Hanggang tingin lang ang kayang gawin ni Ilsie sa walang malay na si Stephen ng mga sandaling iyon. Naroon siya sa mansyon na kasalukuyang tinitirahan ng mga Guardians dahil doon na ito dinala ni Alexander gamit ang kakayahan nito --- teleportation.
Or at least, she knew that it was one of the two skills that he had. Alam niyang ang mga napipiling Guardians ay nagkakaroon ng dalawa hanggang tatlong kakayahan on the day of their induction as the selected Guardians. Minsan nang nabanggit iyon sa kanya ni Alexander nang magkasama sila sa isang laban sa Eight Portal.
Naroon sa kama si Stephen at kasalukuyang inaasikaso ni Francis nang makarating sila roon. Aalis na dapat siya pagkatapos nilang matalo ang grupo ng mga Draohin at Agorion. Wala naman na kasi siyang dahilan para manatili pa siya roon.
And yet, Francis took a hold of her hand and pulled her from there. Hindi siya pinakawalan nito hanggang sa makarating na sila sa mansyon. Hindi na siya nagtanong pa kung bakit dinala siya nito roon. Wala naman siguro itong masamang plano sa kanya.
"He's going to be alright. Huwag ka nang mag-alala. Si Francis na rin ang nagsabi."
Naputol ang pag-iisip ni Ilsie nang marinig iyon. Napaangat siya ng tingin at nakita niyang nakatayo na pala sa tabi niya si Alexander. Hindi na niya napigilan ang mapabuntong-hininga nang ibaling niya ulit ang tingin sa natutulog na si Stephen at sa nag-aasikaso rito na si Francis.
"I thought doing that wide search ritual for the third time could potentially kill Stephen. And yet..."
"Hindi lang ikaw ang nagtataka pagdating sa bagay na iyan. Pero mukhang si Stephen lang ang makakasagot ng tanong mong iyan. But..."
Naramdaman niya ang pag-aalangan ni Alexander, dahilan upang mapatingin siya rito. Kumunot ang noo niya nang may inabot ito sa kanya.
"What is this?"
"I don't know, to be honest. But he was holding onto this tightly even when he collapsed. At kung hindi ako nagkakamali, mukhang pamilyar sa 'yo 'to."
'Pamilyar sa akin?' Ilsie looked at the item once again as soon as she took it from his hand. Ganoon na lang ang paglaki ng kanyang mga mata nang matukoy na niya kung ano iyon.
"What the heck? This is the holder of a Memory Scroll!" hindi na niya napigilang ibulalas at pinakatitigan pa ang nasabing gamit. 'Paano napunta kay Stephen ito?' What in the world happened for an Osmerth Guardian to have an item that belonged to Power Casters?
"Memory Scroll?"
She took a deep breath before facing him. "One of the magical artifacts used by selected Power Casters. Hindi ganoon kadaling gamitin ito, kahit na sa mga piniling gumamit nito. Pero bakit...?" Paano mapupunta sa isang hindi naman Power Caster ang isa sa mga pinangangalagaang usable artifacts ng mga Power Casters. 'Could it be them? Si Kuya? Puwede rin si Eldrin.'
Ang mga iyon lang sa mga sandaling iyon ang naiisip niyang posibleng magbigay niyon kay Stephen. Then again, anyone with the required power could use the item as long as the lender deemed them worthy of using it.
Hindi niya alam kung sino sa mga ito ang dapat niyang kausapin tungkol sa bagay na ito. Napabuntong-hininga na lang siya at muling tiningnan ang scroll holder na nasa kamay niya.
"Saka mo na sila tanungin. Baka naman magawa nilang sagutin ang mga tanong mo tungkol diyan. Right now, I think you need to go home. Mukhang napalaban ka nang husto kanina, eh."
