"NAPAAGA yata ang pag-uwi mo rito."
Agad na napalingon si Tetsuya sa pinagmulan ng tinig na iyon. Napangiti siya nang makitang palapit si Amiko na may ilang linggo na rin niyang hindi nakikita.
"May kailangan lang akong kalkalin sa mga old files ko rito. Isa pa, nami-miss ko na rin si Lady Kourin. Kumusta na nga pala siya?"
"Huwag kang mag-alala. Wala pa namang masamang nangyayari sa kanya. Pero naroon pa rin ang posibilidad, lalo na't patay na si Oceanus," seryosong tugon ni Amiko.
"His death isn't enough to become a trigger for a full blown war between the Shrouded Flowers and the Dark Rose to occur. Pero nakatitiyak ako na hindi malabong unti-untiin na nilang wasakin ang lahat ng may kinalaman sa Yasunaga para pakilusin tayo nang husto. Doon pa lang nila tatapusin ang isa sa atin na magsisimula ng tuluyang pagtapos sa walang kuwentang giyera na 'to." Huminga ng malalim si Tetsuya matapos isatinig iyon at ipinagpatuloy ang pagtipa sa keyboard ng computer niya sa silid na iyon. "Pero magkakamatayan muna bago nila tuluyang sirain ang guwapo kong mukha o ang pangarap kong maipagkalat pa ang guwapong lahi ko."
Kung sa normal na sitwasyon siguro ay baka nabatukan na ng husto ni Amiko si Tetsuya sa mga pinagsasasabi nito ng mga sandaling iyon. But this was Tetsuya Kisaragi. She had known him for so long and she had known him to be like this. Napapangiti na lang siya kapag ganito pa rin ang pinagsasasabi nito sa kabila ng nakakatakot na sitwasyon nila.
But there was something else in Tetsuya's words that Amiko noticed. Siya naman ngayon ang napahinga ng malalim dahil sa totoo lang, hindi niya gusto ang implikasyon niyon.
"Teka nga pala. Bakit ka napauwi rito bukod sa nami-miss mo nang asarin ang prinsesa?" putol ni Amiko sa katahimikang nakapalibot sa kanila ni Tetsuya. "Ang sabi mo, may hinahanap ka sa mga lumang files mo. Are you looking for a particular file?"
Tumango si Tetsuya na hindi tumitingin kay Amiko at abala pa rin sa pagtipa. "The one about a certain tradition of the Yasunaga clan. About its chosen leader having two shadow guardians. Applicable pa rin ba iyon ngayon?"
"On lesser known branches of the Yasunaga clan, sa pagkakaalam ko ay isa lang ang pinipiling maging shadow guardian ng leader niyon. Pero bilang na bilang na lang iyon. But that was even before the attack that ended the clan 300 years ago."
"Pati ba naman ikaw, Amiko, naniniwala na nagtapos na nang tuluyan ang lahat ng may kinalaman sa mga Yasunaga 300 years ago?" The way Tetsuya asked that question to Amiko made her quite tense.
Huminga muli ng malalim si Amiko at naupo sa swivel chair na nasa tabi ni Tetsuya. "Hindi ko na alam kung ano ang dapat na paniwalaan ko sa dami ng mga nangyari mula noon hanggang ngayon. But you know that my fighting style was based from one of the Yasunaga's Shichi RaiRyuuKen, right? Kahit hindi naman talaga ako kabilang sa pamilyang iyon, wala pa rin akong ideya kung bakit itinuro iyon ng tatay ko noon."
"Have you even tried to check on your family's lineage after learning that? Baka may hindi sinasabi ang tatay mo sa 'yo tungkol sa bagay na 'yan."
Walang anumang tugon si Amiko sa sinabing iyon ni Tetsuya. Hindi niya napigilang pangunutan ng noo dahil doon. Dati-rati ay may naiisip itong isagot kapag tungkol sa pamilyang pinagmulan nito ang pinag-uusapan nilang dalawa.
"May mali ba sa sinabi ko?" tanong ni Tetsuya kapagkuwan.
Ilang sandali ang lumipas bago umiling si Amiko. "I actually... haven't thought about asking him about the Miyamoto's lineage. Pinipilit kong tandaan kung may nasabi ba sa akin ang tatay ko tungkol doon. Pero wala, eh. Hindi ko man lang ba naitanong iyon sa kanya kahit minsan?"
"What are the things that you know about your family?"
