Tuesday, September 27, 2016

I'll Hold On To You 38 - My Part Of The Bargain

[Relaina]

NAPABUGA  na lang ako ng hangin nang marating ko na rin sa wakas ang rooftop. Doon ako dinala ng mga paa ko matapos kong lumayas sa classroom para lang nakaiwas sa mga pang-aasar at pagpaparinig nina Mayu at Neilson sa akin.

But heck! Why couldn’t I even stop my heart from beating this fast? Wala namang dahilan para maramdaman ko pa iyon. Even so, saying those words wasn’t enough.

Hindi ako dumiretso sa paborito kong tambayan dahil may kalayuan iyon sa CEA building. But going to the rooftop was okay, too. Isa rin naman iyon sa mga pinupuntahan ko kapag naguguluhan ako tungkol sa maraming bagay na nasaksihan o ‘di kaya’y naramdaman ko. At sa mga sandaling iyon, isang bagay lang naman ang gumugulo sa isipan ko.

Tama ba ang nakita ko kanina? Sa akin ba nakatingin si Brent? Pero bakit? Hindi ako maaaring magkamali. Hindi basta simpleng tingin ang ibinigay nito sa akin. Brent was definitely looking at me intently at that time.

One that I would call something more intense than ever. Iba iyon sa mga tinging madalas nitong ipinapakita sa akin sa tuwing magkakasalubong ang mga landas namin.

At ang pinakamalaking tanong, bakit ako masyadong apektado dahil doon? I couldn’t even stop my heart from beating too fast. Geez! Bakit ganito? Hanggang sa mga sandaling iyon, kapag naaalala ko ang matamang tingin ni Kamoteng Brent sa akin, lalo kong hindi mapakalma ang puso ko sa pagtibok nang mabilis.

Grabe na ‘to, ah! Masakit na ito sa dibdib.

“Relaina?”

Natigilan ako nang marinig ko iyon. I didn’t hear it wrong, did I?

“Can we talk?”

Even though bigla akong kinabahan sa ‘di malamang dahilan, napalingon ako sa direksiyong pinagmulan ng tinig na iyon. Hindi ko alam kung magugulat ba ako o maiinis o magagalit nang makita ko na rin sa wakas kung sino ang taong nakatayo ilang hakbang na lang ang layo mula sa kinatatayuan ko.

“Oliver…” Pero mukhang hindi ko yata makuhang magalit sa mokong na ito at the moment.

He looked so sad… Regretful…

“Can I at least… talk to you? Kahit sandali lang. Kailangan lang talaga. Please… before I lose the courage to do this once more.”

xxxxxx

PAMBIHIRA lang talaga. Ang bilis ng panahon. Araw na pala ng umpisa ng Misa de Gallo. Feel na feel na nga talaga ang pagdating ng Pasko.

Of course, isa ako sa mga hindi nakakalimot gumising nang pagkaaga-aga para lang um-attend ng Misa de Gallo. Kung dati, wala akong wish o ulterior motive para kumpletuhin ang nine mornings, iba ang taon na iyon. Marami akong wish, eh.

Una, sana makita ko ulit ang half-brother ko. Naiisip naman sana ng bugok kong kapatid na nami-miss ko na ito, ‘no? Nakakainis lang. Hindi ko tuloy mapigilang magtampo.

Pangalawa, sana maging maayos ang lahat sa pagitan namin ni Oliver. After all, I agreed to talk to him that day right after my last class. He did ask me in a nice manner, kahit na nalilito pa rin ako kung bakit ganoon kalungkot si Oliver noong huli ko itong makausap.

Pangatlo, sana mabigyan na ng kasagutan ang mga naglalarong tanong sa isipan ko tungkol kay Kamoteng Brent. Everyday, he was really acting weird – at least in my perception. Para bang… mas lalong lumala ang pagiging playboy nito. I would surely be surprised if ever I found out that he was still a virgin despite his image.

But then…

Ano ba’ng pakialam ko sa image ng lalaking iyon in the first place?

Hindi nawala ang tanong na iyon sa isipan ko hanggang sa paglipas ng buong maghapon. It was a surprise na nagawa niya pang makapag-concentrate sa klase kahit na sa totoo lang, kalat-kalat ang takbo ng utak ko.

Kulang na lang talaga, isigaw ko sa madla na “This is torture!” But I wasn’t that insane to do it. Nasa katinuan pa naman ako kahit papaano.

