Tuesday, August 14, 2018

the last sky of the earth 57 - confusions

"I CAN'T believe I would still see a proof of Onii-sama's bad habit of confusing people," iiling-iling na komento ni Kourin nang ipakita sa kanya nina Satoru ang dala-dalang Iris Sword. Nakapatong iyon sa office table niya pagdating na pagdating niya sa mansion matapos ang engkwentro nila ni Tetsuya sa mga sniper ng Dark Rose.

Hay... Laking pasamalat na lang talaga ng prinsesa dahil nagawa siyang itakas ni Tetsuya mula sa papaguhong templo. And thanks to Chrono and Julie who dealt with the rest of the Dark Rose's minions, they've further evaded more danger. Pero sa buong durasyon ng biyahe nila pabalik sa mansion, hindi maalis-alis sa isipan niya ang mga nasilayan niya sa hallway ng templong iyon.

Why would the tapestries representing the clans belonging to the Shrouded Flowers be displayed there? Idagdag pa ang mga nakita niyang emblem na rosas ang gamit. Kourin knew what the flowers meant and who actually used it as an emblem. Pero sino naman ang maglalagay niyon sa lugar na iyon?

"Does that mean you also haven't seen this passage before, Princess?" tanong ni Satoru na pumutol sa pagmumuni-muni niya.

Tumango si Kourin nang harapin niya ito. "That passage wasn't present even before it disappeared from my brother's possession four years ago. Posibleng inilagay ang passage na iyan at that span of time. Now the question is: How come Seiichi had this sword in his possession and where is he right now?" Hindi na niya naitago pa ang pag-aalalang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon para sa nawawalang binata. Who could've done such a thing to him?

Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Hotaru ang pasimpleng pagsalikop ni Kourin sa mga kamay nito. She couldn't help smiling sadly and before she knew it, she approached the young clan princess and held her hand. Of course, the action startled Kourin but the female Knight just smiled at the princess.

"You don't have to worry about anything right now. Okay? We'll do everything we can to find Seiichi the soonest possible time. Aalamin din namin ang dahilan kung bakit inatake ng mga Dark Rose sina Raiden at ang ate niya."

Iyon pa ang isang ipinagtataka ni Kourin nang husto. Bakit nadadamay sa gulo nila ang magkapatid na Wilford gayong wala namang koneksyon ang mga ito sa Shrouded Flowers?

"I think Takeru and Mamoru already had that covered right now," sabad ni Satoru. "Tumawag sila sa akin kanina at sinabing magtatagal mula sila kina Raiden dahil mukhang may alam si Yasha tungkol sa totoong nangyayari ― knowledge that are possibly unknown even to us 12 Knights."

Well, if Mamoru was there, then maybe Kourin doesn't have to worry about anything for now about her friend's safety. Pero sa totoo lang, lalo siyang naintriga sa sinabi ni Satoru na posibleng alam ni Ate Yasha ang mga rason sa mga pangyayaring nagaganap sa kanila nang araw na iyon. The attack and the abduction, that is.

Muling itinuon ni Kourin ang atensyon niya sa Iris Sword ng yumaong kapatid na naroon sa office table. Pinasadahan niya ng basa ang passage na metikulosong iniukit doon. She had to admit, it was a work of art. But it also add more to the mysteries lingering about their mission to hunt their enemy. Ano ba talaga ang nasa isip ng kapatid niya at ganoon na lang ang sumasalubong sa kanila na lalong nagpapalito sa takbo ng paghahanap nila ng mga sagot na kailangan nila?

'Under the guidance of the Ethereal Sky...' Minsan nang narinig ni Kourin ang mga katagang 'Ethereal Sky' mula na rin sa kanyang napatay na ama. But just like the passage on the sword itself, the term held an even bigger mystery to her than she could ever think of. Possibly even bigger than what she was facing at the moment. At sa pagkakaalam niya, tanging sila lang ng Kuya Hitoshi at Ate Mari niya ang pinagsabihan ng tatay nila ng mga katagang iyon. At kung hindi siya nagkakamali ng pag-alala, binanggit din nito ang ibig sabihin ng mga katagang iyon.

'My uncle... is the one referred to as the 'Ethereal Sky'. Hindi ako puwedeng magkamali.' Pero sino ang 'uncle' niya na tinutukoy ng katagang iyon?

'Onii-sama... What in the world are you trying to prove by leaving us with all these?' And for Kourin, things around her had gotten a lot more confusing than before.

xxxxxx

FOR THE umpteenth time that night, Kourin couldn't do anything other than to heave a heavy sigh and look at the starless night sky. Mukhang plano pa yatang makisama ng langit sa matinding pag-aalalang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Paano ba naman kasi? Kitang-kita niya ang pagtitipon ng mga ulap sa madilim na kalangitan upang wala siyang masilayang mga bituin.

Just as how worries and fear clouded her heart at the moment for Seiichi's safety.

Ano ba talaga ang nangyayari at ganoon ang pinagdadaanan nila nang mga sandaling iyon? Why would those disgusting goons even bother abducting Seiichi? Ano ang kailangan nila rito?

Napakaraming tanong pero ni isang sagot, walang masilayan si Kourin. Kaya naman sa pagbabakasakaling maibsan ang pag-aalala niya, nagtungo na lang siya sa shrine room kung saan nakalagak ang kalahati ng abo ng kanyang mga magulang at ni Hitoshi. Nakapatong ang mga iyon sa isang altar na napapaligiran ng mga bulaklak, insenso, at kandila. Naroon din ang litrato ng mga ito na isa sa mga nagpapaalala sa kanya kung bakit kailangan niyang magpakatatag kahit sadyang napakahirap para sa isang 17 years old na tulad niya.

But Kourin had already chosen that path since she lost them that night. And this was the path she knew she'd never regret taking ― at least she was sure of that.

Gustuhin man ni Kourin na magtungo sa isang Shinto shrine para magdasal, tiyak niyang hindi siya papayagang lumabas. Kaya naman naisipan na lang niyang gawin ang pagdarasal sa silid na iyon. Mas maganda siguro na gawin niya iyon doon para na rin sa ikatatahimik ng kalooban niya.

The princess just had to put her faith in her Knights to rescue Seiichi and make sure that he was safe. Hindi niya hahayaang mapahamak ito sa labang wala naman itong kinalaman.

'But what about the sword that once belonged to your brother?'

Oo nga pala... Paano nga pala napunta rito ang Iris Sword na inakala nilang lahat na ninakaw mula sa dojo sa loob ng Shinomiya mansion? And the passages engraved on that blade of the sword... Para saan ang mga iyon?

Hanggang sa sumagi sa isipan ni Kourin ang isang bagay na posibleng may hawak sa sagot sa isa sa mga katanungan niya.

"'The Book of the Shinomiya Clan's Genealogy'... Inilagay kaya ni Dad doon ang sagot?"

Well, there was only one way to find out.

No comments:

Post a Comment