"Ang madalas na sinasabi sa akin ng nanay ko noon, maliit na branch lang ng isang prestihiyosong pamilya ang Miyamoto na nag-umpisang maging independent around 200 years ago. But even before its independence and separation from the main branch, may sarili nang head at council of elders ang Miyamoto clan. Pero hindi nangangahulugang kinalimutan na ng angkan namin ang pinagmulan nila. In fact, my mother said that its separation from the main branch was considered a blessing and a mission that the clan needed to be fulfilled," paliwanag ni Amiko na hindi tumitingin kay Tetsuya. But when she turned to look at him, siya naman ang kumunot ang noo nang makita ang kaseryosohan sa mukha ng binata. Uncharacteristically serious, at that. "Tetsuya?"
Pero ilang sandali muna ang lumipas bago nagbigat ng kahit na anong tugon si Tetsuya sa pagtawag na iyon ni Amiko. Hanggang sa tumango-tango ang lalaki at napatingin sa monitor ng computer na nasa harap ng dalawang shadow guardians.
"I guess I'll only find the answer there," Tetsuya uttered not long after.
Lalo lang kumunot ang noo ni Amiko. Pero napalitan iyon ng bahagyang pagkagulat nang tumunog ang cellphone ni Tetsuya. Nakita pa niya ang pagtataka sa mukha nito nang makita kung sino man ang tumatawag dito.
"Bakit?" naitanong na lang ni Amiko.
"Ano'ng meron at tinatawagan ako ni Lord Mamoru?" 'Di nagtagal ay sinagot na ni Tetsuya ang tawag na iyon. "Hello?"
It was the person on the other line who was talking, so no words came out of Tetsuya at first. Untilー
"Cronus did what?"
xxxxxx
UNTI-UNTING bumabagal ang paghinga ni Mamoru habang pinipilit ang sarili na tumakbo palayo sa Kusanagi Shrine at sapo ang kaliwang tagiliran na kasalukuyang nagdudugo. Hindi niya akalaing mapupuruhan siya ni Cronus ng ilang beses habang kinakalaban niya ito may isang oras na rin ang nakakaraan.
Pero dahil pinasabog pala ng walang-hiyang iyon ang sasakyang dala niya, napilitan si Mamoru na tumakbo at magtago muna. But he did so without forgetting to give Cronus almost the same damage that he sustained. Ang totoo niyan ay sugatan na si Cronus bago pa man siya nito mabaril nang dalawang beses sa tagiliran at ngayon ay iniinda na niya ang matinding sakit sa sumisigid mula roon.
Nakatitiyak si Mamoru na daplis lang ang naunang balang tumama sa kanya dahil kahit papaano ay nagawa pa niyang subukan na iwasan iyon. Pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi na siya nagkaroon ng ganoong suwerte dahil naramdaman niya ang tuluyang pagbaon ng bala sa tagiliran niya. Upon feeling that, he took his other gun hidden behind him and started shooting at Cronus.
Ngunit sa pagsigid ng matinding sakit mula sa tinamong sugat, nag-umpisa na ring manlabo ang tingin ni Mamoru sa paligid na dati'y hindi naman nangyayari kapag nababaril siya. Doon niya naisip na may mali yata sa balang tumama sa kanya at ang isa ay nasa loob pa ng katawan niya.
‘So this is what Shouko meant about having to deal with a poison invented by the Dark Rose, huh?’ Mapakla ang ngiting naisip na lang iyon ni Mamoru nang makitang tumakbo patakas si Cronus matapos itapon ang isang granada sa kanyang direksyon. Despite the pain and his hazy vision, he started running away, as well.
And then it exploded.
The resulting blast threw him quite far from his last position, though. Nagpagulong pa siya sa lupa dahil doon. Kaya naman ganoon na lang ang pagngiwi niya sa pagsigid ng panibagong sakit sa katawan niya.
"Now I can understand why Tetsuya would always refer to them as lunatics," ani Mamoru sa sarili habang pinipilit na tumayo at pagmasdan ang paglagablab ng bahaging pinasabog ni Cronus. Laking pasalamat na lang talaga niya na malayo sa Kusanagi Shrine ang naging pagsabog. Pero hindi malabong makakuha pa rin ito ng atensyon.
Kaya kailangan na niyang makaalis doon bago pa may makakita sa kanya na pakalat-kalat sa lugar na iyon. Tiniis niya ang patuloy na sumisigid na sakit at tumakbo na paalis doon. Though he was glad that the item he was still holding didn't fall off while running, he had a notion that Cronus attacked him in order to get it from him.
May nakitang isang lumang building si Mamoru 'di kalayuan sa Kusanagi Shrine. Pero isang kapuna-puna roon ay tila hindi na iyon pinupuntahan ng kahit na sino. Mukhang inabandona na ang lugar na iyon. But that thought only added more mystery to it.
