"GANOON ba kalala ang pinsalang tinamo si Seiichi para abutin ng dalawang araw na ganitong wala siyang malay?" hindi na napigilang itanong ni Kourin kay Shingo nang araw na iyon na muli niyang binisita ang binata sa ospital.
Huminga nang malalim ang doktor bago hinarap ang dalagita. "Hindi na nakakapagtaka iyon, considering the fact that the one he dueled at the time was Oceanus. Alam kong hindi na lingid sa 'yo ang kakayahan ng taong iyon."
"I know that. Pero hindi iyon ang inaalala ko, eh."
"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Shingo.
Noon lang hinarap ni Kourin ang doktor. "Why in the world did they let Seiichi duel with the likes of a Miyuzaki traitor? Hindi lang iyon. Panigurado rin na may iba pang Dark Rose members na naroon sa lugar na mag-uutos kay Oceanus na labanan si Seiichi. And the last one, how in the world did Seiichi manage to hold off someone from the Dark Rose Agency like that? Alam natin na hindi siya sinanay sa ganitong klaseng mundo ng kabrutalan."
Wala namang naging tugon si Shingo sa pahayag at mga tanong na iyon ni Kourin. Maging siya ay pinagtatakhan ang tungkol doon.
"Do you think Daryll and Takeru can help me find that out?"
Hindi napigilang mapangiti ni Shingo nang may maisip. "Well, I know they won't question you if you issued that kind of order to them. Iyon ay kahit alam naman natin na may mga trabaho pa silang kinaiinisang tapusin. Lalo na si Takeru."
Bagaman kumunot ang noo ni Kourin, ilang saglit lang iyon. Agad din niyang nakuha ang ibig sabihin niyon. "Grabe naman! Hindi pa rin talaga maka-move on ang lalaking iyon kay Ate Yasha?"
"It's not the 'getting over' or 'moving on' part that Takeru had a problem with. It's more on his frustration to realize what lies behind that woman's determination to help us to the point of exposing herself to the danger that we're facing."
"Alam mo, may palagay akong hindi lang si Kuya Takeru ang may ganyang klaseng problema. You're saying those words in a way that makes me think you also care for her. And not just because of her involvement in our affairs." Hindi nagsisinungaling si Kourin sa sinabi niyang iyon. She had heard in more than one occasion on how Shingo truly worries for Yasha Wilford.
At hindi pa nagkakamali ng sapantaha ang prinsesa pagdating sa mga naoobserbahan niya sa mga taong malapit sa kanya. In fact, she had come to know the fact that Takeru would sacrifice his relationship with Yasha to ensure her safety, for one. Or maybe... Takeru knew he was going to die sooner or later.
Hindi na umimik si Shingo at pinagmasdan na lang ang natutulog pa ring si Seiichi. The boy did suffer some damage. Pero sa nakikita niya, ito ang tipo na tila ba handang makipagbuno kay Kamatayan magawa lang nitong manatiling buhay.
And the doctor thought it was a good thing. Mukhang kakailanganin din niya yata iyon pagdating ng nakatakdang laban na tatapos at magsisilbing tagapagdesisiyon kung sino nga ba ang magwawagi sa labang kinakaharap nila.
"I have to leave you here for now. Are you sure you'll be fine?"
Tumango si Kourin at hindi na pinigilan pa ang doktor sa iwan siya sa lugar na iyon. Kahit alam niyang ginawa iyon ni Shingo para makaiwas sa pasimpleng interogasyon nya rito na may kinalaman sa kapatid ni Raiden.
xxxxxx
HINDI sigurado si Seiichi kung gaano siya katagal nahulog sa mahimbing na pagkakatulog. But he knew for one thing that there was someone who had never left his side at all. Nararamdaman niya iyon habang abala ang kanyang isipan sa paglalakbay sa kung saan.
Unti-unti ay nagmulat ng mga mata si Seiichi. Unang sumalubong sa may kalabuang paningin niya ang kulay puti. Kalaunan ay nalaman niyang kulay pala iyon ng kisame sa silid kung saan siya naroon. He immediately understood the fact that he was at a hospital dahil may amoy-gamot na dumaan sa ilong niya. He heaved a sigh of relief when it came to him that he survived the ordeal with Oceanus.
Isa lang ang masasabi ni Seiichi pagdating sa taong iyon.
Oceanus was truly a monster. Hindi naging madali para sa binata ang pakikipaglabang ginawa niya rito. Though he tried his best, alam niyang hindi sapat iyon. If he was a total noob in combat, baka wala pang kalahating minuto ay patay na siya.
