Tuesday, September 20, 2016

I'll Hold On To You 37 - When The Truce Ends

[Relaina]

URGH! Another hell week! Project dito, exam doon, activities diyan…

Hay… Ang hassle na naman ng buhay naming mga estudyante ng Oceanside. Palibhasa, last week of the school year at didiretso na sa susunod na school year. Kaya hayun, ang tindi lang ng kalbaryo ng mga utak naming lahat – mapa-estudyante man o professors.

Pero para sa akin, heto… Tiyaga-tiyaga lang ang nagiging drama ko. Kailangan, eh. May scholarship na mine-maintain kaya kahit sobrang sakit na sa ulo, kailangang mag-effort nang husto. Mahirap nang bumagsak.

Sa totoo lang, kahit hell week, bilib din ako sa mga tsismosang estudyante sa school. Nakakaloka lang! Hanggang ngayon ba naman kasi, hindi pa rin maka-get over ang mga kumag sa mga kaganapan sa auditorium. Wala pang isang linggo, hayun at kalat na sa buong university ang nangyari sa nerve-wrecking na dance practicum na iyon.

Kagaya na lang nang mga sandaling iyon.

Kahit saan yata ako magsuot, may makikita akog parang maiihi pa yata sa vocal na pagsasabi kung gaano daw kinilig ang mga ito sa performance namin ni Kamoteng Brent. May makikita rin ako na kulang na lang, maging patalim at nagre-release ng laser beam ang mga mata ng mga babaeng madaraanan ko. If I knew, inggit lang ang mga ito. Eeww!

Which was totally making me crazy!

Hay… Masamang hangin lang ‘to na kailangan kong ilabas sa sistema ko. Kaya heto!

Inhale…

Exhale…

‘Yan! Okay na.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad papunta sa classroom kung saan naroon ang first class ko. As usual, Trigonometry. Kung boring sigurong magturo ang professor namin sa subject na iyon, naku! Good luck na lang talaga sa kalalabasan ng grade ko.

Kumunot ang noo ko nang makita kong kumakaway sa direksiyon ko si Mayu. Ang bruha, ang lawak pa ng ngiti. Ano kaya’ng meron?

“Hoy! Dahan-dahan lang ng ngiti. Baka mapunit pa ng wala sa oras ang mukha mo,” salubong ko rito na natawa na lang. Mabuti na lang at hindi napikon.

“Paano naman daw kasi ako hindi ngingiti eh ang ganda kaya ng simula ng araw ko.”

“Napansin ko nga,” bulong ko na lang at napailing sa obvious na kinikilig na attitude na ipinapakita nito sa harap ko sa mga sandaling iyon.

But then, ang weird lang, ah. “Wala ka talagang planong papasukin ako sa classroom, ‘no?” Ang ganda kasi ng harap ng bruha kong pinsan sa pintuan, eh. Ang sarap tuloy itulak, sa totoo lang.

“Hindi ka ba pupunta sa Christmas Ball sa susunod na linggo?” Iyon ang agad na tanong ni Mayu sa akin nang sa wakas ay naisipan na rin ako nitong padaanin at tuluyan na akong nakapasok sa classroom. Pagkunot ng noo ang una kong naging tugon dito nang harapin ko ito.

“Christmas Ball? Seryoso lang? Meron iyon dito?”

“Well, hindi lang naman Valentine’s Day ang may ball na para sa mga couples, ‘di ba?”

“Malay ko ba. Alam mo namang hindi ako updated pagdating sa mga school affairs dito.” Dire-diretso kong tinungo ang assigned seat ko. “And besides, wala rin naman akong planong pumunta kung para rin lang sa couples ang ball na iyan.”

Napailing lang ang bruha. “Hay… Umiral na naman ang pagiging bitter mo. Dahil ba hindi mo pa rin matanggap na balik na kayo ni Brent sa dati?”

Doon ako lihim na natigilan. The name that my cousin mentioned had stirred something in me… which was something I completely hated for real. Pero walang katotohanan ang mga sinabi ng pinsan ko. In fact, I was glad na balik na nga sa normal ang lahat.

But something still felt weird. Parang may mali.

“Ang weird naman n’on. Ako ang nag-initiate ng truce sa pagitan naming dalawa. And he agreed to it. Kaya walang dahilan at mas lalong wala kang pruweba na hindi ko matanggap iyon.”

“O, bakit biglang naging defensive ka?” nanunudyong tanong ng bruha.

“Ako? Defensive?” Sabay turo sa sarili ko. “Walang dahilan para maging defensive ako. Ikaw, kung anu-ano na namang kalokohan ang pinag-iiisip mo. Dapat sa iyo, walang imagination, eh. Para hindi na gumagana ang kung anumang kabulastugang meron ang utak mo.”