Saka na lang iisipin iyon ni Mamoru. Sa ngayon ay kailangan muna niyang magtago at humingi na rin ng tulong kay Tetsuya. Ito lang sa ngayon ang magagawa niyang kontakin dahil alam niyang may kailangan itong gawin sa Shinomiya mansion.
The inside of the building looked really worn out. Pulos mga grafitti writings na ang nakikita niyang nakapinta sa bawat dingding ng unang palapag. Tila ba madalas na ginagamit ang lugar na iyon bilang tambayan o para sa ibang mga gawain na hindi nais ipakita sa madla. Huminga muna siya ng malalim nang makita ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Kahit hirap na, mas pinili pa rin niyang umakyat doon upang sa second floor na magpahinga at pansamantalang magtago. Napaupo na lang siya sa sahig sa isang bahagi ng palapag na iyon.
Huminga ng malalim si Mamoru at napatingin sa kisame na unti-unti nang nasisira ng panahon, marahil ay sa tagal na ring hindi naaayos iyon. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng jacket na suot at hinanap ang pangalan ni Tetsuya sa call log niya at pinindot iyon. Ilang sandali lang ang lumipas bago sinagot ni Tetsuya ang tawag.
"Hello?"
"I need your help, Tetsuya. Cronus attacked me while I was investigating the Kusanagi Shrine dito sa Casimera. Pero dahil pinasabog niya ang kotse ko at may ilang tama na rin ako ng bala, hindi ako makakauwi riyan," walang paliguy-ligoy na paliwanag niya sa isa pang pinsan na ngayon ay tinatawagan na niya sa kabilang linya.
"Cronus did what?"
Kulang na lang ay mapangiwi siya sa lakas ng boses ni Tetsuya nang ibulalas nito iyon. Pero ginawa rin niya iyon nang muling sumigid ang sakit sa tagiliran niya.
"Saka na ako magpapaliwanag. But I had this notion na ang hawak kong bahagi ng Rose Tablet ang pakay niya sa akin. As you know, it was the same artifact that Chie was investigating nang patayin siya ni Cronus 3 years ago." Biglang nakaramdam ng 'di maipaliwanag na pait sa kanyang kalooban si Mamoru nang mabanggit ang pangalan ng dating fianceé.
"Nasaan ka na ngayon?"
Dahil hindi niya alam ang eksaktong address ng building kung nasaan siya ng mga sandaling iyon, ibinigay na lang niya ang deskripsyon ng lugar. Laking pasalamat niya dahil alam pala iyon ni Tetsuya dahil minsan na pala nitong inimbestigahan iyon. Tinapos na niya ang tawag matapos nitong magbilin na huwag siyang aalis doon hanggang hindi dumarating ang back-up na kailangan niya.
Unti-unti nang napapapikit si Mamoru dahil sa magkahalong pagod, sakit, at pati na rin siguro ng kung anong inihalo sa balang tumama sa kanya. Kung ganito ba naman ang mangyayari sa kanya ay talagang hindi na siya makakaalis doon. Hinang-hina na nga ang pakiramdam niya, eh. Pero sa hindi maipaliwanag na rason, may kung ano sa lugar na iyon ang talagang nakakapagkalma sa kanya ng mga sandaling iyon. Iyon marahil ang dahilan kung bakit wala siyang nararamdamang kahit na anong takot at pangamba kahit napapapikit na siya roon.
And for some odd reason, Mamoru could hear a faint melody around him... as if somebody was playing a flute.
Sino kaya iyon? At saan nanggaling iyon?
Pinilit na binuksan ni Mamoru ang kanyang mga mata nang makarinig ng mahinang mga yabag na palapit sa kanya. He saw a pair of fair-skinned feet wearing white doll shoes. Bahagya niyang itinaas ang tingin para mabistahan sana ang itsura ng taong iyon. But he only saw the figure of a young woman wearing a light blue square pants and a glimpse of a... long blade?
‘A katana?’ He would've gotten up and run as soon as he saw that. Pero wala na talaga siyang lakas para gawin iyon. Sa halip ay nag-angat siya ng tingin para makita nang husto kung sino man ang lumapit sa kanya ng mga sandaling iyon.
"Mamoru?" anang babae nang lumuhod ito sa harap niya at tiningnan siya na bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
Magsasalita pa sana siya pero tuluyan nang bumagsak ang talukap ng kanyang mga mata. But for some reason, he still felt a tear fall from his right eye as two names flashed in his mind along with a vision of Chie's gentle expression.
‘Chie... Kohaku…’
No comments:
Post a Comment