'Ano'ng ibig niyang sabihin doon? Just because he wanted to? Bakit naman?'
Hindi mawala-wala sa isipan ni Ilsie ang mga katagang binanggit ni Francis sa kanya mula nang huling beses siyang magtungo sa mansyon ng mga Guardians. May tatlong araw na rin ang nakalilipas mula nang mangyari iyon.
Pero siya lang yata ang nagbibigay ng pahiwatig sa mga sinabi nito dahil sigurado naman siya na walang ibang ibig sabihin iyon.
As per usual, hindi na kailangang mag-angat ng tingin si Ilsie para malaman kung sino ang nagsalitang iyon. Isang malalim na buntong-hininga na lang ang naging tugon niya bago iniikot ang swivel chair na kinauupuan niya sa kuwarto para harapin ang dumating na si Eldrin.
"Call of duty. Isa pa, hindi ko puwedeng hayaan doon si Stephen na walang magawa para makalaban."
"Alam ko. At mukhang naintindihan naman iyon ni Kuya Jethro. Pero sa tingin ko, hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi ko na naman mahagilap ang utak mo. Saang lupalop na naman nakarating 'yan, ha?"
Kulang na lang talaga ay mapatay na niya ang makulit na pinsan niyang ito dahil sa kakulitan. Paano ba niya natagalan ito, sa totoo lang? "Puwede ba, tigil-tigilan mo ang kakornihan mo kung ayaw mong masuntok?"
"Naku po! High blood na naman si 'insan."
Mukhang wala lang dito ang kasungitang ipinapakita niya ng mga sandaling iyon. At mukhang wala na rin siyang magagawa sa bagay na iyon. Ganito na ito noon pa. Ano pa ba ang dapat niyang asahan dito?
Pero hindi iyon ang dapat na pinoproblema niya. Sasamantalahin na niya ang pagkakataon habang nandito pa ang bugok na ito sa kuwarto niya.
"Why did you let Stephen use the Memory Scroll? Alam mong delikado para sa isang hindi Power Caster na gamitin iyon."
Noon naman naging seryoso ang kanina lang ay nakakalokong ekspresyon ni Eldrin bago naupo sa gilid ng kama niya.
"Stephen knew the risk, Ilsie. Pero desperado na silang mga Guardians. Nalalapit na ang awakening para sa magiging Gatekeeper. Kung hindi sila makakagawa ng paraan sa mga susunod na buwan, posibleng mahuli na sila. We're the only ones who had the item that they can use to do just that."
"Wait... What do you mean? Sinasabi mo bang may karapatan din silang gamitin ang Memory Scroll kung kailangan nila?" Hindi yata niya alam ang tungkol doon.
"Don't look at me as if I was hiding something from you. Wala rin alam tungkol sa bagay na iyan. Not until Stephen approached your father about it."
Lalong kumunot ang noo ni Ilsie sa narinig. Her father? Ano'ng kinalaman ng tatay niya sa lahat ng ito?
"It seems that your father knew the origin and other functions of the Memory Scroll. Or at least, the item used to create it. Iyon din ang canvas na ginamit noon sa pagpinta ng Future's Devotion na nasa Shiasena Temple."
Oo at alam niyang unique ang ginamit na materyales para mabuo ang Memory Scroll. Pero hindi niya akalaing katulad lang pala iyon ng canvas na ginamit sa pagpinta sa portrait na bumago sa buhay niya. Paano nangyari iyon?
"Bakit walang sinasabi sa akin si Papa tungkol dito?"
"Walang kasalanan si Tito. But I had a feeling na gaya ng mga Guardians, desperado na rin ang tatay mo na malaman ang totoong nangyari sa 'yo noon. But until now, they couldn't find anything at all that could provide them an answer. Hanggang sa nalaman na ni Tito ang tungkol sa pinagmulan ng Memory Scroll na tanging ang Treharne clan lang ang nakakagamit."
Ha? Only her clan could use? Wait a minute! Hindi niya yata alam ang tungkol doon. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"There were two types of Memory Scrolls that had existed among us Power Casters since the ancient times. The paper type and the canvas type. Pero sa hindi malamang dahilan, ang Memory Scroll na nasa posesyon ng angkan natin ang naiiba."
