Thursday, January 25, 2018

Changes In TLSOTE's Visual Inspirations

Binanggit ko lang kagabi (o kaninang madaling araw) ss FB account ko na sa tagal ko nang hindi nag-a-update ng "The Last Sky of the Earth", at sa dami na rin ng mga version na naiisip ko from that story, dumating na rin ako sa point na may nabago. Isa na doon ang mga visual inspirations na ginamit ko.

📍Shinomiya:
**Shiro Nishikawa - from Jeong Jinwoon to SpeXial's Simon Hsiang

📍Azuraya:
**Hotaru Azuraya - from Kitagawa Keiko to Kurumi Shizu
**Shuichi Yoshino - from Lee Changmin to Fujigaya Taisuke

📍Yumemiya
**Akira Sakagami - from Jo Kwon to Tawada Hideya
**Miyako Yumemiya - from Kutsuna Shiori to Park Bo Young

📍Yasunaga
**Alexis Lanster - from U-KISS' Eli to MYNAME's Kim Se Yong

Kung nakikita n'yo, mga characters pa lang na nag-appear sa Book 1. Isa pa, nasa Book 1 pa lang ako. Hindi ko pa nga natatapos isulat iyon, eh. Next time na lang 'yong mga characters na magpapakita sa Book 2 at Book 3 na nabago ang visual inspirations.

And yes, ngayon ko lang napansin na walang nabagong visual inspirations sa mga characters from Miyuzaki clan. Hehe!

Thursday, January 18, 2018

Another Writing Plan

Okay. Hindi ko maalala kung saan ko i-p-in-ost iyong status ko about rewriting a story from my high school that was originally a horror. Hindi ko maalala kung horror nga ba talaga 'yong sinulat ko noon, eh. But still, it's one of the best writing memories I had. I mean, kahit medyo trying hard at may ka-corny-han na rin kung ibabase ko sa mindset ko ngayon, isa pa rin iyon sa mga isinulat ko na talaga namang proud ako.

Sunday, January 14, 2018

Visual Novel: Can I Do It?

Weird question ba? Yeah, I know. Kahit ako, medyo na-weird-uhan. Uy, hindi ganoon kadaling magsulat ng story for a visual novel, ah. Lalo na kung maraming choices talaga. Pero gusto kong subukan. And I'm planning to write it in English.

Oo na. Pahihirapan ko na naman ang sarili ko. May bago ba? Ang dami kong mga bagay na gustong subukang gawin. Hindi ko naman alam kung paano sisimulan.

In any case, may nakaplano na akong isulat. I'll just start with two choices first per routes. Hindi ko nga lang alam kung ilang two choices ang gagawin ko. Trial pa lang naman, eh. And then I'm planning to post it on my Tumblr account. At least, may ibang purpose iyon bukod sa pagpo-post ng mga Instagram pics ko at pagre-reblog ng mga kung anu-anong mga pics at quotes.

The story that I'm planning to write as a trial visual novel? A different version of "The Last Sky of the Earth". Bakit different version? Dahil fantasy po ang pinaplano kong gawin doon. Sa ngayon, iyon ang isang difference na naiisip kong ilagay doon.

Mahirap, 'di ba? Yes, I know. Iniisip ko pa lang, wala na. Pero gusto kong subukan. Wala namang masama, 'di ba?