Sa paggalaw na ginawa ni Seiichi sa mga daliri niya, tila nanigas siya nang kumuha sa atensyon niya ang isang kamay na nakahawak sa kamay na nais sana niyang ikilos. Dagling napayuko siya upang silipin kung kanino iyon. His heart leapt at the sight of a familiar figure; his eyes widening in disbelief. Tama ba itong nakikita niya?
Nagising si Kourin sa pagkakaidlip nang maramdamang may nakamasid sa kanya. Nag-angat siya ng ulo upang makita niya kung sino iyon. But moments later, she froze at the sight of widened hazel brown eyes peering at her.
"G-gising ka na?" Kourin could've groaned audibly at the stupidity of her question. "Wait, I'll call for a nurse."
Pero bago pa magawang makaalis nang tuluyan ni Kourin doon at iwan si Seiichi, naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya. Napatingin siya sa kamay nitong iyon bago niya ito tingnan. "B-bakit?"
Bakit nga ba? But Seiichi couldn't find a plausible answer. Humigpit lang ang hawak niya sa kamay ni Kourin at saka ito matamang tiningnan.
"Are you okay?"
Tumango si Seiichi at ngumiti. Nakita naman niya na tila natigilan si Kourin.
"W-why?" medyo paos pang tanong ng dalaga.
Iling ang tugon ng nakaratay na binata. "Just stay."
Two simple words... and yet the impact was more than enough for two hearts that had heard it loud and clear.
Katumbas din ng dalawang salitang iyon ang sinseroーna may bahid ng kadesperaduhanーna kahilingan ng isang taong tila takot nang mawala ang isang mahalagang tao sa buhay niya.
Isang ngiti at paghigpit ng pagkakahawak sa kamayーiyon lang ang nagawang itugon ni Kourin sa sinabing iyon ni Seiichi. Kahit na kapalit niyon ay ang pagkaligalig ng puso niya na sa tuwina ay nararamdaman niya... lalo na kapag si Seiichi ang involved.
"Thank you."
xxxxxx
xxxxxx
HINDI inaasahan ni Kourin na magkakaroon silang muli ni Seiichi ng pagkakataong makasama ang isa't isa sa kabila ng sirkumstansyang nagdala sa binata sa bingit ng kamatayan. Oo, inaamin niya na guilty siya dahil napapahamak ito kahit wala naman itong kinalaman sa labang kinakaharap niya. Idagdag pa na tila isa rin si Seiichi sa mga taong nagawang manipulahin ni Hitoshi.
Even in death, her brother surely knew how to let them play the life-or-death battle that his knowledge about the forbidden history had implemented.
"Ang tahimik mo na naman. Sigurado ka bang okay ka lang, Rin?"
Lihim na natigilan si Kourin nang marinig iyon at saka hinarap si Seiichi na mataman palang nakatingin sa kanya. Ayaw man niya, nakaramdam siya ng bahagyang pagkailang kaya nag-iwas siya ng tingin at napayuko.
"Are you okay?" muli ay tanong ni Seiichi.
Isang tango lang ang naging tugon ni Kourin. Ilang sandali rin niyang pilit na pinakalma ang nagririgodon niyang puso bago ito hinarap. "Gusto mo na bang kumain?"
Umiling si Seiichi. "Wala pa akong gana."
"Seiichi naman, eh. Kailangan mong magpalakas, okay? Hindi pa gumagaling ang mga sugat mo, o."
"These wounds are nothing."
"Anong nothing ang pinagsasasabi mo, ha? Matindi ba ang naging pagkakabagok mo at parang nalimutan mo pa yata na muntik ka nang mapatay?"
"Ipagpasalamat mo na lang na buhay pa ako. Ayaw pa nga yata akong sunduin ni Kamatayan kaya heto pa rin ako ngayon."
At ang buwisit, nakuha pa talagang ngumisi. Ang sarap lang upakan, sa totoo lang. Paano ba nagagawa ng lalaking ito na magbiro nang ganoon sa kabila ng mga nangyari rito?
"Rin, don't be upset," kapagkuwan ay sabi ni Seiichi, dahilan upang mapatingin si Kourin dito. He was staring at her seriously na ipinagtaka ng dalaga. "I don't know what they would achieve for doing that to me. Pero kalokohan mang sabihin, malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil sa nangyari."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Why would this guy say those words?
Seiichi didn't faze as he continued staring at her. "Their revelation about my parents' death... It became a catalyst for me to remember what I've forgotten for a long time."
