Tuesday, December 5, 2017

the last sky of the earth 29 - knight's scene: dangerous flower

"Aya! Ano'ng ginagawa mo rito?"

Iyon na lang ang nagawang itanong ni Yasha sa kawalan ng matinong sasabihin sa pagdating ni Aya. Nginitian lang siya ng babae at pinapasok na lang niya ito.

Hindi na nagtataka si Yasha nang makitang naroon na ito sa harap ng kanyang silid. Kilala na kasi ng lolo't lola niya si Aya dahil madalas itong bumisita sa kanila kahit noong bago mawala ang ilang bahagi ng kanyang alaala. Matagal na niya itong kaibigan. Nakilala niya ito sa isang traditional music concert na ginawa rito sa Pilipinas kung saan isa siya sa mga inimbitahang manood niyon.

Nginitian lang ni Aya si Yasha at tumuloy na sa pagpasok sa kuwarto niya. Napansin pa niya na tila natigilan ito nang makita si Raiden.

"You've grown taller since the last time I saw you, Raiden," wika ni Aya nang maupo ito sa gilid ng kama ni Yasha.

Kibit-balikat ang tugon ni Raiden. "May epekto kahit papaano ang ipinapakain sa akin ni Lola. Idagdag mo pa ang tulog na ginagawa ko. Kulang na lang talaga, magtulog-mantika ako, alam mo 'yon?"

Hindi na napigilan ni Yasha ang sarili na batukan ang kapatid. Wala na ba talagang sasabihing matino ang lalaking ito sa lahat ng mga magiging bisita niya? "Lumabas ka na nga lang at dumiretso ka na sa dojo. Doon ka na tumambay at baka sakaling maging maayos ang takbo ng utak mo. Kung anu-ano na naman ang pinagsasasabi mo."

"Makabatok naman 'to sa akin, parang bato ang inuupakan. Ang sakit, ah!" hindi na napigilang reklamo ni Raiden. Pambihira! Kahit kailan talaga, ang bigat ng kamay ni Ate Yasha. Mas malala pa sa kanya, eh. "Makalabas na nga at baka maingungud mo pa ako sa pader nang wala sa oras."

Papalabas na sana si Raiden at akmang pipihitin ang pinto nang magsalita si Aya na ikinalingon niya rito.

"You should take that training seriously, Raiden. Whether you like it or not, you and your sister will definitely get involved in a battle. Your skill that your father and your uncle made you learn since you were young can help you survive once that time comes," seryosong wika ni Aya na hindi inaalis ang tingin kay Raiden.

Ayaw mang maramdaman ni Yasha, pero kinabahan talaga siya sa sinabing iyon ni Aya. Nangangahulugan ba iyon na kahit ano'ng gawin niya ay madadamay pa rin si Raiden sa gulo?

Nanatiling nakatingin si Raiden kay Aya ng ilan pang sandali bago ngumiti. It was a confident smile that he rarely show to anyone. "Huwag kang mag-alala, Ate Aya. Iyon naman talaga ang plano ko. Lalo pa ngayong tatlo na ang mga damsel in distress na kailangan kong protektahan." Iyon lang at umalis na siya sa silid ng kapatid.

Bumuntong-hininga si Yasha pagkasara niya sa pinto nang makaalis doon si Raiden. Agad niyang hinarap si Aya. "Do you really have to say that to my brother?"

"He has to know. Besides, you're aware that the battle I'm talking about is already starting to intensify. Especially now that Seiichi has returned to this country."

Kumunot ang noo ni Yasha. "Seiichi? Sino naman iyon?"

"Seiichi Yasuhara. The grandson of Kyoichi Yasuhara. I know you're familiar with him."

Tumango si Yasha. Paano siya hindi magiging pamilyar sa matandang iyon? Eh iyon ang madalas kausap ng kanyang ama mula pa noon. Hindi nga lang siya sigurado kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito. "Pero ano naman ang kinalaman ng apo ni Kyoichi sa nangyayaring gulo?"

"Malaki, Yasha. I don't know if you're aware of the fact but he was particularly close to the dead Shinomiya clan prince a year before the attack. Hindi lang iyon. According to our sources, sa kanya ipinagkatiwala ni Lord Hitoshi ang Iris Sword nito." Hindi nawawala ang kaseryosohan sa mukha at tinig ni Aya habang isinasalaysay ang mga iyon.

Hindi na nakaimik si Yasha sa narinig, pilit itinatago ang naramdamang gulat. Hanggang sa may naalala siya. "Alam na ba ni Takeru ang tungkol dito?"

"I don't know about that. But I think Lord Hitoshi had kept it a secret from everyone else when he did that."

