Tuesday, August 28, 2018

the last sky of the earth 59 - knight's scene: real mission

KULANG ANG sabihing tila tinuklaw ng ahas sina Takeru at Mamoru sa unang bagay na ipinagtapat ni Yasha sa kanila.

"You mean, si Akemi ang nagturo sa iyo sa paggamit ng baril?" hindi pa rin makapaniwala si Mamoru habang itinatanong iyon.

Yasha rolled her eyes as she groaned. "Kailangan talagang naka-repeat play ang lahat ng sasabihin ko bago mo maintindihan?"

"Who's Akemi?" tanong naman ni Raiden.

The woman soon faced her brother. "Her name is Akemi Mikazuki. She and her older brother Ryuuji were actually closely related to the wife of the murdered Shinomiya clan lord dahil na rin sa tatay nila. She's a notably skilled sniper, who is also said to be even deadlier than the most skilled sniper of the Yumemiya family."

"Then why would a woman of that stature actually decide to train you in wielding handguns?"

Saglit na natahimik si Yasha sa tanong na iyon ni Raiden. She wondered if she would really tell that part of the truth to him. Pero dahil nagdesisyon na siyang sabihin dito ang mga nalalaman niya, wala naman sigurong masama kung ipagtatapat niya rito ang tungkol doon.

"Dahil alam niya kung anong klaseng panganib ang kasusuungan ko nang oras na tanggapin ko ang ipinapakiusap sa akin ni Lord Ryuuki. At the time, Ryuuji had a different mission to take care of. Shiro was in charge of guarding both Ryuuji and Lady Mari."

"Wait a minute! Hold it right there," bigla ay pagsingit ni Takeru. "You've met Lady Mari?"

Tumango si Yasha. "She was the one who introduced herself to me. Not as an international actress that everyone knew her, of course. But as Lord Ryuuki's eldest child. I think kilala na niya ako bago pa man ako magpakita sa kanila, lalo na sa tatay niya."

Now those words came out to be even more shocking to the two men than they could think of.

"So there really was a reason for the Shinomiya clan lord to summon you," nasabi na lang ni Takeru.

"May ideya ka ba kung ano 'yon?"

"Mamoru, hindi ako magpapakahirap nang ganito na kulang na lang ay ibuwis ko ang buhay ko kung alam ko ang dahilan, 'no?" Huminga nang malalim si Yasha at nahilot na lang niya ang sentido dahil bigla siyang nakaramdam ng pagsigid ng sakit mula roon. "Kaya kahit binura ng mga naranasan ko sa pag-atakeng iyon ang ilang bahagi ng mga alaala ko, kailangan kong malaman ang totoo. Ang rason kung bakit ako ipinatawag sa mansion--that one reason could've possibly hold the key for me and my brother to learn the truth. Kailangan ko ring malaman kung bakit pati kami ng kapatid ko ay idinadamay ng Dark Rose."

Silence surrounded them after that. Wala naman kasing makapagbibigay ng sagot na hinihingi ni Yasha. Maging sina Takeru at Mamoru ay clueless. But the two of them knew one thing, though. Whatever was the Dark Rose's motive for attacking the Wilford siblings, it would surely be something sinister.

"Ate, naaalala mo ba kung ano 'yong mission na ipinakiusap sa iyo ni Lord Ryuuki?" kapagkuwa'y tanong ni Raiden na bumasag sa katahimikan nilang apat doon. Well, the question was also enough to catch the other two's attention.

"Yeah. Naaalala ko pa naman iyon. Ang problema ko lang, the mission has a relation to our father's last will. It's about finding..." Hindi nagawang ituloy ni Yasha ang sasabihin niya dahil parang agad na nablangko ang utak niya. Kasunod niyon ay muling sumigid ang sakit sa ulo niya.

Walang kaabog-abog na lumapit si Takeru kay Yasha at inalo ito. Na para bang sa ganoong paraan ay magagawa niyang pawiin ang sakit na nararamdaman ng dalagang minsan ay naging importante sa kanya. But he knew that staying beside her would only induce more pain to her--not just physically, but also mentally and worst, emotionally.

But for Mamoru, hindi na niya kailangan pang ituloy ni Yasha ang gusto nitong sabihin. Dahil kung ibabase niya ang analysis niya sa mga nabasa niya sa files ni Shingo, masasabi niya na hindi basta-basta ang gulong kinasuungan ni Yasha. Kaya naman kahit hindi pa panahon, kailangan niyang malaman ang totoo. "Yasha, could it be that you're trying to find out more about the Silhouette Roses?"