"Which is the canvas type, right?"
Tumango si Eldrin at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Nagtataka rin ako kung bakit iba ang gamit natin sa Memory Scroll na nasa Treharne clan. Until your father told me and your brother that the canvas used to create the scroll was something that the Osmerth Guardian William had given to Elysriel's family as a gift two generations before her. He called it the Canvas of Illusions --- a type of mystical canvas that unleashes someone's hidden dreams and even past lives once they have the right aptitude. At sa nakikita namin ngayon, mukhang nasa sa 'yo na noon pa man ang aptitude na kailangan ng canvas para makita't malaman mo ang tungkol kay Elysriel 15 years ago."
xxxxxx
Everything were incredibly confusing to the point that it was enough to disrupt Ilsie's thoughts throughout the whole day the next day. Dumagdag pa ang makulimlim na kalangitan na sa mga sandaling iyon ay nagbabadya ng may kalakasang ulan habang nasa labas siya ng bahay.
Well, she went to the park where she fought off those Draohins to save Stephen. May dalawang araw na rin siyang walang balita sa kalagayan ng Osmerth Guardian na iyon. Kahit sinabi pa ni Francis noong huli silang magkita na wala naman nang ibang magiging problema, gusto pa rin niyang makita ng sariling mga mata na maayos ang kalagayan ng kaibigan niyang iyon.
But maybe suddenly showing up in that mansion would be improper. At least, iyon ang gusto niyang isipin. Pero sa isang bahagi ng kanyang isipan, may isa pang sagot na naglalagi roon.
Sagot na, sa tingin niya, ay mas matimbang kaysa sa kawalan ng galang.
"It seems you like cloudy weather that I see you out here even with the rain obviously going to fall any minute."
Agad na napalingon si Ilsie sa pinagmulan ng pamilyar na boses na iyon. Lalo na't sapat din ang tinig na iyon para makaramdam ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso sa sandaling narinig niya iyon.
"F-Francis? Teka, ano'ng ginagawa mo rito? It's a surprise to see you out here." It was the truth, by the way.
Base kasi sa mga nagiging kuwento sa kanya nina Alexander at Stephen, hindi palalabas ng mansyon ang leader ng mga ito maliban na lang kung talagang kinakailangan. Kaya anong milagro ang meron at narito sa park ang lalaking ito?
"Wait... Did something happen?" hindi na niya napigilang itanong kasabay ng pag-aalalang agad na naramdaman.
Pero umiling ito at ngumiti pa sa kanya. "Nothing happened. At least, nothing serious or life-threatening, if that's what you're thinking right now."
"Wala akong iniisip na ganoon. Nagulat lang ako dahil nandito ka sa labas. Sinasabi nina Stephen na hindi ka raw kasi mahilig lumabas ng mansyon n'yo mula nang makarating kayo rito."
Teka nga lang... Bakit ba siya biglang nagdadahilan? Kulang na lang talaga ay paluin niya ang sariling bibig at maging ang kanyang ulo dahil sa mga pinagsasasabi niya.
"I didn't know you could be this talkative." At tumawa pa talaga si Francis, kahit sabihin pang sandali lang iyon.
"Minsan lang. Kapag... komportable ako sa kausap ko." Wait... that's not what she was supposed to say. In fact, what she was feeling at the moment was the opposite.
Komportable bang matatawag kapag ganitong hindi pa rin magawang pakalmahin ni Ilsie ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso ngayong kaharap na naman niya ang lalaking ilang beses na niyang nakita sa kanyang mga panaginip?
"I think we need to head somewhere where we can stay in the meantime," suhestiyon ni Francis makalipas ang ilang sandali na siyang pumutol sa pagmumuni-muni niya. "Mukhang tuluyan nang uulan, eh."
One look at the sky and she finally saw that he was telling the truth. Hindi na siya nag-atubili pang sundin ang gusto nitong mangyari.
"How about going to that coffee shop over there? Naghahanap na ang tiyan ko ng kape, eh."
Napatingin naman si Francis sa kaliwa kung saan naroon ang tinutukoy niyang coffee shop. Moments later, he faced her and smiled before nodding. "Sounds good. Walang problema sa akin basta ikaw ang kasama ko."
No comments:
Post a Comment