Tuesday, December 12, 2017

the last sky of the earth 30 - ascension keys

ENDING up in a location where Kourin had almost lost her life (again) was probably something that she had considered insane. Pero may dahilan siya kung bakit naisipan niyang magtungo sa bahaging iyon ng park. Though she wanted to investigate, she knew that somehow, it was futile.

Kung tama ang hinala nilang lahat na ang kalaban nila ang may pakana ng pag-atake sa kanya nang ilang beses, mukhang kailangan na talaga nilang paghandaan ang posibilidad ng isang napakalaking laban. That means she had to speed up the progress of her own mission, as well.

Nagpatuloy na lang muna sa paglalakad sa park si Kourin habang nag-iisip ng mga posibleng paraan para magawa niya nang maayos ― at mabilis ― ang kailangan niyang gawin. But just as she was about to change her direction, she halted to a stop at the sight of someone just a few yards away from where she was currently standing.

Tulad ni Kourin, agad ding natigilan at nanlaki ang mga mata ng lalaking iyon. It was the guy that she possibly thought was Seiichi Yasuhara ― her dead brother's best friend. Pero sa klase ng reaksyon nito sa pagkakakita sa kanya, hindi lang yata isang posibilidad ang isiping iyon.

This guy who was just a few yards in front of her could really be Seiichi Yasuhara.

"Kourin?" There was a hint of hesitancy in Seiichi's voice as he asked that question. Baka kasi mali siya. Pero sa kaloob-looban niya, naroon ang matinding kahilingan na sana ay tama siya. But that would be like asking for a miracle, right?

Gustong-gusto ni Kourin na sabihin sa lalaking ito na siya nga iyon. The way he called for her in her real name only proved that the man in front of her was really Seiichi Yasuhara. Isa pang patunay ay ang mga emosyong nakita niya sa mga mata nito. The most prominent of them all were recognition... and anticipation. Maybe she could even include hope.

Pero... hindi na ganoon kadali para kay Kourin ang lahat. Things around her and about her life had gone a lot more complicated than it ever was. Isa pa man din sa misyon niya ay masigurong walang "unrelated victims" na madadamay sa labang nakaambang tumapos sa buhay niya kapag hindi siya nag-ingat.

And though it would be a torture for the young Shinomiya princess, she had to do what was needed to be done. Sa ngayon, mahalaga ang misyon niya na tiyak na magliligtas sa buhay ng mga taong kailangan niyang protektahan.

"Sinong... Kourin? Ako ba?"

"What?" A surprised expression... followed by confusion. And eventually, an undeniable hurt.

Kourin remained impassive despite her heart continually shouting and crying in pain at the sight of all that in Seiichi's face.

'I'm so sorry, Seiichi…'

xxxxxx

MALI... Maling-mali...

At oo, alam iyon ni Kourin. Pero nagawa na niya. Naisipan na niyang itago ang totoo kay Seiichi mismo. Itinago niya ang totoo sa taong alam niyang labis na nahihirapan dahil sa mga nangyari dalawang taon na ang nakakaraan kahit na wala ito sa pinangyarihan ng pag-atake.

Sa totoo lang, gusto na niyang magsisisigawa dahil sa nagawa. Pero alam rin niyang walang patutunguhan iyon. She had forsaken him and his feelings... That was why she kept the truth from him.

Wala sa sariling tinatahak niya ang daan patungo sa Shiasena Temple dahil iyon lang sa ngayon ang naiisip niyang puntahan na alam niyang puwede siyang umiyak nang malaya at hindi makikita ng mga kasamahan niya. Naisipan niyang tunguhin ang ikatlong sanctuary sa loob ng set of temples na naroon -- ang Ledefiri. Nasa bandang dulo iyon sa kanang bahagi ng lupaing sakop ng Shiasena Temple at medyo tago sa madla kaya madalang lang puntahan ng tao.

Pero nalaman niya ang tungkol doon dahil kay Raiden na minsan siyang sinamahan doon. At kung hindi siya nagkakamali, ang Ledefiri ang pinagtataguan ng mga ritual items na ginagamit ng mga monks at shrine priestesses na nakatalaga roon.

Pagkarating na pagkarating niya roon ay agad siyang naupo sa limang baitang na hagdanang naroon at walang ingay na umiyak para lang mailabas ang sakit ng kaloobang nararamdaman dahil sa naging desisyon niya. Ilang sandali pa at tila sumabay rin ang langit sa kanyang pag-iyak dahil nang mga sandaling iyon ay nag-umpisa nang bumuhos ang malakas na ulan.

Hindi niya matandaan kung may napanood ba siyang weather forecast para sa araw na iyon. But she wouldn't care at the moment. Her mind wasn't functioning right and all she wanted to do was to cry it out in order for her to breathe. The look on Seiichi's face the moment she pretended she didn't know him or the name Kourin made it all heart-wrenching for her.

"You know, the last thing I'd like to see on your face is your tears, princess."

Nag-angat siya ng tingin pagkarinig sa minsan nang pamilyar na tinig na iyon. Kahit nanlalabo na ang paningin niya dahil sa walang tigil na pagtulo ng kanyang mga luha, nagawa pa rin niyang makita kung sino ang nagsalita.

"Shuji-san..."

