Tuesday, November 28, 2017

the last sky of the earth 28 - knight's scene: unexpected visitor

ABALA si Yasha sa binabasang articles at ilan pang librong nakalatag sa study table niya. As usual, hindi siya nagpapaistorbo kagaya na rin ng bilin niya sa Lolo't Lola niya. Kailangan niya ng katahimikan lalo na sa mga sandaling iyon dahil na rin sa dami ng tumatakbong isipin sa utak niya.

And as usual (again), may kinalaman na naman ang mga iyon sa misyon ni Yasha na kahit ang kapatid niya ay hindi pa nalalaman iyon. She couldn't afford to let him get involved with what she was doing. Masyado nang magulo ang buhay niya para madamay pa ang nag-iisang kapatid niya. Even though she knew her brother was capable of dealing with the enemies using his sword skills he acquired since he was four, duda pa rin siya kung talagang kaya ni Raiden na kalabanin ang mga taong posible niyang makabangga dahil sa misyon niya.

"Ate, busy ka ba?"

Napaangat ng tingin si Yasha mula sa binabasa niya. Hindi niya maitago ang kanyang pagtataka. Her grandparents should've told Raiden that she didn't want to be disturbed. Pero si Raiden naman iyon, eh. If anything else, naglalaan naman talaga siya ng oras para sa taong ito. Kapatid niya ito.

"Come in!" Yasha said after an audible sigh. Inayos na niya ang mga articles. As much as possible, walang dapat makita si Raiden na anumang may kinalaman sa pinaggagagawa niya. Her brother doesn't have to know.

Ilang sandali pa ay napansin na ni Yasha ang tahimik na pagpasok ni Raiden sa kuwarto niya. Ang seryoso ng expression nito na hindi niya maiwasang pagtakahan. Ano na naman kaya ang nangyari at ganito ang kapatid niya ngayon?

"Is there something wrong?" Iyon lang naman ang posibleng dahilan kung bakit hindi magawang ipaliwanag ni Yasha ang expression ni Raiden.

"Ate, you did an exclusive interview about several prestigious Japanese families two years ago, right?"

Okay... What had gotten Yasha's brother to actually ask that question? "More than two years ago. Why'd you ask?"

"Isa ba ang Azuraya family sa na-interview ninyo?" Oo, alam ni Raiden na out of the blue ang ginagawa niyang pagtatanong sa kapatid niya. But ever since he saw Rin fight those whoevers at the park that actually tried to eliminate them both from the face of the earth, hindi na niya napigilang magtaka sa mga taong nakapaligid sa isa sa mga kaibigan niya.

At kung hindi nagkakamali si Raiden, isa sa mga tagapagbantay ni Rin ay may apelyido na Azuraya. Meron pa ngang Miyuzaki pero mas interesado siya sa mga Azuraya. They actually looked like they've been trained as fierce warriors ー only in the modern age, though. Like... assassins of the modern times.

"No. They weren't even present in the interview because of some business they needed to attend to and one that needed their full attention. Pero may representative sila. If I'm not mistaken, it was the head of the Azuraya clan. Siya lang ang naroon. Bakit mo naman naitanong?"

Napakamot ng ulo si Raiden nang dumating na sa puntong iyon na tinatanong na siya ni Yasha. But since it already came to this, dire-diretso na lang siya sa pagsasalita.

With that, Raiden ended up telling everything that had happened in the park with Rin. As expected, muntik nang magwala si Yasha sa nalaman pero nagawa naman niyang ipaliwanag dito nang husto ang mga pangyayari. Just as he initially felt, his sister expressed the same surprise as the details of the events unfolded.

"You said that someone from the Azuraya family actually guards this girl?" mayamaya pa ay tanong ni Yasha. Tumango naman si Raiden at inosenteng tiningnan ang dalaga habang naghihintay ng sagot niya. 'That's impossible…' "Isang pamilya lang ang ginuguwardiyahan ng mga Azuraya."

"You mean Rin's family?"

Umiling si Yasha. "Hindi ako sigurado kung bakit binabantayan ng isang Azuraya ang kaibigan mo. But I guess it's their way of trying to move on. Masyado nang maraming nangyari sa kanila at hindi ganoon kadali para sa kanila na tanggapin ang kinahinatnan ng lahat. At least it was hard on their case. And the surname Fujioka seemed to be from an important family in Japan, as well."

Napansin ni Yasha ang paglalim ng pangungunot ng noo ni Raiden. "Seems to me they've been through a lot. At parang ang dami mo ring alam tungkol sa kanila."

"Napaghahalata talagang hindi ka nanonood ng balita, 'no? What happened to me two yeard ago coincides with the events the elimination of one of the four prestigious families and gave three others a great deal of pain. At baka nalilimutan mo, nasa Japan ako ng mga panahong iyon." And then Yasha realized something. 'Oh, great! Why am I telling this to him?' Wala nga palang dapat malaman ang batang ito sa mga kaganapang iyon.

Yasha was thinking of a way to retract what she said or at least to cover it up with something to divert his curiosity away from their discussion. Pero para namang ganoon lang kadali iyon. Ilan sa pinakamahirap gawin kay Raiden ay ang ilihis ang usapan, lalo na kapag kumuha talaga sa interes nito ang topic ng usapan nila. At alam niya na interesado na ang kapatid niya sa pinag-uusapan nila.

But for an Azuraya to serve another master? Parang may mali yata ー at least sa perception ni Yasha.

"Yasha, apo! May bisita ka. Patutuluyin ko ba riyan sa kuwarto mo?" narinig ni Yasha na tawag ng Lola niya.

'Ha? Bisita?'

"May inaasahan ka bang bisita ngayon, Ate?" tanong naman ni Raiden. Iling lang ang naging tugon ng dalaga.

Pero walang isyu at dahil nagtataka na rin si Yasha sa identity ng bisita niya, pabuntong-hiningang binuksan na lang niya ang pinto ng kuwarto niya. Nanlaki ang mga mata niya nang sa wakas ay makita na niya kung sino ang bisitang tinutukoy ng Lola niya.

"Aya! Ano'ng ginagawa mo rito?"

No comments:

Post a Comment