"Then how come...?"

"The reason I came here is not because of that, Yasha. I have to warn you," may diin nang sabi ni Aya, tanda na nais nitong makinig si Yasha. "The war had started a long time ago. Pero hindi ko na hahayaang pati kayo ng kapatid mo at ng lolo't lola mo, madamay rito. I might have warned your brother about this. But that doesn't mean I can't do anything to stop you from going straight to the battlefield."

Pero matigas na iling ang naging tugon ni Yasha. "Madadamay at madadamay pa rin kami rito, kahit na ano'ng gawin mo, Aya. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko pero hindi ako nagdududa sa nararamdaman kong iyon. Kaya nga kahit alam kong nakatunog na si Takeru sa mga pinaggagagawa ko para tulungan ang Shrouded Flowers at para malutas ko na rin ang misteryo sa pagkamatay ng mga magulang ko, hindi ko pa rin ititigil ito. I know that what I'm doing is truly risky, but I have no other choice."

Walang salitang namagitan kina Yasha at Aya ng ilang sandali. Nagkatitigan lang sila. Parang tinatantiya ang katotohanan sa bawat salitang binigkas. Kapagkuwan ay napabuntong-hininga si Aya, tanda ng pagsuko.

"You've definitely turned into a dangerous flower, Yasha. Hindi ganyan ang una kong pagkakakilala sa 'yo," iiling-iling na saad ni Aya.

"This is what happens when they robbed you of some of the most important treasures you had in life. And to think those treasures were the reasons that allow you to live and love your own freedom and life. Hindi ako puwedeng manatiling mahina, Aya. Alam mo 'yan. I had enough of being a damsel in distress," seryosong tugon ni Yasha bago tumingin sa labas ng bintana.

xxxxxx

HINDI makapag-react nang tama sina Takumi at Tsukasa Miyuzaki sa ibinalita sa kanila ng mayordomo nila ng mga sandaling iyon. Nakaalis na ito at lahat, speechless pa rin silang dalawa.

Kasalukuyan silang naroon sa recreation room ng Miyuzaki mansion sa Boston ng mga panahong iyon. Well, the two of them ー who happened to be the only twins among the Miyuzaki's main family branch ー had been staying there during the course of their respective tasks and personal activities for almost a year. Pero hanggang sa mga sandaling iyon, nananatili pa ring mailap sa kanila ang progress na talaga namang kailangang-kailangan nila.

"Huwag mong sabihing alam na nila ang totoo? Those attacks only meant one thing, Takumi," ani Tsukasa nang sa wakas ay nagawa na niyang analisahin ang mga pangyayaring ibinalita sa kanila. "Ang tanong, paano nila nalaman iyon?"

"May mali pa rin sa mga pangyayaring iyon. But if I have to ask you, Tsukasa, what do you think about all that?"

Nawalan ng imik si Tsukasa sa tanong na iyon ng kakambal niyang si Takumi. All she did was to face him with an expression that obviously told it all. Pagkatapos niyon ay napabuntong-hininga na lang si Takumi.

"I guess we're needed there now that we've heard the news, huh?"

"I won't mind going. Pero paano ka? You're supposed to be playing for the US Open, right?" Alam ni Tsukasa na mahalaga kay Takumi ang tournament na iyon. It would be his fourth time participating in the said tournament in order to claim the title for the fourth time, as well.

Pero kung ganito naman na nag-uumpisa nang lumala ang sitwayson ng kanilang prinsesa sa Pilipinas, Tsukasa doubted if Takumi could still concentrate on his tennis matches.

Kung si Tsukasa naman ang tatanungin, matagal na niyang tinalikuran ang kanyang propesyon. She did so right after the attack that took the life of their father Sasumu Miyuzaki and so many others. She had always loved the stage and the camera as she performed. But she also used her profession as a pop idol for an entirely different reason. It was a deadly one, at that.

"You know what I can do for our family's sake, Tsukasa. Alam mo kung ano ang kaya kong talikuran para sa obligasyon at daang pinili natin. Our family made an oath, remember? I don't have any plans of breaking it. I know Dad would do and say the same thing," Takumi stated gravely.

Napatango si Tsukasa. Alam niya ang tinutukoy ng kakambal ー the oath that their family had made to the Shrouded Flowers' Sky of the Earth a long, long time ago. It was the oath that dubbed them by the others as "The Most Loyal". But for her, loyalty was an understatement.

Perhaps the right word there was... "devotion". And the Miyuzaki family's devotion only lies to the Shinomiya family ー to the family that gave them the ultimate reason to fight this hard.

"I guess that settles it, then."

From those words alone, the twins knew what they had to do.

No comments:

Post a Comment