Tuesday, February 13, 2018

the last sky of the earth 35 - knight's scene: vague answers

Ang unang plano ni Miyako ay agad na magtungo sa Shinomiya mansion para kumustahin si Kourin at upang alamin na rin kung umabot na ba rito ang tungkol sa insidente kung saan muntik nang ma-kidnap si Seiichi. Pero agad din niyang naisip na malaking gulo at matinding pag-aalala ang ibibigay niya kay Kourin kapag nalaman nito ang tungkol doon. Kaya naman hindi na siya nagtungo sa mansion.

Instead, the young sharpshooter ended up going back to her own house. Besides, matinding pag-iisip ang kailangan niyang gawin. Lalo na't hindi talaga niya maintindihan ang mga nangyari kanina lang. Walang duda na ang Dark Rose na naman ang may pakana niyon. Pero bakit idinamay ng mga iyon ang walang kalaban-labang si Seiichi? Imposibleng ang koneksyon pa rin nito kay Hitoshi Shinomiya ang rason.

The Shinomiya prince was already killed more than two years ago. It should've also cut off any reasons for the connection between those two to still exist. Maliban na lang kung... 'No! That can't be the reason.'

Pilit na pinalis ni Miyako sa isipan niya ang weird na conclusion na nabuo roon. The thought that her mind had conjured was something she considered absurd.

Pero tila unti-unting naglalaho ang isiping kabaliwan ang conclusion na sumasagi sa isipan ni Miyako dahil sa involvement ni Alexis Lanster. For some reason, that man had actually decided to help her save Seiichi from those goons. At nag-volunteer pa talaga ito na ihatid si Seiichi sa bahay ng huli habang wala pa itong malay. True to his words, Alexis protected the young man as the former took him to the house. At least, pinatunayan iyon sa kanya ng isa sa mga tauhan nila na agad niyang tinawagan upang sundan si Alexis at agad na ring maimbestigahan ang tangkang pagtangay kay Seiichi.

"Kitikiti ka yata ngayon, Miyako."

Agad na kumunot ang noo ng dalaga nang marinig niya iyon. Upon turning around, she was surprised to see a handsome half-British half-Japanese man familiar to her approaching. Pero kasabay niyon ay napanguso siya sa tinawag nito sa kanya.

"At tama talagang kitikiti ang itawag sa akin, 'no? Pambihira! Kadarating mo na nga lang, iyan agad ang isasalubong mo sa akin."

Pero malutong na tawa lang ang naging tugon ng lalaking iyon na lalo lang ikinasimangot ni Miyako.

"Ito naman. Minsan lang kitang mabiro, eh. Or I guess I did it at a wrong time," saad nito bago naupo sa sofa. "What had ticked you off this time? And don't deny dahil kilala kita kapag hindi ka mapakali riyan. Baka nalilimutan mo, pinsan kita."

Para namang maide-deny pa ni Miyako iyon. Hindi na lang siya umimik at napahinga siya nang malalim. Well, at least her half-Japanese cousin was so much like her older brother. Kunsabagay, may kapatid kasi itong babae na kaedad rin niya.

"I'm not ticked off, okay? Dahil kung ganoon nga talaga, eh 'di sana nandoon ako sa firing range kanina pa na naglalabas ng inis," ani Miyako bago harapin ang pinsan. "But since you're here, I might as well ask you something, Chrono."

Nangunot naman ang noo ng lalaking nagngangalang Chrono. "Now this one looked serious."

"'Buti naman at alam mong seryoso ako." Miyako sighed once more. "Do you know someone named Alexis Lanster?"

Hindi maikakaila ang pagkagulat na nakita ni Miyako sa mukha ng pinsan niya. "How did you know about him?"

"Because he helped me a while back. Or at least he did so in taking down those jerks who were trying to kidnap a young man." At walang pag-aalinlangang isinalaysay ni Miyako ang tinutukoy niyang pangyayari. But she decided to leave out the information with regards to the victim involved. Mahirap nang ma-interrogate ng lalaking 'to nang wala sa oras. Delikado na.

After that, si Chrono naman ang napabuntong-hininga. Kasabay niyon ay napakamot siya ng ulo. Ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ng Alexis na iyon at naisipan pa talaga nitong tulungan si Miyako? And how come that man was in the Philippines? Ano'ng ginagawa nito roon? "Kailangan lang talagang ipangalandakan ng lalaking iyon na magkakilala kami." He faced the girl soon after. "He's actually a motocross racer that Julie and I met back in London. If I'm not mistaken, he's also a violinist. Ewan ko ba kung bakit naisipan niyang maging motocross racer."

"Perhaps he wanted to live his life in contradictions. But that's not the case here. Ang tanong ko, sino ba talaga siya?"

Ipinagtaka naman ni Miyako ang biglang pananahimik ni Chrono kasabay ng pagiging seryoso ng expression nito. Ano na naman kaya ag tumatakbo sa isipan ng ugok na 'to? Kung minsan talaga, gusto na niyang alugin ito nang matindi. Baka sakaling ilabas nito ang kung anumang iniisip nito na ayaw pa talagang ipagsabi.

"Alexis Lanster is a born warrior. But I could only tell that much. Lahat ng tungkol sa pagkatao ng lalaking iyon ay misteryo rin pati sa amin ni Julie. Hindi ko alam kung ano man ang ipinaglalaban niya kaya siya patuloy na naglalakbay at nagsasanay na rin."

"You mean... you don't really know who he is?" Pero bakit sinabi ni Alexis kay Miyako na si Chrono ang tanungin niya kung sino ito?

"I only know his mission and that is to continue fighting to rebuild the honor of his fallen clan. Gaya rin ng ipinaglalaban ng prinsesa natin," saad ni Chrono na hindi naglalaho ang seryosong expression ng mukha nito.

Pero para kay Miyako, lalo yatang naging malabo ang dating ng mga naging sagot sa kanya ni Chrono. Hindi lang malabo, misteryoso pa.

'Rebuilding the honor of his fallen clan…' Posible kayang may koneksyon iyon sa ginawa nitong pagtulong kay Miyako na iligtas si Seiichi? 

No comments:

Post a Comment