SINADYA ni Miyako na gumising nang maaga para lang magampanan ang misyong as usual ay itinalaga na naman niya sa kanyang sarili. Sa totoo lang, ang hilig niyang gawin iyon, lalo na kapag tungkol kay Kourin ang topic ng misyon. But this time, though the mission still had a relation to the Shinomiya princess, another person was actually involved.
At ang partikular na taong iyon ang kailangan makita at makausap ni Miyako. She had to.
Nagkuwento na naman kasi si Kourin kay Miyako tungkol sa sumunod na engkuwentro nito at ni Seiichi. And what was worse, the princess was crying, as if her heart was truly broken to pieces as she recounted the events to the young Knight. Gusto na nga niya itong puntahan sa mansyon at aluhin pero nagpigil siya. Isa pa ay pinigilan din siya ni Kourin.
Ayon pa nga sa prinsesa, wala raw dapat makaalam ng nararamdaman nito. Miyako agreed -- albeit reluctantly. Saka lang sumagi sa isipan niya na siya nga lang pala ang nakakaalam ng tungkol sa isa sa mga totoong dahilan kung bakit naisipang magtungo ni Kourin sa Pilipinas matapos ang pag-atake. At this point, both of them still had to keep it a secret, especially to the others who they knew would throw a worry fit to Kourin once they found that out.
Hindi na nagpaalam si Miyako kay Mamoru. Not that her brother would forbid her to go and leave but somehow, she felt that he wasn't supposed to know where she was doing with concerns to a certain Seiichi Yasuhara. Mahaba-habang interrogation ang mangyayari't sasalubong sa kanya kapag nagkataon.
It was 5:30 in the morning when Miyako reached a particular area in the park kung saan tila pilit na pinagkukrus ang mga landas nina Kourin at Seiichi. Hindi siya sigurado kung makikita niya roon ang kanyang pakay. But she had to hope.
Kailangang makita ni Miyako ang kahihinatnan ng pagtatagpong iyon. Maybe she'd be able to know for herself kung ano ba ang dapat niyang gawin para sa dalawang iyon.
Miyako remained in the area for about 20 minutes. Sanay na siyang maghintay ng matagal kaya balewala sa kanya ang 20 minutes na iyon. And her short effort paid off.
"There you are," bulong ni Miyako nang sa wakas ay makita na niya si Seiichi. She saw him jogging with his earphones plugged into his ears. But she frowned upon noticing a few particular things.
Parang... wala yata sa ginagawa ang atensyon nito. At napansin din ni Miyako na tila ang bilis din nitong mapagod. Did the recent events take a toll on him? Hindi siya sigurado pero may posibilidad na ganoon nga.
'This is just great! What am I supposed to do now?' Napakamot tuloy ng ulo si Miyako dahil sa panggulo sa utak niya. This was her mission so she better figure out a way to help.
Pero ano naman kaya?
Kung normal na misyon lang siguro ang kinasusuungan niya, baka wala pa siyang pinoproblema sa mga sandaling iyon. But since it wasn't like that--
Naputol sa isang iglap ang pag-iisip ni Miyako nang may mahagip na kakaibang tunog ang tainga niya. Agad na nanlaki ang mga mata niya nang inilibot ang tingin sa paligid at agad na hagilapin si Seiichi.
He was lying on the ground unconscious!
"What the hell!" naisatinig na lang ni Miyako at 'di na nagpaliguy-ligoy pa. Akmang lalapitan niya si Seiichi upang malaman ang kondisyon nito nang biglang may humarang sa kanya.
The next thing she knew, she was dodging the sword strikes her assailant was giving her. Kasabay niyon ay napansin niya na may dalawa pang nakamaskarang lalaki ang lumapit sa walang malay na si Seiichi. Kaya naman hindi na siya nag-alinlangan pa ay iniwasan niya ang sumunod na pag-atake sa kanya.
Before Miyako could even allow the man to strike her down with his katana, pumaikot siya at binigyan ng isang roundhouse kick ang kamay nitong may hawak ng katana na dahilan naman upang bitiwan iyon ng lalaki. Hindi pa man ito nakakahuma ay walang pasintabing sinipa niya nang pagkalakas-lakas ang dibdib nito. Agad naman itong natumba at tumama ang ulo nito sa puno kung saan ito napaatras.
Miyako was about to pick up the katana when she saw the other culprit -- the taller one already carrying Seiichi on his shoulder like a sack of rice -- aiming their guns at her. Seconds later, they began shooting with the intention of bringing her down. Agad naman siyang nakailag at nakahanap ng pagtataguan.
