Title: Charming A Silent Heart (tentative title)
Date Approved: October 22, 2014
Actually, noong una kong mabasa ang e-mail sa akin about the feedback of this manuscript, hindi ko alam kung paano ko ide-describe ang nararamdaman ko. I was… neutral at the time. Oo, siguro. Napangiti ako. Pero deep inside, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano ba ang dapat na maramdaman ko. It’s either I felt numb for waiting or I felt numb because I’m too happy and I can’t even release it. Basta, ang gulo.
Anyway, this was supposed to be the second book of a romance tetralogy (4-books series) na nabuo ko when I was watching both the MVs of 2AM’s “Can’t Let You Go Even If I Die” and “I Did Wrong”. The series’ title was “Here’s My Heart”. Each of the story in the series corresponds a certain season na ibinase ko rin sa mismong MV. In this story’s case, Chris represents spring. You can see it in the MV of 2AM’s “Can’t Let You Go Even If I Die”. Kaya huwag na sana kayong magtaka kung may isang couple na naisingit dito dahil sila dapat ang nasa Book 1 ng “Here’s My Heart”.
Mahal ko ang kuwentong ito dahil medyo iba ito sa mga kuwentong madalas kong isulat noon pang nasa high school ako. I wasn’t even sure at the time kung nagawa ko bang i-incorporate nang maayos ang mga facts na ni-research ko about Aerin’s condition. Thankfully, wala namang naging problema. Sana, one of these days, I’d be able to write something like this again.
Here’s the teaser I made:
Hindi na muna pinlano ni Chris ang umibig muli matapos ang kabiguang natamo niya mula sa babaeng alam niyang mahal na mahal ang kaibigan niya. He decided to take a vacation to heal his broken heart. In the process, nakilala niya si Aerin Romero. She caught his attention since the first time he saw her because of her silence. Too much silence, as a matter of fact. Nawala ang kakayahan nitong magsalita subalit nakakarinig pa rin ito. So she wasn’t really considered deaf.
And in ways he knew, nagawa niyang makuha ang tiwala nito sa kabila ng kamisteryosohang bumabalot dito. Hindi nito nalalaman na unti-unti na niya itong minamahal nang higit pa sa pagmamahal niya noon para kay Czarina.
But he didn’t know that behind her silent yet affectionate treatment to him lies a certain truth that would devastatingly destroy everything he felt for her.
Makakaya pa ba niyang masaktan sa ikalawang pagkakataon? Or will he finally be happy despite the devastatingly painful truth that she was hiding?
Character Profiles:
CHRIS DEL MUNDO – 27 years old, isang professional photographer at owner ng Angel’s Meadow, isang flower farm na ipinundar niya ilang taon matapos magpakamatay ang ate niya. Sa barkada nila, siya ang masasabing pinakamadaldal kahit mas marami ang pagkakataon na ipinapakita niya ang kanyang reserved side, but still he is kind and sweet. Hindi siya tumitigil hanggang hindi niya nalulutas ang misteryong kumuha sa atensyon niya. Seryoso siya sa lahat ng ginagawa niya, lalo na ang magmahal. Pero nagdesisyon siyang pakawalan ang babaeng mahal niya at hayaan itong maging masaya sa best friend niya na mahal naman nito. Nagpakalayo-layo muna siya para paghilumin ang sugatang puso at ipagpatuloy ang naudlot niyang paghihiganti.
AERIN ROMERO – 25 years old, isang piyanista na napagdesisyunang mag-lie low muna matapos maaksidente na ikinamatay ng pinsan niya. Nawalan rin siya ng kakayahang makapagsalita ulit dahil sa injury na tinamo niya sa aksidenteng iyon. She is quiet (literally), timid, at bihira nang ngumiti after that. Hindi na rin siya gaanong nakikihalubilo sa ibang tao matapos ang aksidente dahil sa tingin niya, isa na siyang outcast mula nang mawalan ng kakayahang magsalita. But it all changed when she met Chris. Ito ang nagturo sa kanya na i-enjoy ang buhay niya kahit na ganoon ang kalagayan niya. He made her find her muse again and go back to composing piano songs that she truly excels.
= = = = = =
Obvious naman na siguro sa character profiles nila na magiging madrama ang kuwentong ito, `di ba? Hindi na yata ako makakapagsulat ng kuwento na walang kadrama-drama.
No comments:
Post a Comment