso natin."
"I will."
No comments:
Post a Comment