NORMALLY, Kourin allowed her curiosity to get the best of her. But finding Shingo's name listed secretly in the genealogy book of her family had definitely made her even more curious than ever. Lalo pa't nakita niya roon ang pangalang Hanami.
One thing that the princess could tell about that name was that it was something familiar. She knew she had seen or even heard that name before. But she couldn't remember.
‘Come on, not again.’ Kourin held the side of her head as she felt a slight pain. Sa lahat ba naman ng alaalang mawawala sa kanya, bakit ang pinakaimportante pa? At kung tama ang pagkakasabi noon ni Shiro sa kanya, may kinalaman ang mga nawawalang alaala na iyon sa Silhouette Roses.
Agad na nagtungo si Kourin sa kanyang silid. Kadalasan, kapag ganoong nag-uumpisa na naman siyang mag-isip ng kung anu-ano, sa study room siya nagpupunta. But this time, she didn't know why but she chose to stay in her room. Hindi na lang muna siguro siya magpapaistorbo. What she and Takeru had discovered in the archives room was too much for her mind to handle.
"The answer I seek did show... Pero ano ba namang klaseng sagot iyon, Lolo? Ano ba talaga ang sagot na gusto mong ipakita sa amin ni Kuya?" nalilitong bulong ni Kourin habang tinitingnan ang framed picture ng main branch ng Shinomiya family kung saan kabilang siya roon.
Kourin's brother knew the whole truth and he discovered it ahead of them. Perhaps even before the attack ensued. Ngayon, oras na para alamin ang katotohanang nadiskubre ni Hitoshi. Alam niyang ginamit ng kuya niya ang lahat ng mga sikretong nalaman nito upang ipakita sa kanilang lahat ― bagaman paunti-unti lang ― ang mga dapat nilang malaman. If she wanted to discover the whole truth, she might as well move and think like her brother.
Kailangang alamin ni Kourin ang totoo ― sa kahit na anong paraan pa.
xxxxxx
"KANINA ka pa tahimik diyan. May problema ba?"
Lihim na napapitlag si Kourin nang marinig ang tanong na iyon. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Seiichi habang nakatingin sa kanya. Ngumiti lang siya kahit pilit at hindi umiimik na ipinagpatuloy ang pagtulong dito na iligpit ang mga gamit ng binata.
Na-discharge na rin kasi si Seiichi matapos ang mahigit dalawang linggong pagkaka-confine nito sa ospital. At natutuwa si Kourin kahit papaano. Kahit na sa totoo lang ay nag-aalala pa rin siya para sa kaligtasan nito. Paano kung hindi iyon ang huling pagkakataon na ma-kidnap ito?
Lalo na ngayong nakarating na rin sa kaalaman ni Kourin ang ginawang pagsugod nina Tethys at Crius sa concert hall kung saan ginanap ang charity concert na kasama si Miyako. Kahit sabihin pa na sina Tsukasa at Takumi lang ang nakaegkuwentro sa mga sira-ulong iyon, walang duda na nagpapahiwatig na ang kanilang mga kalaban.
Ang hindi lang maintindihan ni Kourin, bakit hindi ipinaalam ng magkambal sa kanya ang tungkol sa nalaman ng nga ito na may kinalaman sa Silhouette Roses? Kung hindi pa siya tumambay sa isa sa mga hidden room sa conference room, hindi pa niya maririnig ang tungkol sa totoong nangyari…
xxxxxx
[Flashback]
"You guys were what?"
Kagyat na napatigil sa pagbabasa si Kourin ng ilang scrolls na kinuha niya sa archive room kaninang tanghali pagkarinig sa pasigaw na tanong na iyon. Napatingin siya sa isang bahagi ng silid kung saan siya naroon na alam niyang pinto na nagdudugtong sa silid papunta sa conference room.
Ano na naman kaya ang nangyari at ganito ang sumalubong sa pandinig ni Kourin? Mukhang maha-high blood na naman ng wala sa oras si Mamoru.
"They were at the concert hall and attacked us as soon as we got out," imporma ni Tsukasa. "At base sa sinabi nila sa amin bago sila tumakas, mukhang may ideya na sila kung sinu-sino ang mga miyembro ng Silhouette Roses."
Doon na lumukob ang 'di maipaliwanag na kaba kay Kourin. Silhouette Roses... Ano ba talaga ang kinalaman ng angkang iyon sa lahat ng nangyayaring ito sa kanila? At bakit sa tuwing babanggitin ang mga salitang iyon, unang-unang sumasagi sa isip niya si Seiichi?
"It could be a bluff, you know," narinig na komento ni Chrono na hindi alam ni Kourin na naroon din pala sa conference room.
"I don't think so. They might have been trained to hide their emotions and be ruthless but that doesn't mean they could fully hide what lies in their eyes. At nakita ko sa mga mata nila. Nagsasabi sila ng totoo," ani Takumi sa seryosong tono.
Hindi man sinasadya ay nabitiwan na ni Kourin ang hawak na scroll. Wala na siyang pakialam kung may makarinig mula sa apat na Knights sa conference room. Lumala ang kabang nararamdaman niya dahil sa sinabi ni Takumi. Kaya ano pa ang ginagawa niya roon? Bakit hindi pa siya kumikilos?
Dapat lang na may gawin siyang paraan. Hindi na niya dapat hayaang may inosenteng madamay sa gulong ito.
"Paano natin sila pipigilan? Ni wala tayong alam kung sino ang mga posibleng miyembro ng Yasunaga clan."