Nag-angat siya ng tingin at hinarap si Alexander. "Don't worry. Hindi naman ako napahamak o nasaktan. Well, they were annoying, I have to admit that. Pero wala sa akin iyon. Isa pa, nandoon din si Francis para tumulong. Mukhang iyon pa nga ang mas high blood kaysa sa akin, eh."
Tumango-tango ito at tumingin sa direksyon kung saan naroon si Francis at patuloy na inaasikaso si Stephen. "Considering what they were trying to do to Stephen earlier, mukhang ganoon din ang mararamdaman ko. Pero..."
"Pero ano?"
"That was the first time in a long time na may tinulungan si Francis sa laban bukod sa laban na kaming mga Guardians ang involved." He chuckled right after that made her frown, though.
May nakakatawa ba sa sinabi nito?
"Was that supposed to mean something?"
"Sa 'yo siguro, wala. He might have just come out as someone who only wanted to help you. Pero sa amin na mga nakakakilala sa kanya, iba ang ibig sabihin n'on."
Lumalim ang pagkakakunot ng noo niya sa narinig. 'Do I have to feel scared about what Alexander was trying to imply with those words?' Wala naman sigurong masama kung ganoon man ang maramdaman niya, 'di ba?
"In any case, kami na ang bahala kay Stephen. Aabisuhan ka na lang namin kapag nagising na siya. Halata naman na may gusto ka ring itanong sa kanya ngayong pag-aari pala ng mga Power Casters ang ginamit niya sa ritual."
Gustong matawa ni Ilsie dahil parang gusto talaga siyang itaboy na roon ni Alexander. Pero walang kaso iyon sa kanya. Tama naman ito. Marami siyang tanong ng mga sandaling iyon, lalo na sa kapatid at sa mga pinsan niyang alam niyang may kakayahang gamitin ang Memory Scroll.
"Hanggang may permiso siya mula sa pinagkuhanan niya nito, walang problema sa amin kahit ginamit niya ito. Ang kailangan ko lang malaman mula sa kanya ---" Napatigil siya at napatingin na rin sa walang malay na si Stephen. "What exactly was he trying to find out using a wide area search to know someone's memories?"
Wala siyang narinig na anumang tugon mula kay Alexander, dahilan upang mapatingin siya rito. "Could it be someone you once knew?"
Ilang sandali rin itong walang imik. Though she had to admit, she didn't find it unusual.
"It could be. Pero... nandito ba ang Guardian na iyon sa Human Realm?" tanong nito, pero mukhang sa sarili lang nito sinabi iyon.
"A Guardian? Then it was really someone you knew?"
"Oo. Ang may kagagawan ng memory erasure incident sa Osmerth noong mga panahong namatay ang Gatekeeper. Stephen could be looking for him all this time."
'Then that means... Stephen knew that the Guardian they were all looking for was here the whole time. He must have sensed it somehow.' Iyon lang ang naiisip niya. And if Stephen was desperately looking for that person, then something else was bound to happen.
xxxxxx
Hindi alam ni Ilsie kung dapat ba siyang matuwa o kabahan nang malaman niyang gusto siyang ihatid ni Francis hanggang sa makalabas na siya ng mansyon. Ilang sandali pa ang inilagi niya roon bago naisipang sundin ang suhestiyon ni Alexander na umuwi na at magpahinga.
"Pasensiya ka na sa gulong ginawa ng bunso namin. Gumamit pa siya ng artifact na hindi naman sa kanya."
Umiling siya. "Wala iyon. And besides, why are you the one apologizing? May palagay ako na isa sa mga pinsan ko ang nagbigay ng permiso kay Stephen na gamitin ang Memory Scroll. Hindi iyon magagamit ng kahit na sino nang wala ang permiso ng sinuman sa mga may kakayahang gamitin iyon."
She knew the rules of the usage of that item kaya gusto niyang alisin kahit papaano ang alalahanin ni Francis tungkol doon.