Woah! That was something. "N-nagka-amnesia ka?"
"Matagal na, since I was 12. It was the same time I lost my parents and my grandfather decided to take me in." Malungkot na ngumiti si Seiichi. "I should've known that there was more their death than just... that. Death. A freak accident."
Okay, how come wala yatang alam si Kourin tungkol dito? Did her brother leave something out nang sabihin nito sa kanya ang nakaraan ni Seiichi? Until it hit her. Hitoshi might have purposely left that outーfor a reason.
"Uy! Natahimik ka na naman," untag ni Seiichi sa dalaga.
Ngumiti lang si Kourin at inasikaso ang paghahanda sa mga prutas na ipapakain niya rito. Mas mabuti nang i-distract niya ito sa posibleng mga tanong na ibabanat nito sa kanya dahil sa pananahimik niya. It brought her immense happiness doing that kind of thing for him.
Sa kabilang banda, hindi maitatanggi ni Seiichi na naninibago siya sa klase ng pag-aasikaso sa kanya ni Rin. Nasanay siguro siya na palagi itong tila takot sa kanya o 'di kaya ay nahihiya. Iyon ay kahit wala naman talagang dahilan para gawin nito iyon. He really couldn't understand that part of her, yet he didn't have the heart to ask her about it.
Para bang may nagbabadyang mawasak sa oras na gawin iyon ni Seiichi. The girl must have been through a lot. At least nakatitiyak siya sa bagay na iyon.
Laking pasalamat ni Kourin na hindi naman siya nahirapang pakainin si Seiichi dala na rin siguro ng pangungulit niya rito. Likas na talaga ang ugali niyang iyon kahit noong buhay pa ang kapatid niya. Dangan lang at hindi naman palaging umuubra iyon kay Hitoshi. At that, she couldn't help missing her brother and their antics. Hindi naman kasi niya gaanong nakakausap si Mari kaya madalas na sila ng kuya niya ang magkasama.
But Kourin never thought that it would be too painful for her now that she lost her brother that way.
Napatingin ang prinsesa kay Seiichi na tila ini-enjoy ang pag-aalagang ginagawa niya rito. Hindi niya napigilan ang mapangiti.
"Why are you smiling?" agad na tanong ni Seiichi.
Umiling si Kourin. "Nothing."
"Baka naman pinagtatawanan mo na ako riyan sa isipan mo, ah."
"Hindi, 'no?" Hindi akalain ni Kourin na weird din pala kung gumana ang imagination ng lalaking 'to. "And besides, walang rason para gawin ko iyon, 'no? Kaya kung ako sa 'yo, kumain ka na lang."
Agad namang sumilay ang ngiti ni Seiichi matapos sabihin iyon ni Kourin. Hindi niya alam kung bakit pero big deal na sa kanya na makita ang ngiti nitong iyon. But maybe she could attribute it to the fact that she missed seeing that smile of his since he left.
"Mukhang nag-e-enjoy yata kayong dalawa, ah."
Dagling napalingon si Kourin sa pinagmulan ng tinig na iyon. Isang magandang babae ang nakadungaw mula sa bahagyang nakabukas na pinto ng silid na iyon.
Habang si Seiichi naman ay napangiti pagkakita sa babae at hindi na nahalata ng binata ang tila tensyunadong aura sa paligid. "Reiko! Ang daya mo. Bakit ngayon mo lang ako binisita rito?"
"Ngayon lang ako nagkaroon ng tsansang makaalis dahil baka nalilimutan mo, ginawa mo akong guwardiya sa bahay mo."
"Hindi ko naman sinabi sa iyo na bantayan mo 'yon, ah."
"Kahit na. Mabuti na 'yong nakakasiguro." Kapagkuwan ay tumingin si Reiko kay Kourin. "Mind if I talk to you for a few minutes?"
Hindi agad nakatugon si Kourin sa narinig. Napatingin tuloy siya kay Seiichi nang 'di sinasadya.
"Uy, Reiko! Huwag mo namang takutin ang newfound friend ko," ani Seiichi nang bigla ring makaramdam ng kaba sa nais mangyari ni Reiko.
"Sira-ulo! We're only going to have a girls' talk here. Anong takutin ang pinagsasasabi mo riyan, ha?"
"It's okay," anunsyo ni Kourin na dahilan upang mapatingin sa kanya ang magkaibigan. Tumayo siya sa kinauupuan at nilapitan si Reiko na naroon pa rin sa pinto. "Saan mo gustong mag-usap tayo?"
"I think the rooftop would be nice."
No comments:
Post a Comment