Tuesday, December 26, 2017

the last sky of the earth 32 - tears in the rain

At that moment, it was raining. Ang weird lang.

At the very least, iyon ang naiisip ni Reiko Kirisaki habang hinihintay ang kaibigan niyang si Seiichi Yasuhara mula sa pagdya-jogging nito. The guy didn't even inform her that he would be going out. Pero ano ba naman ang karapatan niyang mag-usisa? She was just his friend. And she only treated him as her brother.

Pero siyempre, hindi pa rin maikakaila ni Reiko na nag-aalala siya. Seiichi didn't even bring an umbrella, though she knew it would be weird for him to do so while jogging.

"Nasaan na kaya siya?" Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Reiko habang hindi mapakaling nag-aabang sa labas ng bahay ni Seiichi. Ugali na niyang maghintay roon kapag hindi na niya naaabutan ang binata sa bahay nito.

Pambihira lang naman kasi! Saan ba naglalamyerda ang lalaking iyon at lagi na lang itong hindi naaabutan ni Reiko roon? At ang mas nakakapagtaka, hindi pa nagpaalam sa kanya ang ugok na iyon. Ano ba talaga ang nangyayari rito?

Ever since Seiichi's return to the Philippines, nawi-weird-uhan na si Reiko sa ikinikilos nito. It was as if he was meeting a sort of deadline about something. Palagi itong nagmamadali at nakabantay sa paligid nito. He was alert on every sort of situation and even people around him.

Hindi ganoon kaseryoso ang pagkakakilala ni Reiko kay Seiichi. They were childhood friends, after all. But ever since two years ago, since he saw the news about the mysterious attack at the Shinomiya mansion in Kyoto, Japan which resulted to the massacre of more or less 300 people in just one night, nag-umpisa na itong magbago. Oo, alam niyang nasaktan ito sa kaalamang kasama sa mga nasawing iyon ay ang kaibigan nitong Hapones na sa pagkakaalam niya ay nagngangalang Hitoshi. But as time passed, it seemed that the pain he felt became coated with another deep emotion ー one that drove his friend to keep everything a secret to everyone, even to her.

Gustong intindihin ni Reiko ang kaibigan niya. Pero paano niya magagawa iyon kung si Seiichi na mismo ang naglalagay ng harang sa sarili nito, dahilan upang mahirapan siyang malaman kung ano nga ba talaga ang nasa isipan nito?

Napatigil si Reiko sa pagmumuryot sa ka-weird-uhan ni Seiichi nang makita na niya sa wakas ang bugok niyang kaibigan. Pero parang bumara sa lalamunan niya ang mga salitang gusto niyang sabihin dito nang makita niya ang expression nito ng mga sandaling iyon. Agad din siyang nakaramdam ng 'di maipaliwanag na paninikip ng dibdib dahil sa nakita.

Seiichi looked so broken.

"Seiichi?" Reiko ventured, trying to catch her friend's attention.

Pero sa pag-angat nito ng tingin na para bang natigil ang pagmumuni-muni ni Seiichi, napansin ni Reiko ang blangko nitong expression na kalaunan ay kinakitaan na niya ng 'di matatawarang lungkot, sakit, at disappointment.

Teka nga lang! Ano ba ang nangyari?

"Are you okay, Seiichi? Ano'ng nangyari sa 'yo? At nagpaulan ka pa talaga! Ano na naman ba ang pumasok diyan sa kukote mo at nagbalak ka pa yatang magkasakit, ha?" Oo na, nag-umpisa na naman siyang magwala. But Reiko was merely doing it for a friend. Hindi siya sigurado kung paano niya papawiin ang mga emosyong iyon sa mga mata nito. Lalong-lalo na sa dibdib nito na tiyak na nagpapahirap na kay Seiichi sa mga sandaling iyon.

Pero walang tugon si Seiichi sa isa sa mga sinabi ni Reiko. Nakatingin lang ito sa kanya. At that point, he couldn't hold it in any longer. Huli na nang namalayan niyang nakapatong na ang noo niya sa balikat ni Reiko at napaluha na siya.

Silently, the cold and stone-faced Seiichi Yasuhara that the world had known for the past two years crumbled in front of his childhood friend -- the one girl who hadn't left his side even after he changed himself deliberately for the sake of concealing the pain he felt since that dreadful moment. Hindi na siya nagpigil pa. Tuluyan na siyang humulagpos at naglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng isang bagay na matagal na niyang hindi nagagawa -- ang umiyak.

"Uy... Bakit ka ba umiiyak, Seiichi? May nangyari bang masama sa 'yo? May nanakit ba sa 'yo? Huwag ka nang mahiya, okay? Tell me everything. Basta huwag ka lang ganyan sa harap ko," tila natatarantang sabi ni Reiko sa paraang sana ay magawang konsolahin ang kababata niya na bihira talagang mag-break down nang ganoon.

"Imposible ba talaga ang hinihiling ko, Reiko? Kaya ba ako pinaglalaruan ng kapalaran ngayon?"

Reiko was speechless. Hindi lang dahil wala siyang masabi kundi dahil noon lang niya narinig ang tila kawalan ng pag-asa sa tono ni Seiichi. He was sobbing but still trying to do it discreetly kahit silang dalawa lang naman ang nasa paligid at patuloy ang pagbuhos ng ulan. It seemed that the pain was already too much. Not just the pain, but perhaps even the hopelessness he felt along with it.

"What exactly happened, Seiichi?" nagawang itanong ni Reiko na hindi alintana ang patuloy na pagbuhos ng ulan na bumabasa sa kanilang dalawa ng kaibigan niya. Well, iyon lang ang makakaya niyang gawin -- ang magtanong.

"I guess I asked for too much..." saad ni Seiichi sa nanghihinang tono. "All I ever asked for was a miracle to happen. Is it really that hard to attain? Nakita ko siya. Akala ko, nagkatotoo na ang matagal ko nang hiling. Na sana may milagrong mangyari. Instead, reality crushed it for me. Patunayan lang niya na wala na talagang milagro sa mundo."

"I-I don't understand..."

"Magkapareho lang sila ng mukha, Reiko. Pero hanggang doon lang iyon. Damn it! Bakit kailangang maging magkapareho pa sila ng itsura ni Kourin? Para naman akong minumulto nito, eh." Seiichi continued ranting while all Reiko could do was to listen.

Pero para sa dalaga, unti-unti nang nabibigyang-linaw ang ilan sa mga tanong na gumugulo sa isipan niya patungkol sa dahilan ng pagbabago ni Seiichi. Kaya lang, lalo namang nadagdagan ang mga tanong niya.

Sino ba si Kourin? Why was it such a big deal for Seiichi if the girl he saw looked so much like this Kourin or not?

Alam ni Seiichi na hindi siya maiintindihan ni Reiko sa mga sandaling iyon. Wala naman kasi itong alam tungkol sa nararamdaman niya. Pero ito na lang ang gusto niyang lapitan. Ito na lang ang gusto niyang paglabasan ng sama ng loob.

One day...

One day, maybe he'd be able to tell her the truth. Pero hindi pa sa mga sandaling iyon. Hanggang hindi pa klaro ang lahat sa kanya.

No comments:

Post a Comment