Patuloy sa pagbaril sa pinagtataguan ni Miyako ang mga iyon. Subalit agad niyang napuna na para bang palayo na nang palayo ang tunog.
Wait a minute! Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize ang mga nangyayari. Pero hindi niya mapapayagan iyon.
Those jerks were not going to take Seiichi away. Agad na inilabas ni Miyako mula sa holster sa kanyang baywang ang isang .45 caliber pistol -- her favorite type of gun. Now she had no choice but to put her training to use. Kung iyon ang makakapagligtas kay Seiichi bago pa malaman ni Kourin ang insidente, then she'd do it.
Agad na lumabas sa pinagtataguan si Miyako at nagsimulang habulin ang mga papatakas ba mga lalaki habang tangay ng mga ito si Seiichi. With deep concentration and focused aim, she shot the culprit carrying Seiichi on his right thigh twice. Natumba ito at nabitiwan si Seiichi. Dinaluhan naman ito ng kasamahan nito bago siya muling paputukan. Pero inunahan na niya ang bala nito. Her first 3 shots managed to collide with his while his fourth only missed her by an inch. But she didn't faze.
Instead, Miyako fired her fourth shot aiming at the shooter's forehead. Agad na natumba ang taong iyon. Pinaputukan naman niya ang baril na akmang kukunin ng lalaking una na niyang pinatamaan. Pero bago pa man niya magawang patumbahin ito nang tuluyan ay may nauna na sa kanya sa pagsasagawa niyon.
Of course, Miyako was surprised. The man she was about to kill was now sporting a bullet wound on his head -- right between the eyes.
Teka... Ano'ng nangyari?
"Looks like you're on your own this time, Miyako Yumemiya," anang tinig ng isang lalaki, dahilan upang mapalingon siya sa pinagmulan niyon at inasinta ang baril niya rito.
"And I guess you're also alert."
Natameme si Miyako nang makita niya ang paglapit ng isang maputi at guwapong lalaki na nakasuot ng leather jacket, jeans at leather boots -- all colored black. Pero ang nagpagulat sa kanya ay ang makita itong may hawak na baril. He was holding the same type of gun as hers -- aiming at the man she was supposed to shoot and kill.
"But I wouldn't expect less from a Yumemiya. After all, you are from a family of excellent sharpshooters."
Okay... How come this stranger knew so much about her? Kilala ba niya ito?
"Who are you?" Iyon lang ang nagawang itanong ni Miyako sa lalaking ilang yarda lang ang layo sa harap niya ng mga sandaling iyon.
"No need to feel alarmed. At least two of your cousins could tell that. Even Satoru Nanasaki would tell you the same thing," dagdag na sabi ng lalaki na talaga namang nagpagulat sa kanya.
'Wait... Two of my cousins?' Kung ang tinutukoy nito ay ang mga pinsan ni Miyako na active sa "battlefield", apat lang naman sa ngayon ang nasa isipan niya. Under surveillance and training pa ang iba magmula nang matapos ang atake. Pero... kung kilala rin nito si Satoru Nanasaki na kapatid ni Hotaru, ang ibig bang sabihin n'on ay--?
A muffled sound of a gunshot interrupted Miyako's musings that she immediately realized had come from the stranger's gun. Paglingon niya ay napansin niya ang dalawa pang lalaking bumulagta malapit sa punong posibleng pinagtaguan ng mga ito. Upon noticing another batch of goons trying to aim at her and the stranger who was helping her, she brought out her other gun and shot down two out of the five almost immediately. The gunner beside her took down the same number of goons positioned on the left area.
And before they could even allow the last goon to shoot at them, both the stranger and Miyako already shot the culprit in just one spot -- in between the eyes.
Napabuga ng hangin si Miyako pagkatapos niyon. The next thing she noticed, buhat-buhat na ng estranghero si Seiichi na wala pa ring malay.
"Saan mo siya dadalhin?" agad na usisa ni Miyako rito.
"You have nothing to worry about, Silver Phantom. Iuuwi ko lang siya sa bahay niya at nang makapagpahinga. Of course, I knowvery well that I have to assure his safety as I do so." The man walked away but halted to a stop after a few moments before turning around to face the aforementioned Knight. "My name's Alexis, by the way. Alexis Lanster. Kilala na ako nina Chrono at Julie. Even Satoru knew me. Kaya kung gusto mong malaman kung sino talaga ako, tanungin mo na lang sila."
Nanatili lang si Miyako sa kinatatayuan niya habang pinapanood ang pag-alis ng lalaking iyon na nagngangalang Alexis. Come to think of it, pamilyar sa kanya ang pangalan nito.
'Alexis Lanster, huh?' Just who in the world was this guy?
No comments:
Post a Comment