"May alam na ako na posibleng kabilang doon," anunsyo ni Mamoru na ikinagulat din ni Kourin, hindi lang ng iba pang Knights. "Pero sa nakikita ko, wala pa silang ideya sa anumang patungkol sa pagkakakilanlan nilang iyon."
"You mean, they're like secret members?"
"I'd like to say unaware members. Hindi sila nasabihan ng tungkol sa totoong koneksyon nila sa Yasunaga clan. At sa tingin ko, iyon ang maglalagay sa kanila sa kapahamakan," saad ni Mamoru.
Kahit nananatili pa ring nagtatago si Kourin, naiintindihan niya ang gustong ipunto ng Whirlwind Falcon. Kung siya nga na dapat alam na ng mga kalaban na patay na, napapahamak pa rin. Paano pa kaya ang mga taong hindi talaga aware sa mga panganib na inihahain ng laban nila sa Dark Rose?
"Imbestigahan muna natin nang husto ang tungkol dito. Lalo na't ibinuwis na rin ni Oliver Seo ang buhay niya para protektahan ang lahat ng posibleng may kinalaman sa mga Yasunaga."
"Oliver Seo?"
Sino iyon? Parang ngayon lang yata narinig ni Kourin ang tungkol sa taong iyon. As it turned out, hindi lang pala siya ang may ganoong klaseng tanong.
Narinig ni Kourin ang malalim na pagbuntong-hininga ni Mamoru. Grabe naman ang lalaking 'to. Parang hindi na bubuntong-hininga kinabukasan. O puwede rin na talagang pagod lang ito. Hindi na siya magtataka kung ang rason ay ang huli.
"Siya ang miyembro ng Miyuzaki clan na natagpuang patay sa Kusanagi Shrine. You just discovered his DNA on the painting you found in the tunnel, right, Takumi?"
"Pero ngayon ko lang narinig ang pangalang 'yan, Mamoru. Kahit sabihin pang hindi siya active member ng Miyuzaki clan, imposibleng hindi ko siya makilala," sabi ni Takumi. Mahihimigan sa tinig nito ang pagtataka.
"Dahil sa mga piling tao lang siya nagpapakita. Oliver Seo was a Miyuzaki working solely for Shigeru and Lady Shouda's orders and no one else..."
[End of Flashback]
xxxxxx
Ipinilig ni Kourin ang ulo matapos alalahanin iyon. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin naglalaho ang pagkagulat na naramdaman niya pagkasabi niyon ni Mamoru. At kung totoo nga ang mga narinig niya, ibinuwis ng Oliver Seo na iyon ang buhay nito para protektahan ang ilan pang lihim ng Yasunaga clan. Ang ipinagtataka lang niya, bakit ginagawa iyon ng isang Miyuzaki?
"Kung ganyan pala na palagi kang mawawala sa sarili mo kahit nandito ka, hindi ka na lang sana nagpunta rito," sabi ni Seiichi na pumutol sa daloy ng isip ni Kourin. "Mukhang ako pa ang dapat na mag-alala para sa 'yo, eh."
Ngumiti si Kourin at inilagay na sa bag ang huling mga itinuping damit ni Seiichi. At saka niya isinarado iyon. Huminga siya ng malalim pagkatapos niyon at tumingin sa binata.
Ganoon na lang ang pagtibok ng mabilis ng puso niya nang makita ang pag-aalala sa mga mata nito.
'Kung para lang sana kay Kourin ang pag-aalalang iyon at hindi kay Rin,' malungkot na saisip na lang ni Kourin.
"Okay lang ako. Nagkataon kasi na... nagkaroon ng problema sa bahay. Lumabas lang ako ng bahay dahil ayoko munang isipin ang mga iyon kahit pansamantala lang." Well, Kourin was telling the truth. Or at least some parts of it.
Mas mabuti siguro na ganoon na lang muna. Walang alam si Seiichi sa gulong pinasok nito. At pananatilihin ni Kourin na ganoon hanggang kaya niya.
"At saka," pagpapatuloy ni Kourin. "Nalaman ko kay Dr. Yanai na madi-discharge ka na ngayong araw. Sinamantala ko lang." Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.
Ilang sandali ring tiningnan ni Seiichi si Kourin, tila inaalam ang katotohanan sa mga sinabi niya. Hindi tuloy niya napigilang ma-conscious at dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin.
Ano bang meron sa mukha niya at ganoon na lang ito kung makatingin sa kanya?
"Okay, hindi na kita pipiliting magsalita. Parang hindi ko rin magagawang pigain mula sa 'yo ang mga sagot na kailangan ko," sabi na lang ni Seiichi kapagkuwan matapos bumuntong-hininga, tila tanda ng pagsuko.
"Grabe ka naman. Pigain? Ano'ng tingin mo sa akin, sponge?"
Nag-isip pa si Seiichi pero sandali lang at hinarap si Kourin na nakangisi. "Hindi ba?"
Ngali-ngaling itapon ni Kourin sa mukha ni Seiichi ang bag na naglalaman ng mga damit nito. Pero pinigilan na lang niya ang sarili. Sa puntong iyon, isang bagay ang tanging tumatak sa isip niya.
Wala pa ring nagbabago sa pakikitungo nina Kourin at Seiichi sa isa't-isa. Ang kaibahan lang, hindi na si Kourin Shinomiya ang kaharap nito nang mga sandaling iyon. Hindi na ganoon ang pakilala niya rito.
Siya na si Rin Fujioka sa harap nito.
"Halika na. Ihahatid na kita hanggang sa makasakay ka na pauwi sa inyo," yaya ni Kourin na sinang-ayunan na lang ni Seiichi.
No comments:
Post a Comment