"Then that means we need to know the reason why he had to resort to using the Memory Scroll to perform the ritual for the third time." Tumigil ito sa pagsasalita ng ilang sandali bago tumingin sa kanya. "But... does that mean you're one of them? 'Yong mga may kakayahang gamitin ang Memory Scroll."
"Yes, even though for some reason, something was blocking my Prisma from fully accessing its capabilities. Hindi naman ganoon ang nangyayari kapag si Kuya o ang mga pinsan ko ang gumagamit n'on."
Maging siya ay hindi maintindihan kung bakit hindi niya magamit nang maayos ang bagay na iyon. That is, until Lady Heidi pointed out the reason to her --- that something or someone was, in fact, preventing her from fully accessing the Memory Scroll's powers.
Sa mga sandaling iyon, iisa pa lang ang alam niyang posibleng gumawa niyon.
Narating na nila ang first floor ng mansyon nang may mapansin siyang naka-display sa tapat ng staircase na binabaan nilang dalawa ni Francis. She frowned at the sight of it. Kasabay niyon ay ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
Huli na rin nang mapansin ni Ilsie na napatigil na siya sa paglalakad dahil sa nakita.
"Matagal na bang... nandito ang painting na 'to?" hindi niya napigilang itanong na hindi inaalis ang tingin roon.
Lumapit si Francis sa kanya at tumigil sa tabi niya bago tumingin sa painting na kumuha ng atensyon niya.
It was a portrait of a woman --- the same woman from the painting that changed her life 15 years ago. Iyon ang totoong dahilan kung bakit nakuha ng painting na iyon ang atensyon niya. Ang pinagkaiba lang, may kasamang lalaki ang nasa portrait. The man looked like a warrior based from his physique. A strong one, at that. The two of them were facing opposite direction with both heads bowed down. Their pinky fingers had red thread tied to it, linking each other. And yet...
'A sword that stabbed her near the heart and an arrow that struck his chest...'
What was this supposed to mean? Were they fated to kill each other? Or were they fated to die from the start the moment they chose to love each other?
Maraming interpretations ang portrait na ito, iyon ang nakasisiguro siya. But if this was enough to capture her attention because of the likeness of the woman in this portrait to that of the woman she saw in another portrait and in her dreams, may ibang ibig sabihin na ang lahat ng ito.
And to think na nasa mansyon kung saan nakatira ang Guardian na si Francis...
"Oo. Mula nang lumipat at nanirahan kami rito 20 years ago para hanapin ang ilan sa mga kasamahan kong Osmerth Guardian na nawala noong nagkagulo na sa Osmerth. Hindi ko na ipinatanggal dahil maganda naman."
Maging siya ay nagandahan naman sa portrait. But then... 'This can't be...!' Nagkataon lang ba talaga ang lahat ng ito?
"Is there something wrong with this painting?" narinig niyang tanong ni Francis, dahilan upang maputol ang pag-iisip niya.
Dahan-dahan siyang tumango bago sumagot. "For me, there is. Lalo na at katulad ito ng painting na nasa Shiasena Temple noong mangyari ang insidente 15 years ago."
"Insidente? Ano'ng ibig mong sabihin?"
Napatingin siya sa lalaki na halatang na-curious sa binabanggit niya. 'Should I even tell him? Would he even believe me if I did that?' Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito, sa totoo lang. O kung paano ba niya sasabihin ang mga detalye.
Huminga na lang muna siya ng malalim bago umiling.
"Maybe some other time. Mas kailangan mong magpahinga ngayon. Tinulungan mo pa ako sa pakikipaglaban ko kanina imbes na iligtas mo ang kaibigan mo." She might be just finding some excuse to avoid interrogation. Pero mukhang mas mabuti na siguro muna ang mangyari sa mga sandaling iyon.
"Hindi kita puwedeng iwan doon nang mag-isa. Not because you're a woman dealing with the enemies on your own. Hindi rin dahil masesermunan ako ng Kuya mo kapag napahamak ka. I did that because I want to."
No comments:
Post a Comment