Tuesday, January 2, 2018

the last sky of the earth 33 - trouble ahead

Matinding sakit ng ulo ang sumalubong kay Seiichi nang magising na siya mula sa ilang oras na tulog matapos magpaulan. Hindi naman niya intensyon talaga ang magpabasa sa ulan. Pero siguro nga ay wala na siya sa sarili niya matapos siyang iwan ng babaeng kinausap niya at tinanong kung ito nga ba si Kourin Shinomiya.

Pero sa huli ay nagkamali siya. At napahiya pa dahil tinanong niya ito ng tungkol sa posibleng pagkakakilanlan nito. All those memories of what happened yesterday were making his head spin once again. Gustuhin man niyang bumalik sa pagtulog, alam niyang babalikan siya ng mga pinag-iisip niya sa kanyang panaginip.

Kaya mas mabuti pang kumilos na lang siya at mag-isip ng gagawin para klaruhin ang kanyang isipan bago gumawa ng susunod na hakbang.

"Seriously, I slept for 12 hours?" Ano na ba talaga ang nangyayari sa kanya? Hindi naman niya akalaing mula 9:00 ng gabi hanggang 9:00 ng umaga ay nasa kama lang siya at tulog.

Bumuntong-hininga na lang siya ng malalim at dumiretso sa banyo para maligo. Hindi na rin kasi maganda sa pakiramdam niya ang bigat na hindi siya sigurado kung ano ang pinagmulan. Naalala lang niya na dumiretso nga pala siya ng tulog imbes na maligo muna.

Ilang sandali lang siya sa banyo at lumabas din kaagad matapos makapag-shower at masigurong malinis na ang katawan niya. Kumuha siya ng isang dark blue hoodie at gray na jogging pants at iyon ang naisipan niyang isuot. Naisipan niyang lumabas muna at maglakad -- o mas tamang sabihin tumakbo sa kung saan -- para kahit papaano ay magawa niyang klaruhin ang takbo ng isip niya matapos ang mga nangyari.

"Aalis ka?"

Napalingon si Seiichi sa pinto kung saan niya narinig ang tanong na iyon. Hindi na siya nagulat nang makitang nakatayo roon ang kababatang si Reiko Kirisaki at kunot ang noong nakatingin sa kanya.

Tumango siya. "Magdya-jogging lang sandali. Wala pa akong maisip gawin pagkatapos ng nangyari kahapon."

"Sinasabi ko na nga ba. Pero heto, hindi mo pa rin maisip sabihin sa akin ang mga dapat kong malaman para naman magawa kitang tulungan kahit papaano."

"It'll take me time to gather courage, Rei. Hindi nga ako sigurado kung magagawa ko nga bang sabihin sa kahit kanino ang lahat, eh."

No one spoke between them after that. Not long, Seiichi heard Reiko sigh.

"Sigurado ka bang kaya mong mag-isa?"

"Rei, hindi ako imbalido para maghanap pa ako ng makakasama ko sa pagdya-jogging. Kailangan ko lang klaruhin ang takbo ng isip ko bago ko gawin ang kahit na ano sa mga bagay na gusto kong pagtuunan ng atensyon."

Hanggang sa matigilan siya. Okay, maybe the way he said those words became harsh. Pero hindi niya intensyong maging sarkastiko sa mga salita niya. Huminga na lang si Seiichi ng malalim nang maisip iyon.

"I'm sorry. I didn't mean to --"

Reiko nodded with an understanding smile on her face. "Don't worry. Normal lang ang reaksyon mo. Hindi ako galit sa 'yo." Ito naman ang huminga ng malalim makalipas ang ilang sandali. "But don't forget that I'm still here to help you out and listen to you. Alam kong hindi mo pa magawang sabihin sa akin ang lahat. At hindi kita pipilitin sa ngayon."

Hindi na niya napigilang mapangiti sa sinabing iyon ng kababata. "Thanks, Rei. Pasensiya ka na talaga. Magulo lang ang takbo ng utak ko sa ngayon."

"Halata naman, eh. Sige na. Mag-jogging ka na bago pa magbago ang isip ko at mapagdesisyunan ko na lang samahan ka at huwag hayaang mawala sa paningin ko."

Seiichi laughed before nodding and left, at least feeling a little lighter than he was a while back when he was changing his attire. He plugged his earphones to his ears, played the music from his playlist and went out of the house. Hindi na siya lumingon pa para tingnan si Reiko. Alam niyang nakatingin lang ito sa kanya at kahit hindi niya maintindihan ay ramdam niya na nag-aalala ito sa kanya. Pero pasalamat pa rin siya sa distansyang pansamantala nitong inilalagay sa pagitan nila hanggang sa magawa na nga niyang sabihin dito ang lahat.

He doesn't have a specific place in mind to go to as he jogged. He just wanted to keep running. Like what he said to Reiko, he needed to do something to clear his mind before he take a step with regards to the things he intended to do for his sake. Pero kahit ganoon ang intensyon niya, bumabalik pa rin sa kanyang isipan ang mga nangyari sa Shiasena Temple kung saan nakita niyang muli ang babaeng kamukha ni Kourin.

He might have expected too much of a miracle for him to think that the said maiden was, in fact, the young lady who was important to him until now. Kaya nga siguro ganoon na lang kasakit sa kanya na malamang nagkamali siya.

O mali nga ba ang hinala niya? Bakit hindi pa rin mawala sa isip niya ang isang tanong kahit nang sabihin na ni Rin sa kanya na hindi ito si Kourin Shinomiya? Bakit may isang bahagi pa rin ng isip niya ang nagsasabi na... posibleng nasa babaeng iyon ang sagot na hinahanap niya tungkol sa nangyari sa Kyoto dalawang taon na ang nakararaan?

Napailing na lang si Seiichi. Mas malaki ang posibilidad na nababaliw na siya dahil sa sakit na naramdaman niya noong araw na iyon. How could someone like Rin Fujioka who looked like Kourin Shinomiya have an effect on him?

'Pero... hindi nga kaya? Posible nga ba?'

Siguro nga ay wala na sa paligid ang atensyon niya habang tumatakbo. Siguro nga ay gusto na niyang tumakbo nang tumakbo lang para takasan ang katotohanang natuklasan niya.

Pero huli na para isipin pa iyon. Bago pa siya makahuma na may mali sa paligid niya, namalayan na lang niya ang sarili na unti-unting bumabagsak matapos makaramdam ng kung anong tumusok sa batok niya.

'What the heck?' Who knew where that question was actually pertaining to. Hindi na niya nagawa pang isipin ang sagot roon nang tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin.

No comments:

Post a Comment