Hindi ako mahilig mag-promote ng mga pinagsususulat ko, maliban na lang talaga kung gusto ko. At siguro, alam ninyong lahat iyan na napapadaan dito sa page ko at pati na rin sa profile ko. Bukod sa talagang shy type akong tao, hindi ako kumportable na mag-promote ng walang tigil. Kaya siguro hindi umaabot ng ganoon kalaki ang reads at votes ng mga pinagsususulat ko rito at sa Wattpad. Kung minsan, kahit sinasabihan na ako na subukan ko namang magsulat ng ganito, ganyan para lang dumami ang reads, hindi ko pa rin ginagawa. Ewan ko.
Siguro hindi ko talaga magawang puwersahin ang sarili ko na sumulat ng isang istorya sa genre na hindi ko gustong isulat. Isa na diyan ang mga stories na may BS, kahit sabihin pang "talamak" na ang mga kuwentong ganyan ang tema. Oo, nagbabasa rin naman ako ng stories na may BS. Pero hindi nangangahulugan na magsusulat din ako ng ganoon. Iba ang gusto kong gawin at subukang isulat. Lagi kong sinasabi sa sarili ko, pasasaan ba at may magbabasa rin ng mga sinulat ko. Hahayaan ko silang ma-discover iyon. (Haha! Parang talent scout lang ang dating ng mga gustong magbasa ng mga pinagsususulat ko, ah). Time will come, sabi nga nila. Sa ngayon, isusulat ko 'yong mga gusto kong isulat. With or without me promoting them.
Sa mga hindi pa nakakaalam, romance talaga ang genre na inumpisahan kong pag-aralang isulat. Nag-umpisa iyon noong high school ako. 2nd year at sobrang frustrated (idagdag pa na lalong bumaba ang kumpiyansa ko sa sarili ko) dahil sa rejection na naranasan ko noong first year ako. Ang naging outlet ko n'on? Poem writing at script writing. Napansin ng mga kaklase ko iyon. Binasa nila. Nagbigay ng comments. Hanggang sa nagtutuloy-tuloy na. In fact, ilang short skits din ang sinulat ko na may halong romance. Uy, at least hindi ako lumabas na bitter kahit ni-reject na ni 1st year crush, 'no? Pero masakit pa rin kasi iyon 'yong first time kong magsulat ng love letter pero pinunit lang niya. 'Kaloka! Pero hindi pa rin naman ako nagalit sa kanya. Kumbaga, ilang araw ding manhid ang pakiramdam ko n'on. Hanggang sa iba na ang napagbalingan ko ng affection na iyon.
Pero saka ko na sasabihin kung sino. Ngayon ko lang na-realize, napahaba pala ang kuwento ko rito. Nalihis pa ng direksyon. Ano ba 'yan?
Sige, next time ulit sa mga writing genres na trip kong isulat.
No comments:
Post a Comment