"GREAT! Just the people I need to see," ani Akemi pagdating niya sa conference room kung saan naroon ang mga taong kailangan talaga niyang makausap sa mga sandaling iyon.
Lalong-lalo na si Theron at Aya. Alexis left the mansion even before Akemi arrived, but not without calling her that he would investigate further about the explosion at Shiasena. Nangako naman siya rito na sasabihin ang anumang kahihinatnan ng pakikipag-usap niya kina Theron at Aya.
"Akemi! What made you come here?" tanong ni Shouda. Pero bago pa man niya marinig ang magiging sagot ng dalaga, agad na kumuha sa atensyon niya ang dala-dala nito na tila nakabalot sa linen. "What's that you're holding?"
Tiningnan ni Akemi ang dala-dalang bagay at inilapag iyon sa mesa. Specifically, she placed it in front of Theron. "Just something which I need both Lord Theron and Aya's confirmation kung ito nga ba ang isa sa mga hinahanap n'yo o hindi."
Those words raised confusion to the others who were there. But it seemed that Theron immediately understood what Akemi meant. Ilang sandali pa ay walang pagmamadaling tinanggal ng binata ang linen na nakabalot sa misteryosong bagay na iyon.
"This can't be..." usal ni Theron nang tuluyang tumambad sa lahat ang isang espada. Tiningnan niya si Akemi kapagkuwan. "How come you're in possession of this sword?"
"Ang totoo, ipinaabot lang sa akin iyan ni Shiro. It was Daryll and Takeru who first saw that sword in Seiichi's hands while the boy was dueling with Oceanus. May palagay din si Shiro na ito ang dahilan kung bakit nila pinasabog ang templo sa Casimera. They had to retrieve this particular item and use it to bring everyone down," paliwanag ni Akemi. "Though those jerks successfully burned the Shiasena Temple to the ground, they didn't manage to retrieve the vault that possibly held another item which is a part of the Eight Treasures. Now I'm asking you. Is this sword a part of it, as well? Gusto ko ring itanong sa inyo kung authentic ba ito o hindi."
Theron beckoned Aya and Ayuka to look at the sword placed in front of him. Aya was the one who took the sword and examined it. Tumagal din ng ilang sandali ang pagsisiyasat nito sa espadang iyon bago sumunod si Ayuka. Parehong seryoso ang expression ng dalawang babae kaya naman walang sinuman sa kanila ang magawang tukuyin kung ano nga ba ang nasa isipan ng mga ito.
"Normally, it would take us a week to determine its authenticity," mayamaya ay sabi ni Aya. Saka niya hinarap ang mga naroon. "But for this particular sword, I don't think it's necessary."
"Does that mean it's fake?" Amiko asked.
"On the contrary, hindi ganoon ang kaso pagdating sa espadang ito, Lady Amiko. This one is the real Full Moon Sword," saad ni Ayuka na talaga namang ikinagulat ng dalagitang Knight.
"Does that mean we're getting closer to finding out the truth?" hindi mapigilang tanong ni Akemi.
"We're just a step ahead of them. Pero nangangahulugan rin ito na hindi na tayo dapat magpadalos-dalos pa. May gustong sabihin sa atin ang Dark Rose kaya nila ipinagamit kay Seiichi ang espadang iyan para kalabanin ni Oceanus. And that message is something that we need to find out," ani Mari na tahimik lang na nakikinig sa kanila bago maisipang magbigay ng opinyon nito.
Tumango si Akemi habang tahimik naman ang ibang naroon. Sa totoo lang, dumarami ang mga tanong na kailangan nilang hanapan ng kasagutan dahil sa pagsulpot ng mga bagay na may kinalaman sa Yasunaga clan. Ang hindi niya maintindihan, bakit parang marami pa yatang nalalaman si Hitoshi pagdating sa pamilyang iyon?
"By the way, Lady Mari, how's the princess?" kapagkuwa'y tanong ni Akemi nang wala siyang makalkal na matinong sagot sa isipan niya.
Bumuntong-hininga si Mari bago sinagot ang tanong ng pinsan. "She doesn't want to leave the dojo until we make sure that Seiichi is rescued. Mabuti na lang at kumilos na sina Daryll at Takeru kahit wala pa ang permiso ng ibang clan leaders. If we had made a move any later than that, hindi ko na alam kung kakayanin ko pang tingnan ang kapatid ko na naghihinagpis."