The said young man smiled sadly and sat beside her, before gently pulling her close to him and letting her place her head on his shoulder. It was the same gesture he would do even before her brother died.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Lampas dalawang taon na, ah," tila nagtatampong umpisa niya sa kabila ng walang ampat pa ring pagluha niya.

Bahagyang tumawa si Shuji at huminga ng malalim kapagkuwan. "Forgive me for showing up late, princess. May mga kinailangan akong asikasuhin, sa utos na rin ng kapatid mo. Kung alam ko lang na iyon na pala ang huling iuutos niya sa akin, hindi ko na lang sana tinanggap ang mga iyon at nanatili na lang dapat ako sa tabi niya para nagawa ko siyang protektahan nang gabing iyon."

"I had a feeling that it would still end up the same even if you did choose to stay with him. Hindi natin nagawang i-anticipate ang kakayahan ng Dark Rose nang mga panahong iyon. At may palagay ako na posibleng malagay sa alanganin ang buhay mo kung nanatili ka nga sa tabi ni Kuya Hitoshi para protektahan siya. Gaya na lang ng nangyari kina Adrian at Jun..."

"I know Jun ended up in a coma because he was protecting someone. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganoon din ang sinapit ni Adrian. He was supposed to be in America, right?"

Kourin sighed before sniffling. "He decided to go back home to deal with one of the traitors of the Miyuzaki clan. Alam kong kilala mo kung sino iyon. Gusto niyang siya ang tumapos sa kahangalan ng taong iyon."

Hindi na nagsalita si Shuji at pareho silang napatingin sa langit na patuloy pa rin sa pagbuhos ng ulan.

Kourin and Shuji rarely saw each other, even back then. Pero sa tuwing nagkikita sila nito -- madalas sa hindi ay para pasalubungan siya o 'di kaya ay asarin lang siya -- ay laging umaabot sa masyadong seryoso ang usapan nilang dalawa. Isa iyon sa ipinagseselos ni Tetsuya na alam niyang pang-asar lang nito sa kanya kapag wala itong magawang matino.

"Ano na pala ang nangyari sa ipinapatrabaho sa 'yo ni Kuya Hitoshi? Natapos mo na ba?"

Shuji shook his head and sighed. Mukhang pareho lang silang gustong bumuntong-hininga nang ilang ulit.

"Paano ko matatapos, eh hindi ko nga alam kung nag-e-exist nga ba ang ipinapahanap sa akin ng kapatid mong iyon."

Doon na nakuha ang atensyon ni Kourin. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"He wanted me to find 'The Four Swords Of Ascencion'. Alam mo ba ang tungkol doon?" tanong ni Shuji at saka siya tiningnan.

The Four Swords Of Ascencion... May palagay siyang minsan na niyang narinig iyon. Pero kung kasamang nawala ang impormasyon na iyon sa ilang bahagi ng alaala niya na naglaho pagkatapos ng pag-atake, hindi na siya magtataka kung bakit hanggang pamilyaridad lang ang nararamdaman niya at hindi ang mismong alaala ang sasalubong sa kanya.

"They're the four swords that were said to be items that only the true chosen leaders of each legendary group of families in Japan can possess. In your case, since you're the chosen leader of the Shrouded Flowers, Lord Hitoshi ordered me to find the Sword of the Crown. Iyon daw ang isa sa mga kakailanganin mo sa succession ceremony mo ilang buwan na lang mula ngayon," paliwanag ni Shuji.

"One sword for each legendary group... At isa ang Shrouded Flowers sa legendary group na iyon. Ibig sabihin, may tatlo pang legendary groups?"

Tumango ito. "Kahit ako, hindi ko maintindihan noong una. Pero kahit papaano, nagawa namang ipaliwanag sa akin ng kapatid mo ang mga dapat kong malaman na baka sakaling makatulong sa akin na mahanap ang apat na espadang iyon. Sa ngayon, ang priority ko ay ang mahanap ang Sword of the Crown -- ang sword of ascencion ng tatayong leader ng Shrouded Flowers. That sword is your key to be able to officially ascend to the position of being the Shrouded Flowers' leader."

Hindi maintindihan ni Kourin kung bakit parang nao-overwhelm pa yata siya sa mga naririnig niya kay Shuji ng mga sandaling iyon.

"Shuji, sinabi ba ni Kuya Hitoshi sa 'yo kung anu-ano pa ang ibang grupong kailangang gamitin ang Sword Of Ascencion para opisyal na maitalaga ang mapipili nilang leader?"

"He didn't mention about the other two, as he said that only when you find the chosen leaders of the first two -- which turned out to be the leaders from the Shrouded Flowers and the mysterious Silhouette Roses -- will I be able to learn the existence of the other two groups. Right now, my task is to locate and eventually, bring to you both of the swords. The Sword of the Crown and the Saber of Time."

"Why do I have to hold the second one kung para naman iyon sa Silhouette Roses? And does it even exist? Isa pa, matagal nang naglaho ang grupong iyon. Ever since..." Pero hindi na nagawang ituloy ni Kourin ang dapat na sasabihin niya dahil sa hindi maipaliwanag na pagsigid ng sakit sa likod ng kanyang ulo. 

Pero alam niya kung para saan iyon. Something in her mind was blocked... and the words "Silhouette Rose" triggered it, for some reason. Pero ano ang kinalaman ng dalawang salitang iyon sa kanya?

No comments:

Post a Comment