Sunday, February 25, 2018

Me As A Writer (Preferred Genres)

So... Ito ang Part 2 ng pagkukuwento ek-ek ko (haha!) tungkol sa pagsusulat ko. Nabanggit ko last time na isusunod ko namang ikuwento sa inyo ang mga trip kong isulat na genres. So heto na:

1. Romance - dito talaga ako nag-umpisa at ito ang talaga namang itinuloy-tuloy kong isulat hanggang ngayon. Nabanggit ko sa na naunang post ko ang dahilan kung bakit ganito.

MY STORIES UNDER THIS GENRE: halos lahat ng mga naka-post kong stories sa Wattpad.

2. Fantasy - as in, mala-anime na klase ng fantasy. Parang Magic Knights Rayearth, Fushigi Yuugi... Ganoon. Well, ang totoo niyan, nag-umpisa talaga ang fascination ko sa pagsusulat ng fantasy because of Encantadia. That was 2005 and I was in 2nd year high school at the time. May isinulat pa nga akong kuwento noon (though narrated version nga lang) na similar sa plot ng Enca. May mahiwagang mundo, misteryosong mga lupain, diwata, engkantado, and such. Pero siyempre, may differences pa rin. Natigil din ng ilang taon ang fascination kong ito hanggang sa na-ignite iyon ulit because of me watching Winx and during the recent years, Super Sentai series. Well, makikita n'yo naman iyon sa mga naka-post kong stories sa Wattpad.

MY STORIES UNDER THIS GENRE: Shrouded Flowers: Fate of the 16 Cloud Clans (upcoming), Sky Pillars of the Morning Calm, Cloud Warriors of the Rising Sun, Thorned Blades of the Orient Seas, Operation: Cloudbreak (upcoming), Cloudbreakers: Red Fire (upcoming), Cloudbreakers: White Fire (upcoming), Cloudbreakers: Blue Water (upcoming), Utsuwa Sentai Seitenger

3. Fanfiction - Well, this is more of a story category rather than a genre, I think. You can correct me if I'm wrong about this. Just to let you know, ito ang nagsilbing writing practice ko when I was in college. As in, dito naka-focus ang atensyon ko noon. Anime mostly ang mga fanfiction na pinagsususulat ko noon. Well, hanggang ngayon naman, nagsusulat pa rin ako ng ganito. Sa FFN ako nagpo-post ng mga fanfics ko. And then lately, nag-post na rin ako sa Wattpad. If you want, you can read them there. @dreamcoloredgift ang FFN username ko. Just search it there.

MY STORIES UNDER THIS GENRE/CATEGORY: Super Sentai Short Stories, Staying Silent, How It's Supposed To Be, Same Fear

4. Action/Adventure - Yes, pinagsama ko na po ang dalawang ito dahil madalas ko talagang makitang magkasama ito. Anyway, unang beses kong magsulat ng ganito. Inspired by watching fanmade trailers ng mga Wattpad stories na ganito ang genre, lalo na 'yong trailers ng Black Butterfly by LaraMelissa. Idagdag ko na rin ang panonood ko at the time ng Shinkenger at Kyoryuger. Kaya 'yon, doon nag-umpisa iyon.

MY STORIES UNDER THIS GENRE: The Last Sky Of The Earth - The Hunt For The Dark Rose

5. Supernatural - Ayokong sabihing horror dahil mas nakakatakot pakinggan iyon. Hehe! Oo na. Ako na ang dakilang duwag pagdating sa usaping multo. Ang totoo niyan, one time lang akong nagsulat ng story na ito ang genre. 4th year high school ako noon at iyon ang naisip kong isulat para sa movie project namin sa MAPEH noon. Pero siyempre, mawawala ba naman ang romance doon? Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung bakit iyon ang genre na naisip kong isulat noon. Ang main setting, sa City High (shortened name ng Baguio City National High School - Main Annex) at sa Athletic Bowl. Eh bakod lang naman kasi ang pagitan ng dalawang iyon, 'no? Ang set-up niya, parang Whispering Corridors. Hindi ko lang maalala kung pang-ilan iyon pero may movie sa Whispering Corridors series na may title na "Wishing Stairs". Iyon ang naging basis ko.

MY STORIES IN THIS GENRE: None. Pero pinaplano kong i-rewrite 'yong kuwentong iyon galing sa script na sinulat ko noon. Hindi ko nga lang alam kung kailan at papaano.

So there you go.

My gosh! Napahaba na naman ang kuwento ko. Anyway, minsan lang ito. Pagbigyan n'yo na po ako. 😂✌😂✌ Pag-iisipan ko muna kung ano ang next kong ikukuwento.

No comments:

Post a Comment