Natigilan si Yasha sa tanong na iyon. Pero si Raiden, hindi na naitago ang pagkagulat na naramdaman. "Alam mo ang tungkol doon?"

"Partly. Dahil considered taboo sa amin ang mag-imbestiga tungkol sa kanila kahit na minsan sa kasaysayan ay naging bahagi rin sila ng Shrouded Flowers sa Japan. For whatever reason they decided to forbid that, I have no idea right now. Pero ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan, Raiden. From the way you asked the question, I think you also knew something about your sister's mission."

"No, he doesn't," sagot ni Yasha nang mahimasmasan. "But he has an idea about our father's last will. Iyon ang pinag-uusapan namin kanina bago kami inatake ng mga bugok na iyon."

"Before we get to that," umpisa ni Takeru. "What exactly do you know about the Dark Rose right now?"

Ang tanging ginawa ni Yasha ay mapabuntong-hininga. Oh, well. Wala na siyang magagawa sa bagay na iyon. At mukhang wala pa ring ipinagbago ang kakulitan ni Takeru pagdating sa kanya. Para pa ngang nadagdagan iyon sa halip na mabawasan sa paglipas ng panahon, eh.

"Hindi ka rin atat, 'no, Takeru?" iiling-iling na komento ni Mamoru na para bang umaayon ito sa isinaisip ni Yasha. "But he has a point. Our main concern right now is to know the reason for the Dark Rose to attack you and your brother, and for us to ask what you know about them. Dahil sa nakikita namin, ikaw pa lang ang maraming nalalaman pagdating sa mga demonyong iyon. Well, you could include Akemi and her brother Ryuuji. Pero sa ngayon, ikaw na lang ang mas madali naming malalapitan pagdating sa bagay na iyan."

"Wow naman! Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon o ikainis."

"You can do both," nakangising sagot ni Mamoru na ikinatawa na lang si Yasha.

But as far as Raiden noticed, mukhang kabaliktaran pa yata ang epekto niyon kay Takeru. He couldn't help grinning in his mind. 'Woah! Looks like jealousy will strike hot on this one.' Hindi na lingid sa kanya ang nakaraang meron ang lalaking ito at ang ate niya. Pero sa nakikita niya, parang may nararamdaman pa yata si Takeru para kay Yasha. At mukhang nahalata rin iyon ni Mamoru. So that means, ang ate na lang niya ang hindi nakakahalata niyon for some reasons na hindi na muna niya aalamin sa ngayon. Right now, he has other things to worry about and think of.

"Okay... I haven't managed to infiltrate the agency itself dahil hindi pa ako nasisiraan ng bait at wala akong kakayahang gawin iyon. But I've encountered a few of them before. The most recent one would be three months ago. Kung hindi ako nagkakamali, isang teenage girl na nagkataong explosives expert, isang teenager na hacker, isang arms dealer, at isang master of disguises ang nagtipon-tipon sa party na minsang dinaluhan ko sa Spain. I know it's them because of their symbol at the back of their necks. Minsan nang ipinakita sa akin ni Akemi iyon kaya natatandaan ko."

"Symbol? You mean the black rose?"

Tumango si Yasha at muling nagpatuloy. "Nagawa kong makinig sa pinag-uusapan ng dalawa sa mga iyon nang sundan ko sila sa lobby, though I have no idea kung sino sa mga iyon ang nag-uusap nang mga panahong iyon. One thing I heard quite well was: 'One of us knew she survived the attack and he was sure about it. He'd seen a proof.' I think they were debating about it. Pero isa lang ang tiyak ko sa mga narinig ko mula sa kanila. They're hell bent in finding her and finally eliminate her at all cost. Hindi sila titigil hanggang hindi nila naisasakatuparan iyon."

"Her? Sinong 'her' ang tinutukoy nila?"

"In my guess, it would be the surviving heiress to the position of being the leader of the Shrouded Flowers--the princess of the Shinomiya clan," sagot ni Yasha sa tanong ng kapatid. And then she faced Mamoru and Takeru who were, without a doubt, shocked to learn all that. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon ang mga ito. Maging siya ay hindi makapaniwala nang unang beses niyang marinig iyon. "It looks like this is going to be one hell of a war for all of you."

"It can't be..."

"This can't be happening..."

Nagkatinginan na lang sina Yasha at Raiden sa napansing reaksyon ng dalawang lalaki.

No comments:

Post a Comment