Pero napahalakhak lang si Mayu. Kahit nanggigigil na ako at gusto ko na talaga itong sakalin, pinigilan ko na lang ang sarili ko. I needed to calm down. Masama sa puso ang ma-high blood dahil sa mga walang kuwentang bagay.

“Uy! Nagsama ang two beautiful ladies sa buhay ng dalawang Montreal, ah.”

I could’ve rolled my eyes on that. But I couldn’t. Isa pa, talagang ganoon ang salubong ni Neilson sa aming dalawa ni Mayu, lalo na kung maaabutan kami nitong magkasama sa iisang lugar. Isang maliwanag na expression at maluwang na ngiti sana ang isasalubong ko sa sinabing iyon ni Neilson.

Subalit nawala agad iyon nang may mahagip ang tingin ko sa loob ng classroom.

Of all the people I had to see and would greet my sight that one fine morning in any place, why does it have to be Kamoteng Brent with a girl clinging on him like a leech? Of all the emotions I wanted to feel toward that scene, why did it have to be something as if a hand gripped my heart tight – so hard that I felt like I couldn’t breathe? Wala namang masama at bago sa nakikita ko, ‘di ba? Balik na sa dati ang lahat. Sanayin ko na dapat ang isip ko na makita itong may kasamang babae sa tabi nito.

And that girl wasn’t even me.

Pero may mali, eh. Sobrang mali.

“Aina, okay ka lang?” untag ni Mayu sa akin na thankfully ay nagpabaling ng atensyon ko sa iba pang mas makabuluhang bagay.

“H-ha? O-oo, okay lang ako.” Oh, how I hated myself for sounding so pathetic at the moment. But at least I had the talent to hide it… I guess.

“Mukhang alam ko na kung ano’ng nagpatulala sa pinsan ko.”

“Oo nga. Ako rin, alam ko na.”

Napatingin ako kina Mayu at Neilson na sa mga sandaling iyon ay pareho pang may nakakalokong facial expression. I looked at the two with narrowed eyes. Dapat talaga sa dalawang ‘to, hindi nagsasama, eh. Obvious talaga na walang palalampasing kalokohan ang mga ito.

“Hoy, kayong dalawa! Ako nga, huwag ninyong umpisahang pag-isipan ng kalokohan kung ayaw n’yong ihulog ko kayo pareho sa hagdan mamaya.” Pagkatapos ay isang buntong-hininga ang pinakawalan ko at kinuha ang notebook sa Trigonometry.

Kailangan kong mag-review. Mahirap na. Baka wala akong maisagot sa exam mamaya.

“Kasi naman po, nahahalata ka na. Kaya kung ako sa iyo, huwag ka nang mag-deny pa.”

“Ano naman ang ide-deny ko, aber?” nakataas ang kilay na ganti ko kay Mayu.

“Na affected kang makita ang aking fraternal twin brother na may kasamang ibang babae.”

What? 

Kulang na lang talaga ay ihampas ko sa lalaking nagsisilbing object of affection ng pinsan ko ang isang hardbound book na hawak ko. Pero dahil wala pa sa plano ko ang magwala sa loob ng classroom ay pinigilan ko na lang ang sarili ko. Isa pa, baka kapag ginawa ko talagang manapak ay lalo lang patunayan n’on ang mga pinagsasasabi ni Neilson. Kahit sabihin pang wala naman akong dapat na patunayan sa dalawang ugok na ‘to.

Dala ang isang hardbound book at pati na rin ang notebook ko sa Trigonometry, naisipan ko na lang na umalis muna sa classroom na iyon. Tutal, hindi pa naman nag-uumpisa ang klase.

“Aalis muna ako,” tanging paalam ko.

“Uuyy… Nag-uumpisa na siyang pag-isipan ang mga sinasabi ko sa kanya,” tudyo ni Mayu.

Hinarap ko ito. “Mayu, manahimik ka nga riyan! Ihuhulog na talaga kita sa hagdanan mamaya.” After saying that, I stormed off.

Malutong na tawa naman mula sa dalawang kausap ko't nang-aasar sa akin ang tanging sumalubong sa pandinig ko habang paalis ako sa classroom. Pero bago ako tuluyang umalis sa lugar na iyon, hindi ko alam kung anong masamang hangin ang pumasok sa isip ko. Namalayan ko na lang ang sarili kong pasimpleng napapatingin kay Kamoteng Brent at sa hitad na babaeng kasama nito. Pero sa gulat ko, napansin kong nakatingin pala ito sa direksiyon ko.

No… wait.

Hindi ako puwedeng magkamali. Hindi lang ito basta nakatingin sa direksiyon ko. Nakatuon ang tingin nito sa iisang tao lang. Pero bago pa ma-proseso nang husto ng isipan ko ang nangyayari, tuluyan na akong umalis sa lugar na iyon.

Without even paying attention to my crazily thumping heart.

No comments:

Post a Comment