"I think they have a personal motive for doing that, though," bigla ay sabi ni Tetsuya habang hinihimas ang baba nito. "Lalo pa't parehong sa Miyuzaki clan galing ang dalawang iyon. Takeru might be doing this because of his closure to Lord Hitoshi. Posibleng may mga nasabi rin si Lord Hitoshi sa kanilang dalawa na ayaw nilang ipasabi sa atin."
"Kahit personal ang dahilan kung bakit sila nagdesisyon nang ganoon, it's still obvious that they're making a move for the sake of the Shrouded Flowers, especially the princess," ani Kenji sa seryosong tono. "Si Lady Kourin na lang ang nagsisilbing pinakalakas nila para gawin ang lahat ng ito. And I think those two knew the source of the young lady's happiness, as well."
"But then Seiichi doesn't know that..." mahinang saad ni Shouda na muling nagpatahimik sa kanilang lahat.
Hindi naman maalis-alis ang tingin ni Theron sa espada habang pinapakinggan ang pag-uusap na iyon. "I know... that it's just a matter of time before Seiichi realizes the truth behind the events we're dealing with. When that happens, let's just hope things don't get worse for all of us."
xxxxxx
ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Takeru habang pinagmamasdan niya ang tahanan kung saan alam niyang nakatira si Seiichi. Naisipan niyang magpunta roon nang mapagdesisyunan niya ang isang bagay habang binabantayan ang binatang walang malay hanggang sa mga sandaling iyon.
Well, Takeru had a reason to go there. Specifically, a mission that was needed to be done for him to fully understand Hitoshi's words to him before. He needed to find the true reason for the Shinomiya clan princess to ask him to protect Seiichi.
With that in mind, nagpatuloy na si Takeru sa pagpasok sa mansion. Though it was called as such, it wasn't exactly as large as that of the Shinomiya estate where the princess and the rest of them currently resided. Pero naroon pa rin sa kanyang isipan ang isang sapantaha na may itinatagong lihim ang tahanang iyon para target-in si Seiichi ng Dark Rose.
Subalit labis na ipinagtaka ni Takeru ang kaalamang hindi naka-lock ang pinto sa entrance. Ayaw man niya subalit hindi niya napigilan ang pagbundol ng hindi maipaliwanag na kaba dahil sa natuklasan. Stealthily, he entered the house as he raised his gun that he took out from the holster his side.
Madilim sa loob ng bahay pero kita pa rin ni Takeru na nawala na ang bakas ng anumang karahasan sa lugar na iyon. Mukhang inayos na ng mga tauhan nila o 'di kaya'y mga tauhan ni Lord Theron ang mga nagkalat at nasirang mga gamit doon.
Soon after, however, Takeru stopped to his tracks upon sensing a strange feeling that someone was actually watching his every move despite the darkness that had surrounded the area. May natitira pa bang kalaban sa lugar na iyon.
Pero bago pa mahanapan ni Takeru ng sagot ang katanungan niyang iyon, hindi nakaligtas sa kanya ang pagkislap ng kung ano mang matalim na bagay na nahagip ng paningin niya. Few more moments later, he found himself evading a blade that was about to strike him down.
Sa kabila ng kadiliman sa paligid, nagagawa pa rin ng taong iyon na sugurin si Takeru na ang tanging ginagawa ay iwasan ang bawat pagsugod na iginagawad sa kanya. Hindi nagtagal, natagpuan niya ang sarili na tinutukan sa leeg ng sandatang hawak ng kanyang kalaban. But as soon as he was able to have a glimpse of the weapon, he frowned at the discovery that it was actually a kodachi, one of the traditionally made nihontÅ (Japanese blade) used by the class of feudal Japan.
"Sino ka at ano'ng ginagawa mo rito?" matigas na tanong ng kalaban ni Takeru.
'This has got to be a joke, right?' Iyon lang ang tanging naisip ni Takeru nang marinig ang boses na iyon hanggang sa nagawa na niyang maaninag ang mukha ng taong sumugod sa kanya.
How in the world did Takeru come to encounter a female kodachi wielder at Seiichi's house? But he was sure of one thing, though.
Hindi kabilang sa Dark Rose ang babaeng ito.
No comments:
Post a Comment