May pagmamadaling sinamsam ko ang lahat ng mga gamit kong nagkalat sa table ko at inilagay lahat iyon sa backpack ko. Kailangan kong magmadali dahil ngayon ang usapan namin ni Oliver na magkikita at ayokong ma-late.

Isa pa, ayokong may makaalam na mag-uusap namin ng lalaking iyon. Na pumayag ako sa kagustuhan nitong mag-usap kami.  It would only make things even more complicated kapag may nakaalam pa.

Once I had my things all set, agad ko nang isinukbit ang bag ko sa likod at umalis na sa lugar na iyon. But then along the way, kahit gusto ko nang iwasan ang taong ayoko munang makita bago magpunta kay Oliver para lang walang maka-distract sa akin, hayun at walang pasubaling hinawakan ng sira-ulong Brent na ito ang braso ko para pigilan ako.

“Ano ba? Pakawalan mo nga ako!” At nilakasan ko na talaga ang pagpiglas ko para lang makaalis na ako roon. Pero hindi ko alam kung bakit parang bakal yata sa tigas ang mga kamay ni Brent sa pagkakahawak sa akin. “Ano ba’ng problema mo, ha?”

“Ikaw! Ikaw ang problema ko.”

What? Hah! At ako pa talaga ang ginamit na dahilan ng bugok na ‘to? Sira-ulo na nga yata ito, eh.

“Alam mo, kung wala kang matinong sasabihin sa akin, pakawalan mo na ako. Dahil kapag hindi ako nakapagpigil, talagang masasapak kita,” gigil na banta ko sa buwisit na kamoteng ‘to. Ano na naman ba’ng topak nito at ako na naman ang napag-trip-an?

Muli kong tinangkang magpumiglas pero walang silbi. Damn it! Bakit ba ang lakas ng lalaking ‘to ngayon?

“Ano ba’ng sira meron ang utak mo at naisipan mong pumayag na makipag-usap kay Oliver, ha?”

How did he…?

“Ang galing mo talagang makialam sa buhay ko, ‘no? Wala ka na roon. What I decide for myself is none of your business. Tapos na ang truce kaya wala ka nang dahilan para mangialam pa sa mga desisyon ko at gawain ko.”

“You really think I’m doing this just because of the truce? Na kaya lang ako nagkaroon ng pakialam sa buhay mo ay dahil sa buwisit na truce na iyan? Ganyan ba talaga kababaw ang tingin mo sa akin, Laine?”

This was seriously confusing. Bakit ba ito ginagawa ni Brent?

“Will you stop calling me by that name?”

“I won’t!” bulalas nito na ikinagulat ko.

He was facing me with those hard stares. What the hell was going on? Bakit parang… galit yata ito?

“At bakit naman hindi? You started referring to me as Relaina. Now that the truce is over, wala ka nang rason para tawagin ako sa ganyang pangalan.”

“I don’t care if that hell of a truce ended or not. Walang makakapigil sa akin para tawagin ka sa ganyang pangalan. I’m the one who coined that name because I’m the only one with the full right to call you like that. I don’t give a damn care what you or the other people would think, but calling you by that name will give me the feeling that you’re mine. So don’t you dare stop me.”

Hindi ko na alam kung ano’ng nangyari sa akin pagkatapos kong narinig ang mga iyon. Kulang ang sabihing nasorpresa ako dahil doon. My mind kept on shouting, “Was that for real?” habang paulit-ulit din ang mga salitang sinambit ni Brent sa utak ko.

It did sound possessive. And to be honest, that was the first time I saw that side of him.

But that couldn’t be. It shouldn’t be enough to stop me. With all the will and strength I had, sinikap kong kumawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Brent sa akin.

Painstakingly, I succeeded.

“Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin ‘yan. Kunsabagay, wala kasing nagtatangkang pumigil sa iyo, eh. Kaya ka ganyan. You can’t even stop yourself from hurting other girls’ feelings. Siguro nga… Wala nang makakapigil sa iyo. No one dared to because you never let them. Ikaw mismo ang naglagay ng barrier sa sarili mo. That only made you decide not to give a damn care about the people you keep on hurting. But that doesn’t give you any right to meddle with my business. The truce had ended for the both of us. Kaya bahala ka na kung paano mo ibabalik sa dati ang lahat. I’m doing my part of the bargain. It’s time for you to do yours.”

After that, umalis na ako sa lugar na iyon. I left Brent there because I had to.

My gosh! Ang dami ko nang nasabi. Hindi ko na napigilan ang tabas ng dila ko. Now I’m definitely doomed!

No comments:

Post a Comment